Tip:
Highlight text to annotate it
X
Magandang umaga.
Ngayong linggo, nagtitipon tayong
mga Amerikano kasama ng kanya't kanyang
pamilya at mga kaibigan upang ipagdiwang
ang mga biyaya ng Kapaskuhan.
Habang pinagdiriwang natin ang panahong ito, ginugunita rin natin
ang magigiting nating mga sundalong kalalakihan at kababaihan na
nagsisilbi sa ating bayan sa malalayong parte ng mundo.
Ang kanilang sakripisyong extraordinaryo
ay inspirasyon sa ating lahat,
at bahagi ng isang walang patid na linya ng
kabayanihan na nagdulot sa ating lahat ng kalayaan at
kasaganahan sa lumipas na dalawang siglo ng Estados Unidos.
Marami sa kanila ay nagsisilbi na ng kanilang ikalawa,
ikatlo at ang iba'y ika-apat pang tour of duty.
At dapat nating tandaan na di lamang sila mga mahuhusay na
Sundalo sa Kalupaan, Karagatan at sa Himpapawid, hindi lamang
sila mga myembro ng Marines at Coast Guard--lahat sila
katulad nating mga sibilyan ay mga masusugid na mga
ama and mga ina; mga asawa, mga anak, mga Kuya at Ate.
Ngayong panahon ng mga selebrasyon, ang kanilang mga
pamilya ay nagdidriwang sa kabila ng kaaalamang ang kanilang
mga minamahal na kamag-anak ay wala sa kanilang piling at
laging nasa binggit ng kamatayan.
Sa bawa't bayan at syudad, merong mga bakanteng
upuan sa maraming hapag kainan, sa Amerika
Sa malal ayong base militar at mga barko sa karagatan walang
magawa ang ating mga sundalo kundi isipin na lamang kung
ano reaksyon ng kanilang mga anak habang binubuksan ang
kanilang mga regalo sa iniwang tahanan
Ang ating mga puso ay puno ang respeto at pasasalamat
sa ating mga sundalo at kanilang mga pamilya,
parte ng mas malaking pamilyang Amerikano.
Nasa mga panalangin ko at ni Michelle
silang lahat ngayong
Kapaskuhan at lahat tayong mga mamamayan
ay dapat lamang patuloy na bigyan
sila ng ating buo at walang pasubaling suporta.
Bukod dito ay nahaharap ang
ating bansa sa delikadong
sitwasyon ng ating ekonomiya.
Habang ating nalalaman at nagpapasalamat tayo sa mas
mahalagang biyaya ng Pananampalataya at Pamilya, alam natin
na milyon-milyon ang mga Amerikano na ngayo'y walang trabaho.
Bukod rito marami pa ang nahihirapang tugunan ang
kanilang mga bayarin o mananatili sa kanilang mga tahanan.
Ito'y prublema ng kabataang estudyante, ito'y prublema ng mga nakatatanda.
Ang kanilang kinabukasan ay tila walang katiyakan.
Kaya nga't itong okasyon ng pagbibigay ay dapat ring
maging pagkakataon upang ating sariwain ang ating diwa
ng nagkakaisang layunin at magkaka-ugnay na pagkamamamayan.
Ngayon, higit kailanman ay dapat nating ialay ang ating mga saril
na tayong lahat ay kasama sa iiisang patutuhungan na lahat
tayo ay siya ring gagawa. Buhayin natin ang ating
responsibildad bilang taga-pangalaga ng ating mga kapatid.
Ngayon, dapat nating gawin ang ating maaambag para pagsilbihan ang bawat isa,
mag-isip ng mga bagong ideya, maghanap ng mga bagong solusyon sa mga
prublema at buksan ang isang bagong kabanata ng ating dakilang bayan.
Itong diwang ito ang magsisilbing gabay sa aking
Administrasyon sa darating na Bagong Taon.
Ako'y naniniwala na kung magsasama lamang ang mga taumbayang
Amerikano at ikakasa ang kanilang mga balikat sa gulong ng kasaysayan.
ako'y sigurado na maibabalik natin ang ating mga
kababayan sa kanilang gawain at tahaking ang landas ng bagong direksyon.
Ganito natin dapat tignan ang ating mga
sarili sa panahong ito ng krisis patungo sa
pangako ng isang maaliwalas na kinabukasan.
Kunsabagay, ito naman ang laging gawi ng Amerikano sa ganitong sitwasyon.
232 taong nakalipas, nung ang Amerika ay
bagong silang pa lang bilang isang bansa,
hinarap ni George Washington
at kanyang Hukbo ang pagpapalaya sa ating bayan
mula sa makapangyarihang imperyo ng Britanya.
Araw ng Pasko rin noon,
ika-25 ng Disyembre taong 1776--- na sila'y
sumulong sa matinding yelo at kalamigan
upang tawirin ang Ilog Delaware.
Nasurpresa nila ang kanilang mga kalaban, nagwagi
sa Trenton at Princeton at ito'y nagsilbing daan
upang muling lumakas ang kanilang Hukbo at bigyang
bagong pag-asa ang hangarin ng ganap na Kalayaan.
Maraming Pasko na ang lumipas mula
nung unang Paskong Amerikano na yon.
Marami na tayong tinawid na ilog bilang isang sambayanan.
Ngunit ang mga aral na naghatid sa
atin sa tagumpay ay sya ring mga aral na
patuloy nating nagugunita tuwing Kapaskuhan---
parehong leksyon na gabay natin sa mga
sandaling ito na ang Pag-asa ay mananatili,
at ang Bagong Pagsilang ng Kapayapaan ay laging posible.
Salamat at Manigong Bagong Taon sa lahat.