Tip:
Highlight text to annotate it
X
Aking tatalakayin ang relasyon
sa pagitan ng siyensya and moralidad.
Karaniwan nang umiiral
ang mga katanungan ukol sa moralidad
-mga katanungan tungkol sa kabutihan at kasamaan, tama at mali-
ay mga katanungan kung saan ang siyensya ay walang opinyon.
Isang pagkakaunawa na ang siyensya ay nakatutulong
upang makamtan ang mga bagay na mahalaga
subalit hindi nito kayang patunayan ang nararapat nating pahalagahan.
Sa gayon, karamihan ng mga tao –- sa aking palagay
maaring karamihan dito – ay nagiisip na ang siyensya ay hindi kailanman masasagot
ang pinakamahalagang mga katanungan sa buhay ng tao.
mga katanugan tulad ng, “Ano ang ikahahalaga ng buhay?
“Ano ang ikabubuwis ng isang buhay?”
“Ano ang bumubuo sa isang mabuting na pamumuhay?”
Kung sa gayon, aking patutunayan na
isa itong ilusyon -- ang pagitan ng
siyensya ang pagpapahalaga ay isang ilusyon --
at sa katunayan ay tila mapanganib na ilusyon
sa ating panahon ngayon.
Kalimitang binabanggit na ang siyensya
ay kailanman hindi maaaring magbigay ng pundasyon para sa moralidad at pagkataong pagpapahalaga,
dahil ang siyensya ay paukol sa mga naitatag na katotohanan,
at ang katotohanan at pagpapahalaga ay kabilang sa magkaibang kategorya.
Madalas maisip na walang deskripsiyon
ang daigdig
kung saan, ito ay maaaring makapagsabi kung paano ang daigdig ay nararapat maging.
Ngunit, sa aking palagay, ito ay malinaw na kabulaanan.
Ang pagpapahalaga ay isang tiyak na uri ng katotohanan.
Ito ay ang mga katotohan ukol sa kapakanan ng bawat nilalang.
Bakit wala tayong etikal na obligasyon tungo sa mga bato?
Bakit wala tayong nararamdamang pagkahabag para sa mga bato?
Ito ay sa kadahilanang alam natin na hindi nakararanas ng pagdurusa ang mga bato. At kung higit tayong
nagmamalasakit sa ating kapwa nilalang
kumpara sa mga insekto, at gayun nga
ito ay dahil alam natin na sila ay nakararanas ng mas malawak
na potenyal para sa ligaya at pagdurusa.
Ngayon, ang napakaimportanteng pansin dito
ay ito nababatay sa katotohanan.
Ito ay isang bagay na maari tayong maging tama o mali. At kung tayo ay
may maling konsepto ukol sa relasyon sa pagitan ng biyolohikal na kompleksidad
at ang posibilidad ng karanasan
maaring magkamali nga tayo ukol sa detalye ng buhay ng mga insekto.
At walang paniwala
walang bersyon ng makataong moralidad
at pagpapahalaga na kailanman ay aking nabatid
na sa isang banda ay hindi maaring isimplika
sa pagintindi ukol sa magkamalay na karanasan
at ang posibleng pagbabago ng mga ito.
Kahit na ang iyong pagpapahalaga ay mula sa relihiyon,
kahit na iyong iniisip na ang kabutihan at kasamaam ay sa huli
maiuugnay sa kalagayan pagkatapos ng kamatayan --
alinman sa walang-hanggang kaligayahan sa piling ng Diyos
o ang walang-hanggang pagdurusa sa impyerno --
ikaw ay sadyang may malasakit sa diwa at sa mga pagbabago nito.
At kung masasabi na ang mga pagbabagong ito ay mananatili kahit matapos ang kamatayan
ay isang batid na katotohanan
na tiyak na maaring mali o tama.
Ngayon, patungkol sa kondisyon ng kapakanan ng
katauhan sa buhay na ito,
alam natin na mayroong mga batid na katotohanan.
Alam natin na posibleng mamuhay sa isang bigong kalagayan
kung saan ang lahat na maaring magkamali ay sadyang nagkakamali --
kung saan ang mga ina ay hindi kayang pakainin ang kayang mga anak
kung saan ang mga estranghero ay walang makitang basehan para sa mapayapang pakikitungo
kung saan ang mga tao ay walang-awang napapaslang
At alam nating posibleng kumilos pasulong sa ganitong palakad
patungo sa payapa't maligayang kondisyon
sa lugar kung saan ang mga pagtitipon gaya nito ay maaaring maganap
At alam natin -- alam natin --
na mayroong wasto at maling kasagutan
at kung paano kumilos sa ating kinalalagyan.
Ang pagdaragdag ng cholera sa tubig ay isa *** mabuting ideya?
Marahil ay hindi.
Mahusay na ideya ba kung ang lahat ay maniniwala sa demonyong mata
at kung sakaling may masamang mangyari sa kanila
ay agad-agad nilang ibibintang sa kalapit-bahay? Marahil ay hindi.
May mga katotohanan na maaaring malaman
patungkol sa kung paano ang komunidad ay posibleng umunlad,
maintindihan man natin o hindiang ganitong uri ng katotohanan.
At ang moralidad ay may kaugnayan sa mga katotohanan na ito.
Kung gayon, sa pagtatalakay ukol sa pagpapahalaga, tayo ay nagididskusyon ukol sa katotohanan.
Ngayon, marapat lamang na ang ating sitwasyon ay maaring maintindihan sa ibat-ibang antas --
mula sa antas ng 'genome'
hanggang sa lebel ng sistemang ekonomikal
at politikal na usapin.
Ngunit kung tayo ay magtatalakay ukol sa kapakanan ng bawat nilalang
tayo ay, dahil sa pangagailangan, tumutukoy sa utak ng tao.
Dahil alam natin na ang ating karanasan sa mundo and ang ating persepsiyon ng ating sarili mula dito
ay mauunawaan sa pagsasaliksik sa utak --
kung ano man ang mangyari pagkatapos ng kamatayan.
Kahit pa ang isang suicide bomber ay makakuha ng 72 na birhen sa pangalawang buhay
sa buhay na ito, ang kanyang personalidad --
marahil ang kanyang masaklap na personalidad --
ay produkto ng kanyang utak.
Kung gayon, ang mga kontribusyon ng kultura --
kung ang kultura ay nakapagbabago sa atin, ay siya nga,
ito ay nakapagbabago habang naiiba ang ating utak.
Kung gayon, anumang pagkakaiba ng kultura mayroon
sa kung paano napauunlad ang sangkatauhan
ay maari, kahit sa prinsipyo, lubusang maintindihan
sa konteksto ng masulong na pananaliksik sa siyensya --
neuroscience,sikolohiya, etc.
Ang aking argumento ay
mabago ang konsepto ng pagpapahalaga tungo sa katotohanan --
katotohanan ukol sa mapangmalay na karanasan
ng sangkatauhan.
At kung gayon ay kaya nating masaisip ang lugar
ng mga posibleng pagbabago sa karanasan ng mga tao.
At marahil isa itong uri ng 'moral landscape',
na may mga rurok at lambak na ummayon
sa mga pagkakaiba ng bawat kapakanan ng mga nilalang,
kapwa personal at panlahat
At isang bagay ang mapupuna, marahil
mayroong mga estado ng kagalingan o kapakanan
na wala tayong kaalaman, na kaunti lamang ang nakaaalam
At ito ay naghihintay ng ating pagdiskubre.
Maaring ang ibang kalagayan ay marapat lamang matawag na
mistikal o ispiritual
Marahil may mga ibang kalagayan na hindi natin kayang tugunan
dahil sa kung paano ang ating pag-iisip ay naka istruktura
subalit may mga ibang pag-iisip na maaring makapag-alam nito.
Ngayon, nais kong bigyang linaw ang mga bagay na hindi ko ibig sabihin. Hindi ko sinasabi
na ang siyensya ay may garantiyang mabalangkas ang espasyong ito,
o marahil ay may mga siyentipikong kasagutan sa bawat
malikhang tanong ukol sa moralidad
Hindi ko lubos maisip, halimbawa, na isang araw ay maaaring
makonsulta ang isang 'supercomputer' upang malaman kung ikaw ay magkakaroon ng pangalawang anak,
o kaya naman ay kung nararapat na mabomba ang kagamitang nuklear ng Iran,
o kaya naman ay kung maibabawas ang buong halaga ng TED sa negosyong ito
(tawanan)
Ngunit kung ang mga katanungan ay nauukol sa kapakanan ng mga nilalang
samakatuwid ay mayroon itong mga kasagutan, mahanap man natin ito o hindi.
At kung tanggapin lamang natin nang buong loob --
tanggapin lamang natin na mayroong wasto at maling kasagutan
sa mga katanungan ukol sa pagpupunyagi ng katauhan
maiiba ang ating persepsyon tungkol sa moralidad.
at tuluyang mababago ang ating inaasahan patungkol
sa pagkakaisa ng sangkatauhan sa hinaharap.
Halimbawa, mayroong 21 na estado sa ating bansa
kung saan ang kaparusahan sa silid-aralan ay itinuturing na legal,
kung saan legal para sa isang guro ang saktan ang bata gamit ang kahoy na tabla,
at magdulot ng malalaking pasa at sugat, lalo pa at sugatan ito nang malalim
and libo-libong kabataan ang
nakararanas nito bawat taon.
Ang lokasyon ng mga distritong ito ay marahil makakapag-gulat sa inyo
Hindi ito sa Connecticut.
At ang makatwirang paliwanag dito ay tahasang nagmumula sa relihiyon
Siya na naglikha sa daigdig
ang nagsabi sa atin na maging mahigpit
o palakhin sa layaw ang bata --
ito ay nasa Proverbs 13 at 20, at sa aking paniniwala sa 23
Ngunit kaya nating magtanong ng mga katanungang humihingi ng kasagutan:
Isa *** mabuting ideya, sa pangkalahatan
na padanasin ng sakit ang bata
gayundin ng karahasan at kahihiyan
upang himukin ang emosyonal na kalusugan at pag-unlad
at magkaroon ng mabuting pag-asal?
(tawanan)
Mayroon *** alinlangan
na ang huwstiyon na ito ay may kasagutan,
at may kahalagahan?
Ngayon, maaring marami sa inyo ang nababahala
na ang pagkahiwatig sa kabutihan/kapakanan ng sangkatauhan ay walang sapat na kahulugan
at maaring lubos na nangangailangan ng pagsasa-ayos
Kung sa gayon, paano maaaring magkaroon ng
tiyak na layon ang kabutihan o kapakanan ng sangkatauhan?
Buweno, nilay-nilayin sa pamamagitan ng analohiya, ang konsepto ng pisikal na kalusugan.
Ang konsepto ng pisikal na kalusugan ay walang karampatang kahulugan.
Ating narining mula kay Michael Specter, na itoy tuluyang nagbago sa paglipas ng mga taon.
Nang ang bantayog na ito ay inukit
ang pamantayan ng haba ng buhay ay marahil nasa 30
Ngayon ito ay nasa 80 sa maunlad na mga bansa.
Maaring dumating ang panahon na tayo ay magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa ating 'genomes'
sa paraang ang mga taong hindi na kayang tumakbo sa maraton
sa edad na 200 ay masasabing malubhang kapansanan
Ang mga tao ay magbibigay ng donasyon sa mga taong may ganoong kondisyon.
(tawanan)
Bigyang pansin ang katotohanan sa konsepto ng kalusugan
ay bukas sa diskusyon at rebisyon
ay nangangahulugan lamang na ito ay may katutunan
Ang pagkakaiba sa pagitang ng malusog na tao
at ng patay
ay sobang linaw at may katugurang resulta tulad ng anumang adhikain sa siyensya.
Isa pang bagay na dapat bigyang pansin ay ang mga rurok sa 'moral landscape'
Maaaring may mga katumbas na paraan upang magtagumpay;
maaring may mga katumbas na paraan upang maayos ang lipunan
upang ating lubos na mapakinabangan ang pagunlad ng sangkatauhan.
Ngayon, bakit maaari nitong
itaguyod ang layon tungo sa moralidad?
Bueno, isipin na lamang ang usapin sa pagkain:
Marahil ay wala nang dahilan upang isiwalat ang argumentong
may iisang klase ng pagkain ang nararapat lamang kainin.
Na mayroong malinaw na klase ng komposisiyon
na nagbubuo sa nakapagpapalusog na pagkain
Ngunit, mayroong malinaw na pagkakaiba
sa pagitan ng pagkain at lason.
Sa katotohanan na mayroong mga tamang kasagutan
sa tanong na, "Ano ang pagkain?"
hindi na ito nakapagdudulot ng iba pang usapin
upang masabi na walang katotohanan na dapat maisawalat ukol sa nutrisyon.
Maraming tao ang nababahala
na ang isang unibersal na moralidad ay mangangailangan ng
moral na mga kautusan na walang katiwalisan.
Halimbawa, kung talagang mali ang magsinugaling,
dapat lamang na palaging maging mali ang magsinugaling,
at kung makahanap man ng katiwalisan
marahil wala ngang bagay na tulad ng moral na katotohanan.
Bakit naman natin ito maiisip?
Pagisipan natin sa pamamagitan ng analohiya, ang larong 'chess'
Ngayon, kung ikaw ay maglalaro ng chess
ang tuntunin na, "Huwag mong iwala ng Reyna,"
ay isang mabuting tuntunin,
Ngunit, malinaw na ito ay may mga katiwalisan
May mga pagkakataon na ang pagakawala sa iyong Queen ay mabuting galaw.
May mga pagkakataon na ito lamang ang mabuting gawin.
At ang chess ay may iisa lamang perpektong layunin.
Ang katotohanan na may eksepsyon dito ay hindi sapat
upang mabago ito.
Kung gayon, ating maiisip ang ibat-ibang gawain
na nararapat lamang gawin ng mga tao alang-ala sa moralidad.
Bilang halimbawa ang isyu tungkol sa katawan ng mga kababaihan
Ano ang nararapat gawin sa mga ito?
Bueno, ito ang isa sa mga maaring gawin tungkol dito:
Takpan ang mga ito.
Ang pangkalahatang posisyon ng intelektuwal na komunidadad
na kahit hindi man natin ito magustuhan,
maaring maisip natin na ito ay "mali"
sa Boston o sa Palo Alto,
sino ba tayo upang magsabi
na ang mga dakilang mamamayan ng sinaunang kultura
ay nagkamali sa pagpupursigi na ipilit ang kanilang mga asawa't anak
na ibalot sa tela ang buo nilang katawan?
At sino tayo upang magsabi, na kahit sila man ay nagkamali
upang manakit gamit ang bakal na kable,
o buhusan ng asido ang mukha ng kanilang mga biktima
kung iiwasan ng mga kababaihan ang tila isang pribilehiyo upang matrato ng gayon?
Bueno, sino nga ba tayo upang hindi ito banggitin?
Sino tayo upang magsi-walang bahala
na kaunti lamang ang ating nalalaman ukol sa kabutihan o kapakanan ng sangkatauhan
na hindi tayo dapat maging mapanghusga sa mga gawaing tulad nito?
Hindi ko tinutukoy ang boluntaryong pagsuot ng belo --
ang mga kababaihan ay may karapatang isuot ang anumang gusto nilang isuot, sa aking palagay.
Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng boluntaryo
sa isang komunidad kung saan,
ang mga kababaihan ay nagagahasa,
at ang unang udyok ng kanyang ama
kadalasan ay ang paslayin ang anak nito dahil sa kahihiyan?
Mangyaring sumuwalat ang katotohanang ito sa inyong utak kahit isang minuto lamang:
Ang iyong anak ay nagahasa,
at ang tanging nilalayon mong gawin ay ang patayin siya.
Sa anong pagkakataong mailalarawan nito ang
matagumpay na pagunlad ng sangkatauhan?
Bueno, ang pagbanggit sa katotohanang ito ay hindi nangangahulugang mayroon tayong
perpektong solusyon sa ating lipunan.
Halimbawa,
ito ang kalimitang makikita natin sa mga tindahan ng pahayagan
sa sibilisadong lipunan
Ngayon, maaring para sa karamihan ng mga kalalakihan
na marahil ay kinakailangang magkaroon ng mataas na antas ng edukasyon sa Pilosopiya upang malaman na mayroon ngang mali sa mga imaheng ito.
(tawanan)
Subalit kung tayo naman any mag muni-muni
maaari tayong magtanong,
"Ito ba ang wasto at perpektong paraan upang ipahayag
ang konsepto ng balanseng sikolohiya
na may konsiderasyon sa mga bagay tulad ng kabataan, kagandahan at katawan ng mga kababaihan?"
Ang ibig kong sabihin ay ito ba ang pinakamainam na kapaligiran
upang palakihin natin ang ating mga anak?
Marahil ay hindi. Maaari ngang may mga parte
ng ekspektro
sa pagitan ng dalawang sukdulan
na naglalarawan ng isang lugar para sa mas wastong balanse.
(palakpakan)
Maaaring mayroon ngang gayong mga lugar --
muli, isaisip nag ibang mga pagbabago sa ating kultura
maaring marami ngang mga rurok sa moral na espasyo
Ngunit, ating mapapansin na mayroon pang
mas maraming paraan upang hindi maging kabilang sa rurok.
Ngunit ang kabalintunaan, sa aking palagay
ay pangkalahatan, ang tanging mga taong sumasang-ayon sa akin
at sila na nagiisip na mayroon ngang wasto at maling kasagutan sa mga katanungang moral
sila pa ang mga uri ng anumang relihiyosong demagogo.
At malamang, iniisip nila na mayroon ngang wastong kasagutan sa mga moral na tanong.
dahil nakuha nila ang mga kasagutang ito mula sa tinig ng ipoipo
hindi dahil silay ay lumikha ng isang intelihenteng pagsusuri sa mga sanhi
at ang kondisyon ng sangkautahan maging ang mga kapakanan ng mga hayop.
Sa katunayan, ang katatagan ng relihiyon
bilang lente sa pagtanaw ng karamihan ng mga tao sa tanong ukol sa moralidad
ay nagdulot ng paghihiwalay ng karamihan ng mga isyu ukol sa moralidad
mula sa tunay na mga katanungan ukol sa sangkatauhan at pagdurusa ng mga hayop.
Ito ang dahilan kung bakit natin ginamit ang ating oras
upang pag-usapan ang mga isyu tulad ng pagkpapakasal ng mga homoseksuwal
at hindi patungkol sa pagpaslang sa mga lahi o paglaganap ng nuklear
o kahirapan o anumang higit na importanteng pagdudulot ng mga isyu.
Ngunit ang mga relihiyosong demigogo ay tunay na may iisang wastong ideya: Kailangan natin
ng pangkalahatang pang-unawa ukol sa pagpapahalaga ng sangkatauhan.
Ngayon,ano ang nagsisilbing hadlang dito?
Bueno, mapapansin natin na tayo ay
may ibang paggawi sa tuwing naguusap tayo tungkol sa moralidad --
higit pa sa sekular, akademiko at siyentipong perspektibo
Sa tuwing naguusap tayo ukol sa moralidad, ating pinahahalagahan ang mga pagkakaiba ng opinyon
sa paraang hindi tulad sa ibang aspeto ng ating buhay.
Halimbawa, ang Dalai Lama ay gumigising sa bawat umaga
ang nagninilay ukol sa pagkahabag sa sangkatauhan,
at iniisip niya na ang pagtulong sa kapwa tao ay isang napakahalang sangkap
upang makamit ang tunay na kaligayahan.
Sa kabilang banda, may mga taong tulad ni Ted Bundy;
Si Ted Bundy ay hibang sa pagdukot at pang-gagahasa
at pag papahirap at pagpaslang sa mga biktima nitong batang babae.
Kung sa gayon, lumalabas na mayroon nga tayong tunay na pagkakaiba ng opinyon
kung paano natin magamit nang wasto ang ating oras.
(tawanan)
Karamihan sa mga intelektuwal mula sa kanluraning bansa.
ay may pagkaunawa sa sitwasyong ito
at may kalimitang opinyon "Bueno, hindi masasabing
lubos na kawastuhan ang gawain ng Dalai Lama --
o kay Ted Bundy upang masabi na tunay ngang kasamaan
at ito'y patunay lamang sa inihaing argumento
na may potensyal masaklaw ng siyensya.
Gusto niya ng tsokolate, ang isa naman ay gusto ang banila.
Walang masasabi ang isa sa kanyang kapwa
na may layong ma-himok ang isa.
Mapapansin ding hindi natin gawain ito sa siyensya.
Sa kaliwa, ay si Edward Witten.
Siya ay isang 'string theorist'.
Kung tatanungin ang pinakamatatalinong pisisista
kung sino nga ang pinakamatalino sa kanila,
sa aking karanasan, kalahati sa kanila ay magsasabi na si Ed Witten.
Samantalang, ang kalahati ay magsasabing hindi nila gusto ang tanong.
(tawanan)
Bueno, ano ang mangyayari kung dumalo ako sa isang pagtitipon ng mga pisisista
at aking sinabi, "Walang kabuluhan ang 'String Theory' "
Hindi ito sumasalamin sa aking paniniwala. Hindi ito ang aking pipiliin
upang tingnan ang sandaigdig.
Hindi ako tagasunod ng paniniwalang ito."
(tawanan)
Bueno, walang mangyayari dahil hindi naman ako isang pisisista;
Wala akong sapat na pag-unawa sa 'string theory'
Ako ay ang Ted Bundy ng 'string theory'
(tawanan)
Hindi ko nanaising mapabilang sa anumang grupo na naniniwala dito.
Ngunit hindi ito ang punto.
Sa tuwing tayo ay may diskusyon ukol sa katotohanan,
may mga tiyak na uri ng opinyon na dapat itanggi.
Ito ang kahulugan nga pagkakaroon ng kadalubhasaan.
Ito ang patakaran upang ang karunungan ay mapabilang.
Paano natin natanggap sa ating mga sarili
na sa moral na usapin ay walang anuman patungkol sa moral na pagkadalubhasa
o moral na talento o marahil, moral na kabihasaan?
Paano natin natanggap sa ating mga sarili
na ang bawat opinyon ay nararapat lamang na mapabilang?
Paano natin natanggap sa ating mga sarili
na ang bawat kultura ay may kanya-kanyang perspektibo
sa mga usaping kailangang bigyang tugon o halaga?
Ang Taliban ba
ay may palagay ukol sa pisika
na nararapat pag-sangayunan? Hindi.
(tawanan)
Paanong ang kanilang pagka-ignorante ay labis ngang kapansin-pansin
sa mga isyu ukol sa kabutihan at kapakanan ng sangkatauhan?
(palakpakan)
Bueno, ito ang higit kailangan ng ating daigdig sa ngayon.
Kailangan nito ang mga taong tulad natin na tanggapin
na mayroon ngang wasto at maling kasagutan
ukol sa mga huewstiyon tungkol sa pagunlad ng sangkatauhan,
at ang moralidad ang nauugnay
sa kabuuan ng katotohanan.
Ito ay posible
para sa mga indibidual, pati na sa kabuuan ng mga kultura,
upang magmalasakit patungkol sa mga bagay na mali
at gayun nga isang posibilidad upang tayo ay
magkaroon ng paniniwala at paghahangad upang sa huli ay mawakasan na
ang walang-katuturang pagdurusa ng sangkatauhan.
Ang pagtanggap lamang sa katotohanang ito ang maaring mapagpabago sa takbo ng diskusyon ukol sa moralidad.
Tayo ay namumuhay sa isang mundo kung saan
ang pagitan sa bawat bansa ay unti-unting nababawasan,
and darating ang araw na mawawalan ito ng kahulugan.
Tayo ay namumuhay sa mundo puno ng mapaminsalang teknolohiya
at ang teknolohiyang ito ay hindi kailanman maibabalik sa una nitong porma;
higit na mas mainam at madali
ang pagsira sa mga bagay kaysa sa pag-ayos ng mga ito.
At kapansin-pansin nga, para sa akin
na hindi na natin kailangan pang
irespeto at hayaan na lamang
ang mga pagkaka-iba ng pag-unawa ukol sa kabutihan o kapakanan ng sangkatauhan
higit sa ating pagrespeto o pag-ubaya sa malawak na pag-kakaiba
sa mga pag-unawa ukol sa kung paano lumalaganap ang sakit,
o sa pamantayang kaligtasan ng mga gusali at eroplano.
Kailangan nating makialam
sa mga kasagutang nagdudulot ng pinakamahahalagang katanungan sa ating buhay.
At para maisagawa ito, kailangan nating tanggapin na ang mga katanungang ito ay may wastong kasagutan,
Maraming salamat.
(palakpakan)
Chris Anderson: Bueno, tunay ngang isang nakagugulat na diskurso.
Maging sa ating tagapanood o sinuman sa daigdig,
ang mga nakikinig nito ay marahil
namumuhi, maari nga ang ilan sa kanila.
Ang lengguwahe ay nagsisilbing mahalagang punto rito.
Kapag ikaw ay nag-uulat ukol sa belo,
ikaw ay tumutukoy sa mga kababaihang nakabalot ng tela.
Ako ay nanirahan sa lugar ng mga Muslim, nakipag-usap sa maraming kababaihan doon.
At ilan sa kanila ay magsasabi
"Hindi, alam mo ba na ito ay isang uri ng pagpupunyagi
ng kahalagahan ng mga kababaihan,
ito ay nakakatulong sa pagbuo nito at isa ngang resulta ng gayong katotohanan na" --
at ito marahil ay isang sopistikadong sikolohikal na pagpuna --
"na ang kalibugan ng mga lalaki ay hindi dapat pagkatiwalaan"
Ang ibig kong sabihin ay, ang pagkakaroon ng ganoong klaseng pag-uusap
sa isang babae na katulad noon kahit pa iwasan ang posibilidad ng pagiging imperyalista sa kultural na konteksto.
Sam Harris: Gayun na nga, sinubukan kong ipahiwatig ito sa isang pangungusap,
habang nagaalala sa oras,
ngunit ang tanong ay:
Ano ang boluntaryo sa isang konteksto
kung saan ang mga kalalakihan ay may tiyak na ekspektasyon,
at ang tanging garantiya upang matrato sa malubhang paraan
kung hindi ka magsuot ng belo?
Bueno, kung sino man ang naririto
na gustong magsuot ng belo
o ng isang kakatwang sumbrelo, o kaya naman ay tato sa kanilang mukha --
Sa aking palagay ay nararapat lamang na maging malaya tayong gawin ang anumang naisin natin,
ngunit kailangan nating maging totoo patungkol
sa mga hadlang kung saan ang mga kababaihang ito ay nakararanas.
At, naniniwala akong kailangan nating maging masigasig
upang unawain ang anumang sabihin nila,
lalo na at ganoon na lamang kainit sa lugar na iyon
at ikaw ay nakasuot ng burqa.
CA: Karamihan ay nagnanais na maniwala dito
sa konsepto ng pag-unlad ng moralidad
Ngunit kaya mo *** pagtugmain ang mga ito?
Sa aking palagay ay naiintindihan kita sa iyong adhikaing
itugma ito sa daigdig na hindi maaaring maging
isang dimensiyon, kung saan lahat tayo ay nararapat na magkaroon ng magkatulad na pang-unawa
Ilarawan kung paano ang sitwasyon
50 taon sa hinaharap
100 taon sa hinaharap, pano mo maisasaisip
ang daigdig, at ang pagbalanse ng pag-unlad ng moralidad
nang may taglay na kapunyagian.
SH: Bueno, sa aking palagay, sa pagkakataong iyong matanggap
na tayo ay patungo sa landas ng pag-unawa sa ating pag-iisip
sa lebel ng ating pagkaintindi sa utak kasabay ng mga importanteng detalye nito
gayon ay iyong matatanggap
na ating mauunawaan ang lahat ng positibo
at negatibong mga kalidad
ng ating mga sarili, higit sa mas malalim na detalye.
Kung gayon, ating matatamo ang pag-unawa sa positibong sosyal na emosyon
tulad ng pagdamay at pagkahabag
at ating mauunawaaan ang mga sanhi
na naguusad ng mga damdaming ito -- ito man ay maging genetiko
maging ito man ay kung paano makipag-usap ang bawat isa
maging ito man ay dulot ng sistemang ekonomikal
at sa ating paglilinaw nito
at sadyang tayo ay makikialam
sa paglayon sa katotohanang ito.
Kung gayon, hindi lahat ay kaayunan.
Hindi mangyayari na kagaya ng
pag-susuot ng belo ng aking anak mula pagkabata
ay kasing-buti ng pagtuturo sa kanya
upang magkaroon ng tiwala sa sarili at maging edukada
sa konteksto ng mga kalalakihan na naghahangad ng gayong klase ng mga kababaihan.
Ang nais kong ipahayag ay hindi nararapat na magkaroon pa ng NSF grant upang malaman ito
na ang sapilitang pagsusuot ng belo ay isang di kaaya-ayang ideya --
ngunit sa ibang aspeto
ating sisikayatin at susuriin ang utak ng mga kalahok sa paga-aaral na ito gamit ang scanner
at layuning tanungin ang bawat isa sa kanila.
Mahal ba ng mga mgaulang ang kanilang mga anak na babae
at patuloy na gayon kahit napapaligiran ng ganitong sistema?
Sa aking palagay ay mayroong malinaw na mga kasagutan sa mga tanong na ito.
CA: At kung lumabas nga sa mga resulta na gayon,
handa ka *** baguhin ang iyong kasalukuyang paghusga
sa mga isyu na ito?
SH: Bueno, marahil humigit-kumulang
na maari mong mahalin ang isang tao
na may kaugnay na kahulugan sa pagiging delusional.
Kung gayon, maaaring masabi ng isa na, "Dahil alam kong ang aking homoseksuwal na anak,
na siya ay mapupunta sa impyerno sa oras na makatagpo niya ang kanyang nobyo,
marapat lamang na pugutan ko siya ng ulo. Ang pinaka-wasto na gawain upang ipakita ang aking pagkahabag.
Kung makukuha nating iwasto ang mga bagay na ganon
marahil ay oo, kaya ngang maramdaman ang emosyon ng pagmamahal.
Subalit, sa muling paglilnaw sa usapin tungkol
sa kapakanan ng nakararami sa mas malawak na konteksto.
Tayo ay magkakasama sa layuning ito
hindi lamang ang isang tao na nakararanas ng lubos na kagalakan
at pagtitiwakal gamit ang bomba sa isang bus.
CA: Sam, isa itong usaping ninanais kong mapagpatuloy
ng maraming oras.
Ngunit hindi sapat ang ating oras, maaring sa susunod na pagkakataon. Maraming salamat sa inyong pagpunta sa TED.
SH: Isang karangalan. Maraming salamat
(Palakpakan)