Tip:
Highlight text to annotate it
X
Noong Nobyembre, nangako ang Canada na tumanggap ng 25,000 refugee mula sa Syria.
Pagkalipas ng tatlong linggo, dumating si Emad at ang kanyang pamilya sa Ontario.
Emad: Naglalakad kami sa tubig.
Hamudi: Nagyelo lahat ito?
Emad: Galing ako sa Syria, sa Probinsya ng Daraa.
Iniwan ko ang asawa at mga anak ko
dahil mapanganib ang sitwasyon.
Sa totoo lang, wala kong alam na anumang bagay tungkol sa Canada.
Brian Logel: Nang binomba ang nayon
na malapit sa tinitirhan nila,
Inempake ni Emad at Rezan ang lahat ng kanilang mga gamit sa isang taxi,
at tumakas sila.
Nang dumating sila,
hindi sila nagsasalita ng English.
Philomena Logel: Iyong mga bata--
may mga napakasakit na karanasan.
Gusto naming pagtagumpayan ang mga unang takot na iyon
na hindi nila malalaman kung paano makipag-usap,
dahil gusto mong makisama.
Walker: Bago ka, tapos nasa bagong lugar,
at sinusubukang malaman ang mga bagay-bagay,
palaging nagkakahiyaan, nag-aalangan.
Ang pinakamalaking bagay na hinarap namin
kapag may mga estudyante mula sa ibang bansa
ay iyong talagang mahihirapan sila
dahil wala silang background ng wika.
Gordon: Hamudi, anong gusto mong matutunan sa eskwelahan?
[electronic na boses ng babaeng nagsasalita ng Arabic]
Hamudi: Sumulat.
Gordon: Gusto mong magsulat? Hamudi: Oo.
Gordon: Nasa kabilang direksyon ang Arabic.
Kaya nakatulong ang paggamit ng Google Translate
dahil ipinapakita talaga ito sa kabilang direksyon para sa kanila.
Walker: Sa pag-unlad ng wika,
ang pinakamalaking pagbabago ay ang kanilang level ng confidence.
Hamudi: Halika dito, ibon!
Walker: Ngayon kapag gumagawa sila ng isang pangungusap,
talagang nagmamalaki sila.
Fateh: Uy, ang pangalan ko.
Gordon: Naging mas kumportable sila,
ngunit ito ay isang tuluy-tuloy na trabaho.
Emad: Hindi nila naiintindihan ang bawat salita...
Pero masaya sila.
Gordon: Ano ang paborito mong miryenda?
[electronic na boses ng babaeng nagsasalita ng Arabic]
Fateh: Pizza. [Mga bata nagtatawanan]
Gordon: Pizza. Masarap na meryenda iyan.
Sa lahat na tumanggap ng refugee
Salamat