Tip:
Highlight text to annotate it
X
May sariling wika ang online advertising
at kung para itong banyagang wika para sa iyo,
hindi ka nag-iisa.
Ngunit mahalagang maging kumportable ka sa mga termino
upang masulit mo ang iyong ipinuhunan sa AdWords.
Upang makatulong sa pagpapaliwanag, narito ang isang sitwasyon:
Nagpaplano ng kasal si Owen
at isang photographer si Brenda.
Ginagamit ni Brenda ang AdWords upang mag-advertise online
sa mga taong naghahanap ng photographer.
Ito ang isa sa kanyang mga ad.
Kumukuha ng tatlong uri ng larawan si Brenda:
Mga sanggol,
real estate,
at kasalan.
Gumagamit siya ng iba't ibang ad para sa bawat bahagi ng kanyang negosyo.
Ang bawat koleksyon ng mga ad ay bumubuo ng isang ad group.
Nagtatakda si Brenda sa bawat ad group
ng mga salita at parirala na may kaugnayan sa bahaging iyon ng kanyang negosyo.
Ito ay mga keyword.
Gumagamit ang AdWords ng mga keyword upang makatulong sa pagpapasya kung aling mga ad
ang ipapakita sa mga taong naghahanap ng mga bagay-bagay online.
Ang tatlong ad group ni Brenda ay bumubuo ng isang campaign.
Sa campaign nagpapasya si Brenda tungkol sa mga pangkalahatang usapin,
tulad ng kung saang mga device niya gustong lumabas ang kanyang mga ad,
at kung magkano ang kanyang gagastusin.
Na-type ni Owen ang "experienced wedding photographer" sa Google.com.
Ang pariralang "experienced wedding photographer" ang kanyang termino para sa paghahanap.
Nakakita siya ng dalawang uri ng resulta ng paghahanap:
ang mga organic na resulta ng paghahanap sa gitna ng pahina
ay ang mga website na tumutugma sa termino para sa paghahanap ni Owen.
Walang makakapagbayad upang lumabas sa mga resultang ito.
Ang pangalawang uri ng mga resulta, ang mga bayad na resulta, ay karaniwang matatagpuan
sa itaas,
ibaba,
o kanang bahagi ng pahina.
Ito ay mga ad mula sa mga negosyong gumagamit ng AdWords.
Kadalasan, sisingilin ang isang advertiser kapag may isang tao tulad ni Owen
na nag-click sa isa sa mga ad na ito.
Lalabas ba ang ad ni Brenda kapag naghanap si Owen?
Depende.
Sa tuwing may gumagamit ng Google upang maghanap,
may auction na tumutukoy kung aling mga ad ang lalabas at kung ano ang pagkakasunud-sunod ng mga ito.
Dalawang pangunahing salik ang tumutukoy sa kalalabasan:
Magkano ang handang ibayad ng isang advertiser para sa isang pag-click,
na isang bid,
at isang bagay na tinatawag na "Marka ng Kalidad."
Ang Marka ng Kalidad ay isang pagtatantiya kung gaano nauugnay at kapaki-pakinabang ang iyong ad
at ang pahina sa iyong website kung saan ito nagli-link
sa isang taong nakakakita sa iyong ad.
Kapag magkasama, tinutukoy ng bid at Marka ng Kalidad
kung saan lalabas at kung lalabas ba ang ad ni Brenda sa pahina ng resulta ng paghahanap ni Owen.
Magkaiba ang mga bid at badyet.
Nakakaapekto ang iyong mga bid sa kung magkano ang iyong gagastusin
sa tuwing may magki-click sa isa sa iyong mga ad.
Nakakaapekto ang iyong badyet sa kung magkano ang iyong gagastusin
bawat araw sa kabuuan ng iyong campaign,
na nakakaimpluwensiya sa kung gaano kadalas ipinapakita ang iyong mga ad.
Lumabas nga ang ad ni Brenda sa pahina ng resulta ng paghahanap ni Owen.
Ito ay isang impression.
Nag-click si Owen sa ad ni Brenda upang malaman ang higit pa sa kanyang website.
Ito ay isang pag-click.
Nagustuhan ni Owen ang nakita niya sa website ni Brenda
at kinuha niya siya bilang photographer sa kanyang kasal.
Nagbigay-daan ang ad ni Brenda upang gumawa ng isang mahalagang bagay si Owen.
Kunin siya para sa isang okasyon.
Ito ay isang conversion.
Si Owen ay isang kuntentong customer.
Si Brenda ay isang masayang advertiser.
Ito ay mga resulta.