Tip:
Highlight text to annotate it
X
Mga puna: Pandaigdigang 6-na Araw na Retiro
Lugar: Bangkok, Thailand
Panahong Itinagal: Disyembre 27,1999-Enero. 01,2000
Pamagat: Sa kabila ng Kahungkagan ng Pagkabuhay
Petsa: Disyembre 27 at 30, 1999
Magandang umaga!
Sige, Paumanhin Ako ay naantala.
Gayundin kayo! Gabi na kayong natulog. Tanghali na kayong nagising.
Ang lahat ba ng mga panauhin ay nasa itaas na? Oo?
Sila ba ang mga panauhing nasa itaas? Hindi!
Oh, Diyos ko! Parang sinehan dito.
Sige, mayroon ba kayong anumang katanungan? Wala? Sinuman? Bueno, tuloy!
Wala? Walang mga tanong? Talaga? Wala?
Kung gayon maaari na Akong umalis, makipagkita sa mga Aulacese.
Talaga, walang tanong? Oo?
Wala, huh? Talaga wala kayong tanong?
Totoo ba? Totoo ba?
Sige, maupo doon.
Kailangan kong umalis, upang hanapin ninyo ako.
Anumang tanong? Wala pa rin?
Ang mga ito? Oo, sige. Tuloy!
Ito ay Aking karanasan maraming taon na ang nakaraan, sampung taon na ang nakalipas.
Hindi pa kita kilala noon, subalit ito ay tila, na,
Nagkaroon ako ng panahon na Ako ay labis na maginhawa:
Nabuhay Akong parang nakatira Ako sa ulap. (Oo!)
At ito ay umabot ng isa at kalahating buwan.
At hindi Ko ito maipaliwanag-
Ako ay labis na malaya, Hindi ako makadama ng galit.
Bago ang panahon iyan, Ako ay marahil... Ako ay nagiging malungkot o anuman. (Oo.)
Subalit sa panahong ito, hindi Ako maaaring malungkot. (Oh, oo.)
At sinumang umiiyak, ang sabi Ko,
"Bakit? Bakit hindi maunawaan ng mga tao na sila ay maaaring maging masaya?"
At ang tanong ko ngayon ay ito: Nasaan ako? Paano Ako nakaabot doon?
At bakit wala Akong anumang tsanel upang maunawaan ang normal na makataong damdamin?
At paano Ako makakapasok muli?
Oh, kung gayon ang iyong tanong ay: Paano, bakit, kailan, saan ano, sino! Sige.
Minsan kung ikaw ay abalang-abala sa ibang bagay,
tulad ng ikaw ay nakatuon sa isang bagay ng may katindihan,
ito ay maaari ring mangyari.
Ito ay isang uri ng meditasyon. Ayos?
At pagkatapos, ikaw ay papasok sa ibang dimensiyon ng pagkabuhay.
Ang iyong katawan ay narito, subalit ang damdamin mo ay wala dito.
Naunawaan mo? Oo.
Kung kaya hindi mo naramdaman ang nadarama ng ibang tao.
Ito ay nangyayari tulad sa maraming espiritwal na tagasanay.
Kahit ako.
Kaya sa katunayan, sinasabi ng mga tao
na lubhang mahirap na pagtuonan ang pagtungo sa langit.
Para sa akin, lubhang napakahirap na pagtuonan ang manatili rito.
Kaya kailangan Kong gawin ang lahat ng uri ng bagay
upang mapanatili ang aking sarili na abala, panatilihin ang aking sarili dito. Oo?
Ito ay bahagi ng laro.
Kaya maging masaya na kahit paano ay naranasan mo ito minsan,
gaya ng...tinatawag nila itong "Kahungkagan ng Pagkabuhay."
Kita ninyo, maraming tao ang nais maranasan iyan,
kaya lamang kailangan nating bumalik pababang muli, yamang narito tayo.
Kung hindi, minsan ang mga tao ay mag aakalang ikaw ay baliw.
Maraming mga tao ang nasa kalagayang iyan,
at hindi sila makaganap sa mundong ito.
Hindi ka ganoon kahina.
Ilang mga tao ay labis na malalim sa kanilang samadhi
at hindi na sila makaganap sa mundong ito.
Mayroong isang matalino sa India. Ang pangalan niya ay RamaKrishna.
Siya ay nasa samadhi sa lahat ng oras, sa napakahaba, napakahabang panahon.
At ni hindi siya kumakain. Ni hindi siya makainom.
Wala siyang maramdamang anuman.
Kaya isa sa kanyang mga kaibigan ay pinilit siyang kumain,
o pinapalo siya minsan upang siya ay magising sa...
sa mundong muli, sa pisikal na pagkabuhay muli.
Inaasahan ko na hindi ka maging malalim doon na kailangan pa kitang paluin.
Ako ay labis na normal, Ako...
Hindi, hindi, hindi. Ito ay mabuti. Ito ay mabuti. Oo. Oo, oo!
Iyan ay estado ng pagiging dalawa, dalawang pagkabuhay, kita mo?
Ikaw ay nasa ibang dimensiyon at nasa mundo sa iisang panahon.
Marami sa mga tagasanay, mayroon sila nitong uri ng pagkabuhay.
Naunawaan mo? (Oo.)
Kung kaya sinasabi ng mga tao: "Kumain, matulog, magtrabaho, ang lahat ay Zen."
Ito ay nasa ganyang uri ng kalagayan. Oo?
Subalit marami sa mga tao na hindi nagsasanay ng espiritwal,
hindi nila ito maunawaan.
Hindi nila ito naunawaan. Kung kaya nananahimik tayo tungkol dito.
Oo? Oo!
Sige, naunawaan mo na ngayon? (Oo, naunawaan ko.)
Kung gayon nais mong bumalik doon? (Hindi...Oo, siyempre.)
Hindi, hindi kailangan manatili rito, ito ay mabuti!
Manatili rito kasama ako.
Ngunit...ako ay nagtataka, noong ako ay naroon,
sa tsanel na ito wala akong makataong damdamin,
kung ang Diyos ay tulad niyan, Kaya sa palagay Ko ay...
Hindi, hindi ito ang pinakamataas na estado. Hindi ko sinabi na ito ang pinakamataas na kalagayan.
Oo, oo, oo. Ang pinakamataas na kalagayan ay napakanormal, OK?
Sa katunayan, ang mga espiritwal na tagasanay ang pinakanormal na tao. OK?
Karamihan sa mga tao na hindi nagsasanay,
mukha silang tao, ngunit hindi sila normal.
Kung kaya sabi ni Hesus, "Hayaang ang patay ang maglibing sa patay." Oo?
Kaya matapos kang mamulat, matapos kang mamulat sa inisasyon,
kung gayon magsisimula kang maging buhay, upang maging muling isilang,
at pagkatapos ikaw ay lalago at magiging tunay na tao
gayundin sabay bilang banal. Oo?
Makagaganap ka sa parehong mga mundo, subalit makadarama ka ng normal.
Madarama ka ng makataong pagkabuhay, makadarama ka ng makataong damdamin,
subalit ikaw ay banal sa parehong panahon
Mayroon kang makalangit na pagkabuhay at makataong pagkabuhay ng sabay.
Kita mo, sa iyong kalagayan, nawala mo ang makataong pagkabuhay, oo,
at natamo mo lamang ang makalangit na pagkabuhay.
At iyan ay hindi rin balanse habang tayo ay narito.
Kaya dapat tayong maging pareho. Sige.
Subalit ang kalagayang iyan, marami sa mga espiritwal na tagasanay ang dapat pagdaanan,
at pagkatapos ay kailangan nilang bumalik sa normal na kalagayang muli
habang nasa pagiging isang banal kita mo ang ibig kong sabihin?
Sige, karamihan sa mga tao, bago magsanay, sila ay tao lamang.
Ibig kong sabihin, hindi normal na tao,
subalit sila ay nabubuhay sa pisikal na dimensiyon lamang.
Wala silang anumang nalalaman tungkol sa pisikal na mundo,
kaya nadarama nila anumang bagay tungkol sa tao
subalit hindi sila makadama anumang bagay tungkol sa langit. Oo?
At pagkatapos magsanay ng ilang panahon, madarama na lamang nila ang langit,
alam mo, tulad ng naramdaman mo.
Hindi nila madama ang makataong pagkabuhay kahit na sila ay narito.
At pagkatapos ay mas mataas kaysa diyan,
mayroon na silang parehong makataong damdamin at makalangit na pagkabuhay.
At iyan ang kalagayan ng perpeksiyon. Sige.
Maaari pa ba Akong magtanong ng iba pa? (Oo.)
Alam mo, sa isa sa iyong mga bidyu, narinig kitang nagsabi tungkol sa Diyos,
na kapag ang tao ay malungkot, o humihiling o nanalangin para sa ilang bagay,
Ang Diyos marahil ay hindi sila naunawaan hanggang sa manalangin silang mabuti.
At nasabi Ko, marahil sa kalagayang ito na nagkaroon ako,
ito ay bahagyang tulad ng Diyos, na hindi nila naunawaan ang makataong damdamin.
Ito ba ay tulad nito, hindi?
Hindi! Ang Diyos ay kaiba kaysa diyan. Hindi pa iyan ang pinakamataas na pagkabuhay.
Sige, ito ay malapit. Ayos? Ito ay malapit.
Gayun pa man, subalit hindi ko sinabi:
"Kapag ikaw ay nanalangin, hindi maunawaan ng Diyos."
Nauunawaan niya, kahit na bago ka pa man manalangin.
Kaya lamang ay hindi mo nauunawaan kung hindi ka mananalanging mabuti.
Ibig sabihin hindi mo naiwawala ang iyong sarili sa iyong mga panalangin,
kaya hindi mo marinig ang sagot. Naunawaan?
Nananalangin ka, subalit kasabay niyan ay nagiisip ka ng maraming ibang mga bagay.
Kaya kapag sinagot ka ng Diyos, hindi mo ito makuha.
Tulad lamang ng nangyayari sa iyo minsan kapag may tinatawag ka,
o may tumatawag sa iyo at nakikipag usap sila sa iyo:
"Oh, alam mo ba? Ito, ito, ito at iyan."
Ngunit kasabay niyan, ikaw ay nakatingin sa mga bata o asawa o sa TV.
At pagkatapos ay sinasabi mo, "Oh, oo, oo... Ano? Ano? Ano ang sabi mo?
At pagkatapos ay magsasalita siyang muli,
at hindi ka pa rin makatuon sa kung ano ang sinasabi niya.
At pagkatapos ay sasabihin mo, "*** ulit muli."
Naalala mo? Ito ay nangyayari minsan tulad niyan.
Kahit na nais nating pakinggan ang taong iyan,
ngunit nawawala natin ang ating konsentrasyon. OK?
Kaya ito ay tayo, hindi ang Diyos.
Ang Diyos ay palaging nakakaunawa, at alam niya lahat bago pa man tayo humiling.
Kaya lamang tayo ang hindi nakakaunawa sa Diyos.
Kung kaya kailangn nating sanayin ang konsentrasyong ito ng meditasyon
upang makaugnay sa Diyos at makarinig.
Ayos? Oo. Mayroon pa ba? (Salamat.)
Magandang tanong. Magandang tanong.
Sige, mga pare. Paano ang mga lalaki? Mayroon *** nangyari sa inyo?
Oo, magpatuloy.
Heto, ito ay para sa iyo.
Huwag bumalik sa kalagayang iyon pumunta sa mas mabuti, mas mataas.
Oo, sir.
Maaari ka *** magsalita tungkol sa Guro sa kalooban,
at paano makakaugnayan ang Guro sa kalooban
At magtatag ng isang relasyon?
Oo, sa pamamagitan ng meditasyon.
Ang Guro sa loob ay isang mataas na Nilalang,
higit sa dimensiyong ito ng pisikal na pagkabuhay.
Subalit minsan ang Guro ay nasa pisikal na pagkabuhay din.
Sa oras na iyan. Maaari mong makaugnayan ang Guro ng direkta
sa pamamagitan ng pisikal na tanggapan.
Kung kaya kapag ikaw ay pumunta sa loob,
makikita mo ang Guro ng katulad sa labas,
sapagkat ang Gurong iyan ay parehong may pisikal at makalangit na pagkabuhay.
Sinabi ko na sa inyo, mayroong dalawang uri ng tagaturo.
Ang isa ay sa pisikal na dimensiyon lamang,
Dahil hindi niya naalala ang kanyang mataas na Sarili.
Kaya hindi ka niya madala sa mataas na dimensiyon
kung saan hindi niya nadalaw muli, kita ninyo?
At mayroon pang ibang mga Guro-
ang mga nakaraang Guro, gayundin mga Guro na hindi umaalis sa langit,
patuloy na nananatili roon, ayos?
Kaya ang mga Gurong ito tinatawag nating "Panloob na Guro."
"Panloob" ay kasalungat ng "Panlabas"
Halimbawa, tinatawag ninyo akong Guro dito.
Hindi ko alam kung karapat dapat ako sa ngalang iyan, ngunit yayamang...sige, ayos, bakit hindi?
Ito ay mabuting pangalan.
Kaya tinatawag ninyo akong Guro dito. Ako lamang ay panlabas na Guro, ayos?
At kapag kayo ay pumasailalim sa meditasyon, sa samadhi,
makikita ninyo ang katulad na anyo,
higit na maganda, higit na maganda, higit na mabait, hindi nagagalit kaninuman.
Oo, minsan, oo.
Makikita mo ang parehong anyo sa loob ng iyong bisyon ng kaisipang mga mata.
Sa mga oras na iyan, sasabihin mo na nakita mo ang Panloob na Guro. OK?
Ngunit karaniwan, kapag ang Guro ay hindi nagpakita dito sa pisikal na kaharian,
kung gayon ay hindi mo masasabi na ito ang Panloob na Guro.
Sasabihin mo, "Nakita ko si Hesus. Nakita ko si Lao Tzu. Nakita ko si Buddha."
Alam nating lahat na sila ay wala na,
at alam nating lahat na nakita mo siya sa nasa mataas na dimensiyon.
Naunawaan mo?
Kaya kapag sinabi mong "Panloob na Guro,"
ibig sabihin niyan ay isa na mayroon ding anyo ng pisikal na pagkabuhay.
Naunawaan? At upang makita itong Panloob na Guro,
minsan ay maaari mo itong makita sa pamamagitan ng ugnayan,
na kahit ni hindi mo pa siya nakikilala. Oo?
At pagkatapos ay malalaman mo na lamang na Siya ang Panloob na Guro
kapag nakilala mo ang isang pisikal, eksaktong magkatulad.
At pagkatapos ay sasabihin mo, "Ah, nakita ko na ang iyong Panloob na Patunay ng Katawan."
Upang makita itong Panloob na Patunay ng Katawan,
Magnilay kang mabuti, at tumungo sa antas na iyan
Ang Guro ay nasa lahat mula sa pisikal hanggang sa astral,
hanggang sa pangkaisipan, hanggang sa malikhaing rehiyon,
hanggang sa hungkag na rehiyon,
at pagkatapos hanggang sa Ikalimang Dimensiyon ng Tahanan ng Guro.
At pagkatapos sa itaas, at itaas at itaas.
Kaya ito ay depende sa iyong antas,
makikilala ninyo ang Panloob na Guro sa ibang antas na iyan,
kahit na ang Guro ay walang hanggan, walang katapusang pagkabuhay,
kahit saan at saanman.
Ayos? Iyan ang Panloob na Guro.
Kaya ang mahalaga, magpatuloy sa pagninilay?
Oo. Magnilay lamang ng higit pa.
Subalit tingnan ito, hindi mo kailangang manalangin para sa lahat ng bagay na ito.
Magnilay lamang, at isang araw ang Guro ay dadalaw sa iyo.
Sinasabing kapag ang disipulo ay handa, lilitaw ang Guro.
Ito ay gayundin sa panloob.
Mayroon pa ba? Iba pang tanong? Hmm?
Oo, sir. Ikaw, Muslim.
Hi, Guro. (Hi!)
Kapag Ako ay nagninilay noon...
Ibig kong sabihin, nagkaroon ako ng magagandang karanasan,
at Ako ay tunay na nakadama ng kabutihan at kadakilaan.
Subalit...wala Akong talagang katanungan,
ngunit kung Ako ay nagninilay ngayon, wala Akong naaalalang anuman,
subalit kapag Ako ay bumalik na, nakadarama Ako ng kasiyahan sa kalooban.
Nasisiyahan ka o hindi? (Oo, tunay akong nakadarama ng kasiyahan sa kalooban.)
Subalit ikaw ay nakakalimot. (Nakakalimutan ko ang lahat.)
Ano ang nakita mo? (Oo.)
Sige. Hindi iyan masama. Ibig sabihin ay bumuti ka.
Ikaw ay tumungo ng bahagyang mas mataas kaysa sa kaisipan,
kung kaya ang isip ay-hindi makaalala. Ayos? (Tama, sige.)
Minsan ay nakakaalala ka.
Minsan ang isip ay hindi makaya na itala lahat para sa iyo.
Subalit ikaw ay nakadarama ng mas mabuti at bumubuti sa lahat ng oras? (Oo, oo, oo.)
Ibig sabihin niyan ikaw ay umuunlad, ayos? (Tama, sige. Salamat.)
Kailangan nating pakawalan maging ng lahat ng pangitain,
upang maging hindi makasarili, maging hindi makaako.
Isa-isa, ating maaalis itong lahat ng mga antas ng tusong pagkamakasarili,
upang maging kaisa Niyan na lahat ng bagay.
Upang maging kaisa ng lahat, ng bagay kailangan mong pawalan ang iyong sarili.
Samakatwid, wala kang sinuman na uupo doon at makita ang pangitain,
maliban kung ito ay talagang kailangan, ayos?
Subalit hindi iyan lamang, hindi iyan lang kinakailangan mong magpatuloy.
Oo? Oo. Siyempre, ma'am. Oo, halika rito. Dito, dito.
Oo, magkakaroon ng... Oo, oo...mga tao.
Ang ibig niyang sabihin ay kapag siya ay nagninilay,
ang utak ay hindi makapagbigay, tulad, ng paliwanag sa kung ano ang kanyang nakikita.
Sa mga pangitain, oo. (Sa mga pangitain.)
Kahit na lahat tayo ay pantay,
ilan sa ating utak, bawat isa, ay hindi magkatulad. Oo?
Kung kaya, tulad halimbawa, ang ilang tao ay madaling matuto,
ang ilang tao ay mabagal matuto.
Kung kaya, katulad rin sa espiritwal na alaala.
Minsan ang utak ay kayang
ipaabot sa mas higit pa tungo sa espiritwal na kaharian
upang maitala ang pangitain at dalhin itong pabalik.
Ang ilang utak ay hindi kaya, subalit hindi iyan ibig sabihin na wala kang pangitain.
Sinuman na na-initiate sa Quan Yin na Pamamaraan ay mayroong Liwanag, mayroong Tunog.
Kung kaya minsan nagigising ka sa kalagitnaan ng gabi,
o sinisipa ka ng asawa mo,
bigla kang magigising sa silid na puno ng Liwanag.
At ito ay tumatagal ng isang minuto o higit pa, at batid mo na nanggaling ka sa ibang lugar.
Subalit hindi mo iyan alam.
At kung hindi ka pa nasipa, ginising, ng iyong asawa o anak,
o anumang ingay sa mga oras na iyon,
hindi mo malalaman na ikaw ay nasa Liwanag.
Naunawaan? Oo. Ayos?
Minsan ay nagigising ka...
oh, hindi lamang sa Liwanag,
ngunit magigising ka na nakadarama ng taginting ng Quan Yin na naroon pa,
na parang ikaw ay bumaba mula sa kung saan.
O minsan makadarama ka na ikaw ay nahulog, alam mo, bigla, oo,
at ikaw ay nahahatak na gumising tulad niyan.
Ito ang panloob na pangitain at ang panloob na karanasan
na ang isip ay hindi parating naitatala para sa iyo.
O ang isip ay naitala ito,
subalit kapag ikaw ay nagising, ikaw ay abala. Ayos?
Hindi ka na nagiisip tungkol sa mga espiritwal na bagay.
Kinakailangan mong gumawa ng libong mga bagay sa bahay,
at makakita ng libong mga tao sa labas ng bahay.
At ang iyong negosyo at iyong mga anak at iyong asawa,
iyong ina, iyong biyenan, blah, blah, blah...
Bawat isa ay naghahanap ng iyong atensiyon,
na ni wala ka ng oras upang masiyahan kung ano ang naitala. Ayos?
Tulad lamang kung ikaw ay may CD sa bahay, subalit wala kang oras na magpatugtog,
kung gayon ay hindi mo maririnig ang mga awit. Tama?
Magkagayunman, kapag nakita mong ang iyong buhay ay parating bumubuti,
ang pagmamahal mo ay lumalawak,
ang kaligayahan mo ay parating, alam mo, higit at humihigit araw-araw,
iyan ay espiritwal na bunga, ayos?
Kung gayon ay alam mong tiyak
na gabi-gabi ikaw ay naglalakbay kasama ng Guro sa mataas na dimensiyon,
maging nakakaalala ka o hindi.
O kung hindi paano mababago ang iyong pagkatao?
Parehong lalago ang iyong pagmamahal tulad niyan?
Parehong ang iyong karunungan ay lalawak bawat araw? Tama? OK.
Sa pagbabalik sa babae doon, ibig *** sabihin
na kapag ikaw ay bahagyang lumilipad ang isip at makakalimutan, tulad ko,
matatagalan ba para sa iyo na matutunan ang meditasyon?
Kung ikaw ay bahagyang magulo ang isip, o bahagyang makakalimutin, tulad ko.
Ibig mong sabihin dahil sa meditasyon. Ikaw ay higit na makakalimutin kaysa noon?
Hindi, Ako ay makakalimutin, at Ako ay bahagyang magulo ang isip.
Kaya? Kaya ano ang? Ito ay tulad niya?
Oh, ibig mong sabihin hindi mo maalala ang pangitain kapag ikaw ay nagising?
Oo, marahil ay hindi, hindi Ko.
matagal akong matuto, sapagkat Ako ay bahagyang magulo ang isip.
Wala kang makitang anumang Liwanag? (Hindi madalas, hindi.)
Hindi madalas. Ibig sabihin niyan ay nakakakita ka! Ayos?
Sa mga oras na nakakakita ka, ay ang oras na ang iyong utak, iyong atensiyon, ay gising.
Iyan ay kapag nakikita mo ito.
At sa oras na hindi mo ito makita, ibig sabihin ikaw ay nasa mahimbing na pagtulog o samadhi,
at sa iyong pagbalik, hindi mo maalala.
Kaya, kahit na makakita ka ngayon at muli,
nakatitiyak ka na nakakakita ka araw-araw. Ayos?
Kahit minsan habang natutulog.
Kadalasan, nakakakita ka ng mga pangitain at ikaw ay tumutungo sa mas mataas na dimensiyon
kasama ng Guro habang natutulog, tulad ng kababanggit Ko lamang.
Sapagkat sa araw, kahit na sinusubukan mong magnilay,
nakakatulog ka sa kalahati ng panahon, o ikalawang bahagi nito,
o nagiisip ka sa ikatlong bahagi
tungkol sa bawat ibang bagay maliban sa Guro o Diyos o ng mga Banal na Pangalan.
At kung kaya kahit habang nagninilay,
marami sa atin ay hindi nagpalagay na nakita nila ang Liwanag, kahit na dumating ito.
O minsan sa ilang saglit lamang ikaw ay nayanig,
tulad ng daloy ng kuryente na dumaan sa iyong katawan, at pagkatapos ay nawala,
sapagkat ang iyong atensiyon ay hindi 100% nakatuon.
Gayunpaman, sa gabi, kapag ikaw ay tulog,
ang iyong isipan, ang iyong aktibong utak, ay maginhawa,
kung gayon makakatulong ang Guro upang ilabas ka ng mabilis, Oo? OK.
Walang sinuman ang walang pangitain. Bawat isa ay mayroon, paniwalaan ako. OK?
Oo?
Mayroon pa akong tanong na may kaugnayan sa utak. Posible ba na.
Ako ay estudyante ng isang unibersidad. Posible ba
na lahat ng kaalaman na nakakalap ko sa aking pag aaral
ay makakasagabal sa espiritwal na pagsasanay?
Minsan oo. Minsan oo.
Ang labis na pag unlad ng kapangyarihan ng isipan
minsan ay kumukuha ng kabayaran sa espiritwal na pagunlad.
Subalit hindi ibig sabihin niyan na hindi ka makakaalis, ayos?
Ikaw ay magkakaroon ng higit na benepisyo sa gabi kapag ikaw ay tulog,
mas higit kapag ikaw ay nagninilay. Oo.
Subalit sinabi Ko na sa inyo ng maraming beses,
ang tiyak na tanda ng espiritwal na pagunlad ay ang pagbabago ng iyong buhay araw-araw.
Makakaranas ka ng himala.
Makakaranas ka ng tulong sa oras ng kaguluhan.
Sa panahon ng kagipitan madarama mong may kasama ka.
Sa katunayan may nakakakita na ang Guro ay naroon,
may nakakaramdam na ang Guro ay naroon.
Gayunman, ang Guro ay naroon.
O ang iyong buhay ay parating nagbabago para sa kabutihan at pabuti ng pabuti.
Oo, ikaw ay higit na mapagmahal, higit na mapagparaya,
higit na matalino, higit na mapang unawa.
Iyan ang tiyak na palatandaan ng espiritwal na pagunlad.
Iyan ang tiyak na palatandaan na nakakita ka ng Liwanag
sa isang dako sa pagtulog, o kung ikaw ay nasa samadhi.
Sa iyong pagbalik, nakakalimutan mo.
Matapos ang lahat, kapag nakita mo ang Liwanag sa Langit,
pumunta ka at nakita ang Ama sa langit, at bumalik kang wala pa ring kuwentang tao,
sino ang may nais niyan? Kita ninyo?
Kaya kahit nakalimutan natin ang pangitain, subalit tayo ay nagbago sa mas mabuting buhay,
iyan ang pakinabang, iyan ang nais natin.
Oo, tayo ay nagiging banal habang nabubuhay.
Habang nananatiling buhay, tayo ay maaaring maging mala santong tao, kaya iyan ay mabuti.
May ilan pang katanungan? Oo, sige.
Guro, ikaw ba ay naniniwala sa mga unicorn?
At kung masasabi mo sa akin aling antas sila napapabilang?
(Uni...?) Mga unicorn?
Oh, unicorn! Sila ay nabibilang sa antaas ng hayop.
Gayon man, sa espiritwal na antas.
Ibig kong sabihin, sapagkat sila ay hindi sa dimensiyong ito.
Ito ay ang Aking binabanggit.
Bueno, ang ilang tao ay nakakita na ng mga ito.
Oo. (Ito ay bihira lamang.) Oo. (Ilang tao ay nakakita na ng mga ito.)
Bueno, sila ay nabibilang sa antas ng espiritwal na kaharian ng hayop.
Kapag pumunta ka sa langit, makakakita ka ng mga aso, pusa at gayun din, lahat ng mga iyan.
Kaya, marahil sila ay magkakasama sa ilang lugar.
Sige. Salamat.
Gusto mo ng mga unicorn? (Oo. Gusto ko, ng labis.)
Hindi mabuti.
Nakita mo na siya?
Hindi ako gaanong tiyak. Sa palagay ko. Hindi ako tiyak.
Sa palagay mo? Kung gayon bakit hindi mo siya tanungin?
Sige, mas mabuting ang Diyos ang magustuhan mo.
Bueno, mayroon Akong dalawang sungay minsan. Maaari kong kunin ang isa para sa iyo...
kapag Ako ay galit!
Wala na, huh? Sige.
Sige, magkita uli tayo bukas.
Makikipagkita ako sa iba ngayon. Isang espesyal na grupo, oo?
Kung nais ninyong magnilay ng sandali dito, ito'y ayos.
Kung ayaw ninyo, maaari kayong bumalik sa inyong kuwarto at magnilay.
Nakipagkita ang Guro sa mga Kanluranin
Umaga ng ika 30
Oo, magandang hapon!
Dinala ko kayo dito sakali mang mayroon pa kayong ilang katanungan.
At sa silid na ito, dito ay walang sagabal.
At kung ayaw ninyo ng anumang tanong, ito ay ayos.
Kung gayon tayo ay makakapagnilay, Ayos? Anuman ang nais ninyong gawin.
Kahit anong bagay na inyong hilingin, sabihin ninyo sa akin ngayon.
Mayroon kayong limang minuto.
Hindi, katunayan, mayroon kayong isang oras.
Sige, kayo ba ay nasiyahan sa inyong cornflakes at muesli?
Ayos ba diyan? Hindi gaanong malayo?
Mas ayaw ba ninyong manatili dito?
Nais pa ninyo ng ilan? Sige! Ilan sa inyo ay maaaring maupo doon.
Oo, alinman...alinman sa mga malalakas ang loob, lumapit dito.
At dalhin ang inyong sariling almuhadon, upang kayo ay maginhawahan.
Tiyak ba kayo?
Tingnan ninyo, kaming mga babae ay higit na natural, mabilis, tapat sa damdamin.
Sige, ganyan dapat. Oo, sa palagay Ko.
Oo, sige! Upo! Sila ay hindi. Sila ay ayaw...
Basta kunin ang buong lugar, mahal. Kunin ito. Ipakita mo sa kanila!
Oo, maaari kang maupo dito, mahal. Huwag mag alala. O maupo sa banda roon.
Oh, ngayon dito tayo. Ngayon dito na tayo.
Ah...huh! Oh, Diyos ko!
Sino ang kakain sa inyo? Napakapayat ninyo.
Ayos ba kayo? Kung hindi sumiksik pa ng bahagya, ang bagay dito.
Sandali, oo. At iunat ang inyong paa kung nais ninyo.
Sige. Ngayon, tuloy!
Mas maginhawa ba kayo ng ganyan?
Kung nais ninyo, maaari kayong umakyat ng bahagya pa. Bueno, oo!
Oo, maupo sa tabi ng mga keyk at kendi,
gawin ang iyong pakiramdam na parang nasa bahay.
Oo, lahat ng mga tao sa likuran ay maaaring umakyat dito.
Anuman ang nais ninyo, ayos? Kahit ano.
Huwag lamang...Oo, iyan nga.
Sa gitna, huwag! Sa gitna mayroong kamera.
Oo, ito ay mukhang mas maginhawa tulad nito. Huh! Oo!
Sige, ibigay mo ito sa akin, pakiusap.
Ayos, ilalagay lamang natin ito doon. Salamat.
Tayo ay magsisimulang magkatuwaan. Oo?
Oo!
Kita ninyo ito! Ito ay tila mas nababagay sa bawat isa, huh?
Higit na maginhawa, huh?
Maliban sa cornflakes, ito lamang ang ating nais.
Oo! Hmm...
Hayan.
Tig isa! Marami pa kayo niyan mamaya.
Oo, ang mga ito sa inyo. Kung nais ninyo, kumuha pa kayo ng ilan mamaya.
Hindi kayo nag aalalang tumaba?
Ano ito? "Good Grouse" madaliang bungang butil na inumin.
Oh! Nais lamang nilang makatiyak na alam ko na mayroon kayong anuman dito.
Sapagkat minsan, alam ninyo hindi kayo magkakaroon ng lahat ng bagay dito.
Subalit ito ay para...ito ay mabuti!
Ito ay narito mismo. Tingnan ninyo! Narito para sa inyo, para sa inyong tustadong tinapay.
Sa palagay ko ay-hindi ito makakarating sa inyo.
Alam ninyo, magbabayad kayo sa pagiging mahiyain!
Da-da...Sa susunod, matuto kayo ng mas mabuti.
Kung nais ninyo ng kuki, lumapit sa akin.
Ano ito? Ito ay niyog? Luya? Luya, huh?
Oh, iyan ay mabuti para sa inyo kumuha ng ilang luya. Luyang kendi.
Ang kulay ay parang ganito, at ang loob ay parang ganyan, ayos?
Ito ay mabuti para sa inyong sipon.
Narinig ko kayong sumisinghot at umuubo ng kaunti.
Mmm... mmm... Hindi, hindi. Ito ay malagkit.
May ikukuwento ako sa inyong isang tunay na kuwento, isang labis na nakatutuwa.
Isang beses, ang ating mga residenteng disipulo, sila ay kumakain ng ilang naget na mani.
Alam ninyo, naget? (Oo, naget.) Oo, mga naget.
Ito ay istilo ng Intsik, alam ninyo? Labis na makunat.
Halos tulad ng Pranses o Aleman naget.
Ito ay pareho, subalit ang mga ito ay itim, na may tunay, hilaw, na asukal na pula. Malagkit!
At sila ay kumain, kumain, kumain, kumain... magkakasama.
At pagkatapos bigla isa sa mga mensahero ng Quan Yin,
alam ninyo, yong mga residente,
may dinukot mula sa kanyang bibig at itinaas ito,
sinuri ito sandali, at nagsabi: "Hey, mga kapatid! Tumigil sa pagkain!"
Ang lahat ay nagulat, sabi nila: "Ano ang nangyari? Anong problema?"
Ang sabi niya, "sa palagay ko hindi ito makagulay."
Sabi nila, "Bakit? Bakit hindi makagulay?"
Sabi niya, "Nakatagpo ako ng ngipin dito."
Alam na ninyo! Ito ay sarili niyang ngipin.
Kung nais ninyong malaman kung sino iyan. Maaari kayong tumingin palibot,
at sinumang tumawa, na nawawala ang isang ngipin, siya na iyon.
Mayroon na kayong ilang kendi?
Oh, maaari kayong kumain, upang mabigyan kayo ng ng kunting lakas para katuwaan. Hindi masama.
Sige, nasulatan na ba ninyo ang inyong aklat? Tanong o aklat?
Tanong sa aklat, sige.
Ibigay ang mikropono.
Oo! Minsan ay mas mabuti na isulat muna ninyo ito, alam ninyo,
kung kaya ninyo itong bigkasin ng malinaw,
at maiwasan ang maraming nasasayang na kuha ng bidyu.
Oo, ang una kong tanong ay:
paanong ang isang disipulo ay nagiging mensahero ng Quan Yin?
Oh, bakit? Bakit Ko sasabihin sa iyo?
Sapagkat Ako ay interesado.
Ito ay lihim. (Oh!)
Ikaw ay interesado...hmm! Ito, maaari mo silang tanungin.Oo!
Maaari mong tanungin ang mga Mensahero ng Quan Yin, sinuman sa kanila. (Sige.)
Sasabihin nila sa iyo kung ano ang gagawin, saan pupunta. (Sige, salamat.)
Hindi, hindi, hintay! Mayroon pa siyang isang malaking tanong.
Alam ko maraming mga tao na mayroong, idaanan Ko ito sa muling pagbanggit,
"mga ulo sa ulap."
At tinatanong nila ako kung paano sila magiging
higit na epektibo at maayos sa pamantayan ng daidig.
Mayroon *** kahit anong kaalaman na iyong maibabahagi sa akin?
Sino ang mayroong "mga ulo sa ulap"?
Bueno, marami Akong kilalang tao na nakadarama ng ganyan.
Nakadarama ka ba ng ganyan? (Hindi.)
Hindi? Kung gayon paano ko sasabihin sa iyo? Hmm?
Dapat nilang tanungin ang kanilang mga sarili, hindi?
"Ulo sa ulap." Tingnan ko. Ano ang nakikita mo doon sa itaas?
Tanungin mo sila, ano ang nakikita nila doon sa itaas? Sige, iyan ang unang tanong.
At kung wala silang makitang anuman, kung gayon bakit sila nananatili doon sa itaas?
Sabihin lamang sa kanila na bumaba kung walang makita doon sa ulap.
Bueno, wala ka ng talagang magagawa pa.
Alam mo, bawat isa ay kaiba.
Ilang tao ay olandes ang buhok, ilang tao ay mahangin ang ulo,
ilang tao ay maitim ang ulo.
Ilang tao ay tulad niyan. Oo?
Sa mga kanlunaning bansa,
ang mga tao ay mahilig magbiro sa mga taong olandes ang buhok.
Hindi ko ibig sabihin na ikaw.
Gusto ko din ng olandes. Tingnan mo, mayroon akong ilang bahid ng olandes dito, para katuwaan.
At mayroon isang biro tungkol sa taong olandes.
Mayroong isang olandesa, alam ninyo.
Siya ay lubhang masigasig laban sa birong olandes.
Alam ninyo, nagagalit siya kapag ang mga tao ay nagbibiro sa mga taong olandes.
Siya ay-tunay na olandesa.
At siya ay mayroong uri ng samahan o kilusan,
Laban sa mga birong olandes, sa buong bansa.
Siya ang pangulo.
Saan man siya pumunta, anumang pagkakataon,
kapag ang mga tao ay nagbibiro a taong olandes, siya ay agad na sasalakay.
Oo, ito ay labis, labis na dakilang aktibista para sa olandes ang buhok.
Sige, isang araw siya ay nasa bakasyon,
at siya ay nagmamaneho ng kanyang kotse sa Haywey
upang pumunta sa lugar na kanyang pagbabakasyunan.
At pagkatapos sa kahabaan ng haywey...
Ang haywey ay napaka...
alam ninyo, ito ay isa sa mga lugar kung saan ito ay napaka taas,
tulad ng tulay sa himpapawid,
at sa ilalim ay napakaraming ibang daan.
Alam mo yaong mga sangandaan, ang napakaraming daang lugar.
At siya ay nagmamaneho sa itaas ng haywey,
sa itaas ng daan, sa haywey.
At siya ay nagmamaneho, at nakita niya sa kanyang kanang panig,
bahagyang may kalayuan. Alam ninyo,
malayo mula sa mga maraming nakalilitong mga daan,
nakakita siya ng bukid ng...bukid ng trigo.
At sa loob, mayroong bangka,
at mayroong isang olandesa na nakaupo doon.
At siya ay galit na galit, sabi niya,
"Ngayon, isa pa! Isa pang biro tungkol sa hangal na mga taong olandes muli.
Oh, Diyos ko! Kinasusuklaman ko ito."
At pagkatapos ay binuksan niya ang kanyang bintana, at siya ay sumigaw sa banda roon,
sabi niya, "Hey, ikaw! Sinumang nariyan!
Huwag kang mangahas na magbiro sa akin tulad niyan uli!
Maghintay ka hanggang sa makalangoy Ako diyan at gugulpihin kita ng husto!"
Ang bangka!
Hindi kayo natatawa, huh?
Naunawaan ba ninyo iyan? (Oo, hindi masama.)
Hindi masama. Sige, sige.
Sige, kaya ang ilang mga tao ay tulad lamang niyan.
Bueno, ano ang masama sa hindi...Ano ang masama dito?
Bueno, natuklasan lamang nila na mahirap manatili sa isang trabaho,
o mahirap gumana sa makamundong buhay.
Kaya ano ang normal nilang ginagawa, kung hindi sila gumagana?
Bueno, sinusubukan nilang gumana, at ginagawa ang kanilang makakaya,
subalit nadarama nilang hindi nila maiapak ang kanilang mga paa sa lupa.
Ako, hindi rin.
Kita ninyo, Ako ay parating nasa mataas na entablado. (Lumilipad!)
Mahirap para sa akin na iapak ang aking paa sa lupa saanman.
Ni wala akong makitang lupa!
Saan man Ako pumunta, lahat kayo ay tinatakpan lahat ng lupa.
Ni hindi ako makakita ng anumang lupa na malakaran.
Alam ninyo kung ano? Marahil ay pinalalaki lamang nila ang kanilang problema. Oo.
Sa pagkukunwari dito?
Hindi, hindi hindi iyan, subalit bawat isa sa atin ay mayroong parehong problema.
Tanungin mo ang sinuman sa kanila kung sila ay tunay na gumagana dito ng maayos,
o sila ay tunay na masaya sa kanilang trabaho, alam ninyo...(ito ay totoo.)
o kung talagang nais nilang manatili sa isang kapareha sa lahat ng oras.
Lahat tayo ay sumusubok lamang, ayos?
Sinusubukan ko ring manatili sa trabaho ko dito,
sapagkat ayaw Ko rin ng trabaho ko dito,
subalit walang ibang pagkaka tulad para sa akin upang magbago.
Ako ay nagaaplay para sa bagong trabaho,
subalit sinasabi pa rin Niya, "Oh, kailangan nating pagisipan ang tungkol dito, totoo."
Kaya, ito ay ayos. Ngayon gusto mo ito, bukas ayaw mo.
Gawin lamang ang iyong makakaya, huh?
Wala na tayong marami pang magagawa sa mundong ito,
maliban sa masiyahan anumang mayroon tayo,
at gawin ang pinakamagaling sa anumang sitwasyon na naroon tayo.
At kung kaya ninyong magpalit ng mga trabaho, kung gayon ay subukan! Magpalit!
Kung ito ay mas mabuti sa iyo, kung gayon ay manatili doon.
Kung sa palagay ninyo ay hindi pa rin mabuti, kung gayon bakit hindi palitan ng isa pa,
kung kaya ninyo, kung kaya ninyo ito, ayos?
Ang bagay lamang ay, bago kayo magpalit ng trabaho,
tiyakin muna na kayo ay matatag na sa pananalapi.
Huwag munang mag bitiw sa isang trabaho at pagkatapos ay maghanap ng iba.
Iyan ay magiging mahirap mahirap, hmm?
Subalit walang masama sa paghahanap ng ibang trabaho
o kapaligrian na pagtatrabahuhan.
Sapakat minsan ang mga kasamahan, boss, kung saan ka nagtatrabaho,
ay napakahalaga rin.
Hindi madali na makakita ng lugar o trabaho na magugustuhan mo agad
o magugustuhan mo habang buhay, ayos?
Huwag lamang sisihin ang iyong sarili.
Kung sa palagay mo ito ay kaya pang tiisin,
kung gayon ay manatili muna doon ng ilang panahon.
Kung hindi, kung sa tingin mo ito ay magiging mas mabuti, subukan mong maghanap sa paligid. Oo?
Ang mga ito ay tungkol sa trabaho lamang o tungkol din sa asawa?
(Lahat.) Lahat!
Parehong payo! (Oo.)
Bueno, lubhang napakahirap na makatagpo ng kasiyahan sa mundong ito,
maliban kung tinatanggap mo ang lahat alam mo, at bale wala ito sa iyo,
kung gayon ito ay ayos din.
Kung hindi ka nasisiyahan, kung gayon kailangan mong maghanap ng paraan, ayos?
Oo? (Oo, oo.) Sunod na aklat. (Iyan ay tama!)
Ito ang panghuli na ibabahagi sa iyo. (Ito ay ayos.)
Mayroon akong malapit na kamaganak,
bilang Kritiyanong mananampalataya at paggalang sa Sampung Utos.
At parati nila akong tinatanong, sinusunod ko ba ang araw ng pangilin,
na araw ng Sabado, ayon sa kanilang paniniwala. At gayundin.
Ang Kristiyano ay Sabado? Ito ay dapat na Biyernes, hindi?
Hindi, ito ay Sabado. (Ilan ay mga araw ng Sabado.)
Oh! Sabado, Linggo. Oh, sige.
At kaya, ito rin ang paraan na ako rin ay pinalaki.
At sinasabi nila na pinagpala ng Diyos ang ikapitong araw,
at ginawa itong banal at inihiwalay mula sa lahat ng ibang mga araw. (Oo, iyan ay totoo.)
at kailangan nating igalang ito sa pamamagitan ng hindi pamimili at pagbebenta,
at mamahinga sa araw na iyan. (Iyan ay totoo.)
At ang tanong ko ay, paano ko haharapin itong hiling mula sa aking mga kamag anak
na may pagmamahal at pagkamatulunging paraan?
Sabihin mo sa kanila na sinusunod mo ang araw ng pangilin sa ibang paraan, ibang araw.
Ang ating pang grupong meditasyon, iyan ang araw ng pangilin.
Sa simula, ito ay tulad niyan.
Kita ninyo, kailangan nating maglaan ng isang araw upang magnilay,
alam ninyo, isipin ang Diyos. Naalala ninyo?
Kung kaya sinasabi Ko sa inyo na tumungo sa panggrupong meditasyon
sa Linggo, Sabado, o kahit kailan.
Oo, gumawa ng isang araw para sa iyo kita ninyo iyan?
Iyan ay, labis, labis na naayon sa plano ng Diyos, kita ninyo iyan?
Subalit kung wala kayong Guro, wala kayong mabuting pamamaraan,
para ano ang pagsunod mo sa araw ng pangilin?
Upang aksayahin ang inyong oras, at sayangin ang inyong mahalagang sandali.
Subalit, hindi mo. Alam ko hindi nila mauunawaan iyan.
Sabi mo ay naglalaan ka ng isang araw,
subalit ito ay sa pagitan lamang ninyo at ng Diyos, kaya, maginhawa para sa iyo.
Naaalala mo ang Diyos. (Lahat ng araw!) Oo, oo, inaalala mo.
Subalit dahil sa istilo ng iyong trabaho at ng iyong istilo ng pamumuhay,
maglaan ng isang araw, hindi ibig sabihin kailangan mong maglaan ng eksaktong araw.
Siyempre, sila ay hindi magiging ganap na masisiyahan diyan.
Ngunit eh ano ba? Ikaw ba ay nabubuhay para sa kanila o para sa iyo?
Tama...Oo.
Oo, ito ay magulo.
Mapagbibigyan lamang natin ang maraming palagay at damdamin ng iba.
Ang iba, kailangan mong maging ang iyong sarili. Ayos?
Maaari ka lamang gumawa hanggat
hindi mo isinasakripisyo ang iyong sariling pagkatao at espiritwal na pagunlad.
Ito ba.. Ang isang tao ay nakadama na ito ang kanilang kaligtasan,
at ito ang isang bagay na magdadala sa kanila sa malaperlas na Tarangkahan.
Sabihin sa kanila. Batiin sila!
At mayroon ka ng iyong paraan,
ito sa iyong paniwala ay mag dadala rin sa iyo sa malaperlas na Tarangkahan, at higit pa.
Marahil ang sa kanila ay magdadala sa kanila sa Malaperlas na Tarangkahan,
subalit ang sa iyo ay magdadala sa lahat ng daan papasok. (Lahat ng daan papasok.)
Sabihin sa kanila na tiyak mong alam iyan sa pamamagitan ng iyong sariling karanasan. Oo.
Ayos? (Salamat.)
Sabihin sa kanila na hindi lamang sa araw ng pangilin,
subalit 24 na oras, bawat araw ng linggo at ng buwan, ng taon,
parati mong naaalala ang Diyos,
at ang Diyos ay kasama mo, iyan ay tiyak mong alam.
At kapag tinanong ka nila paano mo tiyak na nalaman,
sabihin mo, "Alam ko lang. Tulad lamang kung Ako ay umiibig sa isang tao,
Alam ko at alam niya. Hindi mo kayang alamin." Oo?
Sabagay, mayroon silang karapatan, mayroon kang sa iyo. Ayos?
Mayroon silang paniniwala, mayroon kang paniniwala, oo?
Ang kanilang paniniwala ay batay lamang sa aklat,
ang iyong paniniwala ay batay sa karanasan, kaya sino ang mas mabuti?
Subalit hindi kailangan magtalo. Sabihin lamang, "Alam ko lamang iyan."
Oo, "Masaya ako dito,
at ang Diyos ay kasama ko, at tiyak Ko iyang alam." Finito!
Sabihin ito ng napaka lambing. (Oo.)
Batiin muna sila para sa kanilang matatag na paniniwala sa Diyos.
Sabihin na mayroon kang pareho. Mayroon kang pareho.
Dahil lamang sa ang ating buhay ay magkaiba,
kailangan nating ayusin na magkaroon ng Araw ng pangilin sa magkaibang araw. Iyan na.
Subalit wala ka. Mayroon ka nito ng Linggo, o marahil ay Biyernes.
Pag usapan lamang ito.
Paumanhin, Guro.
Ikaw ba ay tunay na olandes o nagkulay ka?
Guro, ang tanong ko ay may kinalaman sa iyong panayan kahapon.
May sinabi kang lubhang mahalaga, sa palagay Ko,
na nagsabi ka tungkol sa maling gamit ng lakas ng saykik,
na gamitin ang espiritwal na panggagamot sa iba.
Minsan sa aking pang araw-araw na buhay, may nadadaanan akong aksidente sa daan
o nakakakita ng ibang tao sa ilang lugar na nasa pagdurusa, o taong may sakit,
at ang udyok sa aking kalooban ay ang nais na maipaabot ang pagmamahal saa man ito.
Oh, iyan ay ayos! Iyan ay ayos. (Ito ay hindi nakakasagabal?)
Hindi, hindi, hindi. Ito ay ayos. Ito ay pakikiramay lamang.
Ito ay pagmamahal lamang na parang ang taong iyan ay ikaw. Oo?
At ang iba...Iyan ay magkaiba, ginagawa nating lahat iyan.
Iyan ang natural na reaksiyon ng isang tao na puno ng pagmamahal.
Subalit ang taong gumagawa niyan para ikabuhay,
tulad, alam ninyo, mga taong pumupunta sa kanila, nakikiusap sa kanila,
at pagkatapos ay nagpapatong ng mga kamay sa kanila, gumagamit ng saykik, astral na kapangyarihan
upang muling isaayos ang pagkakabaluktot ng saykik at lahat ng iyan, iyan marahil...
Hindi mo ito kaso, ayos? Huwag mag alala.
Kung gayon mayroon pa Akong ibang tanong, tungkol sa panggagamot.
Ang mga pamamaraan ba tulad ng aku-presyur at repleksology,
kung saan naglalagay ng presyur sa tao upang manggamot, ngunit hindi sa pisikal...
Hindi, ito ay ayos. Ito ay ayos. (Iyan ay ayos?)
Oo, sapagkat mayroong mga parte sa katawan
na konektado sa lahat ng nerbiyo, sistema ng nerbiyo.
At sa pamamagitan ng pagdiin sa parte ng uring iyan, iyang parte,
lahat ng nerbiyo ay magiging aktibo at gagamutin ang kanilang sarili. (Oo.)
Alam ninyo, tulad ng nakabara alinmang lugar sa iyong ugat,
o sa iyong kasukasuan.
At kapag may diniinan ka anumang lugar, naghahatid ito ng bugso upang maisaayos ito.
Tulad lamang ng pagtanggal ng bara ng iyong kubeta, o alam mo, sistema ng tubo. OK?
Gusto ko ang mga iyon, dahil ang mga ito ang sa
Palagay ko ang mga tao ay kaya ring matuto na gamitin ang kanilang mga sarili,
(Oo, masahe, o ano pa man..) at minsan silang matuto,
magagamot na nila ang kanilang sarili o panatilihin ang kalusugan (Oo, makakatulong ito.)
Oo. Walang problema. (Salamat.) Walang anuman.
Masahe, akupuntyur, aku-presyur, gamot,
ang mga ito ay natural na paraan upang gamutin ang pisikal na karamdaman.
Tanging espiritwal na kapangyarihan ang makagagamot ng espiritwal na karamdaman, oo.
Ang taong ko ay,
napakaaga sa umaga o sa gabi kapag ako ay nagninilay,
Nakadarama ako ng lakas sa aking mga paa.
Ang lakas na ito ay mahirap tiisin.
Naunawaan ko.
Ito ay maaaring umakyat sa aking katawan.
Pinipilit ko itong tiisin, upang malampasan ang pakiramdam na ito,
ngunit hindi Ko alam kung ito ay mabuti para sa akin na pilitin itong tiisin.
Minsan handa Akong tumayo at iunat ang aking mga paa
at gumawa ng ilang ehersisyo,
subalit hindi Ko alam kung mabuti kung gagawin Ko ito.
Maaari kang gumawa ng masahe sa iyong sarili at ito ay bubuti kaagad,
at magpalit ng posisyon sa meditasyon.
Halimbawa, kung ikaw ay nagninilay sa Liwanag,
iniba mo upang gawin ang Tunog.
Subalit bakit parating
napakaaga sa umaga o sa gabi habang nagninilay,
at hindi habang meditasyon sa araw?
Marahil dahil sa malamig.
Tayo minsan ay may rayuma. Marahil ito ay tulad niyan.
Dapat kang magdala ng anumang bagay tulad nitong mainit na bag.
At tuwing makaramdam ka ng sakit tulad ng ipinaliwanag mo, ipahid ito ng ganito.
Ito ay nagdadala ng ginhawa. Ayos?
Alam mo ba kung ano ito?
Mayroon ka pa *** ibang tanong? Iyan lamang?
Oo, sa ngayon, wala ng katanungan.
Guro, Ako ay parating sinasabihan sa trabaho,
"Kailangan mong kumain ng karne, dahil ikaw ay magiging anemiko at mahina."
Ano ang mabuting sagot sa ganyan kapag ang mga tao ay patuloy kang sinasabihan niyan?
Ikaw ba ay anemiko?
Patuloy nilang sinanabi, "Ikaw ay magiging mahina kung hindi ka kakain ng karne," sa trabaho.
Oh, sabihin sa kanila pakialaman ang kanilang mga sarili.
Sabihin sa kanila na lahat ng mga tao na nakaratay sa ospital ay kumakain ng karne.
Marami sa kanila, marami sa kanila, oo?
Sa ngayon, mas maraming karne mayroon tayo, mas maraming ospital ang dapat nating itayo.
Iyan ang kasagutan, ayos?
At kung sila ay nagpatuloy, sabihin sa kanila na pakialaman ang kanilang mga sarili.
Iyan ang huling baraha.
Sapagkat minsan kapag sinabi mong "Pakialaman ang iyong sarili,"
sila ay magagalit.
Alam ninyo, sila ay makadarama ng di-pagkamaramdamin, sa palagay nila ikaw ay walang pakiramdam.
Sabihin lamang sa kanila na ikaw ay mabuti, ikaw ay malakas. Oo!
Mayroon *** anumang magandang paraan upang mapatunayan mo ito?
Bueno, ang ginagawa Ko ay...
Ito ay nangyayari ng anim na buwan na. (Ano?)
Ito ay anim na buwan na, patuloy silang nagtatanong ng parehong bagay.
Kaya pagkatapos ng trabaho, gumagawa Ako ng makapangyarihang lakad papunta sa kotse,
at halos Ako lamang ang naiiwan.
Ang iba ay tila nagiging, alam ninyo, humihila sa likuran.
Kaya, nagsasabi ito ng sarili niya, alam mo.
Oo, sabihin sa kanila, oo. Iyan ay kung ano ito.
At hindi pa rin sila tumitigil?
Bueno, hindi, hanggang sa ilang linggo na ang nakaraan,
isang kasamahan, tumakbo kami ng napakabilis papunta sa kotse, at natalo ko pa rin siya.
At natatalo mo pa rin siya? (Oo!)
Hindi pa rin sila tumitigil? (Hindi.)
Ah! Ang mga tao, sila ay labis na takot lamang o pakialamero, alam ninyo?
Minsan sila ay labis na pakialamero.
Minsan sila ay natatakot dahil gumagawa ka ng bagay na hindi nila kaya,
at alam nila na ito ay tama, subalit sila ay nakikipunyagi sa kanilang mga sarili.
Kaya pinipilit nilang patunayan na ikaw ay mali.
Oo, iyan lamang. Sila ay natatakot.
Ilan sa kanila, sa palagay Ko sila ay may magandang hangad para sa akin,
subalit marami ang gumagawa nito upang maging...
alam mo, sapagkat sila ay kumakain ng karne, at sila ay hindi komportable.
Tama, tama. Sige.
Magkagayunman, maraming mga bagay din ang magagawa mo, higit na positibo.
Maglimbag ka ng bahagi ng "Bakit makagulay?"
o "Ang pakinabang ng Makagulay na Diyeta"
o "Kaligtasan sa ika-21 siglo."
Mag limbag ng ilan sa mga napakalutong at maka huling mata at lohikal na pahina
mula sa mga aklat na ito,
at ibigay ito sa kanila: "Heto! Ito ang iyong sagot."
At problema na nila ito kung may oras sila upang basahin ito o wala.
At maaari itong makatulong sa kanila. OK?
Sapagkat hindi ka maaaring magpatuloy ng pagsagot habang buhay,
at makipagtalo ng paulit-ulit. Ito ay labis na nakakapagod.
Subalit kapag nakita nila ang mga salita na nakalimbag!
Alam mo kung ano? Ang mga tao ngayon, sila ay naniniwala lamang sa nakalimbag na salita.
Oo, ayos?
Kung ito ay isang pahayagan, itoy nakasulat "Sige! Oh, iyan na nga!"
Kung ito ay kilalang tao, isang bestseller,
alam ninyo, tulad ng anak ni Baskin Robbins na si John Robbins, oo,
kung gayon paniniwalaan nila ito:
"Tingnan ito, bestseller! At milyonaryo, pa!"
Ayos? Ang susunod. (Lamang) Oh, mayroon ka pang isa?
Oo, Sige! Walang problema. (Oo, isa na lamang tanong.)
Paano natin.
Kung tayo ay nakagawa ng maraming masamang karma matapos tayong ma-initiate,
paano iyan masusunog, o paano iyan maaalis,
bago tayo mawala sa pisikal na mundong ito?
Paano natin maaalis ang karmang iyan?
Oh! Ang hinaharap na karma ay nawawala sa oras ng inisasyon.
Subalit ang itinakdang karma, kita mo,
na isinilang ka para dito sa buhay na ito,
ito ay nagpapatuloy.
Subalit kapag nagnilay ka ng higit, at sa tulong ng Guro,
ang mga bagay ay bubuti, alam mo, tulad ng maayos, higit na nalangisan,
kaya hindi mo kailangang makadama ng labis na pasakit, labis na pagdususa,
kung kinakailangan mong pagdaanan ang iyong karma, ayos?
Sige, sunod. Oo?
Guro, sa nakaraan, mayroong isang samahang pinamahalaan.
Bueno, ito ay noong ika 11 o ika 12 daan: Hildegard ng Bingen.
Hindi ko alam kung narinig mo ang tungkol sa kanya o hindi.
Isinulat niya hindi lamang kung paano manggamot, subalit gayundin maraming musika at iyan.
At kasalukuyang binubuhay.
Ngayon, nais Kong malaman,
mayroon *** panahon na ang isang panggagamot ay ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng karne?
Sapagkat alam Ko gumagamit siya ng karne at damong gamot,
lalo na ang atay ng usa,
gayundin gumagamit ng alak sa paggawa ng toniko.
Ngayon, nagkaroon ba ng panahon ng ang mga ito ay katanggap-tanggap?
O ang mga ito ba ay mga bagay na hindi muling naunawaan, sa panahong iyan?
Walang panahon na ito ay dapat tanggapin,
maliban kung ikaw ay hindi na-initiate,
at maliban kung wala ng anupaman sa mundong ito
na maaaring ihalili sa mga bagay na ito.
Ayos?
Siyempre! Alam mo iyan. (Salamat, Guro.)
Halimbawa,
Maging ang araw-araw na paggamot ng ating gutom, mayroong dalawang paraan kita ninyo?
Maaari mong gamutin ito ng karne,
o maaari mong gamutin ito sa pamamagitan ng makagulay na diyeta.
Makagulay na karne at karne ng hayop. Kita mo, may dalawang uri.
Ang dalawa ay makasisiya. Oo?
Subalit sa katagalan,
ang kumakain ng karne ay sinisira ang sarili nito kaysa sa makagulay,
kung kalusugan ang paguusapan. Ayos?
Kaya makikita mo iyan, tama? Oo.
Salamat, Guro. Isang punto lamang, bagaman, kaugnay sa...
Subalit siya ay isang manggagamot.
Siyempre maaari siyang gumamit kahit ano, anumang nais niya upang manggamot ng tao.
Tulad lamang ng ginagawa ng mga doktor. Oo? Kita mo. Oo, sunod.
Ang sagot din sa isang taong ito na maaari niyang magamit,
ay mga elepante at hippopotamus
ay isa sa mga pinakamalakas na hayop sa mundo,
subalit ang mga ito ay makagulay.
Gamitin sila? Gamitin? Oh, gamitin iyan para. (Upang sabihin sa kanila.)
Sige, tulad halimbawa. Oo, Siyempre. Kayang gawin iyan, oo.
Subalit naisulat na natin halos lahat ng impormasyon,
pinagsama sa "Bakit Makagulay?" Oo? "Ang Pakinabang ng Makagulay."
Sa katunayan, hindi natin dapat sabihin na "Bakit Makagulay."
bagkus sabihing "Ang Pakinabang ng Makagulay."
Ang tiyak na pakinabang, ang ganap na patunay,
ang subok at pinagkakatiwalaang makagulay na diyeta.
Ito ay higit na positibo.
Oo, bagay tulad niyan. At ipalimbag muli ito.
Alam ninyo, kopyahin lamang ito ng kaunti, at ibigay sa kanila,
at guhitan ang mga mahahalaga.
Alam ninyo, tulad ni Mohammad siya ay...
Alam ninyo, kampeon na mambubuno sa daigdig noon.
Huh? (Iyan ay boksingero.) Isang boksingero, oo.
Muhammad Ali, oo. Siya ay makagulay, halimbawa.
Einstein, makagulay. Socrates...
Oh, marami, marami, marami sa kanila ay makagulay.
Ayos? Sige, ang susunod. Sunod na tanong, oo.
Ako ay na-initiate na ngayon ng mga 20 araw na,
at nalaman Kong tunay na mahirap gawin ang Quan Yin.
Tulad, tulad lang marahil, alam mo, 10 minuto,
at pagkatapos ito lamang ay, panloob na kaguluhan lamang. Ako ay...
Oo, oo, Naunawaan Ko. Hindi mapalagay, oo. (Totoo, oo.)
Sige, hindi ka sanay dito,
sapagkat ang daloy, ang Daloy ng Tunog, ay napakalakas,
at anumang nasa loob mo ay nagrerebelde lamang, kita mo?
Tulad ng negatibong lakas, karamdaman, sakit,
lahat ng uri ng masasamang bagay na naninirahan sa loob mo ay nagrerebelde, oo.
Subalit magpatuloy ka, at ito ay bubuti.
At minsan ikaw ay makakaupo ng matagal;
ni hindi mo mamamalayan ang oras.
At maaari kang magdagdag ng kaunti pa.
Alam mo, tulad halimbawa, pangkaraniwan ay nakakaupo ka ng 10 minuto lamang.
At ikaw ay magiging maayos diyan. Magiging maayos diyan.
Ngunit hindi magtagal, magdagdag ka, alam mo, tulad ng isang minuto ngayon,
dalawang minuto bukas,
tatlong minuto sa susunod na mga araw, at limang minuto sa susunod na linggo.
O kalahating minuto araw-araw hanggang sa makuha mo ito. Ayos?
Kalahating minuto bawat araw, na kayang tiisin ng isip, oo. OK?
At isa pang bagay:
Bilang hanapbuhay, ang ginagawa Ko ay, Ako ay kulektor ng dugo.
Kaya Ako ay nagtatrabaho sa pathology department ng ospital.
Kulektor ng ano? (Kulektor ng dugo.) Oh, dugo. Oh, oo.
Alam mo, pagsusuri sa dugo, kapag mayroon kang pagsusuri sa dugo.
Oo. Oo. Oo.
Kaya alam mo, akoy nakikisalamuha sa maraming taong maysakit tuwing araw, buong araw.
At Ako'y nagtataka lang, mayroon ***.. maliban sa pag-ulit sa limang pangalan
kapag Ako ay nakikipag-ugnayan sa bawat pasyente,
mayroon *** ibang paraan para protektahan Ko ang aking sarili laban sa bagay na iyon?
Oh! Hindi mo puprotektahan ang iyong sarili, ayos lang ito.
Ibig mong sabihin mula sa sakit o mula sa enerhiya?
Oo, sapagkat minsan kumukuha ka lang ng ilang pasyente,
at nais mo lang na hindi lumapit sa kanila (Nag-aalala ka! Sige.)
Sige, ulitin mo ang limang pangalan, at hugasan mabuti ang kamay,
o kahit saan na may kontak ka sa pasyente, agad pagkatapos.
Oo, ginagawa Ko rin iyan, sapagkat iyan ang dapat mong gawin.
Kumuha ng ilan, kung kaya mo, sa katapusan ng araw o kahit anong oras, ng ilang kalamansi.
(Kalamansi?) Oo, kalamansi, sa malapit, upang mahugasan mo ito ng may kalamansi. (Sige.)
Pinuputol nito ng mas mabuti ang enerhiya, pinuputol ang saykik na ugnayan.
Kalamansi at asin, ayos? (Ayos.)
Ngunit kaunting, kaunti. Basta kaunting patak, at kaunting asin.
At mabilis, at pagkatapos banlawan.
At pagkatapos ipagpag mo ang iyong kamay pitong beses pagkatapos nito,
upang putulin ang saykik na ugnayan.
Kung iyan ay makakapagpabuti ng iyong pakiramdam, gawin iyon. Ayos? Ito'y nakakatulong.
Kung hindi maganda ang iyong pakiramdam, gawin iyon, ayos? (Ayos.)
Ayos? (Ayos.)
Hindi eksaktong pitong beses, ngunit higit pitong beses.
Pagkatapos ng pito, maaari ka pang magpagpag ng higit pa, alam mo, tuwing kaya mo,
ngunit higit pitong beses, ayos? Ayos, sige.
Pagpagin ng husto, alam mo. Pagpagin palabas, kahit saan...
Karaniwan, hinahawakan mo sila ng iyong mga kamay, tama?
Kaya, maghugas. Pagkatapos maghugas, pagpagin kaagad-agad,
maraming tubig, marami.
Sige, kaibigan. Susunod.
Kumusta Guro, naririnig mo ba ako? (Oo, oo, oo.)
Paumanhin, Ako ay medyo kinakabahan
sapagkat hindi Ako sanay makipag-usap sa harapan ng ganito karaming tao.
Oh, lalaki, lalaki. Malaking lalaki!
Una, Nais ko lang magpasalamat sa iyo para sa lahat,
sapagkat Ako ay mayroong magandang buhay,
at ito'y maraming masasayang sandali, at gayundin kaunting kalungkutan.
At Ako ay...
mayroon lang bahagya sa akin na nag-iisip na lahat ng ito'y maganda,
Kaya nais Ko lang magpasalamat sa iyo para...
Para sa lahat.
Ayos lang ito, kapatid, huminga ng malalim, magpahinga,
at pagkatapos subukang mag-iisip ng nais mong sabihin.
Halos anim na buwan ang nakaraan,
Ako ay nakatamo ng mapayapang kalagayan, at...
Nakadama ka ng mapayapang kalagayan? (Oo.) Oo.
At Ako ay maraming tulong na nakuha mula sa iyo.
At pagkatapos nagsimula Akong magisip ng tungkol dito ng labis, at...
Ako ay nagkaroon ng malaking pagtatalo sa aking isip ng matagal na panahon.
At Ako minsan ay tila hinahayaan itong manalo at...ito'y...
Ikaw ba ay labis na kinakabahan?
Nais ko lang sabihing ako ay labis na nalulungkot.
Ako ay nagkaroon ng maraming hindi magandang isipin at mga bagay.
Ikaw ay nawalan ng ilang panahon?
Ikaw ay nawalan ng ilan sa iyong mabubuting oras sa paggawa ng hindi mabuti, tama?
Ayos lang ito. Kalimutan ito, itoy nakaraan na.
Ito ba ang bumabagabag sa iyo ngayon?
Sige, kung gayon ipangako sa iyong sarili na hindi na ito muling gagawin,
at iyan ang tanging bagay na gagawin mo. Sige, at patawarin ito.
(Salamat, Guro.) Walang anuman.
Inaksaya mo lang ang iyong oras, hindi ng iba.
Kaya, magsimula muli. Ayos?
Ginagawa natin iyan minsan. Tayo ay nababagot.
Tayo ay nababagot, kaya tayo ay parang nagwawala.
Huwag mag-alala, maliit na bagay.
Alalahaning ikaw ay Diyos. Ayos? Magdesisyon ka kung ano ang iyong gagawin.
Ngunit minsan ang iyong desisyon ay hindi dakila tulad ng nais mo.
Kaya baguhin ito, ayos? Napakasimple.
Ikaw ay kinakabahan pa rin?
Sige, buweno, kung nais mong magtanong mamaya,
mas mabuting isulat mo ito, at basahin:
"Mahal na Guro, unang tanong,
Nais kong malaman kung ayos ba na
hindi magnilay ng dalawa at kalahating oras bawat araw."
Dito...
Hindi ka gaanong kinakabahan!
Hindi na gaano ngayon.
Halos anim na buwan ang nakaraan, Ako ay nasa tabing dagat ng Australia,
at sinubukan Kong mag-isip ng awit
na makakatulong magturo sa akin tungkol sa Quan Yin na Pamamaraan at mga bagay.
At ang tila awit ay pumasok sa ulo ko, at inawit Ko ito para sa akin,
at naisip Ko rin na ito ay magpapasaya sa iyo.
At iniisip Ko kung, isang araw o sa mga susunod na araw,
kung maaari Ko itong awitin para sa iyo?
Oh! Kung ikaw ay magaling hahayaan ka nilang manalo sa patimpalak.
Sa ika isa ng milenyo, mayroon tayong pagdiriwang,
at maaari mong sabihin sa kanila,
at hahayaan ka nilang umawit sa isa sa mga programa. Ayos?
(Salamat.) Upang marinig ng marami. Ayos?
Mas maraming tao ang darating ngayon libo o mahigit.
Kaya ilaan ito para sa malaking oras.
(Salamat.) Walang anuman.
Magandang umaga, Guro. (Magandang umaga.)
Isang karangalan ang maupo sa inyong harapan.
Ikaw ay masyadong mapagkumbaba.
Ang isip ko ay bumabalik sa ilang mga bagay
na sinabi ng babae ngayong umaga,
tungkol sa relihiyosong grupo at sa araw ng Pangilin.
Kung tinutukoy natin ang parehong relihiyon,
ang relihiyong iyon ay tumutukoy din sa malinis at hindi malinis na karne,
ayon sa batas ng Mosaic.
At Ako ay nakaupo lang dito nag- iisip habang siya ay nagsasalita,
na ang mga taong ito ay hindi pa naliliwanagan...(Siyempre.)
sa katotohanang walang anumang bagay tulad ng malinis at hindi malinis na karne.
Hindi tayo dapat sa alinman niyan.
At hindi pa sila naliliwanagan sa katotohanan na
ang itlog ay hindi rin puwede.
Oo, siyempre,
ngunit sila ay hindi ganoon kalayo na maaari niyang sabihin sa kanila lahat ito, kaya anuman.
Subukang gawin ng unti-unti, oo.
Sabihin lamang sa kanila na basahin ang ilang sipi sa Bibliya,
sinasabi ditong huwag kumain ng karne at lahat ng iyon.
Marahil binasa nila ito, marahil hindi.
Ang ina ko ay 66 taong gulang at siya ay magsasanay na Muslim.
At nais niyang ma-initiate. Maaari ba siyang ma-initiate?
Oh, siyempre, ayos lang ito. (Ayos lang ito?)
Oo, nasaan siya? (Siya ay nasa California.)
Sige, sabihin sa kanyang sumali agad, sa susunod na inisasyon.
Salamat.
Guro, Ako ay na-initiate na ng apat na taon,
at hindi Ko naranasan ang Liwanag o Tunog.
Liwanag o Tunog? Walang Liwanag, o Tunog?
Oh, paalam, paalam! Kung gayon, bakit ka nananatili dito?
Tayo ay tanging Liwanag at Tunog na grupo dito.
Ano ang ginagawa mo dito? (Alam ko.) Lahat ay nasa kadilimang tulad nito!
Ikaw ay kakaibang nilalang!
Sigurado ka *** nais mo pa ring makisama sa amin?
Ano ang tumutulak sa iyo para makisama ng matagal na walang Liwanag,
gumagapang sa dilim?
Ako ay nakadarama lang ng malakas na ugnayan at pagmamahal sa iyo.
Ito ang nagpapatuloy sa akin.
Oh, talaga? Iyan ay maganda.
Iyan ay kakaibang uri ng karanasan. Ayos? (Ayos?)
Oo, ngunit hindi bale.
Lumapit ka, umupo dito, at hilahin ang mesa doon,
at umupo dito, at tingnan kung mas mabuti ang pakiramdam.
Sige, sapat na.
Nakita mo? Nakita mo ang lahat ng palamuting ito? Nagugulo ko ito anumang oras.
Umupo doon.
May iba pang tanong? (wala.) Iyon lang?
Sige, umupo pa ng kaunti, kaya...diyan, ayos.
Ngayon umupo diyan, magpukos at magnilay, ayos? Ng sandali.
May iba pang tanong?
Kumusta, Guro. Guro, naririnig mo ba ako? (Oo.)
Bilang parte ng trabaho ko, ako ay nagpapatakbo ng kurso sa pagpapayo
at nagtuturo sa mga tao na makipag-ugnayan ng mas maganda.
Isa sa mga bagay na itinuturo namin ay ang pakikipagkontak sa mata. (Oo.)
Ngayong nabasa Ko iyon
hindi mabuting tumingin sa mata ng iba dahil sa karma,
paano Ko ito sasabihin sa tao ng walang...
Hindi, hindi mo ito sasabihin sa ibang tao. (Kaya, ayos lang ba ito?)
Lahat ng kanilang karma ay pareho,
kaya ang pagtingin sa kanilang mga mata ay ayos lang.
Kapag tumingin ka sa kanilang mata, ulitin mo ang Limang Pangalan. Ayos?
At pagpalain sila.
Salamat, Guro. (Ayos.)
Guro, maaari ninyo *** pataasin ang aking ispiritwal na antas?
Posible ba ito? (Paano ko ito gagawin?)
Kung nais mo, kaya mo?
Oh, hayaan mong pag-isipan ko ito...
Pakiusap!
Ngayong linggo?
Nasaan ka ngayon?
Anong antas? (Oo.) Ah, nasa isa.
Buweno, maaari lang tayong pumunta sa isa sa isang panahon, alam mo?
Oo, isa at kalahati, o...
Oo, bakit hindi ka umupo doon at magnilay ng ilang sandali.
Tingnan kung ito'y mas mabuti, ayos?
Hindi mo kailangang magkrus ng hita, ngunit kung nais mo, puwede
Kung hindi, sipain ang lalaki sa harapan, sa gilid,
at pagkatapos itulak ang iyong hita pataas o kahit ano.
Maging komportable. Maging komportable, oo.
Sige,susunod.
Guro, dito.
Ang asawa Ko at ako ay na-initiate sa Istanbul, Turkey, noong Nobyembre 20.
Nais kong magpasalamat para sa espesyal na inisasyong iyon.
Ako ay may tanong. Ako ay nakararanas ng mga himala sa aking buhay.
At ang pagdalo sa pagdiriwang na ito, ako ay nagkaroon ng pagkakataon na
makinig ng kuwento mula sa ibang mga kapatid
tungkol sa maraming himala na naganap sa pamamagitan mo.
At Akoy nagtataka: Paano ka nakagagawa ng napakaraming himala?
Ang himala ay hindi Ako gumagawa ng anuman.
Sila ay awtomatiko lang na nandoon. Ayos?
Marahil sa pisikal na katawang ito, ngunit ang Diyos ang siyang gumagawa ng himala.
Salamat.
At minsan ang Diyos ay pumipili ng ilang instrumento, tulad ng sarili ko,
para gawin ito sa sinuman na sa pakiramdam Niya ay karapat-dapat tumanggap.
(Maraming salamat.) Walang anuman.
Nanggaling ka pa sa Turkey?
Ako ay nakatira sa Netherlands. (Oh!)
At iyan ang pinakamalipit na lokasyon para sa inisasyon. (Oo, oo, oo.)
Ako ay mula sa US. (Sige.)
Oo, napaka internasyonal.
Sige, ikaw ang may nais nito. Sige.
Oo, nais Kong magpasalamat sa iyo para sa pagpapasiya mo sa amin, Allah.
At kapag tinatanong mo kami palagi kung kumusta kami,
Nais kong itanong sa iyo pabalik, "Kumusta ka,"
ngunit hindi Kita maistorbo.
Hmm...mabuti ang pakiramdam Ko.
Hindi palaging mabuti ang pakiramdam Ko, ngunit napakabuti ng pakiramdam Ko.
Salamat, Guro.
Oo, Ako ay napakapalad, labis na pinagpala, at labis na minamahal.
Kaya mabuti ang pakiramdam Ko, sa maraming oras. Oo.
Maliban sa anumang trabaho ang dapat kong gawin,
Mabuti ang pakiramdam ko sa lahat ng oras.
Napakasaya namin sa iyong presensiya.
Salamat.
Sa harapan.
Guro, dalawang taon na ang nakalipas, Ako ay may aklat.
Binasa ko ang aklat na ito.
ito ay nagsasabi tungkol sa ilang grupo ng tao, ilang nayon sa Peru,
na dumaan sa...
sa pamamagitan ng kanilang pamumuhay, sila ay naglaho sa isang uri ng ispiritwal...
Oh, nabasa mo ang Panghuhula ni Selestina. (Oo, oo.)
Alam ko na ang ating pamamaraan ay hindi tulad noon.
Alam mo ang ano? Hindi iyon?
Ang paraan natin ay hindi iyon.
Tayo ay mamumuhay ng buhay na ito, at pagkatapos ay babalik sa ating Ama.
Ngunit sila ba ay pupunta sa Langit, sa ating Ama?
Pupunta sila kung saan nabibilang ang kanilang antas, ayos?
Kaya, ang lahat sa buhay na ito ay makagagawa ng tulad noon?
Hindi lahat.
Mabuti *** umalis kung ikaw ay nabubuhay, sa iyong pisikal na katawan?
Maaari. Maaari mo rin itong gawin. Ngunit tayo ay hindi nagmamadali.
Mayroon lang tayong ilang taon o ilang dekada para mabuhay.
Magsaya, ayos?
Aalis tayo kapag dumating ang oras, siyempre. (Oo.)
Ngunit ang mga taong iyon, pinili nilang gawin ang paraang iyon,
at iyan ay ayos para sa kanila.
Bawat isa ay may magkaibang paraan para piliin kung paano mabuhay. Ayos?
At Ako ay may punto lang,
na sasabihin Ko na mahal na mahal kita.
Ako lang...
Naniniwala ako sa lahat ng sinasabi mo, ngunit Ako lang...
Ang isip ko minsan ay masyadong negatibo, at ito ay tulad nito.
Kung Ako ay magpapaandar ng bangka o anumang bagay para gawin itong positibo,
Gagawin ko ito, ngunit hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito.
Ano sa tingin mo ang negatibo sa akin?
Hindi ko alam.
Minsan ilang bagay ang darating sa akin, at sasabihin ko, "Ano ang gagawin ko?"
Kahit na Ako ay maraming pagmamahal, at...
Oo, alam Ko. Alam Ko. Ngunit ano ang tanong?
Ano ang nais mong malaman sa akin?
Kung kaya Kong alisin ang lahat ng negatibo.
Ngunit ano iyang tanong mo tungkol sa akin?
Ang pag-aaral ko? (Hindi, hindi, hindi.)
Ang ugali ko? (Hindi!)
Marahil ang sarili ko. Sinabi Ko kung ano ang ginagawa Ko.
Hindi, hindi. Itanong lang kung ano.
Sabi ko, kung ano ang ginagawa Ko, ito ba ay mabuti?
Hindi, itoy hindi mabuti,
ngunit ano ang dahilan na iniisip mong ito ay negatibo?
(Marahil minsan...) hindi mo gusto ang buhok ko, hindi ba?
Mahal kita anuman ang gawin mo. Totoo.
Huh? Nauunawaan mo ito, huh? Nakita mo ito, huh?
Lumabas ka at pinanood ang pelikulang iyon? Oo? Ano?
Marahil itoy tulad nito, na kapag...
Pinapagalitan ko ang tao minsan? (Paumanhain?)
Pinapagalitan ko ang tao minsan bumabagabag ito sa iyo?
(Kaunti.) Oh, sige. Alam ko iyon, alam Ko iyon.
Oo, Hindi ko rin nais ito. Ayaw ko ng parte ng ito ng trabaho ko.
Iyan ay isa sa mga parte na pinakaayaw Ko,
ang pinakamahirap na parte ng trabaho ko na hindi Ko gusto.
Kung hindi, Nais Ko ang lahat.
Nais ko ang lahat ng palakpakan, ang pagpalaklak ng kamay, ang humahangang mata,
ang mataas na takong, ang meykap, ang magagandang damit,
ang mga awit, ang mga papuri, oo,
at ang tagumpay ng iyong pag-unlad na ispiritwal.
Hindi Ko lang nais ang parte ng trabaho ko
na dapat Kong buhatin ang mabigat na bagay, hindi nakikitang mabigat na karma,
sa lahat ng makakaya ko.
Hindi ko ito gusto. Pinapagod ako nito minsan.
Kaya hindi Kita masisisi kung hindi mo rin ito gusto.
Dalawa na tayo, Dalawa na tayo,
Ano pa?
Hindi, nais Ko lang sabihin na minsan ako ay nahihiya sa pakiramdam na ito.
Ayos lang ito. Hindi, itoy ayos.
Hindi mo lang gusto ang ginagawa ko, hindi sa hindi mo ako gusto. Ayos? (Oo.)
Hindi ko rin gusto iyan.
Hindi mo lang nauunawaan ang trabaho ko, iyon lang. Ayos?
Hindi mo nauunawaan ang trabaho ko.
Halimbawa, mayroon kang dalawa, tatlong anak. Mayroon kang anak? (Wala.)
Wala! Paano Ko ito maipapaliwanag sa iyo?
Mayroon kang mga kapatid? Mahirap unawaing mga kapatid? (Oo.)
Minsan nag-aaway kayo? (Oo.) Nagtatalo? Sige.
Tingnan mo, ang iyong mga kapatid ay mukhang perpekto sa tagalabas.
malambing, magalang, matalino.
Ngunit sa iyo, minsan sila ay mahirap unawain,
mapagtalo, matigas ang ulo, nanggugulo sa iyo,
napapaiyak ka sa kanilang sinasabi, matalim ang dila, mapaghamon ang mga aksiyon.
At kailangan mong makipagtalo sa kanila, makipag-away sa kanila,
at iiyak ka, at hindi mo ito gusto.
Ngunit ang buhay ay tulad noon. Ayos?
Walang sinuman ang nakauunawa sa iyo kapag nakikipagtalo ka sa iyong maganda at malambing na kapatid.
Sinasabi nila, "Bakit mo siya tinatrado ng ganoon?"
Hindi nila alam ang sa loob, at ang karma sa pagitan ninyo. Ayos?
Magkatulad, Ako ay may libo at libo at libong
mga kapatid na higit na mahirap unawain kaysa ng sa iyo.
At nagkakaroon kami ng salungatan minsan, upang sila ay maging mas mabuti
sa kapinsalaan ng aking reputasyon at ng aking magandang asal. OK?
Kaya hindi lamang ikaw ang nag- iisang hindi nagugustuhan iyon.
Ako ang unang mas hindi ito gusto!
Ngunit dapat Kong gawin ang aking trabaho. Ayos? (Oo, nauunawaan ko.) Ayos.
Kaya, hindi mahalaga kung hindi mo gusto ang parting iyon ng trabaho ko.
Ayos lang ito, hindi ibig sabihin ay hindi mo ako gusto.
Kaya ayos lang ito, patawarin ang iyong sarili.
Kahit Ako ay hindi ko ito gusto, paano Ako aasang magustuhan mo ito?
Ngunit ang ilang tao ay kailangan iyon, ayos? Maniwala ka sa akin!
Ang ilang tao ay kailangan ng operasyon at kutsilyo para bumuti.
Hindi lang sila uminom ng tabletas, matamis na tabletas.
Ang ilang tao ay masyadong masama, kailangan nila ng operasyon.
At huwag sisihin ang doktor, ayos?
Masakit ito, ngunit ito ay magpapabuti sa kanila. Maniwala ka sa akin!
Oo, Ako ay masyadong pinagpala na dumating ka sa aking buhay. Salamat.
Walang anuman, at Ako'y pinagpala sa iyong debosyon at pananalig sa akin.
Kahit hindi mo gusto ang trabaho ko, gusto mo pa rin ako, at ako ay pinagpala.
Ayos.
Guro. (Oo.)
Oh, ito ay boses ko! Hindi ko nakilala ang sarili ko.
(Anong problema?) Ito'y magkaiba sa mikropono.
Ikaw lang ay nasisiyahan, sa palagay Ko. Oo.
Ako ay may dalawang teknikal na tanong:
Tulad ng, kapag nagninilay Ako sa bahay at ginagawa Ko ang Tunog,
at pagkatapos hihiga Ako, at maririnig Ko pa rin ito.
Sa totoo lang, mas naririnig Ko ito ng mabuti
kaysa kapag hagninilay Ako sa regular na Quan Yin.
At minsan nagsisimula Akong makakita ng mga bagay,
o nararamdaman kong Ako ay lumalabas sa sa aking katawan,
ngunit sa panahong iyon,
Narinig ko, tulad ng, mayroong nagagalit sa akin, tulad ng magulang ko,
o nakakakita Ako ng taong pumapasok sa kuwarto ko,
At ito ay mukhang totoo o minsan itoy tila totoo na nagigising Ako,
at pagkatapos nakita Ko, walang sinuman ang nandoon
ang lahat ay natutulog o wala sa bahay. (Oo.)
At minsan itoy tulad, ng totoong oras.
tulad kapag iniisip Kong ang taong ito ay dapat umuwi sa bahay,
tulad ng, naririnig Ko ang boses ng taong ito na tinatawag na ako
at nagsasabing, tulad ng, "ito ay emerdyinsi, kailangan mong umalis,
at dapat mong gawin ang ganito, dapat mong gawin ang ganoon."
At kahit minsan alam Ko na hindi ito tunay,
at pinipilit kong ipagsawalang bahala ito,
nababagabag pa rin ako nito, at nawawala ko ang anumang nakikita o naririnig ko.
Kaya Ako ay nagtataka lamang: Ano ang magagawa Ko para matigil ito?
Sa susunod, subukan ng husto, sige, para ipagsawalang bahala ito.
Sige, at Ako ay may iba pang tanong (Pagsasanay, oo.)
Madalas, naririnig Ko lang ang isang bagay kapag hindi Ko ginagawa ang Quan Yin,
kapag mahiga Ako pagkatapos. Tulad...
At minsan nakaririnig Ako ng musika, tulad ng gitara o piyano,
ngunit ito ay tunog tulad ng tumutugtog ng pangit.
(Alam ko.) Alam mo, tulad ng bago pa lamang sila natututong tumugtog.
Kaya Ako lamang ay nagtataka kung dapat Ko ba itong pakinggan,
o ito ay nanggagaling sa masamang lugar?
Galit ka sa mga musikero, hindi ba? Sinisisi mo ang lahat sa kanila.
Marahil ikaw, ang iyong gitara ay wala sa tono.
Mabuting itono mo ito.
Ngunit dapat Ko ba itong pakinggan o dapat ipagwalang bahala?
Oo, ituloy at ayusin ito.
(Sige, salamat.) Walang anuman.
Susunod.
Itaas mo ang iyong, kamay, at sabihin mo, "Dito!"
para malaman ng tao kung saan ito.
Guro, lahat ng mga initiate mula sa Timog Aprika
ay nakiusap sa amin na pasalamatan ka sa lahat ng biyaya at pagmamahal
na dinata mo sa Timog Aprika at ibinigay mo sa amin.
At marami sa kanila ay hindi makadalo, ngunit sila ay labis na nagpapasalamat,
at sila ay nagpadala ng pagmamahal sa iyo at malaking pasasalamat.
At gayundin, salamat mula sa akin, Guro,
para sa lahat ng ginawa mo sa akin.
Ito ay napaka, napaka espesyal, at ito ay dumating sa tamang pagkakataon,
at Ako ay talagang nagpapasalamat. (Sige.)
Ngunit kasabay nito, Guro,
Ako ay nakadarama ng kaunting pagkapahiya sa aking sarili, sa dalawang antas.
Unang antas, sinusubukan Ko ang hindi maging mapaghusga, para malagpasan ito.
Ngunit sa isang antas, Guro,
Naramdaman kong Ako ay mayroong maraming oportunidad
para dumalo sa mga pagreretiro, para makasama ka sa mga oras na mayroon ako,
at gayunpaman may pagdududa pa rin Ako sa sarili ko tungkol sa aking pagsasanay.
Nang Ako ay unang na-initiate, hindi Ko nakita ang Liwanag.
Kahit papaano, iyan ang sinasabi sa akin ng isip ko.
At isang taon ang nakalipas,
Sa katunayan ay naalala ko ang nakita Ko sa inisasyon,
kaya pagkatapos nalaman Ko na nakita ko ang Liwanag.
At pagkatapos isa at kalahating taon ang nakalipas,
Ako ay nagkaroon ng pangitain isang gabi habang Ako ay nagninilay,
at ito ay talagang nakakatakot.
At dahil ito ay talagang nakakatakot, hiniling kong umalis ito.
At simula noon, hindi Ko na naranasan ang ganito,
kahit na nagtitiwala Ako at naniniwala na nararanasan Ko ang Liwanag,
sapagkat Ako ay talagang naniniwala sa itinuturo mo sa amin.
Ngunit ang parte ng pagkahiya ay dumarating, kapag Ako ay dumadalo sa mga retiro,
at Ako ay umuupo pa rin dito sa meditasyon,
at hindi Ko pa rin alam kung ano ang nararanasan Ko.
Ngunit gayunpaman, Ako ay may mga panaginip, Guro,
kung saan minsan hindi ako tiyak kung ito ay panaginip kapag natutulog o kung ito'y karanasan.
At madalas kasama Ko dito.
Kaya sa palagay Ko nais Ko Lamang ng kaliwanagan mula sa iyo, marahil.
Nais ng sertipikasyon?
Pagtatapos o ano?
Ika Limang antas ika-amin na antas...paano ang ika-pitong antas?
Guro, alam mo kung bakit masama rin ang pakiramdam Ko?
Sa Cape Town, nabasa Ko ang magasin tungkol sa isang kapatid na mamatay,
at ang nakababata niyang kapatid ay nakikipag-usap sa kanya matapos siyang mamatay.
At tinatanong niya ito kung nakita niya ang Tunog at Liwanag nang mamatay siya.
At sinabi ng kapatid, "Hindi gaano, ito ay walang kuwenta." (Oo.)
At pagkatapos, ang nakababatang kapatid ay nagtanong sa patay na kapatid, "Buweno, bakit?"
At pagkatapos sinabi niya, "Sapagkat Ako ay walang- kuwentang tagasanay,
mababang antas na tagasanay noong ako ay nasa mundo."
At sa tingin Ko iyon ay talagang nakakatakot,
sapagkat pagkatapos noon, nakipag-usap Ako sa mensahero,
at ipinaliwanag sa akin ng mensahero ang tungkol sa
kung tayo ba ay nabuhuhay pa rin sa mundong Astral,
paano tayo magiging malaya mula dito.
Maaari! Maaari pa rin. (Maaari pa rin, oo.)
Walang problema! Ang Guro ay kahit saan!
Mahahabol kayo sa Astral na mundo: "Ah! Huli ka!"
At pagkatapos, itatapon ka.
Kaya, kukunin mo pa rin kami?
Sige! Ang bus ay malaki.
Guro, ung gayon ay may kaunting nakakatawang tanong.
Huwag mag-alala, ayos?
Hangga't nais mong pumaitaas, iyan lang ang kailangan Ko. Ayos?
Sige, salamat, Guro.
At kung nais mong bumabang muli dito,
kung gayon iyon lang din ang kailangan Ko para ibalik ka.
Walang problema. Ayos? (Ayaw kong gawin iyon.)
Itoy depende.
Nakita mo, ibig sabihin ikaw talaga ay maunlad na,
sapagkat kung hindi, ikaw ay mas didikit sa mundong ito,
at ayaw mo pa ring umalis, kahit ngayon!
Ngunit kahit ngayon nais mo ng umalis agad,
paano pa kung ikaw ay mamamatay, nakita mo?
Kaya ito lang ang tanging nakatatak na pagnanasa sa iyong isip,
na nais mong palayain.
Kaya ito ay magiging tulad noon. Ayos? Walang problema.
(Ayos salamat, Guro.) Walang anuman.
At pagkatapos Ako ay may kaunting nakakatawang tanong,
at tinatanong Kita sapagkat
Ako ay nagpupunyagi sa timbang ng pagiging makatarungan.
Ako ay umalis sa aking bahay,
at Ako ay lumipat sa bahay kasama ang ibang tao,
ngunit sila ay hindi initiates.
At sila ay talagang mabubuting tao.
Sila ay napaka-mapagkumbaba, at sila ay hindi-mapanghusga.
Ngunit nang magluto sila ng karne,
Natagpuan ko ang sarili kong nilalaban ito.
Niluto nila ang karne? Kailan nila niluto? (Nang nagluto sila para sa kanilang sarili, oo.)
Ako ay nagluluto para sa sarili ko, at nagluluto sila para sa kanilang sarili. (Oo.)
At Ako ay nahihirapan
Sa karanasan ng amoy na iyon, at ng pagluluto nila.
At kahit na sa tingin Ko sila ay mabubuting tao. (Oo, oo.)
Kaya Ako'y nagtataka lang, paano nito naaapektuhan ang ispiritwal na pagsasanay ko?
Marami ba Akong nawawala sa paggawa nito? O ayos lang ba ito?
O dapat ba Akong maghanap ng ibang lugar na mas komportable?
Kung kaya mo, sige? Kung hindi komportable ang pakiramdam mo,
kung gayon dapat mong ayusin hanggang maging mas komportable ang iyong pakiramdam, oo.
Ang tao ay malambing at mapagkumbaba,
ngunit kung sila ay nagdadala ng hindi pagkakomportable sa iyo ng hindi nila nalalaman o anuman,
kung gayon subuking ayusin ang iyong buhay sa mas mabuti.
Ngunit magdahan-dahan, kita mo?
Ayos lang ito! Normal lang na sumama ang iyong pakiramdam kapag nagluluto sila ng karne.
Hindi lang normal kapag hindi komportable ang iyong pakiramdam,
o nais mong dumalo sa kasiyahan, alam mo? Kaya ayos lang ito, oo.
Sige. Salamat, Guro.
Ah, walang anuman.
Napakahirap magsanay sa mundong ito, at madali, alam mo,
sapagkat nakikipag-ugnayan ka sa maraming tao,
at dapat tayong makibahagi anumang mayroon tayo, espiritwal, oo?
Kaya ayos lang ito, huwag mag-alala.
Ito ang huling panahon ng Kali Yuga, at ang Diyos ay labis, labis na mapagbigay. Oo?
Kaya anuman ang pagsusumikap, hanggat ikaw ay tapat at masigasig,
iyon na, iyon lang ang naroon.
Iyon lang ang mahalaga, kita mo?
Alalahanin, kahit sa parehong artikulo, nakasulat na sinabi ng kapatid:
"Ang kailangan lang ng Diyos ay iyong katapatan, iyong sinseridad."
Maging masigasig, iyon na!
At ang resulta ay hindi mo kontrol, itoy hindi sa iyong kontrol, ayos?
Basta maging tapat, at masigasig,
gawin ang iyong makakaya sa lahat ng oras para magnilay,
at ang iba, ang Diyos ang bahala.
Oo.
Naaalala ko lang walong buwan ang nakaraan,
Ako ay nagsimula ng kurso sa Kuan-da-li Yoga-
katulad nito, Hindi ko maalala ang eksaktong pangalan.
Ngunit sa kursong ito, gumagawa sila ng may enerhiya.
Sa tingin mo dapat ba Akong magpatuloy o ito ba ay...
Magpatuloy sa kanila? (Oo.)
Bakit? Ano ang iyong ginagawa doon? (Ito lang ay...)
Kailangan ba ito?
Hindi, ngunit ito lang ay normal na Yoga.
Ngunit gumagalaw sila sa ilang direksyon para makakuha rin ng enerhiya.
Kundalini Yoga? (Oo.)
Buweno, kung mas komportable ang iyong pakiramdam sa kanila, pumunta sa kanila. (Hindi, ako.)
Kung hindi ka komportable, manatili na lang sa bahay, gawin ang iyong meditasyon.
Kaya hindi mabuting pumunta doon?
Hindi ko sinasabing hindi ito mabuti.
Hindi ito mabuti sapagkat tumatakbo ka kahit saan
at ikinakalat ang iyong isipan at enerhiya. Ayos?
Nililito mo ang iyong sarili,
kung kayat mayroon kang pagdududa minsan.
Hindi ka sa iisang punto.
Napakahirap magnilay sa iisang pamamaraan lamang.
Napakahirap magpokus sa isang gawain sa isang panahon.
Kaya huwag tumalon sa lahat ng lugar, ayos? (Ayos.) Oo.
Salamat.
Ibang tao, kapag ikaw ay gutom maaari kang kumain, ayos?
11:30 na. Ayaw ba ninyong umalis para kumain?
At bumalik sa hapon. Maaari tayong magpatuloy sa hapon, Ayos?
Ano sa palagay ninyo? Sige!
Oo? Nais mong magtanong ng iyong huling tanong,
o ilaan ito sa hapon kapag bumalik Ako?
(Ilaan ito.) Sige! Kumain na tayo, ayos? Tama!
Oo, kailangan rin ninyo ng pahinga.
Gising na kayo simula alas tres o alas dos,
at naglalakad sa ganitong distansiya, at pumila at lahat ng iyan.
Nauunawaan ko ang inyong pagsisikap. Kailangan ninyo ng kaunting pahinga, ayos?
At pagkatapos, para bumuti kayo pagkatapos.
Oo, salamat! Magkita tayo mamaya. Sa hapon!