Tip:
Highlight text to annotate it
X
Gusto ko ng outdoor job mula noong bata ako.
Kaya ito ay pagiging magsasaka man o mangingisda.
May 60 km lang kami ng coastline sa Belgium
kaya hindi posible ang pagiging mangingisda.
Kaya naging magsasaka ako.
Ang aming kumpanya, ang Pays des Collines Donkey Farm,
ay kumpanyang batay sa produksyon ng gatas ng donkey.
Sinimulan namin ang kumpanya dahil sa hilig namin sa mga donkey.
Sama-sama kami.
Ang aking misis, anak at ako.
Tatlo kami.
At masasabi ko na sa ngayon napakaayos nito.
Di nakikita ang tunay na halaga ng mga donkey.
Wala daw alam ang mga ito,
tamad at walang silbi.
Parang mas mapapahalagahan sila sa pagkuha ng gatas nila,
pagbenta dito at pagpapatunay na mainam ito sa mga tao.
Puno ng bitamina ang gatas ng donkey,
mga mineral at antibodies.
Ito ay gatas na nagpapalakas sa immune system.
Lalo na, napakasarap nitong inumin
at may napakasarap na lasa.
Napakagaan nito.
Kaya kasiya-siya itong inumin.
Minsan, ipinasya naming itaas ang direct Internet sales sa mga indibidwal na customer.
Ang hamon ay i-redirect ang mga French na customer sa aming site,
alam naming interesado ang mga French sa ganitong produkto.
Alam din naming di nila nakikita ang site,
dahil nang hinanap namin ang gatas ng donkey,
di kami lumitaw saanman sa Google France.
Nalaman lang namin ang AdWords sa dyaryo.
May advert para sa AdWords na nagsabi nito:
habang binabasa mo ito,
hinahanap ka ng mga customer sa Internet ngunit di ka makita.
Nag-alok ang advert sa dyaryo ng €50 na kredito.
Ganoon kami nagsimula sa AdWords, upang masubukan ito.
Noong hindi pa nakalista ang site sa AdWords,
bawat araw may 2 o 3 order kami mula sa indibidwal na customers.
Madalas na mga Belgian dahil nakikita kami sa Belgium.
Sa AdWords, tumaas kami sa 3 at 6, pagkatapos ay 6 at 10.
Sa ngayon, tumataas pa ang bilang at mukhang
nagiging 12 order na ito bawat araw.
At tandaan nagsimula kami sa 2 o 3, kaya...
Binago ng AdWords ang aming kumpanya dahil
ang direct sales sa indibidwal na customer sa Internet ay mababa.
Ngayon, kasing dami na ito ng 6 o 7 beses.
Ang nais ko sa kumpanya, at di ito napaka-ambisyoso,
ay lumaki kami, siyempre,
ngunit di ito pag-unlad sa anumang halaga.
Ang mahalaga, ay mapanatili ang negosyo sa antas nito ngayon,
at unang-una magkaroon ng kalidad na buhay.
Nais kong gamitin pa rin ang AdWords.
At tiyaking tingnan kung may magagawa pa,
tulad ng paghanap ng mga may-katuturang keyword.
Mahalagang irekomenda ang AdWords sa maliliit na kumpanya
na nagsisimula pa lang dahil hinahayaan ka nitong... ,
una, makilala,
maakit ang mga tao sa site at direktang magbenta sa mga consumer,
di lang sa Belgium ngunit sa buong mundo.