Tip:
Highlight text to annotate it
X
Pamagat: Langit Ay Panimula Lamang
Puna: Gitnang Silangan at Aprika Lakbay Panayam
Paksa: Maging Tagapagdala ng Sulo Para sa Diyos
Petsa: Nobyembre 25, 1999
Lugar: Johannesburg, Timog Aprika
Salita: Ingles
Puna: Gitnang Silangan at Aprika Lakbay Panayam
Mga Binibini at mga Ginoo, panahon na upang maranasan
ang naliliwanagang karunungan ni Supreme Master Ching Hai.
Salamat, Master.
Salamat, salamat.
Tinawag ninyo akong Master, subalit lahat kayo ay Master.
Nakalimutan lamang ninyo, nakalimutan lamang ninyo.
Kung tayo ay nagkakaisa,
kung naaalala natin ang pagkakaisa ng daigdig,
na kinabibilangan ng ating mga sarili,
samakatwid maaalala natin na tayo ay kaisa ng Diyos,
kaisa ng higit na nangingibabaw na Katalinuhan.
At kung nakakalimutan natin ito, kung gayon ay nakakalimutan natin ang lahat.
At pinipilit nating alalahanin iyan sa pamamagitan ng ibat-ibang paraan,
tulad ng mga panalangin, mga kasulatan, yoga, meditasyon.
Lahat ng ito ay mabuti. Lahat ng ito ay mabuti para sa atin.
Isang araw ating tunay na maaalala na tayong lahat ay pawang mga Guro.
Wala sinuman sa silid na ito o saan pa man na hindi isang Guro.
Sapagkat, hindi tayo maaaring mahiwalay mula sa Guro na higit na nangingibabaw.
At tayo ay nasa pangingibabaw na iyan, at kaisa nito,
at iyan ang tanging bagay na gawa tayo.
Wala ng iba pang bagay kung saan gawa ang ating pagkatao
maliban sa esensiya ng Diyos, maliban sa pinakadakilang mga bagay,
na tinatawag nating Katotohanan, Karunungan, Diyos, Diyosa, Buddha.
tawagin anumang ngalan nais ninyong tawagin itong Pinakadakilang Nilalang sa uniberso
na kahit na kaisa natin, na nasa bawat isa sa atin.
Kung kaya sa oras ng kamatayan,
ang tinatawag na ating mga sarili, o ang katawan,
ay nakahiga ng tuwid sa lupa, o kahit saan, at hindi kumikilos.
Sapagkat ang esensiya ng lahat ng pagkilos, ng lahat ng mga gawain,
ay piniling iwan iyang pisikal na instrumento sa oras na iyan,
malamang na naghahanap ng ibang instrumento
upang mapalawak ang karanasan ang walang hangganan, ang kalawakan,
nitong Dakilang Nilalang na tinatawag nating Diyos,
na kaisa natin, sa katotohanan.
Minsang matagpuan nating muli ang pagiging isa
dito sa puno ng nangingibabaw na Katalinuhan, puno ng ngangingibabaw na Pag-ibig,
tinatawag natin itong kaliwanagan,
tinatawag nating pagkakilala sa Diyos o Pagkilala sa ating sarili
o pagkaabot sa pagiging Buddha.
Ibat-ibang mga bansa
ay tinatawag itong Katalinuhan, itong Karunungan, itong dakilang pag ibig,
ng ibat-ibang katawagan, sapagkat sila ay nagsasalita ng ibat-ibang wika.
Kung hindi, tanging isa lamang,
ang pagiging isa na sumaklaw sa lahat ng bagay, kabilang ang ating mga sarili.
At tayo ay hinding-hindi mahihiwalay mula Pagkakaisang ito, kahit na pilitin natin.
Ang tanging dahilan na nadarama natin ang pagkahiwalay mula sa Pagkakaisang ito
ay dahil sa pinili nating kalimutan ang pagkakaisa
upang muli nating maranasan itong kadakilaan
at maaari nating likhain muli ang ating sarili sa pamamagitan ng pagkalimot,
o alalahaning muli ang kagalakan ng Langit, ng pagkakaisa sa Diyos,
na ating mga sarili, ating Dakilang Sarili.
Kung kayat kung tayo ay namamatay.
Halimbawa, maraming tao ang lagi ng nagtatanong sa akin:
"Anong nangyayari kapag tayo ay namatay?"
Parati kong sinasabi, "Hindi pa ako namatay, kaya hindi ko alam."
Subalit maaari nating maranasan ang pakiramdam ng kamatayan
habang tayo ay nasa taimtim na panalangin o kontemplasyon.
Kung tayo ay taimtim na nananalangin,
hindi natin alintana ang lahat ng ating kapaligiran, maging ang ating mga sarili,
at lahat ng kabalisahan ay aalis mula sa atin.
Ito ang oras na tinatawag ng mga yogi sa India na "samadhi".
Habang nasa panahon ng samadhi mararanasan natin ang pagiging isa sa Diyos,
halos pareho sa panahon kung tayo ay namamatay.
Kung kayat sa Bibliya ay binabanggit na:
Matutong mamatay upang magsimula kang mabuhay.
At isang santo ay nagsabi rin na, "Ako ay namamatay araw-araw."
"Sinuman ang tumalikod sa laman para sa espiritu ay makakatagpo ng Diyos," At iba pa.
Paano natin kalilimutan o tatalikuran ang laman?
Araw-araw marami tayong mga problema sa pamumuhay, ng kaligtasan.
Bawat maliliit na mga bagay na nakikita natin sa ating palibot,
lahat ng ating makakasagupa sa panahon ng ating buhay,
ay lagi ng nagpapaalala sa atin na tayo ay isang pisikal na nilalang,
tayo ay tao lamang mahina, marupok na nilalang,
walang kalaban-laban sa harap ng tadhana. Kaya paano natin ito makakalimutan?
Kaya natin!
Kaya natin kung tayo ay magsasanay. Kaya natin kung alam natin kung paano.
Ito ay napaka simple. Bawat isa sa atin ay kaya itong gawin.
Mayroon tayong mga bata mula anim na taon o mas bata pa diyan lima!
Naranasan na nila ang pagiging isa sa Diyos.
Naranasan na nila ang pambihirang damdamin
ng pagtalikod sa laman at pakikiisa sa espiritu,
o pagdalaw sa langit habang nabubuhay.
Tulad lamang ng pagtungo Ko sa Aprika upang dalawin ang inyong magandang bansa,
at pagkatapos bukas o sa susunod na mga araw ako ay babalik sa ibang bansa,
o babalik kung saan ang aking bahay.
Ito ay ganyan lamang kasimple.
Maaari nating dalawin ang langit at muling bumalik sa daigdig
hindi sa pamamagitan ng katawan, subalit sa pamamagitan ng esensiya ng ating pagkatao…
Tinatawag natin itong kaluluwa o ng espiritu na parating kaisa ng Diyos.
Ang katawan ay tulad lamang ng lugar na tuunan
upang ang kaluluwa ay makapagbigay ng lahat ng atensiyon doon
upang makakuha ng ilang makalupang karanasan
na nais niyang maranasan upang pansamantala ay.
Kung ang kaluluwa ay isang lalaki o babae alam ninyo, kailangan may masabi tayo.
Sige, siya ay nais makaranas ng anuman dito sa materyal na pamumuhay,
samakatwid ang kaluluwang iyan o iyang bahagi ng kadakilaan ng Diyos
ay kinakailangang ipokus sa ilang dako,
ituon ng husto upang kanyang makalimutan ng lubusan ang tungkol sa pagiging isa sa Diyos.
Sa sandaling iyan, tao ay isinilang,
sinasabi nating tayo ay isinilang sa pisikal na mundo at mayroon tayong katawan.
At hanggang ang kaluluwa o ang bahagi ng kamalayan ng Diyos
ay nananatiling nakatuon dito sa lugar na tuunan ng katawan
o anumang katawan na kanyang pinili na pagtutunan,
sinasabi natin na iyan ay lalaki, na iyan ay babae,
iyan ay tao o iyan ay ano.
Sa katotohanan, ang bahaging iyan ng Kaluluwa, o tinatawag nating indibidwal na kaluluwa,
ay-hindi iniwan ang kabuuan ng kamalayan ng Diyos.
Kaya tayo ay tunay na hindi isinilang, o hinding-hindi mamamatay.
Subalit maaari tayong pumili na kalimutang ganap ang tungkol sa Diyos,
ang tungkol sa buong pagkakaisa ng ating sarili,
at ituon na lamang dito sa pisikal na kalagayan.
Samakatwid ay hinding-hindi natin mararanasan ang pagka Diyos,
kahit na ang Diyos ay nasa sa atin, saanman.
Subalit kung pinili natin ang mamulat upang makaalala, kung gayon ay kaya natin.
Kaya nating talikuran ang ating atensiyon pansumandali,
huwag ipokus dito sa pisikal na kalagayan pansumandali,
ipokus natin pabalik sa pagkakaisa,
kung gayon matatagpuan natin ang Diyos…
mauunawaan natin na hinding-hindi natin tinalikuran ang Diyos,
na tayo ay kaisa ng Diyos,
at tayo ay parati ng hindi nahihiwalay mula sa Diyos.
Kaya ito lamang ang lihim ng sanlibutan.
Ito ay hindi higit sa ating mga sarili, ng ating sariling kamalayan,
na makapamili sa lahat ng oras.
Pinili nating maging isang tao,
at pagkatapos ay ipokus sa katawan upang ating maranasan ang buhay ng tao.
lahat ng kalungkutan, ng paghihirap, ng kaligayahan,
ang pakikipagsapalaran ng laman, ng kasiyahan, ng sakit.
Sa oras na maramdaman natin na mayroon na tayong sapat na karanasang pisikal,
nanaisin nating makaranas ng iba,
at tayo ay pipili ng ibang pagpipilian.
Maaari nating piliing maging isang Deva,
o maaari nating piliing maranasang maging isang bulaklak.
iyan ay posible rin!
Kung kaya't ito ay isinilang, ang teyorya ng reingkarnasyon,
ng paglilipat sa ibat-ibang antas ng pagkabuhay.
Subalit sa katotohanan, tayo ay hindi tumungo saan man,
hindi pumaitaas o pumaibaba.
Tayo lamang ay walang katapusang umaagos sa puwersa ng buhay sa sanlibutan,
parating nasa kalagayan ng pagka Diyos,
subalit walang katapusang karanasan sa ibang bahaging tuunan ng ating sariling kasiyahan,
para sa ating sariling kalibangan.
Subalit habang tayo ay nasa pisikal na katawan,
minsan ay nakakalimutan natin ang karunungan ng ating mga sarili.
Kung gayon,
nakalimutan natin ang ating piniling gawin bago tayo pumarito.
Kaya ang pinili natin ay maaaring magdala sa atin ng ilang sakit o paghihirap.
Pagkatapos, ngayon tayo ay nagrereklamo.
Nagrereklamo tayo ng husto, dahil ayaw natin ng paghihirap.
Ayaw ng katawan ng paghihirap, ayaw ng kaisipan ng bigat.
Subalit iyan ang nais ng kaluluwa na maranasan.
Nais niyang maranasan ang kabigatan
upang kanyang muling tanggapin ang kalayaan sa kamalayan ng Diyos.
Nais niyang piliin ang paghihirap upang siya ay muling masiyahan ng maraming beses
sa minsan pa niyang pagpasok sa walang hanggang kaligayahan
At iyan ay kung bakit tayo naririto,
upang makilala natin ng lubos ang Diyos, makilala natin ng lubos ang ating mga sarili.
Tulad lamang na tayo ay ang hari ng sinaunang nasyon.
minsan ang hari ay nagbalatkayo bilang isang karaniwang tao
at nakisalamuha sa mga tao
upang maunawaan kung ano ang tunay na pagka mamamayan.
At sa kanyang pagbabalik ay matatanggap nito ang kanyang katungkulan ng mas mabuti.
ang kanyang maginhawang palasyo, lahat ng mga katulong na naglilingkod sa kanya,
lahat ng kapangyarihan na mayroon siya.
Sa kanyang pagbalatkayo ng kanyang sarili bilang isang pangkaraniwang tao,
kinailangan niyang dumanas ng lahat ng uri ng paghihirap,
lahat ng uri ng pagkapang karaniwan, tulad ng bawat isa na kanyang nasasakupan.
Hindi niya maaaring ibunyag ang kanyang sarili, na siya ay isang hari.
Sa katotohanan, marapat niyang takpan ng lubusan ang kanyang pagkaka kilanlan
upang kanyang tunay, tunay na makahalubilo ang mga mamamayan ng kanyang nasyon
at maranasan kung paano ang kanilang pang araw-araw na buhay.
Kahalintulad, minsan na tayong kasama ng Diyos. Ibig kong sabihin sa kamalayan, sa mga oras na iyan.
Hinding-hindi pa tayo nalalayo mula sa Diyos,
subalit ngayon ay-hindi natin sinasadyang alalahanin iyan.
Kung kayat tayo ay mayroong sapat na paghihirap sa pisikal na buhay na ito,
mayroon tayong sapat na makamundong karanasan,
kaya tayo ay nagsasawa,
pakiramdam natin ay wala ng anumang bagay dito para ikasiya natin.
Nais nating malaman kung saan tayo nagmula,
ano pa ang mayroon dito sa malawak na daigdig na nilikha ng Diyos
na nanarapat nating maranasan.
Ito ang oras.
na tanungin itong katanungan, kung tayo ay nagtataka ng tulad nito,
ito ang oras na ating mararanasan ang kaliwanagan.
Tayo ay handa! Tayo ay handa para dito.
Kaya tayo ay pumarito upang maging isang tao,
upang maging naiibang mga tao.
Minsan kung ating itinuon sa isang bahaging tuunan o isang pagkabuhay ng tao,
at hindi natin naramdaman na tayo ay mayroong sapat na pisikal na kasiyahan
o pisikal na pakikipagsapalaran,
at pagkatapos ay ating ituon sa iba pang pagkabuhay ng isa pang tao.
At tayo ay magpapatuloy ng higit pa, hanggang sa tayo ay mapagod.
Sa katunayan, sinumang handa
ay makakaranas ng liwanag ng Diyos pakikiisa ng Diyos at kaliwanagan.
Iyan ay napaka simpleng tulad. Niyan ito ay nasa inyong pagpili lamang.
Pinili ninyong makalimot, at ngayon ay pinili ninyong makaalala.
Kaya kung sa tingin ninyo na ngayon ay pinili ninyong makaalala muli,
kung gayon siyempre ay narito Ako upang paglingkuran kayo,
sapagkat binigyan ako ng Diyos ng pahintulot at inutusang gawin iyan.
At maaari isang araw, matapos ninyong maalala lahat tungkol sa inyong sarili,
Sasabihin din ng Diyos ang katulad sa inyo:
"Humayo, aking anak! Humayo, aking anak!
Gumawa ng ilang serbisyo sa aking mga anak, o sa aking sarili."
Sapagkat hinding-hindi tayo nahiwalay mula sa Diyos, alalahanin iyan.
Kahit na hindi ninyo maalala, piniwalaan lamang ako.
Wala tayong ibang patutunguhan maliban sa loob ng kamalayan ng Diyos.
Wala tayong iba pang lugar maliban sa tahanan ng Diyos sa ngayon.
Saanman, nahihigitan nito bawat nilalang sa mundong ito.
Lahat ng bulaklak, ang araw, ang buwan, ang mga bituin,
ang mga planeta, mga galaksi, ay lahat nasa loob ng Diyos.
Walang bagay na makakawala sa pagka Diyos.
Kaya kahit na hindi tayo naliliwanagan, tayo ay ayos, rin.
Walang impiyerno sa katunayan, na mapupuntanan.
Para sa nakaaalam na kaluluwa, walang anumang bagay tulad ng impiyerno,
ngunit isa lamang pansamantalang dumaraan na karanasan na kinakailangan niyang danasin,
sa landas ng walang hanggan,
sapagkat pinili niyang maranasan ang ilang tinatawag na pagpapakasakit
upang lumago, upang muling maunawaan ang kaligayahan.
Bawat kaluluwa, bawat maliliit na bahagi ng Diyos, ay piniling tahakin ang ibat-ibang landas
upang maranasan ang ibat-ibang aspeto ng Diyos.
At ang buong karanasan ng lahat ng sangkatauhan o lahat ng tao
ay gawa sa kabuuan ng Diyos.
Samakatwid, sabi na Hesus: "Mahalin ang kapwa."
Maging, "Mahalin ang kaaway."
Sapagkat bawat isa ay tayo!
Pinili nilang gumanap ng papel na iyan lamang.
Walang kaaway,
tayo lamang, ibat-ibang bahaging tuunan ng Diyos lamang,
upang gawin ang buhay na higit na sagana, higit na naiiba,
higit na kakaiba, mas makulay,
tulad lamang na ginawa niya tayong ibat-ibang mga kulay
upang masiyahan tayo sa bawat isa.
Tulad ng ako ay mukhang cornflakes...mais!
At kayo ay mukhang tsokolate.
Oo, at mukha siyang aysing. Alam ninyo, Paskong aysing. Oo, oo.
Oo, sapagkat ang Diyos ay makulay!
Tulad lang ng paggawa niya ng ibat-ibang bulaklak na iba iba ang kulay maging ang prutas!
Mula sa parehong lupa,
nakakakuha tayo ng maraming ibat-ibang prutas at ibat-ibang bulaklak.
Ito ay ibat-ibang kulay!
Ang mga taga Aprika ay pinili na parating magsuot ng makukulay na kasuotan.
sapagkat sa kalooban, sa palagay ko ay nadarama nilang sila ay malapit sa Diyos.
Sila ay napakasaya! Alam nilang ito...
Kaya, wala talagang anumang mahiwaga o mahirap
tungkol sa paghahanap sa Diyos o paghahanap sa ating Totoong Sarili
sapagkat tayo ay hindi nagging anupaman kundi Diyos, esensiya ng Diyos,
kaisa ng Diyos, o anak ng Diyos, mga anak ng Diyos,
katiting ng Diyos, bahagi ng Diyos.
Tulad lamang ng isda sa dagat.
isinilang siya sa dagat, nakatira siya sa dagat,
at kapag ito ay namatay ito ay magiging dagat muli.
Alam ninyo, mga bagay tulad niyan.
Kaya tayo ay hinding-hindi tumungo saan man.
Nais ko lamang sabihin sa inyo ang magandang balita na aking natuklasan.
na wala tayong impiyernong pupuntahan,
hinding-hindi tayo masasadlak sa walang hanggang kadiliman o pagdurusa.
Walang anumang bagay tulad ng walang katapusang pagdurusa,
sapagkat mayroon lamang walang hanggang pag-ibig.
Ang problema sa atin sa ngayon ay kailangan nating baguhin ang ating pagiisip.
Kailangan nating magbago.
Marami tayong pakiramdam ng pagkamaysala, takot sa lahat ng bagay.
Pakiramdam ng pagkamaysala kung tayo ay nagtagumpay.
Ang mga tao ay gagawin tayong makaramdam ng pagkamaysala, kung tayo ay mayaman, din!
Kung binigyan tayo ng Diyos ng ilang kayamanan o matagumpay na negosyo,
ang mga tao ay gagawin tayong makaramdam ng pagkamaysala! Oo.
Kung ikaw ay mayroong magandang asawa, ang mga tao ay gagawin ka ring makaramdam ng masama, minsan.
Oo! Lalapit sila at tatanungin ka:
"Paano mo nakilala itong magandang babae?"
O tatanungin nila siya: "Ano ang nakikita mo sa lalaking iyan? Huh?
Siyay napaka pangit!" Mga bagay tulad niyan.
Oo, wala kang pakialam! Gagawin ka nilang makaramdam ng masama. Oo!
Gagawin ka nilang makaramdam ng pagkamaysala kung ikaw ay maraming pera.
Gagawin ka nilang makaramdam ng pagkamaysala kung ikaw ay tagumpay sa pulitika o negosyo.
Ito ay bagay, dahil.
Gagawin ka rin nilang makaramdam ng pagkamaysala tungkol
sa mga bagay na ginagawa mo sa iyong silid kasama ang iyong minamahal.
Oo, ikinalulungkot Ko, ito rin ay hindi kapani-paniwala.
Ikinandado mo na ang iyong pintuan, isinara ang kurtina,
subalit gagawin pa rin nilang makaramdam ka ng masama sa loob nito.
Ipinahahayag mo lamang ang iyong pagmamahal sa ibang paraan, tama?
At ang buong mundo ay nakadarama ng pagkamaysala tungkol sa maraming bagay
sapagkat tayo ay tinuruan sa ganyang paraan.
Ang doktrinang ito ay-hindi tama.
Kaya si Hesus ay kinailangang dumating, si Moses ay kinailangang dumating upang palayain tayo.
palayain tayo hindi lamang sa pamamagitan ng Kanyang pagdurusa, subalit sa mga aral,
nagsasabi sa iyo na ang Diyos ay mapagmahal:
"Kumatok at ito ay bubuksan. Humingi at ito ay ibibigay sa iyo."
Subalit saan ka kakatok? Oo.
Ni hindi na tayo makakatok, tayo ay napakahina!
Tayo ay pinahihirapan ng pagkamaysala at takot, takot mula sa mapaghiganting Diyos.
Walang anumang bagay tulad ng mapaghiganting Diyos.
Kung siya ay mapaghiganti, siya ay tulad natin, tulad mo at ako:
Isang mapandigmang Diyos, alam ninyo? "Gumawa ka ng mabuting bagay sa akin o kung hindi!"
Hindi ito Diyos! Kaya mo *** isipin ang ganyang Diyos?
Kung gayon hindi na natin marapat sambahin ang ganyan kaliit na pagiisip, kakitid na tao.
Kung siya ay tunay na tao, kung mayroong Diyos tulad niyan,
hindi natin kailangang mag alala tungkol sa pagsamba sa kanya
sapagkat Siya ay tulad lamang ng isa sa mga mapang-abuso ng kapangyarihang tao.
Maging sa planetang ito, isipin ito:
Mayroon kang mga anak o mayroon kang asawa.
Minsan ang asawang babae ay gumawa ng kamalian, ang iyong asawang lalaki ay nalihis ng kaunti,
pinatawad mo pa rin siya, niyakap mo pa rin siya, at:
"Sige, pinapatawad na Kita. Huwag na itong gawin muli!"
O ang mga anak ninyo minsan ay binibigyan kayo ng mga kaguluhan
sapagkat sila ay matitigas ang ulo,hindi nila kayo pinakikinggan,
binibigyan kayo ng sakit ng ulo.
Pinatatawad ninyo pa rin sila, minamahal pa rin sila,
at binibigay sa kanila ang pagmamahal na maaaring maibigay ng mga magulang.
maging pera, lahat ng bagay, sakripisyo!
Kaya paanong ang Diyos,
ang pinakadakilang Ama o Ina sa lahat ng sanlibutan,
ay maging mapaghiganti,
at sumpain kayo sa impiyerno dahil lamang sa kayo ay tao,
hindi kayo nakakaalam ng higit, at nagkakamali kayo minsan.
Kaya itong uri ng takot
ay naidulot sa atin ng mga henerasyon.
Kung kaya natagpuan natin ang ating mga sarili na napakahina ngayon
na paniwalaang mayroong Diyos na sasagot sa ating mga panalangin.
Kung kaya kapag tayo ay nananalangin, hindi tayo nananalangin ng taus puso,
wala tayong pananalig na ang ating panalangin ay tutugunin.
Subalit sinasabi sa Bibliya:
"Kumatok at ito ay pagbubuksan, humiling at ito ay ibibigay."
Ito ay tulad niyan! Ito ay tunay na tulad niyan tungkol sa Diyos.
Anuman ang iyong nagawa, ano ang ginagawa, Parati niyang tutugunin ang inyong mga panalangin.
Kailangan lamang nating makinig.
Ipakikita ko sa inyo kung paano makinig sa Kanya.
Ito, kinakailangan nating baguhin ang paraan ng ating pag iisip.
Kailangan nating maniwala mula ngayon na ang Diyos ay mapagpatawad, mapagmahal.
Kahit hindi kayo naniniwala na ang Diyos ay mapag patawad, mapagmahal,
maniwala kayo na si Hesus ay pumarito at nagpakasakit para sa inyo.
At aking ipakikita sa inyo na ang sinabi Niya ay totoo.
Ipakikita ko sa inyo na totoong may Diyos.
Diyos Ama, Diyos Ina, o Buddha, sinuman na inyong pinaniniwalaan. Maging si Allah.
Sinuman na tinawag mo ang Kanyang pangalan ng lahat ng inyong pagmamahal,
lahat ng iyong kagandahan, lahat ng iyong paniniwala,
iyan ang Diyos na lagi ng mapagmahal,
hinding-hindi, namintas sa iyo, kahit na isang praksiyon ng segundo.
Anumang oras na bumaling ka sa Kanya,
kahit gaano kasama ang nagawa mo sa iyong buhay,
Bubuksan niya ang pinto kaagad!
Kung kaya tinawag natin itong paraan na agarang kaliwanagan,
dahil sa ito ay agaran.
At araw-araw ay maaari kang magsanay muli at muli
hanggang sa lubos mong maalala na
mayroon lamang isang bagay sa buhay na ito, ito ang Diyos at Siya ay nasa lahat ng lugar,
at pagkatapos ikaw ay magiging masaya.
Magiging masaya ka mula sa araw na makita mo ang Kanyang Liwanag, ang unang araw lamang.
Maaaring ngayon.
Kung ako ay sapat ninyong pagkakatiwalaan na ialay itong serbisyo sa inyo,
makakamit ninyo ito kaagad, walang problema!
Makikita mo na anuman ang sinasabi sa Bibliya,
ito ay isang daang porsiyentong tama.
Tulad ng nakita ni Moises ang Diyos,
si Hesus ay naging kaisa ng Diyos kaya Siya ay naging.. .
O, Siya ay parati ng ang Anak ng Diyos, subalit hindi lamang Siya ang Anak ng Diyos.
Tayo rin ay mga anak ng Diyos.
Ang Diyos ay-hindi inutil! Hindi siya gumawa ng iisang anak lamang.
Gumawa siya ng marami.
Ito lamang ay dahil sa si Hesus ay nakaalala,
naalala Niya ang pinakamataas na sarili ng Kanyang ugnayan sa Diyos.
Naalala niya ang buong bagay,
at tayo ay hindi nakaalala. Iyan lamang.
Mayroong dalawang anak ang hari.
Ang isa ay pagala gala sa lahat ng lupain
at nakalimutan na siya ay isang prinsipe.
Ang isa ay nanatili sa kanyang ama at naalalang siya ay prinsipe.
Pareho silang prinsipe, oo. Walang pagkakaiba!
Isang araw kanyang naalala, siya ay bumalik. Ito ay kahalintulad. Oo!
Kaya tayo ay ang mga lagalag na anak ng Diyos,
at sa sandaling nais mo ng umuwi, ito ay naroon lamang.
Lahat ay nilikha ng isip lamang.
Halimbawa, ngayon tayo ay nasa pisikal na katawan,
kaya hindi ninyo lubusang nauunawaan ang mga aral ni Hesus o ni Buddha.
Sapagkat sinasabi na:
Anuman ang iyong hilingin, ibibigay ito sa inyo ng inyong Ama.
Ibig sabihin na anuman ang inyong isipin Anuman ang inyong hilingin,
ito ay matutupad.
Subalit hindi natin ito mapaniwalaan
sapagkat tayo ay nakabilanggo dito sa pisikal na kadena na tinatawag nating katawan.
Kaya upang maranasan ang kawalang hanggang ng pagibig,
ang kawalang hanggan, ang higit na pangingibabaw, ganap, walang hanggang pagibig ng Diyos,
kailangan nating pumaitaas sa katawan.
At ipakikita Ko sa inyo kung paano iyan gawin. Ito ay napaka simple.
Kaya mo iyang gawin sa bus, sa eroplano, sa parke, kahit saan.
Walang kundisyon. Ipakikita ko sa inyo kung paano sa ilang minuto.
At maipakikita Ko sa inyo ng mas malalim,
naiibang antas ng paglisan. pagtalikod sa katawan.
Para sa ilan sa inyo, kung nais lamang ninyong subukan,
alam ninyo, tulad lamang kapag kayo ay pumunta sa tindahan
at sinubukan lamang ninyo ang maliit na keso upang malaman aling keso ang masarap,
at ibibigay Ko sa inyo, tulad, sa ilang minuto,
Kung nais ninyo ng mas malalim, mayroong ilang bagay na dapat ninyong malaman ng higit,
kaya ito ay gugugol ng ilang oras upang ipaliwanag sa inyo.
Subalit ang kaliwanagan ay segundo lamang.
Ang pagpapaliwanag ay mas matagal.
Bakit ang paliwanag?
Sapagkat kailangan ninyo itong gawing mag isa sa bahay
kung kaya kailangan ninyong malaman ang lahat. Oo?
Kaya alagaan ang inyong sarili at maging guro ng inyong sarili.
At pagkatapos ay hindi na ninyo ako kinakailangan pang tawaging Guro,
tawagin ninyong Guro ang inyong sarili.
O huwag ng mag abala. Tayo ay magkakaibigan, oo!
Bawat isa sa atin ay pantay, pantay. Tunay na tulad niyan.
Kaya ngayon, ano ang ating, Sige, saan Ako saan ang.
Oh, napakaraming bagay mula rito. Ah, dahan dahan, pakiusap!
Siya ay nagsasalita ng mabilis.
Ang bibig ko ay hindi sapat na mabilis
sapagkat sa mas mataas na dimensiyon, ni hindi tayo mag uusap
at mauunawaan natin ang bawat isa lamang…
tulad lamang ng pakikipag usap Ko sa aking sarili sa aking ulo.
Alam ninyo, kaya narito ang mensahe ay dumarating ng napakabilis,
kaya minsan Ako ay nakakalimot, hindi Ako makahabol.
Nasaan na Ako kanina? May sinasabi ba Ako bago iyan?
Pumaitaas sa ibabaw ng katawan, tama? Sige, sige.
Ang dahilan kung bakit hindi natin alam na tayo ay kaisa ng Diyos
at lahat ng ating naisin o alalahanin
ay parati nang nasa harapan ng ating ilong,
ay dahil sa tayo ay nakakadena sa pisikal na katawang ito.
Kaya sa pagpapaitaas sa ibabaw ng katawan may paraan upang gawin iyan.
Kaya maaari nating makaugnayan si Hesus, ang Buddha o si Muhammad,
sinuman sa mga nakaraang mga Guro na iniwan ang pisikal na kapaligiran
at pumasok sa ibang dimensiyon.
Kaya upang Makita sila, papasok tayo sa kanilang dimensiyon, at makikita natin sila.
Ito ay napaka simple, ayos?
Pinaka nais kong Makita ang mga tao sa Aprika, Pumarito Ako.
At nais Kong makita ang mga Ingles na tao, ako ay pumunta sa Englatera. Oo!
Mayroong mga Ingles na tao na pumupunta sa aking bahay minsan,
o ilan sa mga kapatid sa Timog Aprika ay pumupunta sa aking bahay minsan,
subalit sila ay bibihira, kita ninyo?
Kung nais Kong makita ang buong tao ng Aprika, pupunta Ako dito. Ganyan lamang!
Kung nais ninyong makita ang buong langit o pagka Diyos o ilang makalangit na mansiyon,
kailangan nating pumaitaas sa kanilang lugar.
At magagawa natin iyan sa pamamagitan ng isip-malalim, malalim, malalim na pag iisip.
Ipakikita ko sa inyo kung paano ang kapangyarihan ng inyong isip
upang makalabas sa tarangkahan dito,
at makapasok sa ibang dimensiyon anumang oras na naisin.
Magsanay kayo at magagawa ninyo iyan anumang oras, saan man.
Kaya ano ang nangyari.
bakit nasabi ng mga santo na kailangan nating matutong mamatay upang magsimula kayong mabuhay,
ay dahil sa kung matutunan ninyong gawin itong taimtim na kontemplasyon
sa malalim na kaisipang panalangin,
kung gayon ay makakapasok tayo sa dimensiyon ng makalangit na kalagayan.
At ito ay tulad lamang sa sandali ng kamatayan
sa marami, maging ng pangkaraniwang mga tao.
Hindi kailangang sabihin na tagasanay, mga yogi o anupaman.
Pangkaraniwang mga tao, kapag ang kanilang kunsensiya ay malinis,
ang buhay nila ay nagging perpektong halimbawa ng kabutihan,
kapag sila ay namatay, matatagpuan nila ang kanilang sarili na malaya,
matatagpuan nila ang kanilang mga sarili na higit na nangingibabaw saanman ng sabay,
at sa lugar na wala sila.
At kailan man na mayroon silang naisin,
ang bagay na iyan ay darating sa harap nila mismo.
Kailanman na may isipin silang tao,
ang taong iyan ay lilitaw sa harap nila mismo,
o sa ibang salita,
maipapakita kaagad ang kanilang mga sarili sa harap
ng mga bagay na nais nila o ang tao na nais nilang makita.
Kung kaya kapag tayo ay natutong mamatay,
ibig sabihin ay iniiwan natin itong pisikal na katawan at namamatay pansamantala,
mayroon din tayong ganitong uri ng karanasan.
Kung gayon ay malalaman natin ng eksakto, anuman ang ating nais,
Ipagkakaloob ito ng Diyos sa atin, Ibibigay ito ng Diyos sa atin.
Dito lamang sa pisikal na katawan,
tayo ay napaka bulag, pipi at bingi sa makalangit na biyaya, sa pagmamahal ng Diyos,
na nakadarama tayo ng walang kakayahan.
Tayo ang pinakamahina kung tayo ay nasa pisikal na katawang ito.
Tulad lamang na ikaw ay nakandaduhan sa kahon
at ang susi ay naitapon sa ilog.
Ito ay tulad niyan, napakahina!
Kaya kinakailangan nating matuto na pumaitaas dito sa pisikal na bilangguan
upang tunay na maranasan ang kaluwalhatian ng pagibig.
At tayo ay magiging maligaya araw-araw na hindi na mahalaga saan man tayo naroon,
hindi mahalaga gaano man karami mayroon tayo, o wala tayo,
tayo ay parati ng kontento, parating masaya.
Kaya si Hesus ay hindi natinag sa harap ng kamatayan.
Sabi niya, "Ama, labis mo akong niluwalhati."
Tinanggap niya ang pagpapako. Hindi siya tumakas.
Kaya Niya, kaya Niya, anumang oras.
Ang tao na may ganoong kapangyarihan at karunungan, kaya Niyang gawin ang anumang bagay!
Subalit hindi Niya ninais.
Bakit Niya tatakasan ang bagay
na alam Niyang makadarama Siya dito ng higit na kaluwalhatian,
higit na kaligayahan, higit na kalayaan?
Bakit Siya makadarama ng pagiging malapit sa maliit na bilangguang ito
kung batid Niya ang kalawakan ng langit?
Bakit Siya magiging malapit sa Kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan
sa pisikal na dimensiyong ito,
kung batid Niya na makikita Niya ang Ama sa langit,
at alam Niya na ang lahat ng mga kapatid,
lahat ng mga kamag anak at mga kaibigan,
ay magiging kaisa Niya sa bandang huli, kahit paano?
Iyan ang tunay na pagpapalaya.
Walang kalayaan kumpara sa kalayaang ito ng pagkilala sa Diyos.
Iyan ang tanging tunay na kalayaan na marapat nating hanapin.
Ako ay handang maglingkod sa inyo sa paraang kaya ko
kung sa tingin ninyo ay handa na kayong muling pumili…
nagkaroon ka na ng sapat sa buhay na ito, nais mo na naman na magkaroon ng ibang pipiliin.
Magkagayunman,
hindi natin tatalikuran ang mundong ito upang tumungo sa langit, hindi!
Maaari pa rin nating makamit ang pareho.
Halimbawa, ako ay narito pa.
Nasisiyahan lamang ako sa langit araw-araw, subalit nasisiyahan din ako sa buhay na ito.
Kita ninyo, nasisiyahan Ako sa inyong mga alahas at inyong mga kasuotan ng labis.
Minsan ang mga tao na espirituwal,
kung pinili nilang maging matagumpay din sa buhay na ito,
kaya din nilang maging matagumpay.
Magkakaibang mga Guro ay pumili ng ibat-ibang paraan
upang ipahayag ang pagmamahal ng Diyos.
Ang ilang mga Guro ay pinili ang paraan ng ganap na pagtalikod,
tulad ni Hesus, tulad ni Buddha.
Subalit ilan sa mga Guro ay pinili na gamitin ang mga biyaya ng Diyos,
o iniutos ng Diyos na gawin nila ito.
Ito ay depende sa kalooban ng Diyos kung ikaw ay magiging
napakayaman sa materyal ganoon din sa espiritwal sa buhay na ito
o ikaw ay maging mayaman sa materyal at hindi sa espiritwal
o sa espiritwal lamang at hindi sa materyal.
Bawat isa ay tatahak ng ibat-ibang landas,
subalit lahat tayo ay lumalakad pauwi, papunta sa dimensiyon ng Diyos.
At ito ay kung bakit tayo naririto.
Halimbawang tanungin ninyo ako kung ano ang layunin ng mga tao,
iyan ay kung bakit.
At maraming salamat sa inyong atensiyon.
Kung mayroon pa kayong mga katanungan, malugod ko itong sasagutin.
At maipapakita Ko sa inyo kung paano alalahanin ang Diyos.
Ayos ba kayo?
Inaasahan Ko na naipaliwanag ko ng malinaw ang aking sarili.
Oo, kayo ay napaka talino. Diyos ko!
Hindi ako nagtataka, Hindi ako nagtataka.
Ang mga tao sa Aprika ay lubhang, napaka espiritwal.
Sila ay may mas higit na ugnayan sa kalikasan napaka espiritwal!
Mayroon ng katanungan?
Mahal na Master, ano ang pakinabang ng pagsunod sa isang Master?
Hindi ba mas mabuti marahil sa amin ang pagiging determinado
at sundin ang sariling landas tungo sa kaliwanagan
at piliin ang sariling karma?
Ano ang pakinabang ng pagsunod sa Master? Iyan ba ay tama?
Oo, at ganoon din upang kung Kaya ng isa na piliin ang kanyang sariling karma
o kung kailangan mo ang Guro na piliin ang karma?
Oo, oo, oo.
Sa katunayan, sa paraan ng pagsasalita, tinatawag ninyo akong Master.
Subalit sinabi ko na sa inyo,
Aking ipapaalala sa inyo na kayo ang Master!
At iyan lamang ang lahat.
At ang karma at lahat ng iyan ay nawawala
sa sandaling maunawaan mo na ikaw ang guro ng sanlibutan,
na ikaw ay kaisa ng Diyos.
Subalit bago iyan, kung hindi mo ito ganap na nauunawan,
siyempre ako ay magiging kaibigan mo
at tutulungan ka hanggang sa iyong maunawaan ang lahat.
At maaari mo akong tawaging Guro o sundin ako.
hindi mo kinakailangang sundi ako, sapagkat wala ako dito sa Aprika habang buhay.
Sundin lamang ang mga tagubilin
upang sa araw-araw ay makapagnilay ka ng taimtim sa kalooban at matagpuan ang Diyos.
At pagkatapos isang araw ay mauunawaan mo ito ng ganap.
Maaari mong ganap na maunawaan ito ngayon,
ito ay depende kung gaano kasidhi ang iyong pagpili na bumalik sa Diyos.
Kaya hindi mo kinakailangang sundin ang sinuman,
maging anumang pisikal o makalangit na nilikha. . . Sundin mo ang iyong sarili!
Ipinakikita ko lamang sa inyo kung paano,
ipinakikita sa inyo ang ilang mga tagubilin upang kayo ay.
Sapagkat, hindi ito dahil sa hindi ninyo alam; nakalimutan ninyo!
Sapagkat nakatira tayo sa mundong ito, tayo ay labis na abala sa kaligtasan,
at lahat ay nagsisikap na ibaon tayo sa ilalim nitong mga kabalisahan at paghihinap
at pagkatapos ay gawin tayong abala at nalilito kaya tayo ay nakakalimot.
Kaya Ako ay nakalabas na sa putikan.
Maaari kong hilahin ang lubid at ilabas kayo at paliguan kayong muli;
at pagkatapos kayo ay magiging tulad kong muli malinis na malinis at maganda.
Ang Maginhawang Pamamaraan ba ng Meditasyon
ay makapag aalay sa inyo ng inisasyon?
Ito ay pareho! Oo, Quan Yin na paraan.
Kaya ba ng Maginhawang Paraan na ipakita sa inyo… (Oh, Maginhawang Paraan!)
Oo, kaya ba nitong ipakita sa inyo…
Magkaiba, kaiba ng kaunti.
Ang Maginhawang Paraan ay para sa kaginhawahan, oo.
Ang ilang tao, hindi nila.
tulad, halimbawa, hindi nila kayang maging makagulay ng ganap
o hindi sila makapag pasiya kung sila ay magpa-part time o buong panahon.
Nais lamang nilang gawin sa maikling oras araw-araw, oo?
Kaya siyempre ang pakinabang ay hindi kasing laki kung ikaw ay buong panahon.
Subalit ang Maginhawang Paraan ay mag aalay ng iyong sariling kalayaan sa buhay na ito.
Samantalang, kung ikaw ay magsanay ng Quan Yin na paraan at makakuha ng buong inisasyon,
maaari kang makatulong sa maraming ibang tao,
kabilang ang iyong lima, anim, pito, siyam na henerasyon, upang maging malaya.
Oo, mas marami kang kinitang pera, mas magiging mayaman ka!
Paano mo ipaliliwanag si Adan at Eba?
Kailangan Ko *** ipaliwanag ang tungkol sa kanila?
Tingnan mo ang iyong sarili at malalaman mo!
Tingnan mo ang ating mga sarili!
Oo.
Kung hindi ka mananatiling makagulay matapos ang inisasyon, anong mangyayari?
Anong mangyayari? Kung gayon ikaw ay magiging kumakain ng karne muli.
Matapos ang inisasyon,
paano kami makikipag ugnay sa iyo kung wala ka na dito?
Parati akong naririto!
Parati akong naririto. Makikita ninyo iyan.
Minsan makikita ninyo ako sa inyong bahay
kung kayo ay mag iisip ng sapat, oo!
Maliban, maaari kayong sumulat sa akin, hmm? Maaari kayong sumulat ng liham.
Ngayong mga panahon, napaka ginhawa.
Subalit ang pinaka magaling na ugnayan ay sa kalooban,
sapagkat tayo ay muling makakaugnay ng buong daigdig.
Kaya anuman ang problemang mayroon ka. Alam ng buong daigdig,
at siyempre alam ko, sapagkat ako ay may kaugnayan din sa network.
Kaya tuwing tinatanong ninyo ako ng ilang bagay, mayroon kaagad kasagutan. Ok?
Ngunit sakaling hindi pa rin kayo sigurado sa simula,
maaari kayong sumulat sa akin.
Subalit ang kasagutan ay parating nasa kalooban, oo!
Mayroon itong koneksiyon, oo?
Ang 24 na oras na serbisyo ng telepono, walang bayad!
Oo, iyan ang kahang-hanga sa pagiging naliliwanagan!
Sapagkat kapag ang isang guro ay kailangan ang pisikal na presensiya,
sa lahat ng oras kasama ang mga disipulo,
samakatwid hindi ito maginhawa, hindi ito sapat na mabisa.
Sapagkat hindi mahalaga gaano kabisa o gaano kalakas ang isang guro,
hindi Niya kayang ipagtanggol ang disipulo 24 na oras sa pamamagitan ng pisikal na presensiya,
subalit sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mundo
na kung saan ang Guro, Siya, ay konektado na.
Hindi ako ang aking sarili, hindi ang pisikal na katawan ngayon,
na magtatanggol sa inyo.
Ito ay ang ugnayan sa Kapangyarihan ng Sansinukob sa pamamagitan ko
na magtatanggol sa inyo naunawaan?
Kung kaya saanman man kayo naroroon,
ang Kapangyarihang iyan ay nakakaalam at magtatanggol sa inyo at sasagot sa inyong mga katanungan.
Malalaman ninyo, "Kumatok at ito ay bubuksan.
Humiling at ito ay ibibigay."
Ang inyong panalangin ay parati ng sinasagot,
ang inyong tanong ay laging sinasagot sa pamamagitan ng koneksiyon sa kalooban.
At iyan ang himala ng pagiging nasa naliliwanagang paraan ng pamumuhay.
Kung hindi, ano ang halaga ng paghahanap muli ng Master
sa mga ilog at mga dagat?
At gaano katagal ka mananatili sa Kanya? Oo.
Kahit ang Master, matapos ang inisasyon, ay patuloy na magtatanggol at gagabay sa inyo
matapos na lumisan ang Master sa mundong ito.
Iyan ang kahulugan ng pagiging isang Master.
Kung hindi, hindi ka dapat naging isang Master. Maraming gawain!
Matututunan ba natin ng mahusay ang paraan ng panghuhula sa pamamagitan ng ikatlong mata?
Ang ano, mahal?
Matututunan ba natin ng mahusay ang paraan ng panghuhula?
Oh, kung matututunan ba natin ng mahusay ay paraan ng panghuhula?
Oh, iyan ay balewala!
Iyan ay isa lamang laro ng maliit na bata. Huwag mong hangarin iyan!
Hindi ito ang layunin para sa iyo.
Siyempre, makakakita kayo ng mga bagay. Makikita ninyo ang lahat.
Subalit makikita mo ang buong uniberso,
hindi lamang isang maliit na bagay dito at doon.
Hindi lamang ang inyong kinabukasan at nakaraan.
Matututunan ninyo ng mahusay ang buong lakas ng buhay, ang buong uniberso.
Iyan ang mithiin.
Oo?
Ang mga hayop ba ay may karma, at tama ba na bigyan sila ng karne?
Ang mga hayop ba ay may karma? Ah, mayroon sila.
Kung nais nilang kumain ng karne, kailangan mo silang bigyan.
Kung hindi, baka kainin ka nila!
Nais kong maunawaan ang Bibliya.
Iyan ba iyon? (Oo)
Kung gayon, pag aralan ito!
Basahin ito!
Oo, oo, alam ko. Ito ay mahirap maunawaan,
sapagkat marami sa mga kuwento at mga katawagan na naroon
ay tila mahiwaga. Oo?
Maliban kung mayroon tayong katulad na antas ng kamalayan,
ay matutuklasan nating ito ay napakahirap maunawaan.
Kaya maging naliliwanagan, oo?
Manatili diyan at ipakikita ko sa inyo kung paano
makakapasok sa katotohanang karanasan ng mga Bibliya.
Sapagkat ang mga Bibliya,
marami ang naitala na karanasan, naliliwanagang karanasan,
ng mga nakalipas na mga tagasanay… espiritwal na mga tagasanay, oo?
Ito ay tulad, halimbawa,
Si Hesus, noong Siya ay nagnilay ng apatnapung araw sa disyerto,
siyempre Siya ay nakipag ugnayan sa Diyos.
At ang demonyo ay lumapit rin sa Kanya
at tinukso Siya ng kapangyarihan ng Tatlong mundo.
Naunawaan ba ninyo kung ano ang Tatlong mundo?
Ito ay napakalaki!
Ang mundo ay sapat ng malaki.
Kung mayroong lumapit sa iyo at alukin ka na maging hari ng buong mundong ito,
nais mo ba ito?
Siyempre, nais mo na.
At Siya ay inalok na maging Hari ng Tatlong mundo,
upang mas mataas sa mundong ito, dalawa pang mundo.
Subalit iyan ay kasing layo na kayang pagharian ng demonyo,
kaya siya ay makakapag alok lamang ng tatlong mundo.
At sabi Niya, "Umalis ka sa paningin ko."
Iyan ang sinabi ni Hesus, ibig sabihin, "Lumayas ka."
Oo, ganitong uri ng karanasan.
Ikinalulungkot ko, ni hindi man lamang natin makita ang demonyo kahit naisin natin,
sapagkat hindi pa natin kayang makakita sa pamamagitan ng espiritu.
Kaya upang makaunawa kung ano ang naranasan ni Hesus,
kahit na sabihin sa demonyo na, "Lumayas ka,"
kailangan nating pag aralan kung ano ang itinuro sa atin si Hesus.
Tahakin ang kanyang daan? Magnilay tulad niya!
"Tumungo sa maliit na silid" ibig sabihin magnilay, ibig sabihin manalangin ng tahimik, ng maayos.
"Hayaang maging isa ang inyong mga mata upang ang buo ninyong katawan ay mapuno ng Liwanag."
Ipakikita ko sa inyo kung paano gawing isa ang inyong mga mata,
kung paano matagpuan ang nagiisang mata dito upang makita ninyo ang langit.
Makikita ninyo ang totoong buhay,
na nilinlang mula sa atin dahil sa lahat ng pisikal na anyong ito.
Tayo ay nalinlang! Hindi natin nakita ang totoong buhay,
subalit kaya natin kung gagamitin ang tunay na mata.
At iyan ang dahilan kung bakit Ako naparito ipakikita ko sa inyo mamaya. Oo.
Guro, mahalaga ba na maging makagulay upang maliwanagan?
Ito ay mahalaga, ito ay mahalaga.
Sapagkat una sa lahat marapat nating gawin ang pagmamahal upang makalikha ng pagmamahal.
Upang maging higit na nangingibabaw, mapagmahal tulad ng ating Ama,
kailangan nating mahalin ang lahat ng nilalang.
At iyan ang ibig sabihin sa likod ng makagulay na pagkain.
Hindi upang maging malusog,
o hindi dahil sa sinabi ni Hesus o ipinagbabawal ni Buddha,
ito ay sa kailangan nating maging reingkarnasyon ng pagmamahal.
Kinakailangan nating maging ang naglalakad na Diyos sa planetang ito.
Kailangan nating mabuhay tulad ng pagkabuhay ng Diyos!
Kaya, upang maging malapit sa Diyos.
Hindi tayo pinarurusahan ng Diyos, ito lamang ay ang katulad ay lumilikha ng magkatulad.
Kung nais nating maging malapit sa ilang bagay, kailangan nating pumunta doon,
sa parehong direksiyon.
Kaya, nilikha ng Diyos lahat ng nilalang at hayaan silang mamatay ng natural.
Kaya tayo rin.
Kung hindi tayo makalikha, kahit paano huwag tayong manira.
Ang unang utos sa Bibliya ay: "Huwag pumatay."
Hindi ito nagsasabing: "Huwag kang pumatay ng tao, lang."
Ito ay nagsasabing, "Huwag pumatay."
Anuman ang pinatay ay pinatay.
Ano ang iyong opinion sa espiritwal na manggagamot?
Kailangan, o kaya ba itong gawing pang hanapbuhay, tulad ng paniningil sa kliyente?
Kung ito nga, ito ba ay pinahihintulutan?
Oo, espiritwal na panggagamot ay napakabuti, napakabuti para sa mga pasyente.
Hindi ganoon kabuti para sa nanggagamot minsan,
sapagkat kinakailangan niyang kunin ang karma ng mga pasyenteng ito,
at minsan ito ay labis na nakakapuspos.
Sapagkat ang espiritwal na panggagamot
ay isa lamang sa mga antas ng kamalayan ng Diyos, Oo?
Kapag tayo ay nakarating doon, maaari tayong manggamot ng mga tao.
Oo, ang mga taong ito ay lubhang malakas sa espiritwal
upang makapagpagaling ng tao.
Ang mga espiritwal sa manggagamot ay napakalakas sa kanilang espiritu.
Ngunit upang magpagaling ng hindi nanggagamot, Tulad ng ginawa ni Hesus,
maaari tayong pumaitaas ng bahagya, mas mataas.
At tayo ay magpapagaling hindi na kinakailangang ipatong pa ang mga kamay sa mga tao.
Tulad lamang kung may humipo sa damit ni Hesus, at siya ay gumaling.
At nagpasalamat siya, sabi niya, "Hindi, ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo."
Hindi niya inangkin sapagkat alam niya na ito ay ang Ama, at sinabi niya,
"Hindi ako ang gumawa nito. Ito ay aking Ama."
At iyan ang pinaka mataas na antas ng espiritwal na panggagamot. Oo?
Maaari tayo sa maraming ibat-ibang mga antas, kaya depende ito kung nasaan ka.
Ang mga dakilang espiritwal na nagpapagaling ay hindi nanggagamot:
sila lamang ay gumagaling.
Kung ito ay kalooban ng Diyos para sa taong iyan na gumaling sa pamamagitan mo,
siya ay gagaling
Ang Guro, o halimbawa si Hesus, ay walang ginawang anuman.
Kung kaya hindi Niya inangkin ang karangalan.
Oo, ang Tunay na Guro ay tulad niyan, napaka mapagpakumbaba!
Paano mo tuturuan ang iyong mga anak ng ganitong paraan ng pamumuhay
ng hindi kinukutya sa pang araw-araw na buhay?
Oo, sinabi ko sa inyo, kutyain kayo ng mga tao
kahit ikaw ay mayroong magandang kasintahan o asawa.
Kaya bakit ka natatakot? Huh?
Ang buhay na ito ay umakay sa maling direksiyon ng matagal na panahon.
Kung kaya tayo ay kung ano tayo sa ngayon.
Kaya kung hindi natin mababago ang buong mundo,
kahit paano baguhin natin ang ating mga sarili,
baguhin natin ang ating kapaligiran, baguhin sinuman ang kaya nating impluwensiyahan.
Kung ang ating mga anak ay nais manguna na tumungo sa daang ito,
tungkulin natin na akayin sila, kahit ano ang sabihin ng iba!
Kailangan mong tahakin ang daan ni Hesus!
Binato Siya ng mga tao, isinumpa Siya, minarkahan Siya, ipinako Siya.
Subalit isinuko ba Niya ang Kanyang landas? Hindi!
Kaya tayo ay mga Kristiyano, tayo ay kahit sino,
tayo ay tumatahak sa daan ng Diyos, Ayos?
At kailangan tayong maging halimbawa sa ibang nilikha.
Hindi natin sila maaaring sundin sapagkat sila ay nagkakasala na,
sila ay nagkakamali.
Kinakailangan ninyong maging taga dala ng sulo! Kinakailangan ninyong magbago!
At maaari rin na may ibang magbago.
Maaaring hindi nila matanggap sa una, subalit sa kanilang pag uwi at iisipin ito:
"Oh, ito ay tila mas mabuti."
At hindi maglalaon ay sasabihin nila, "Oh, ito ay tunay na mas mabuti.
Sige, susunod Ako." Kita ninyo?
Kung kaya sinusunod pa rin natin sa Hesus hanggang ngayon, makaraan ang dalawang libong taon,
sapagkat iyan lamang ang tanging paraan na mamuhay sa buhay natin.
Sumusunod tayo, subalit hindi tayo nagsasanay. Marapat tayong magsanay ng higit pa. Oo.
Ang Diyos ba ay nasa sa atin? Ang kaisipan ba?
Kung hindi, ano talaga ito?
Oo, ang Diyos ay nasa sa atin. Ito ay ang kamalayan.
Ang Diyos ay wala rin sa atin.
Ang Diyos ay nasa lahat ng lugar. Ang Diyos ay ang iyong sarili.
Nais kong maramdaman ang kapangyarihan ng Diyos, subalit hindi ko alam kung paano.
Matutulungan mo ba ako? Nais kong maging malakas at tapat.
Oo, tanging kapag nakita mo ang Diyos, ikaw ay magiging malakas at tapat.
Hindi mo maaaring paniniwalaan ang ilang bagay na hindi mo nakikita, ikinalulungkot ko.
Ipakikita ko sa inyo kung paano makita ang Diyos, at pagkatapos ay maniniwala ka sa Kanya, ayos?
Ang Diyos ay Liwanag. Ang Diyos ay ang pagibig na iyong madarama
habang nakikipag ugnayan sa kanya, habang kayo ay nagninilay,
habang nasa panahon na inilaan ninyo para sa kanya.
At hindi maglalaon, higit at higit araw-araw, bawat minuto,
mararamdam mo ang kanyang pagibig.
Kahit walang meditasyon,
kahat na ikaw ay naglalakad o ikaw ay nagmamaneho,
madarama mong ikaw ay kaisa ng pagibig na iyan.
Iyan ay kahanga hangang pakiramdam. At iyan ay kung gaano natin ito paniwalaan.
Kita ninyo? Iyan ay kung gaano natin ito paniniwalaan.
Paano ninyo makikita na ang Diyos ay nasa sa ninyo?
At kailan ninyo madarama na ang espiritu santo ay nasa sa inyo?
Nadarama ko iyan sa lahat ng oras!
Paano Ko malalaman?
Paano ninyo makikita?
Paano Ko makikita?
Anuman ang nakikita Ko, hindi Ko masasabi sa inyo,
subalit maipapakita Ko sa inyo upang Makita ninyo ang katulad. Oo?
Sapagkat ang iniinom Ko, hindi ninyo alam.
Anuman ang iniinom Ko, hindi ninyo natitikman. Anuman ang kinakain Ko, hindi kayo mabubusog.
Subalit maiaalok Ko sa inyo ang kahalintulad na pagkain, parehong inumin,
at pagkatapos ay inyong mauunawaan. Oo?
Ang Diyos ay hindi.
Sana ang Diyos ay pisikal na bulaklak na maipapakita Ko sa inyo.
Subalit ang Diyos ay nasa bulaklak din, Diyos ay narito.
Makikita ninyo ito ang pisikal na patunay ng kagandahan ng Diyos.
Ito ay pisikal na patunay ng pagiging Diyos.
Kayo ay ang mga pisikal na patunay ng Diyos.
Kaya kung nais ninyong makita ang pisikal maramdaman ang pisikal na aspeto ng Diyos.
kung gayon, hipuin mo ang iyong kapwa,yakapin siya, halikan siya.
Iyan ang Diyos sa pisikal na kaharian.
Subalit kung nais mong makita ang Diyos sa abstrak na anyo,
sa Liwanag, sa kaningningan, sa langit,
kung gayon kailangan Kong ipakita sa inyo sa abstrak na paraan, naunawaan ninyo?
Mayroong dalawang paraan: Abstrak at pisikal.
Pisikal, nakita na ninyo. Abstrak, ipakikita ko sa inyo. Oo?
Mamaya kapag mayroon tayong parehong panahon at mauupo ng tahimik, ipakikita ko sa inyo.
Sasabihin ko sa inyo ano ang gagawin at kung saan matatagpuan ang Diyos.
Ito ay napakadali, oo?
Paano ko nalaman?
Kung mahal Ko ang isang tao, alam Ko ba?
Kung nakaupo Ako dito sa Aprika, alam Ko ba?
Upang makilala ang Diyos, ito ay tulad niyan.
Lubha, lubhang malinaw! Walang mali tungkol diyan.
Maipakikita ko lamang sa inyo sa pamamagitan ng inyong sarili.
Subalit hindi Ko maipapakita sa pisikal,
sapagkat ito ay naiibang aspeto ng buhay, ayos?
Guro, hinihiling Ko sa iyo na ipakita mo sa amin kung ano ang tamang paraan ng pananalangin.
Oo! Gagawin Ko iyan. Gagawin ko iyan.
Pagkatapos ng lahat ng katanungan, kung mayroong.
Sige, iaalay Ko sa sa inyo ang tatlong uri ng serbisyo.
Una ay ang serbisyo publiko.
Pagkatapos ng lahat ng katanungan,
maupo kayo dito sa tabi ko at maranasan ang Diyos, OK, pansumandali.
At ipagpatuloy sa inyong tahanan kung nais ninyo.
10 minuto, 5 minuto, anumang oras na nais ninyo.
Ang ikalawa ay ang Maginhawang Paraan.
Magnilay kayo ng kalahating oras araw-araw, ayos?
Ang ikatlo ay ang ganap, sadyang pagsisikap na makilala ang Diyos.
Iyan ang inisasyon.
Kaya mamili kayo, ayos?
Kung nais ninyo ng inisasyon,
maaari na ninyong lisanin ang kuwarto at magpalista ng inyong sarili.
Iyan ay gugugol ng ilang oras na pagpapaliwanag.
Subalit ang kaliwanagan ay madali,
at inyong mararanasan araw-araw ang katulad, o mas mataas.
At ikalawa, Maginhawang Paraan, maaari din kayong magpalista sa labas.
At kung ayaw ninyo itong dalawa, nais lamang ninyong matikman,
kung gayon manatili kayo dito. Oo?
Pagkatapos Kung sagutin lahat ng tanong,
kung sa pakiramdam ninyo na ito ay nakaaakit sa inyo, manatili kayo, ayos, at ipakikita ko sa inyo.
Kung sa pakiramdam ninyo ay ayaw ninyo, kung gayon umuwi na lamang kayo.
Narito lamang ako para doon sa mga nakahanda.
Gaano naiiba ang kabanalan mula sa iyong pamamaraan?
Ang Diyos ba ay nasa atin, o bahagi natin?
Paano o ano ang ating magiging karanasan sa ating inisasyon?
Makikita ninyo ang Diyos.
Makikita ninyo ang aspeto ng Diyos na kung saan ay Liwanag,
na kung saan ay kakaiba tulad ng himig ng daigdig.
Ang paraan ng pakikipag usap Niya sa inyo ay hindi sa wika ng tao.
Nagsasalita Siya sa malahimig na tinig tulad ng tunog ng tubig.
Binanggit sa Bibliya na siya ay nagsasalita tulad ng kulog,
tulad ng tunog ng maraming tubig.
Ito ay inyong mararanasan, at higit pa,
sapagkat hindi naitala lahat ng Bibliya.
Napakarami mong karanasan!
Hindi ka makakapagsulat ng 1000 aklat hinding-hindi sapat!
Kaya isang Bibliya ay hindi sapat.
Subalit kahit paaano ay mayroong ilang reperensiya,
tulad ni Moises na nakita ang Diyos bilang malaking apoy,
si San Juan ay pumasok sa Ikatlong Langit at nadinig ang trumpeta.
Bagay tulad niyan, at iba pa, ay inyong mararanasan.
Malalaman ninyo ito. Malalaman ninyo ito.
Ito ay isang bagay na hindi natin maisasalarawan sa wika, totoo.
Malalaman lamang ninyo ito kung malapit sa presensiya ng Diyos,
o kung inyong nakontak, kung naaalala ninyong muli.
Siya ay parating malapit! Alalahanin lamang, oo?
Ang mundo ay nasa Krisis ngayon: Digmaan, polyusyon, sakit, at iba pa.
Sama-sama ba nating nilikha ang krisis na ito
upang tayo ay makaranas ng mas kaluwalhatian?
Oo.
Subalit maaari tayong makagawa ng mas mabuti, dahil may alam ma tayo.
Ito ay pagkakamali.
Ngayon ay kailangan nating ayusin ito. AOo?
Hindi tayo maaaring magpatuloy na gumawa ng kamalian kailanman, at sabihing,
"Sige, ginagawa Ko ang lahat ng ito upang makaranas Ako ng langit."
Oo! Mayroong bahagi ng paglikha ng pinsala,
at mayroong bahagi ng paglikha ng langit, kaya kailangan natin itong balansehin.
Hindi tayo maaaring patuloy na sirain ang ating mundo kailanman ng polyusyon,
sa pagputol ng kagubatan, at pakiki digma sa bawat isa.
Panahon na upang magising! Panahon na upang magising.
Mayroon na tayong sapat na pagdurusa.
Master, ano ang mangyayari kapag nilisan Ninyo ang mundong ito?
Mayroon pa *** iba na magpapatuloy ng Inyong angkan?
Sino ang magi-initiate sa mga tao? Sino ang naroon upang gabayan kami?
Diyos ko! Nag aalala ka ng labis. Ako ay bata pa at maganda.
Sa panahong iyan inyong malalaman. Oo?
Ayos? Ang Diyos ang magpapasya,
Ang Diyos ang magpapasya kung mayroong magpapatuloy,
at ipaalala Niya ito sa inyo.
Kapag handa na kayo, ang lahat ay ipaaalam sa inyo.
Kung hindi kayo handa,
kahit na sampung daang Guro ang dumating, walang halaga. Oo?
Kapag handa na kayo, ang lahat ay ipaaalam sa inyo.
Huwag mag alala, ayos?
Samantala, kumuha ng inisasyon habang Ako ay narito pa!
Ang Guro ay namamatay ngunit ang espiritu ay hindi namamatay,
kaya kayo ay patuloy na gagabayan hanggang sa matapos ninyo ang inyong paglalakbay.
Sinuman ang na-initiate ng isang Guro ay mananatili diyan.
Hindi mahalaga kung ang Guro ay namatay.
At ang bago ay darating kung ipinasya ng Diyos. Oo?
Sa Bibliya ay isinulat,
"Pagsisihan ang inyong mga kasalanan at ang iyong panalangin ay sasagutin."
Ang tanong ko ay, paano diringgin ng Diyos ang panalangin ng isang makasalanan?
Ang tanong mo ay medyo hindi kumpleto kaysa sa nararapat.
Ito ang bahagi nang ang Diyos ay nakipag usap sa mga tao
na pumatay ng maraming hayop upang ialay.
Kaya sabi Niya, "Sino ang nagsabi sa inyo na pumatay lahat nitong babaeng tupa at kinapong toro
upang gawing alay para sa akin?
Ang inyong mga kamay ay puno ng dugo!
Dapat ninyong itigil ang pagpatay sa mga inosente.
Kung hindi, kapag kayo ay nanalangin, Hindi ako sasagot;
kapag kayo ay humiling, ibibiling Kong palayo ang aking ulo."
Kaya iyan ay nasa bahaging iyan.
Kaya sa katunayan, sa Bibliya, binanggit din na
ni hindi tayo dapat pumatay upang ialay, lalo na ang kumain.
Oo, sapagkat sila ay nilikha ng Diyos para sa ating kasiyahan, hindi para patayin.
Magkagayunman, kung tayo ay magsisi, siyampre ibig sabihin.
Pagsisisi ay-hindi ibig sabihin na dapat tayong makadama ng pagka maysala sa nagawa natin, ayos?
Ginawa natin ang ating ginawa bahagi ito ng pagsubok.
Ito ay bahagi ng ating proseso ng pagkilala sa Diyos.
Kaya ngayon nakalikha tayo ng sapat na hindi maka Diyos na asal,
kaya ngayon ang oras upang bumalik sa maka Diyos na asal,
Kaya minsang gumawa tayo ng pagpapasya na itigil itong hindi maka Diyos na asal
at bumalik sa maka Diyos na asal,
sa oras na iyan, ibinibigay na kaagad sa atin ng Diyos ang kasagutan, tulad ngayon.
Hindi mahalaga gaano karami ang mga tao na nagkasala
o anuman ang iyong ginawa, hindi mo kinakailangang sabihin sa akin.
Sa oras na umupo ka para sa inisasyon,
Ang Diyos ay darating sa iyo.
Kaya ibig sabihin kapag pinag sisihan mo ang iyong mga kasalanan,
nangangahulugan na hindi mo sa ito uulitin. Ang Diyos ay magpapakita sa iyo.
Gagawin niya ngayon, kung kayo ay mauupo ng sandali mamaya.
Sa katunayan, ilan sa inyo ay nakaranas na ng Liwanag dito.
Hindi ba ito totoo?
Maaari ba ninyong itaas ang inyong mga kamay kung nakaranas na? Maraming salamat.
Diyos ko! Hindi ba kayo espiritwal! Maraming salamat.
Ito ang unang pagkakataon Ko dito sa Aprika. Sinasabi ko sa inyo, ang Diyos ay walang pinipili.
Mahal niya tayong lahat.
Sa sandaling kailanganin mo Siya,
sa sandaling ikaw ay tapat na nananabik sa kanya, siya ay naroon.
kahit hindi ka pa nagninilay, kahit na hindi Ko pa ipinakikita sa inyo.
Kita ninyo? Ang Diyos ay puro pag ibig, walang iba pa!
Huwag na huwag katakutan ang Diyos! Parati Niya tayong mahal.
Hanggat nais natin Siya, Siya ay darating:
Mahal niya tayo, binibiyayaan niya tayo,
Pinagpapala niya tayo ng lahat ng bagay sa buhay, dito at sa susunod.
Dapat ba tayong pumatay ng insekto, langaw, ipis, pulgas, atbp?
Oo, maaari kang pumatay ng mga maliliit, ngunit.
Ngunit mayroon ilang maliit na utang na babayaran, oo?
Mabuting gawing malinis ang iyong bahay.
At gumawa ng ilang pag iwas sa labas ng bahay,
para pag mayroong amoy, hindi sila makakalapit.
Para hindi mo na kailangang patayin sila, ayos?
Sapagkat, ang Diyos ay-hindi nagpaparusa, ngunit ang konsensiya mo ay nakadarama ng masama.
Kapag pumatay ka ng isang bagay, nadarama mo,
"Diyos ko, siyay napakaliit, napakahina, at pinatay ko siya ng ganun na lamang."
Kahit na hindi mo ito masyadong nararamdaman,
ang iyong konsensiya ay magigising sa gabi minsan
at mararamdaman ang isang bagay na kumakagat sa iyo.
At iyon ang mga langgam o ang ipis
lumalapit, pinapaalala sa iyo, kinakagat ka: “Hindi mo dapat ginawa iyon!”
Maaari mo *** ipaliwanag ano ang panaginip o nananaginip?
Sige, mayroong dalawang uri ng panaginip. Oh, tatlong uri ng panaginip.
Isa ay ilan, tulad, ng panghuhulang uri ng babala
o prediksiyon ng mga darating na pangyayari para sa iyo.
Iyan ay kapag ikaw ay nasa napaka himbing, mahimbing na pagtulog
at mas batid ang iyong hinaharap o ang nakaraan. Ayos?
Isa pang uri ng panaginip ay anumang hilingin mo sa araw
o iniisip mo lagi kapag araw bago ka matulog,
ito ay lalabas sa iyong panaginip;
na tira lamang ng impresyon sa araw.
At ang huling uri ng panaginip ay basta lang walang diwa, walang kahulugan.
Basta lang nagkukolekta ng lahat ng uri ng basura sa iyong utak,
at kapag ikaw ay natutulog ito'y masyadong. Puno ito'y para ng tumatagas. Oo?
Sa Bibliya, nababasa nating
Ang mga anak ni Abraham ay kumakatay ng hayop para sa kanilang ama.
Iyon ba ay kasalanan?
Noong unang panahon ang mga tao ay naniniwala sa pagbibigay ng alay sa Diyos, ayos?
Kahit ngayon ginagawa pa rin nila iyon.
Kumakatay sila ng hayop
para ialay sa Diyos sa kanilang katawan araw-araw.
Kaya sino Ako para magsabi ng ano? Ayos?
Ang anak ni Abraham ay gumawa ng isang bagay. Iyon ay kanyang problema!
Ang problema ko ay ang hindi pagkatay ng anumang hayop, ayos?
Gayunman, ang tao ay may iba ibang paraan ng pamumuhay, ibang pagpili upang makilala ang Diyos.
Pinipili nilang gawin ito ng mabilis; Pinipili nilang gawin ito ng mabagal, tama?
Kung kayat sinasabi kong mayroong tatlong uri ng alok dito para sa inyo.
Para sa inyo na gustong gawin ito ng mabagal o dahan-dahan,
sapagkat kayo ay may panghabang buhay kahit paano,
kaya maaari kayong tumikim na lamang nito, ng ilang minuto.
Para sa inyo na medyo mas seryoso, gawin ang maginhawang pamamaraan.
Para sa inyo na talagang sawa na sa ganitong buhay
at talagang gustong makilala ang Diyos, wala ng iba,
kung gayon ay kumuha ng buong inisasyon nakita mo?
Hindi ako nandito para punahin kayo at sabihin sa inyo:
Kumakain ka ng karne, ikaw ay makasalanan. Hindi, hindi!
Pinapaalala ko lang sa inyo ang maraming pagpipiliang nais mong gawin.
Kaya magpasya ka ngayon aling pagpipilian ka mananatili
o aling pagpipilian ang ipagpapatuloy o susunod na perpeksiyon ang pipiliin mo.
Oo? Susunod na pagpipilian, o manatili sa pagpipiliang ito
Ayos? Sige?
Si Hesu Kristo ay nagpakain ng tinapay at isda sa 5000 katao.
Ang isda ay karne. Ito ba ay kasalanan?
Si Hesus ay tumulong din sa mangingisda para makahuli ng marami. Ito ba ay kasalanan?
Hindi.
Ang kasalanan ay hindi natin Siya naunawaan.
Hindi siya kumain ng isda. Hindi rin siya nagpapakain ng isda.
Tayo rin ay kumakain ng isda araw-araw, ngunit kumakain ng makagulay na isda.
Tinatawag din natin itong isda.
Tinatawag natin itong hamburger, minsan tinatawag nating makagulay na hamburger.
Minsan tayo ay tamad, tinatawag natin itong hamburger.
Mayroon tayong bagay tulad ng manok, Mayroon tayong bagay tulad ng pinasingawang isda.
Lahat ito ay makagulay. Masarap ang lasa nito!
At kung ikaw ay hindi makagulay at sa unang pagkakataong matikman ito:
ito'y mukhang isda, ito'y lasang isda,
marahil hindi mo alam!
Kapag sinabi namin sa inyo na ito'y isda, kayo ay maniniwala.
Kapag sinabi naming sa inyong ito'y hamburger, ikaw ay maniniwala.
Kaya si Hesus ay pinagmulan ng angkan
na palagiang makagulay sa loob ng libong taon.
Kung gusto mong gumawa ng mas maraming pagsasaliksik tungkol sa buhay ng Diyos,
dapat ay gumugol ka ng mas maraming oras.
At gayundin, tumungo Siya sa India para mag-aral sa loob ng 13 taon.
Iyan ang nawawalang puwang sa Bibliya na hindi mo maipaliwanag.
At kung Siya ay nag-aral sa India,
at lahat ng yogi doon, mga guro, ay kumakain ng makagulay,
paano Siya muling makakakain ng karne?
Iyan ang dalawang salik na inyong nakalimutan.
Siyempre, ang Bibliya ay-hindi maaaring magtala ng lahat para sa iyo.
Kailangan mong gumawa ng ilang pagsasaliksik!
Oo, ang simbahan ay ayaw kang maging tamad,
at ilagay lahat sa mesa.
Kailangan mong maging malikhain at maghangad ng.
Kung hinahangad mong malaman ang buhay ni Hesus, dapat kang magsaliksik para sa iyong sarili,
magbasa ng mas maraming aklat kasaysayan at katotohanan
at mas maraming bagong pagtuklas at lahat ng iyon. Oo?
Gayunman, ang mangingisda na kinalap ni Hesus,
hindi Niya sinabi sa kanilang mangisda muli.
Sinabi niya, "Halikayo, tuturuan ko kayang mangisda ng tao." Hindi?
Oo, sinabi Niya, "Ibaba ninyo ang lambat, tuturuan ko kayo kung paano mangisda ng tao." Sige?
Ngunit dahil sila ay mga mangingisda,
Gumamit si Hesus ng terminolohiya tulad ng mangingisda minsan para makipag-usap sa kanila.
Tulad ng, "Sige, ngayon ay manghuhuli tayo ng malaking isda,"
ibig sabihin Ako ay may mabuting tao na-iinitiate.
Sinasabi rin natin ang parehong bagay, minsan! Oo, sapagkat.
Bakit Ko nauunawaan ito? Sapagkat Ako ay may direktang pag aaral!
Kung gusto mong makaunawa, kailangan mo rin ang direktang pag aaral.
Sinabi Ko sa inyong ipapakita ko sa inyo kung paano makakakuha ng direktang pagaaral mula kay Hesus.
At maaari ka ng makipagtalo sa Kanya at sasabihin Niya sa iyong hindi Siya kumakain ng isda.
Kawawang Guro!
Oo, ang lahat ay nagsasabi sa Kanyang ginawa Niya ang ganito, ginawa Niya ang ganoon,
at iba ang sasabihin Niya sa inyo ngunit hindi kayo makarinig.
Kaya kahalintulad, maaalala mo kung gaano ito kahirap para kay Hesus,
gaano karaming tao ang nagpahirap sa Kanya at nag-usig sa Kanya at sa Kanyang mga disipulo?
Kaya kailangan nilang mag-usap sa kodigo.Oo?
Halimbawa, "Ngayon mayroon tayong malaking panahon ng pangingisda,"
o katulad niyan. o, "Lumabas tayo at mangisda."
Sapagkat kung talagang kailangan Niyang mangisda, hindi Niya sasabihin sa kanyang 12 disipulo,
"Halikayo! Kalimutan ito. Tuturuan ko kayo kung paano mangisda ng tao."
Ngayon alam mo na, ayos? Sige. Salamat.
Ang Diyos ay hindi kumakain ng anuman na magdudulot ng paghihirap sa ibang nilalang.
Hindi niya gagawin, oo?
Siya ay napaka mapagkumbabang tao.
Siya ay dakila sa espiritu,
ngunit napaka-mapagkumbaba at mapagtiis sa panlabas.
Hindi Niya kailangan ang isda para manatiling buhay.
Napakaraming bagay na makakain sa planetang ito para manatiling buhay.
Ano ang iyong palagay tungkol sa mga apostol?
Nasaan ang langit? Ito ba ay bahagi ng kalawakang ito?
Ang mga apostoles? (Oo.)
Sila ay ang mga malalapit na disipulo ni Hesus,
para ikalat ang Kanyang mensahe kapag wala Sya doon,
magbigay ng inisasyon sa mga tao, ipaliwanag kung paano magnilay at lahat ng iyon, oo?
At ang langit ay hindi bahagi ng kalawakan, oo.
Ang langit ay sarili nating likha sarili nating pag uugali.
Halimbawa, kapag ikaw ay masaya, ikaw ay nagmamahal,
nadarama mong ikaw ay nasa langit.
Kahit nasaan ka man, mayroon kang maliit na kubo, ikaw ay masaya.
At kung ikaw ay malungkot,
kung ang isang tao ay nagbabanta sa iyo, kung ikaw ay nasa ilalim ng kagipitan,
nakatira ka sa palasyo, nakadarama ka tulad ng impiyerno. Ayos?
Kaya kung tayo ay may ugnayan sa Diyos, araw-araw ay nakadarama tayo tulad ng langit.
Kayat sinasabi nating ang langit ay maaaring nandito at ngayon.
Tigil! At magmasid! Ang kaharian ng Diyos ay nariyan lamang."
Hindi ito malayo.
Sa aming kultura, kumakatay kami ng hayop bilang sakripisyo.
Ito ba ay kasalanan?
Ito ay ang inyong paraan ng pamumuhay pinili mong mamuhay ng ganoong paraan kung nais mo.
Ikaw ay Diyos. Magpasya ka kung anong nais mong gawin sa iyong sarili.
Kung nais mong ikatawan ang iyong sarili
bilang isang taong kumakatay ng hayop para ialay, gawin mo iyon.
Kung isang araw ay nagpasya ka,
"Sige, ayaw Kong gawin ang sarili ko bilang mangangatay na tao,"
ikaw ay magbabago, hindi ka na muling kakatay.
Gawin mo ang iyong sariling kumakatawan ng hindi pagiging bayolente at hindi pagpatay.
Ito'y iyong pagpipilian! Ito'y iyong pagpipilian.
Ito'y hindi kasalanan sa mga mata ng Diyos.
Ito'y iyong pagpipilian lang para gawin sa iyong sarili
kung ano ang nais mong ipakita sa iyong sarili
o nais ipakita sa mundo o nais ipakita sa Diyos, oo?
Maaari mong ipakilala ang iyong sarili bilang: "Sige, Ako ay inhinyero."
"Ako ay pari." "Ako ay Guro."
"Ako ay Yogi."
"Ako ay makagulay na ispiritwal na tagasanay."
O, "Ako ay mangangatay ng hayop."
Oo, kahit anong nais mo!
Oo, ito'y depende sa iyo.
Hindi ako nandito para husgahan ang sinuman,
inilalahad ko lang sa inyo ang magkaibang pagpipilian
na maaari mong gawin o nais mong gawin o marahil iniisip mong gawin. Sige?
Anumang oras ay kaya nating baguhin ang ating buhay sa pamamagitan ng ibang pagpili.
At iyan ay sigurado. Ayos?
Walang kasalanan sa ngalan ni Hesus, walang kasalanan! Palagi tayong mahal ng Diyos.
Anuman ang ating gawin ay para sa ating sariling karanasan, oo.
Mahal na Guro,
dapat ba naming ialay ang aming buhay sa pagsisilbi sa mahihirap o sa may sakit,
o kami ba ay nakikialam sa kanilang pagpili o karma?
Hindi, hindi! Hindi.
Dapat nating ialay ang ating buhay anumang oras na kaya natin, at ialay ang anuman na kaya natin,
para tulungan ang ating mga kapatid, maging ispiritwal o materyal.
Oo, tayo ay iisa! Kapag siya ay gutom, ikaw ay gutom.
Kapag siya ay nauuhaw, parang ikaw ay nauuhaw rin.
Dapat ay katulad noon.
Ito'y hindi kinakailangan! Ito'y nadarama sa loob.
Kung halimbawa, kung halimbawa,
kapag nakikita mo ang isang taong nagugutom at nauuhaw at mamamatay
at labis kang nasasaktan na para *** ang sarili mo ang nasa sitwasyong iyon,
tulungan mo siya.
Iyan ang sukatan ng iyong pagmamahal, ng antas ng iyong pagka mahabagin.
Ito'y hindi kinakailangan!
Hindi ito panuntunan upang sundin ito'y nararamdaman sa iyong puso.
Kung nararamdaman mong dapat mong tulungan ang taong iyon,
ibig sabihin mayroon kang pagibig sa iyong puso, at dapat kang magsaya.
Iyan ang tanging gantimpala, ang malaman mong mayroon kang pagibig.
At dapat mo itong gawin, oo.
Oh, salamat.
Nakadarama ako ng labis na pagibig, ngunit nakakulong sa loob ko.
Maaari mo ba akong tulungan na ikalat ito sa kalawakan?
Ikaw ang magkalat nito. Ito'y iyong pagibig!
Kung ikaw ay nagmamahal, gumawa ka ng isang bagay!
Kung ikaw ay nagmamahal, tulad ng nagmamahal ka ng nobyo o nobya,
sabihin sa kanya na mahal mo siya, gumawa ng isang bagay para sa kanya,
bigyan mo siya ng bulaklak, yakap, halik, gumawa ng pag-ibig, gumawa ng kahit ano.
Kaya katulad, kung mahal mo ang lahat ng tao, gumawa ng isang bagay tungkol doon.
Gumawa ng isang bagay na naiisip mong malalaman ng tao ang iyong pag-ibig,
o paulanan mo sila ng iyong pag-ibig.
Gawin ito! Alam mo ang gagawin. Mayroon kang Diyos sa loob mo.
Gawin mo ito ng tapat sa iyong nararamdaman.
Bawat isa ay gumagawa ng magkaiba. Hindi ko maaaring sabihin sa iyo kung ano ang gagawin. Sige?
Tulad ng sinabi Ninyo, walang impiyerno pagkatapos ng kamatayan.
Ano ang nangyayari,
sa mga hindi sumusunod sa mga alituntunin at sa mga salita ng Diyos?
Ano ang nangyayari?
Dapat nilang matutunan muli ang aral ng pag-ibig.
Marahil kailangan nila itong matutunan sa mahirap na paraan,
at iyon ang tinatawag nating impiyerno, oo?
Dapat siyang dumaan din sa paghihirap
para maunawaan na ang paghihirap ay hindi mabuti,
at hindi niya ito gagawing muli.
Kaya sa isang banda, siya ay tulad ng nasa ospital na paraan,
upang maaari niyang mapagaling ang parte na may sakit. Oo?
Sinumang nagbibigay ng pahirap sa iba,
siya ay may sakit saan man sa kanyang ispiritwal na pagkatao.
Kaya pagkatapos niyang gumaling, nagiging buo siyang muli, oo?
Kaya walang impiyerno, walang kasalanan.
Mayroon lang paraan na pumipili ang tao para mamuhay
na nagdadala sa magkaibang konsikuwensiya.
Kung kaya sa Bibliya sinabi sa iyo:
"Anuman ang iyong itanim, iyong anihin." Oo?
"Huwag manghusga, upang ikaw ay hindi husgahan."
Kaya kung ayaw nating magtanim
isang masama, masama, masama, masama, masamang konsikuwensiya sa hinaharap,
kaya kailangan nating magtanim ng.
Kung ayaw nating anihin ang masamang konsikuwensiya ng hinaharap,
kung gayon kailangan nating magtanim ng mabuting buto ngayon, nakita mo?
Kung kayat ang Bibliya ay nagbibigay ng patnubay tulad ng, sige:
"Huwag pumatay, Huwag magsinungaling, Huwag magnakaw,"
bagay tulad noon.
Gawin itong patnubay sa ating buhay.
upang anihin natin ang mabuting prutas para sa hinaharap.
Kung ikaw ay may pananalig sa Diyos,
bakit kailangan nating magdusa at ang mga panalangin natin ay hindi masagot?
Sapagkat kailangan mong tumaas sa kamalayan ng Diyos para maunawaan ito.
Oo, at ikaw ay magiging kontento.
Kahit na ikaw ay bumalik sa pisikal na buhay na ito,
matapos mong Makita kung gaano tayo kamahal ng Diyos,
sa pamamagitan ng ispiritwal na karunungan,
babalik ka sa buhay na ito, hindi ka na magrereklamo.
Alam mo ang lahat, bakit ganito ang nangyari, bakit ganoon ang nangyari,
ang lahat ay para sa ating mabuting kapakanan.
Palagi tayong magpasalamat araw-araw. Ayos?
Dapat mo munang makilala ang Diyos, oo.
Gaano kahalaga ang sampung porsiyento ng anumang kinita mo
ang mahalaga sa Diyos?
Gaano kahalaga? (Gaano kahalaga.)
Oo! Ito ay mahalaga sapagkat ikaw ay nagmamahal.
Ito'y iyong pagmamahal.
Ito'y hindi ang sampung porsiyento, ito ay ang pagmamahal na kasama noon.
Ito'y ang pagmamahal na ibahagi ang anumang mayroon ka
sa ibang tao na hindi gaanong pinalad.
Iyan ang mahalaga.
Kapag ang isa ay tumaas sa pisikal na katawan,
papaano magiging posible na pag-ibahin ang totoong sitwasyon
mula, halimbawa sa halusinasyon?
Oo, mayroong paraan para pag-ibahin.
Ituturo ko sa iyo sa oras ng inisasyon.
Ngunit tanging ang mga taong nais pumunta ng malalim sa ispiritwal na dimensiyon
ang dapat matuto ng husto tungkol sa mga bagay na ito.
Ang mga maginhawang tao lamang at lahat ng iyan ay hindi talaga.
sapagkat hindi ka nagninilay ng masyadong matagal, hindi ka lumalalim.
Kaya ito'y hindi masyadong delikado.
Oo! Ang mas malaking negosyo ay mas delikado.
Kaya dapat naming ipakita sa inyo ang paraan para pangalagaan ang inyong sarili. Oo?
Ngunit kung kayo ay nagninilay ng 10 minuto, 20 minuto, ito'y ayos.
Walang makakaistorbo sa iyo.
Magpahinga ka lang, kalmahin ang isip,
gumawa ng mas mabuting negosyo, matulog ng mas maayos, kumain ng mabuti, iyon na!
Kilalanin ang Diyos ngayon at muli walang kapahamakan, Sige?
Kinakailangan *** dumalo sa simbahan tuwing Linggo upang mapa alalahanan,
o ang isa ay kaya pa ring maalala ang sarili sa pamamagitan ng ugnayan sa Diyos sa puso?
Sa puso. Oo, kung kaya mo.
Kung kaya mong makipag-ugnayan sa Diyos sa puso,
maaari kang magdasal sa aparador,
sa paraang nakalahad sa Bibliya, oo?
Ang simbahan ay lumalapit kay Hesus.
Ang simbahan ay organisasyon na nangangalap ng tao
na may pananalig sa Diyos at gustong magdasal ng magkasama.
Ito'y kapareho, tulad ng, ating grupo.
Tuwing Linggo, nagsasama-sama tayo sa isang lugar.
Ito'y maaari ring tawaging simbahan, ngunit tinatawag natin itong sentro ng pagninilay.
At tayo ay nagninilay sa buong araw na iyon
upang maalala ang Diyos ng lubusan, mas marami kaysa ibang araw,
sapagkat tayo ay laging abala araw-araw.
Kaya iyan ang kahulugan ng talagang pagpunta sa simbahan araw-araw.
para makakuha ng mas maraming komunikasyon, malalim na komunikasyon,
sa ating Totoong Sarili, sa Diyos.
Ngunit kung ikaw.
At ito ay mas malakas, alam mo, kung kayo ay magkasamang nagninilay.
Kung gusto mong matulog at nakikita mo ang kapitbahay na tuwid na nakaupo,
makadarama ka ng pagkapahiya, kaya uupo ka rin ng tuwid.
Iyan ang layunin.
At tutulungan ninyo ang isat-isa sa magkakasamang lakas.
Ngunit kung kilala mo na ang Diyos, saan ka man umupo ay ang simbahan.
Dapat kang pumunta sa simbahan sa loob araw-araw, hindi lang Linggo.
Gusto kong malaman kung saan ang totoong lihim ng Diyos,
at bilang makagulay, puwede ba akong manigarilyo ng marihuwana?
Oo, oo! Marihuwana ay makagulay, tama?
Alam ko ang gusto mong sabihin, oo.
Gayunpaman, saan ang totoong lihim ng Diyos?
Na dapat mong hanapin.
Ipapakita ko sa iyo kung paano hanapin, ngunit dapat mong hanapin ang sarili mo, oo?
Hindi ko maipaliwanag ang Diyos sa pisikal na terminolohiya.
Mas higit Kong ipaliwag, Mas higit Ko kayong naililigaw.
Oo, maaari Kong ipakita sa iyo ang Diyos. Iyan lang ang magagawa Ko.
At marihuwana, sa Aking palagay,
ay-hindi talaga kailangan sa iyong makagulay na diyeta.
Kaya huwag itong isali doon.
Kahit na ito ay gulay,
ito ay labis na hindi naaayong gulay para sa iyong meditasyon,
kaya pakiusap tigilan ang paggamit nito. Ayos?
Nais din niyang malaman kung maaari siyang kumain ng marihuwana?
Ikaw ay masyadong gutom?
Hindi mo lang gustong manigarilyo, kinakain mo ito. Diyos ko!
Masyadong maraming gulay, bakit ka wala kang sapat?
Pinapayuhan kitang kumain ng tokwa, sige?
Oo, puwede kang magprito ng spinach. Ito'y mabuti para sa iyo.
Kahit ano, kahit ano, na nakakapagpalabo ng ating kamalayan, alam mo,
at hindi malinaw,
ito ay-hindi paraan ng Diyos.
Paraan ng Diyos-hindi kailangan ng tulong pisikal, hindi kailangan ng anuman, dahil ang Diyos ay Diyos!
Hindi mo Siya mababago hindi mo Siya magagawang mapalapit ng husto,
hindi mo siya madadala kung saan mo nais
dahil lang sa marihuwana o kahit ano.
Maaari mo lang makilala ang Diyos. Iyon na!
At dalisay, simple, kilalanin ang Diyos.
Mag-isip ng mabuti, kalimutan ang mundo,
at mag-isip ng mabuti sa tabi ng Diyos, pagkatapos ay makikita mo ang Diyos.
Ipinapakita ko lang sa iyo kung paano, iyon na hindi kailangan ang anumang bagay.
At ang makagulay na kinakain natin, ito'y dahil lang sa
kailangan nating kumain ng kaunti ng isang bagay para panatilihin ang katawang ito.
Kaya huwag masyadong magpakalalim kahit sa masyadong pagkamakagulay.
Anuman ang ating kainin para panatilihin ang katawan,
sapat na nutrisyon para panatilihing buhay ang ispiritu,
iyan ay mabuti na, ayos?
Hindi tayo nandito para kumain.
Nandito tayo para makilala ang Diyos. Ayos?
Tanong mula sa iisang tao:
Ako ba ay mahirap dahil sa Aking pag-iisip o aking paniniwala?
Tayo ay mahirap dahil sa ating paniniwala.
Ngunit ito'y huli na ngayon, ayos?
Ang ating planeta ay pinangunahan sa paniniwalang tayo ay makasalanan
at tayo ay naparusahan sa ating mga kasalanan, at lahat ng ganoong bagay, at kaya.
Tayo ay dapat namumuhay ng sagana sa buhay na ito, ngunit.
Bago ang panahong ito, tayo ay may gintong panahon.
Narinig na ba ninyo ang tungkol dito, tama?
Sa gintong panahon, tama? Matagal na panahon. Sige.
Sa panahong iyon, ang tao ay nakakakila ng Diyos, naniniwala sa Diyos,
sapagkat nakikita nila ang Diyos, nadarama nila ang pag-ibig ng Diyos.
Sa panahong iyon, walang aral
isang mapaghiganting Diyos, selosong Diyos,
o walang aral tulad ng impiyerno, sapagkat saan man ay langit.
Ngunit gayunman, ilang masasamang tao ay nag imbento ng ganitong uri ng takot
para makontrol ang populasyon.
At dahan-dahan, dahan-dahan, ang takot na ito ay gumapang sa ating kamalayan
at tayo ay unti-unting nagsimulang maniwala na tayo ay makasalanan, tayo ay masama,
hindi natin makilala ang Diyos sapagkat tayo ay tinalikuran,
tayo ay ipinanganak sa kasalanan, tayo ay laging magkakasala,
at lahat ng ginagawa natin ay kasalanan, blah, blah, blah, blah.
Kaya ang ating kamalayan ay nagging kondisyon sa ganong paraan.
Kung kayat tayo ay bumabagsak sa ating negosyo,
tayo ay nagiging mas mahirap tayo ay binawian ng maraming kaginhawahan,
kasama na ang materyal na bagay.
Ngunit ito'y medyo huli na ngayon para mahigpit na baguhin.
Ang buong kamalayan ng planeta
ay naiukit na sa paraan ng kaisipang ito.
Ngunit ito'y hindi huli para sa iyo!
Kung ikaw ay handang magbago, baguhin ito ngayon!
Maniwala ka sa sinasabi ko sa iyo,
at mararanasan ang pag-ibig ng Diyos na nasa sa iyo araw-araw.
At makikita mo kung paano magbago ang buhay mo.
Malalaman mo na ang Diyos ay totoong pag-ibig
at anuman ang iyong hilingin ay nandiyan agad. Sige?
Ano ang pinagkaiba sa pagitan ng iyong paraan ng meditasyon
at pagsasalita o pagdadasal sa dila?
Sapagkat sinasabing ang pagsasalita o pagdadasal sa dila ay pakikipag-usap sa Diyos.
Gaano ito katotoo?
Ang dalawa ay totoo.
Magkaibang bahagi ng pag-unawa tungkol sa Diyos. Oo? Sige.
Sa ating paraan ni hindi tayo nagsasalita.
Ni hindi tayo nagsasalita sa bibig o sa dila.
Hindi tayo gumagamit ng anuman sa mga pisikal na instrumento.
Tayo ay direktang pumupunta sa langit,
masiyahan sa masayang buhay ng wala sa pisikal na katawan, oo?
At ang Diyos ay hindi nakikipag- usap sa atin sa wika ng tao.
Ginagawa rin niya, minsan.
Ngunit hindi natin ito binibigkas ng malakas,
o hindi natin kailangang gumawa ng anuman, tayo lang ay nakikipag-usap;
at nauunawaan natin sa maka-Diyos na paraan, sa makalangit na paraan,
na siyang tahimik na paraan. Oo.
Mahal na Master, ano ang Inyong mga paghihirap
na naranasan Ninyo sa Inyong pagtahak sa buhay?
Pakiusap ibahagi mo sa akin.
Wow! Hindi ko talaga pinapalagay ang anuman na paghihirap,
kahit na sa mga sandaling iyon ako ay nagrereklamo, gayunman, tulad nating lahat.
Nagrereklamo Ako, sinabi Kong: "Bakit? Hindi Ko ito gusto!"
Ngunit siyempre, Alam kong ito ay mabuti para sa akin, oo?
Anumang paghihirap ay magpapalakas sa ating ispiritu at determinasyon para hanapin ang Diyos,
para malaman natin na
hanggat tayo ay patuloy na kumakapit dito sa pisikal, panandaliang pamumuhay,
tayo ay palaging makakasalubong ng paghihirap.
Walang paghihirap sa langit, kaya tuwing umaalis tayo sa katawang ito
habang nagninilay o malalim na pagmumuni, at pumunta sa langit,
nararanasan natin ang lahat ng kaligayahan at kagandahan.
At pagkatapos kapag tayo ay bumalik maging sa pisikal na katawang ito,
mayroong ilang biyayang natitira
upang ang ating buhay ay maging mas payapa at mas mabuti.
Kaya maging ang paghihirap ay isang biyayang nag-ibang anyo. Oo? Walang problema!
Makakapagsulat ako ng aklat tungkol sa paghihirap, ngunit bakit?
Mas gugustuhin kong magsulat ng aklat tungkol sa biyayang natatamo Ko.
Mahal kong Guro, salamat sa Inyong karunungan.
Paano Kayo pipili ng Inyong kapalit para ipagpatuloy ang Inyong pisikal na gawain dito
matapos Ninyo kaming iwan?
Hindi pa ako nakakapagpasya.
Nasa sa Diyos na ang pagpapasya.
Kapag dumating ang panahon, ipapaalam sa akin ng Diyos, oo?
At ipapaalam ko sa inyo marahil!
O dapat mong alamin sa iyong sarili, oo?
Sige, kapag mayroon Akong isa, Isusulat ko ito, sige?
Pangalan, lugar, petsa ng kapanganakan, tapos ay makikilala mo na siya.
Malamang siya ay may ilong sa gitna, dalawang tenga,
para mahanap mo siya, kahit ano.
Ngunit hindi pa Ako nakakapagpasya, sige? Hindi pa ako nakakahanap ng isa.
Pasensiya, bilisan mo, at marahil sasabihin sa iyo iyan ng Diyos,
"Sige, ikaw ang kapalit." At pagkatapos sabihin mo sa akin, huh?
Sino ang demonyo? Saan siya nanggaling?
Saan siya magtatapos? Bakit hindi wasakin ng Diyos ang demonyong ito?
Ang Diyos ba ay bahagi ng pagiging isa na sinasabi mo?
Oo, siya ay bahagi ng pagiging isa.
Siya ay nagtatrabaho para sa Diyos,
upang malaman natin kung ano ang tama, ano ang mali,
upang malaman natin ang pag-iwas sa tukso,
upang mapaunlad natin ang ating sarili at mapalapit sa Diyos. Ayos?
Walang anumang bagay na demonyo, sa katunayan!
Pagsubok lang, subok lang ensayo lang sinasanay natin ating mga sarili.
Kung nais nating sanayin ang ating sarili sa mahirap na paraan,
pinipili natin ang ating paraan ng pamumuhay sa mahirap na paraan bago tayo ipanganak,
para sanayin ang ating sarili na maranasan ang mga bagay na nais nating maranasan
upang hanapin ang Diyos sa ating paraan.
Mahal na Guro: Ang baraha, aura, at panggagamot na Reiki,
ito ba ay masama kahit na ito'y ginawa para sa kapakanan ng iba?
Hindi, ito'y hindi masama.
Sinabi ko sa inyo, lahat ay magkakaibang bahagi ng pang-unawa tungkol sa Diyos.
Ang nars ay-hindi masama. Ang doktor ay-hindi mabuti.
Sila lang ay nagtatrabaho sa magkaibang paraan, oo?
Magkaibang trabaho.
Ngunit kung nais mong maging doktor,
dapat ka ng tumigil bilang nars at mag aral pa.
Iyon na iyon, ayos?
Maging manggagamot ng hindi nagagamot, tulad ni Hesus, oo? Ayos?
Paano Ko malalampasan lahat ng problemang mayroon Ako
at ibalik ang pokus ko at mapatawad sa mga kamalian ko?
Nais kong baguhin ang aking buhay at maging mabuting tao muli.
Oo, kung gayon baguhin ito.
Una, anuman ang hindi mo gusto sa iyong sarili, baguhin ito! Oo?
Halimbawa, nasanay kang magsabi ng kasinungalingan, ngayon ay huwag na! Sabihin lang ang katotohanan.
Nasanay kang kumukuha ng mga gamit mula sa mga tao,
itigil mo ito at sa halip ay ibigay mo ang mga gamit mo. Oo?
O magkamit ng inisasyon at magkamit ng kaliwanagan.
Mayroon *** bagay na masamang kapalaran o sumpa sa iyo?
At kailan ka nito mapapalaya?
Walang sinuman ang makakapagsumpa sa iyo, walang masamang kapalaran ang magpapahamak sa iyo,
kung pinili mong maglakad sa ibang daan. Tama?
Maglakad na lang sa ibang daan.
Maglakad sa daan ng Diyos, at lahat ng masamang kapalaran ay aalis sa iyo.
Ngunit minsan, dahil sa karma na nagawa mo na,
kaya ang konsikuwensiya ay nananatili pa rin sa sandaling panahon. Ayos?
Tiisin na lang ito! Hindi tayo mabubuhay dito ng matagal.
Huwag mag-alala!
Bakit hindi tayo ma-initiate at hindi pagbawalan?
Bakit hindi tayo maaaring kumain ng karne at uminom ng Alkohol?
Kaya gusto mo *** maging Diyos na kumakain ng laman o Diyos nalasing?
Ikaw na nga!
Kung ikaw ay kakain ng karne ngayon at iinom ng alak,
ikaw ay isa ng lasing na Diyos at Diyos na kumakain ng karne araw-araw!
Akala ko ay nais mong magbago upang maiba.
Kung hindi mo nais magbago, kung gayon manatili ka na lang sa kinalalagyan mo.
Ikaw ay isa ng Diyos. Ayos?
Ngunit kung nais mong magbago sa mas mataas na antas ng iyong sarili,
kung gayon dapat mong iwanan ang kaunti ng ganitong mababang uri ng pamalit
para matagpuan ang mas marangal mas mataas na pagkalasing sa pagibig ng Diyos
at mas maraming miryenda sa laman ni Hesus naunawaan mo?
Sa ispiritwal na laman ni Hesus, oo.
Mayroong maraming relihiyon,
tulad ng Kristiyanismo at tradisyonal na reliyon ng Aprika.
Alin ang tamang relihiyon sa Aprika?
Gayundin, sa pagsasanay sa ibang relihiyon, ito ba ay nakakagalit sa ating ninuno?
Hindi! Hindi.
Bawat relihiyon ay mabuti para Sa Aprika kung naniniwala ka dito, ayos?
Pinapakita ko lang sa inyo ang paraan
para lubos na makipag-ugnayan sa pinagmulan ng iyong relihiyon.
Mayroong tanging isang Diyos,
at ang tao ay naghahanap ng magkakaibang paraan para lumapit sa kanya.
Kaya lang minsan ay nawawala sila sa kawalan,
kaya Ako ay nandito para ipakita sa kanila kung saan pupunta sa pinakamaikling daan, oo?
Hindi ako pumunta dito para baguhin ang inyong relihiyon.
At ang inyong ninuno ay hinding hindi magagalit sa inyo,
sapagkat sila ay mapapalaya sa pamamagitan ng inyong kaliwanagan,
sa pamamagitan ng inyong biyaya.
Salamat sa pagpunta Ninyo sa Timog Aprika
at pagdala ng Inyong pagibig at kapayapaan sa aming mga tao.
Umaasa akong ang Inyong pagmamahal ay makaabot sa mga tao ng Timog Aprika.
Inaasahan ko rin! Maraming salamat sa inyong pagmamahal.
Sa palagay ko!
Ang mga Timog Aprikanong tao ay masyadong naliwanagan, masyadong matalino.
Wala akong anumang problema sa inyo.
Sa tingin ko ay nauunawaan natin ng ganap ang bawat isa, oo.
Ito'y ang parehong tao.
Ang lahat ay libre. Sabihin mo sa amin kung sino ang nag isponsor sa iyo.
Sino ang ano?
Sino ang nag-iisponsor sa iyo? Sino ang iyong isponsor?
Ah, Kinikita Ko ang pera ko.
Ako ay isang dibuhista, hindi mo alam?
Oh, nakita mo, hindi naming dinala lahat ng mga nilikha ko dito.
ngunit makikita mo ang ilan sa mga larawan.
Ako ay nagdidisenyo ng alahas, nagdidisensyo ng damit.
Hindi ko sinusuot ang sarili kong damit ngayon,
Suot ko ang sa inyo, para respeto sa inyong bansa.
Sa Bibliya, sinabing dapat mong kitain ang iyong ikinabubuhay
sa pamamagitan ng iyong pawis
Kaya iyan ang ginagawa ko. Oo?
Maliban sa pagbabahagi sa inyo ng biyaya
na pinahintulang ipagawa sa akin ng Diyos,
Kailangan ko ring kitain ang aking panggastos para sa pisikal na pangangailangan. Oo?
Kailangan ko ng transportasyon, kailangan Ko ng kotse, kailangan Ko ng tiket sa eroplano, atbp.
Kaya kinikita Ko ang pera tulad ng ginagawa mo, oo?
At ibinabahagi Ko kung anuman ang mayroon ako sa ibang tao.
Maliban sa kailangan Ko, Ako ay may sobra.
Ibinabahagi ko sa ibang mga kapatid, oo.
At walang sinuman ang sumusuporta sa akin. Ako ang sumusuporta sa tao.
Sinusuportahan ako ng Diyos, oo.
Kapag nagsasama-sama kayo tuwing Linggo, kumakain ba kayo ng banal na kumunyon
sa pag-alala sa ating Hesukristo?
Kapag Ako ay pumupunta sa simbahan pag Linggo? (Oo.)
Oo, Ako ay kumakain ng tinap ng kumunyon, ngunit ang isang hindi mo nakikita.
Oo, ang totoong laman ni Hesus.
Hindi ko hinihiwa ang Kanyang laman at kinakain, ngunit nakikiisa ako sa Kanya.
Iyon ang aking tinapay ng kumunyon.
Mayroon ako niyon araw-araw, hindi lang Linggo.
Sa Aprika, sinasabing mayroon tayong pinaka mataas na bilang ng ***, AIDS.
Isinusumpa o pinaparusahan ba ng Diyos ang aming kontinente sa ganitong hindi nagagamot na sakit?
Paano tayo maliligtas sa ganitong sakit?
Sa bawat bansa,
mayroong mga sentro ng impormasyon tungkol sa AIDS
o tungkol sa ibang sakit na siyang inaalala mo, oo?
Alamin mula sa impormasyon,
at alagaan ang iyong pisikal na sarili, oo?
Kung hindi, kung ikaw rin ay ispiritwal na nagsasanay
at ipinagpapatuloy ang panuntunan
at kayo ay may makagulay na diyeta, kayo ay namumuhay ng ispiritwal,
hindi ninyo kailangang mag-alala tungkol sa tanong na ito.
Ang Gintong Panahon ba ay tanda ng pangalawang pagdating ni Hesus?
Ano ang Gintong Panahon?
Ang Gintong Panahon ay ang panahon,
tulad minsan o matagal na panahon o maraming beses na nakaraan,
na naranasan natin ang makiisa sa Diyos,
at lahat ng hinihiling natin ay kaagad natutupad.
Maaari nating maranasan ang gintong panahon ngayon
kung tayo ay mayroong ganitong koneksiyon sa Diyos.
Araw-araw ay gintong panahon para sa mga nagsasanay na Quan Yin.
Maaari mo *** ipaliwanag sa akin ng wasto, saan kaming mga itim na tao nagmula,
sapag kami ay hindi nabuhay sa Bibliya.
Totoo ba na kami ay mga isinumpang mga anak?
Maaari mo ba itong ipaliwanag ng wasto. (Anong mga anak?) Isinumpa.
Hindi! Oo, ikaw ba ay nagbibiro?
Nakita mo, nakita mo? Nakita mo?
Ito ay ang doktrina ng takot, ang doktrina ng paghihiwalay,
ang doktrina ng panghuhusga at pagkapahiya
ang mga taong iyon noon ay nagpahirap sa lahi ng tao
para hatiin tayo at pamunuan tayo.
Sapagkat nagkakaisa tayong tumayo, nahahati tayong bumagsak, at alam nila iyon.
At hindi tanging, oo.
Minsan akong nagmahal ng itim na tao nagbibiro ka ba?
Oo, sa totoo lang.
Oh, Diyos ko!
Bakit mo tinatanong ang ganitong tanong? Ito'y hindi dapat lumalabas!
Ito ay isa lang magkaibang kulay! Ito'y tulad lang ng mga bulaklak dito.
Tingnan kung ilang kulay mayroon dito.
Halimbawa tayong lahat ay puti o lahat ay dilaw tulad ko,
hindi ba ito ay nakababagot, ating planeta, huh?
Kung gayun ay wala Akong Timog Aprikang mapupuntahan.
Wala akong magkaibang kulay na titingnan.
Kapag tumitingin Ako sa iyo, naiisip ko ang Tsokolate. Yum, Yum!
Ang Paborito kong kulay, oo! Oo.
At alam mo, lahat ng kulay ay maganda.
Walang pagkakaiba! Magkakaibang bulaklak lang.
Hindi ko alam kung bakit lumabas ang tanong na ito.
Ngunit alam Ko kung bakit, tulad ng naipaliwanag Ko na.
Ito ay ang patibong, ito ay ang pandaraya,
ng mga masasama, alam mo, na sumusubok kumuha ng kapangyarihan sa tao.
Hindi lang sila sumusubok na paghiwalayin tayo mula sa Diyos,
gawin ang Diyos na nakakatakot na tao o nilalang,
bilang mapaghiganti at mapagparusang Diyos,
ngunit hinahati nila tayong mga tao sa kabuuan, bilang lahi ng tao, oo?
Sumusubok sabihin sa mga puting tao na ang ng itim na tao ay masama,
at sumusubok sabihin sa maitim na tao na ang mga maputing-balat na tao ay demonyo.
Oo! Bawat henerasyon, ay nilalason ang isipan natin para mag-isip tulad nito,
at iyan ay kung paano tayo nagiging, tulad, nalilito,
at pagkatapos sinusubukan nating mag-isip muli.
Totoo ba ang sinabi niya? Marahil totoo ang sinabi niya.
Sabihin mo sa akin bakit ang mga itim na tao ay isinumpa!
Sabihin mo kung bakit! Isang mabuting rason kung bakit.
Maaari mo *** masagot kung bakit?
Kung hindi mo masagot, ibig sabihin hindi ito totoo, ang sumpa.
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng maitim na kulay o ng maputing kulay,
ng dilaw o ng pula?
Ano ang pagkakaiba dito?
Alam mo kung bakit ikaw ay itim ikaw ay maitim,
sapagkat ikaw ay masyadong malapit sa araw.
Itago mo ang iyong sarili sa loob ng bahay!
Hindi, Sinabi Ko na sa inyo, Ang Diyos ay makulay.
Siya ay artistiko.
Siya ay gumagawa ng magkaibang kulay ng prutas. Siya ay gumagawa ng magkaibang kulay ng bulaklak.
Kaya Siya ay gumawa ng magkaibang kulay ng aso. Siya ay gumagawa ng magkaibang kulay ng elepante.
Siya ay gumagawa ng magkaibang kulay ng ibon. Siya ay gumagawa ng magkaibang kulay ng tao.
Dapat tayong maging masaya!
Siya ay magaling. Tayo ay magaling, oo?
Gayunman gusto Ko ng tsokolate, kaya huwag. Wala akong pakialam.
Hindi dapat, mag-isip ng tulad nito, huh?
Hindi, ang tanong na ito ay dapat manggaling sa inyong utak.
Kayo ay magaling!
Kayo ay may masyadong mahaba at malalim, malalim, malalim na tradisyong ispiritwal.
Anong ibig mong sabihing ang mga itim na tao ay hindi binanggit sa Bibliya, huh?
Papaano ang mga Ehipto, Cleopatra? Siya ay itim!
Oo! Moises, oo?
Ang mga taong Ehipto, oo, kung saan pinalaki si Moises,
sila rin ay kinulayan, sila ay maitim na kulay.
Ibig mong sabihin hindi sila binanggit sa Bibliya?
Kailangan *** sabihing maitim o itim
para makilala mo ang iyong sarili?
Ikaw ay tao.
Walang itim, walang puti, walang dilaw, wala.
Tayo ay mga anak ng Diyos, tapos!
Oo, walang problema.
Wala akong nakikitang anumang problema! Wala akong nakikita!
Papaano ka makakakita ng anumang problema sa mga kulay ng bulaklak?
Hindi ko naintindihan ito.
Huh? Alam mo ang ano?
Alam mo ba? Sa Holland.
Nakapunta ka na sa Holland, sinuman sa inyo?
Sige, ilan sa inyo, tama.
Alam niyo ba sa Holland nagtatanim sila ng itim na tulip, oo?
At ito ang pinakamahal at bihira,
sapagkat wala tayong maraming ganoon. Nakita mo?
Kapag walang itim, dapat silang gumawa nito, nakita mo?
Halimbawang wala tayong maitim na tao dito, dapat tayong lumikha nito,
itinugma sa genes, upang makakuha ng isang maitim.
At ito ay magiging, "Oh Diyos ko, siya ay itim! Oh, Diyos ko!"
Alam mo ang ibig Kong sabihin? ito'y tulad ng mga tulip, ang maitim sa tulip.
Ito ay napaka itim na tulip. Hindi ito pinanganak ng ganoon.
Pinagtugma nila ang genes. Nilikha nila ito sa pamamagitan ng siyensiyang pamamaraan.
At Ako ay nakakita ng kapiraso nito maganda!
Napaka-itim at maganda! At napakadalang, sapagkat hindi.
Ang buong halamanan ay puno ng ibat-ibang kulay.
Basta isang maliit na bungkos ay itim na tulip,
at silay tinawag na hari ng gabi
o reyna ng gabi o katulad noon.
Magandang pangalan!
Halimbawang wala tayong maitim na tao dito, o kulay tsokolateng tao dito,
magkukulangan tayo ng isang bagay, nakita mo?
At tayo ay susubok ng maigi sa laboratoryo
para maka likha ng itim na bata.
At atin itong hahawakan pataas:
"Oh, tingnan mo siya! Hindi ba't maganda siya?"
Nakita mo ang ibig Kong sabihin?
Kaya alam na yan ng Diyos.
Ginawa niya ito para sa atin,
Kaya dapat tayong magpasalamat, magsaya at magmalaki.
Oo, magmalaki na kinulayan!
Alam mo kung ilan. oo, salamat.
Oo, oo, gawin mo iyan at sasabihin ko sa iyo ang iba pa.
Ipagpaumanhin mo, ipagpaumanhing nagsasalita ng matagal tungkol dito.
Hindi mukhang ispiritwal,
ngunit ang problemang ito ay napakatagal na, kaya hindi na baleng matagal akong magsalita,
hindi mukhang matagal para burahin ang matagal ng nananatiling hindi pagkakaunawaan
Sa mga kulay ng nilikha ng Diyos.
Kaya dapat Akong magsalita ng mas matagal.
Ah, ano? Nakalimutan Ko ngayon. Ano iyon?
Ah! Sige, ang kulay.
Alam mo kung gaano karaming pera
lahat ng tao sa ibang bansa ang gumagastos sa tabing-dapat,
gaanong paghihirap ang paghiga nila sa nakapapasong araw,
para makuha ang kulay na mayroon ka?
Oh, ikaw ay nagbibiro!
Kailangan ko ring humiga sa araw minsan
para makuha ang kulay na mayroon ako ngayon.
Kung hindi, Ako ay masyadong maputla minsan.
Kaya ikaw ay milyonaryo. Naglalakad, ipinanganak na milyonaryo.
Tanging milyonaryo sa Amerika o kahit saan
maaaring magkaroon ng klase ng kulay mayroon ka,
sapagkat nag aksaya sila ng maraming oras at pera sa araw.
Alam mo ba iyon? Alam mo iyon?
Kaya sa susunod huwag mong itanong sa akin ang tanong na ito.
Sabihin sa iyong sarili na ikaw ay milyonaryo likas, ipinanganak na milyonaryo.
Hindi kailangang ihawin ang Iyong sarili sa tabing dapat ng ilang oras na matapos.
Ito'y malaking paghihirap, alam mo,
para makuha ang kulay ng tao sa Aprika.
oo.
Guro, nais Kong malaman:
Nang makita ko ang Inyong larawan, may isang bagay na kumintal sa akin.
Ako ay may pakiramdam sa pagpunta dito para makilala Kayo,
sa totoo lang para makita Kayo ng pisikal.
At nang pumasok Kayo sa bulwagan, Nakadama ako ng pagka-iyak.
Ito ba ay dahil may damdamin ako sa Inyo,
o dahil nakakakuha ako ng kaganapan sa pagkilala sa Diyos?
Maaaring iyon.
Maaaring dahil nadarama mo ang Diyos sa kalooban ko
na nagpapahayag ng pag-ibig sa iyo.
Sapagkat, hindi sa hindi siya maaaring magpahayag din sa iyo. Kaya niya!
Kapag pinili mo ang daan ng Diyos, Siya ay magpapahayag din.
Nakita mo, pinili Kong maglakad sa daan niya, para makadama ka ng mas maliwanag.
Sapagkat Ako ay kasama niya,
at ang ibang tao ay mas higit sa mundo,
mas nag-aalala tungkol sa mundo.
Ako ay mas nag-aalala sa Diyos.
Kung gayon, mas madarama mo ang presensiya ng Diyos sa ganoong tao,
halimbawa, marahil ako.
Kung kaya't nakadarama ka ng kasayahan o nakadarama ka ng emosyonal.
Kung hindi, hindi natin kilala ang isat isa, bakit ka iiyak kapag nakikita mo ako?
Bakit mo ako mamahalin o gusting makipagkamay o yakapin ako, oo?
Puwedeng isang bagay, oo?
Kapag ikaw ay nagtanim, ikaw ay may aanihin.
Maging ito ay sa mundo, o maging sa Diyos.
Kapag tayo ay sa mundo, nakakapagpahayag tayo ng mas makamundong atmospera
at mas nakikilala ito ng tao.
At kapag tayo ay nasa Diyos,
tayo ay mas nagniningning ng atmospera ng Diyos,
at nadarama ito ng tao sapagkat ang Diyos na nasa iyo ay nakakaramdam niyon.
Salamat Master, sa pagpunta sa Timog Aprika.
Tinatanggap Kayo namin ng bukas ang mga kamay.
Salamat.
Salamat sa pagpunta ninyong lahat,
at ito ang katapusan ng mga tanong sa ngayon.
Salamat, Master.