Tip:
Highlight text to annotate it
X
Gusto niyo ng Shrimp puff?
Gusto niyo ng Shrimp puff?
Sir, gusto niyo ng Shrimp puff? Sarap!
Anong ginagampanan mo ngayon? Sarili ko.
Diba dapat lahat tayo may dapat gampanan na karakter para hindi tayo halata
Isa na akong literary celebrity, Nelson.
Di mo ba alam na madali para sa akin ang makakuha ng imbitasyon dito sa fundraiser?
Eh bakit hindi mo na lang ako inimbita bilang isang kaibigan
sa halip na kumuha ako ng trabaho bilang cater waiter?
Sasabihin sa iyo ng kahit na sinong tiktik
kapag maga-undercover ka, dapat gagawin mo kung ano ang natural sa iyo.
Para sa akin, iyon ay ang makihalubilo sa ibang mga artists.
At para sa iyo, yuna ay ang pagsisilbi sa mga taong mas-successful kaysa sa iyo.
(sa labas ng screen) Huy mga pare, nandito na kami.
Nandito na sina Wood at Todd.
Kami ang mga Jacksons.S Sige. Pasok na kayo.
Salamat. Walang anuman.
Kamusta. Ano ang mga pangalan niyo?
Mga pangalan? Ah, sige. Ako si Billy Joe Stetson. Galing ako sa Dallas, Texas.
Pero kalilipat lang namin dito sa district kaya puwede kaming bumoto.
At ito ang kapatid at business partner na si Festus.
Pasensiya na kayo. Hindi ko makita ang pangalan niyo sa listahan.
Ay kasi narinig lang namin ang tungkol sa fundraiser na ito.
Tutal, bago lang kami dito at gusto naming palakihin ang negosyo namin
kaya naisipan naming dumalo at mag-donate sa kampanya ni Mr. Pendleton.
Malaking donasyon. Kung naiintindihan mo ako, iha.
Kailangan meron kang ipakita sa akin.
Paano kung dalawampu?
Sige, pasok kayo. Kailangan ko rin lang magpa-manicure.
Saan mo nakuha itong mga earpieces para makipag-usap sa iba?
May mga kaibigan ako sa Homeland Security noong isang taon
na tumulong ako para mag-surveillance sa isang Saudi Prince na ka-date ko noon
yung nakilala ko isang party noong araw bago mag-Bagong Taon sa Dubai.
Teka. Nasa radar ka ng Homeland Security?
Radar? Puwede ba! Sa dinamidami ng mga Arabo na na-date ko?
Nasa watch list na ako!
Alam mo hindi ko na alam kung nagbibiro ka na, ano?
Siguro dapat hindi ako makitang nakikipag-usap sa katulong.
Gusto niyo ng Shrimp puff?
Ikinagagalak kong makita ka, Billy Joe. At Festus, diba?
That's right, sir.
Ako si Mary Ashley Pendleton. Asawa ng kandidato.
Heto! Helo! Si Mary Ashley Pendleton! Sa harap ko mismo!
Huwag kang sumigaw, tanga.
Oo nga. Sorry ha, Nelson.
Nalilito ako. Sino si Nelson?
Diyos ko po, Wood! Manahimik ka!
Ikaw ang manahimik!
Ano kamo?
Ikinagagalak namin na nandito kami ngayong gabi.
At bilib kami sa iyong pagiging kandidato, sir.
Mamaya kapag natapos na ang lahat
gusto kong ipakita sa iyo kung gaano kami kabilib sa pamamagitan ng pag-donate nang malaki para sa kampanya mo.
Aba, mabait talaga ikaw.
Ikinatutuwa ko ang kahit anong tulong niyo sa aking kampanya.
Ipagpaumanhin niyo ako. Kailangan kong kamustahin ang isang kaibigan ko.
Maghintay kayo mamaya. Gusto ko sanang makilalala kayo nang mabuti.
Mukhang masarap iyon.
Nakakatuwa talaga, diba?
Sabi ni Teresa doon na galing daw kayong dalawa sa Dallas?
Galing din ako sa Dallas. Saan kayo lumaki doon?
Meron kaming rantso doon.
Saan doon?
Malapit sa JR at Sue Ellen.
Ibig niyang sabihin ay malapit sa kung saan na-film ang JR at Sue Ellen sa Dallas.
Ginang, bago kami magbigay para sa kampanya,
puwede ba kaming magtanong tungkol sa inyong dalawa ng asawa mo?
Oo ba. Kahit ano puwede niyong itanong.
Ako si Mary Ashley Pendleton.
Ako ay 43 anyos na at galing sa Great State of Texas.
Gusto kong magluto, scuba at macrame.
Gusto kong maging Miss America at mag-raise ng awareness sa panganib ng anorexia.
Dati akong sumasali sa pageants at iyon ang aking sinabi para magpakilala ako.
Nakakaakit. Paano kaya sila makakatanggi?
Ang kinanta ko ay Wind Beneath My Wings sa talent portion
at may isang buwisit na kalaban na galing sa Maine na tinalo ako ng ventriloquism.
Nakikita namang gumagalaw ang labi niya.
Ginang, anong masasabi ninyong mag-asawa sa pagkamatay ni Elliot Butler?
Siyempre, malaking trahedya iyon.
Narinig ko ang balita noong nasa Lubbock ako nang binisita ko ang kapatid ko
Pagpalain ang puso niya. Sana mahanap ang pumatay sa kaniya.
Kailangan kong magtapat sa inyo.
Hindi ako galit na pinili ng Diyos na maalis ang isang malalakas na kalaban ng aking asawa.
Bale nga, nabawasa nang isang kalaban.
Iba talaga ang mga plano ng Diyos.
Yun ang kagustuhan niya.
Bakla si Elliot Butler.
Wow.
Sabi nga ng Bibliya, ito ay isang abomination.
Masaya ka na namatay siya?
Ingat ka lang, Wood!
Oo nga. Sorry, Nelson.
Sino si Nelson?
Ako si Nelson.
Buti na lang, Todd.
Salamat. Para saan?
Sabi ko na nga *** dapat nag-ensayo muna tayo sa paggamit nitong mga earpieces bago tayo pumunta dito!
O, itong kapatid kong si Todd ay ang aking kasosyo
Teka. Akala ko ba Nelson ang pangalan mo.
Hindi, sa totoo lang, ang pangalan niya ay Festus.
Bakit hindi ka kumuha ng pagkain para sa atin
at mga inumin para sa akin at ang magandang babaeng ito?
Magandang ideya iyan, kuya. Ginang.
Itanong mo sa kaniya tungkol kay Turbo.
Maganda po talaga kayo, Ginang.
Maganda pati ang rack. Isa sa mga paborito kong parte ng babae.
Gusto kong malaman kung paano mo iniingatan ang katawan mo?
Meron ka *** Hollywood trainer?
Meron ako dating trainer pero sinisante ko na siya.
Lumabas na bakla din pala siya! O hindi!
Alam kong nasa Los Angeles tayo pero Diyos ko, bakla na ba ang lahat ngayon?
Masaya ako na gusto niyong tumulong sa aking kampanya.
Baka gusto mong sumama sa akin sa isang hotel para pag-usapan ito nang masinsinan?
Inaakit niya ba ang boypren ko?
Tigil! Itigil ang misyon! Nababaliw na si Nelson!
Ikinagagalak kitang makilala.
Natutuwa ako pero hindi ko tipo ang ***.
Ipaliwanag mo ito sa mga pahayagan!
Paano ang inyong donasyon?