Tip:
Highlight text to annotate it
X
Mga kaibigan,
Kami’y nagpapasalamat
sa suporta ng mga libo-libong tao
sa South America.
Ang kanilang pangalan ay nakaukit
sa bakal na plake ng kagalingan.
Kami’y nagpapasalamat
sa mga manggagawa,
arkitekto, mga taga-disenyo at tagapagbuo.
Kami’y nagpapasalamat sa taong kasama namin ngayon sa pagdiriwang na ito.
…At kami’y nagpapasalamat dahil kami’y napahintulutang makapag-bukas
ng ganitong lugar na ngayo’y bukas para sa pansariling pagmumuni-muni,
sa pag-aaral at sa pagpapalitan ng saloobin.
Sa mga oras na ito
hindi natin dapat kalimutan
ang ibang pagtitipon na nagaganap
at dumarami sa limang kontinente ng mundo.
Sa mga lugar na ito,
sa maraming mga Salita at mga Sala ng pagdarausan sa iba’t-ibang bahagi ng mundo,
ang lahat ng tao ay nakikinig at nanunuod sa ating mga sinasabi at ginagawa ngayon,
sapagkat alam natin
na ang mga salita at imahen
mula dito sa lugar na nagbibigay ng inspirasyon at sa mga lugar pang “virtual”
at mula diyan ay patuloy na aagos at lalaganap.
Bagama’t malayo sa bawat isa, karamihan sa atin ay nababalutan ng galak sa pagsasayang ito.
Kami ay lubos na nagagalak sapagkat di naming kinailangang pasalamatan pa
ang pamahalaan,
o korporasyon,
o ang makapangyarihan o maimpluwensya, o ang mamamahayag.
Ang lahat ay nabuo dito
kasama ng iba pang bahagi ng mundo
salamat sa tulong at gawa ng Humanist Movement
at ibang grupo, kahit na walang pinansyal na inaasahan, o pagbilang ng mga matatanggap para sa kanila
na sumusuporta sa pag-unlad ng ating Mensahe.
Higit na nararapat
pasalamatan sa mga oras na ito ang magaling na Kilusang ito
sa pagbanggit ng mga mahahalagang panukala
na inilalahad sa anim ng punto:
“Una,
ito ay naniniwala na ang tao ang siyang pangunahin at mahalaga,
kung saan walang ibang bagay na hihigit pa dito,
gayundin sa kapwa-tao.
Ikalawa,
pinaninindigan nito ang pagkakapantay-pantay ng tao; ito’y kumikilos
upang ang simpleng pormalidad
ng pantay na karapatan
bago pa man tayo bigyan ng batas ng pantay-pantay na oportunidad.
Ikatlo,
kinikilala nito ang pagkaka-iba ng personal at kultura,
pinaninindigan ang pagkilos ng tama
paglaban sa lahat ng diskriminasyon
kahit na ito ay pang-ekonomiya,
lahi, etniko o pagkaka-iba ng kultura.
Ika-apat,
hinihikayat nito ang ugaling mapaunlad ang kaalaman
higit pa sa hanggang iginigiit ng maling pananaw
pananaw na tinatanggap bilang tiyak at di-nababagong katotohanan.
Ika-lima,
iginigiit nito ang kalayaan ng mga pananaw, at paniniwala,
tinatanggihan nito
hindi lamang mga uri ng karahasan pang pisikal
hindi lamang,
kundi lahat ng uri ng karahasan:
pang-ekonomiya,
pang-lahi,
pang-***,
pang-relihyon,
pang-moral
at pang-kaisipan
na siyang ugat ng ating pangaraw-araw na buhay sa lahat ng rehiyon sa mundo.”.
Itong mga anim na punto ng Humanismo
para sa atin,
mga mensahero ng bagong ispirito,
ay bumubuo sa batayan ng ating panlipunang aral (doktrina)
at sa ating inakong pagkilos sa mundo.
Gayun pa man,
ito ay ang pagtrato sa pangaraw-araw nating,
sa pagtrato pagharap sa mga tao,
at kapag hinaharap natin ang hapis ng ating konsiyensya
na siyang tinatanong natin
tungkol sa direksyon na dapat nating
ibigay sa ating ugali at sa ating buhay.
Paanong ang tao’y makakapasya
sa direksyon ng kanyang buhay
kung silay malayo sa pagiging mahinahon sa pangaraw-araw na sitwasyon?
Paanong ang tao’y makapagdidisisyon ng kahulugan ng kanilang buhay
buhay kung sila mismo ang dahilan ng pangangailangan na idinidikta ng kanilang katawan?
Paano sila malayang makakapili,
kung sila’y naka tali sa isang sistema ng ekonomiyang pangangailangan,
sistema ng ka-pamilya,
sa trabaho, at kaibigan at kung alin sa mga oras na maging sistema
ng walang hanap-buhay, ng kawalang pag-asa, ng kalungkutan,
papapabaya at bigong pag-asa?
Paanong ang tao’y malayang makapagdidisisyon sa batayan ng pagpapatakbo ng kaalaman
at ang mamamahayag ay naghihikayat na mapataas ang laban sa kaugalian
na siya pang nagiging pinaka-matinding modelo, ang maimpluwensyang
walang kahihiyang ipinapakita ang mga karahasan,
trato, pag-aabuso, paghahatol, at walang kadahilanan?
Paano sila malayang makapagdidisisyon, kung ang aral ng namumuno sa kanilang relihiyong pinaniniwalaan
ay katarungan o maging tahimik sa pagharap sa paglipol ng lahi o kultura,
mga sacradong digmaan, depensadong digmaan at kontrang digmaan.
Ngunit ano ba ito?
Dahil ang kapaligirang panlipunan ay nilalason ng kalupitan,
araw-araw ang ganting personal na relasyon
ay nagiging malupit
at araw-araw ay itinatrato natin
ang ganting sarili ng mas malupit.
Ito ang pinakatatakutan ng tao
na s’yang pumipigil sa kanila sa pagbibigay ng direksyon sa buhay at kahulugan ng kanilang paghahanap.
Takot sa kahirapan,
kalungkutan, sa mga sakit, at katambal ng kamatayan
at maging malakas sa lipunan
sa grupo ng mga tao
at ng bawa’t-isa...
Ngunit sa kabila ng lahat…
sa kabila ng lahat…
sa kabila ng bigong pamimilit
ng mga bagay na mahina pa
sa tunog,
bagay na mas magaang pa sa panimulang simoy ng hangin,
bagay na mahinang nagsisimula ay nagbubukas ng kanyang daan
sa kalooban ng pagkatao…
Bakit, ang pag-asang ito ng aking kaluluwa?
Bakit ang pag-asang ito, sa mga oras na kadiliman
ng aking pagkabigo
ay maliwanag na nagbubukas ng kanyang daan.
Ngunit ngayon ipinagdiriwang natin ang okasyong ito
at dahil nga nandito tayo sa selebrasyon na ito,
(sa ibang okasyon ang tao ay nagpapalitan ng regalo),
nais ko kayong bigyan ng mungkahi.
At walang alinlangan, ito ay nasasa-inyo para magdisisyon,
kung ito ba’y mabuti sa inyong pagsang-ayon.
Ito’y nababatay sa katunayan,
sa pinakamadali at pinaka-praktikal na rekomendasyon na aking iniaalay.
Ito’y para ring panlahok sa resipe ng librong panluto,
ngunit ako’y nagtitiwala sa inyo
na siyang nagdadala
sa kabila ng simpleng ipinahihiwatig ng salita…
Sa sandali
ng umaga
o ng gabi,
huminga ng malalim
at isiping ang hanging ito ay patungo sa iyong puso.
At humiling ng kalakasan para sa iyo
at sa iyong mga mahal sa buhay.
Humiling ng kalakasan upang mawala ang lahat nang nagbibigay
ng kalituhan at kontradiksyon;
humingi ka para magkaroon ng pagkaka-isa ang buhay mo.
Huwag magtagal sa sandaling dasal na ito,
itong maikling kahilingan,
dahilan ito’y sapat na magambala sandali
isang sandali,
kung ano ang nangyayari sa iyong buhay,
ganitong pakikipagugnayan sa iyong kalooban
ay nagbibigay ng kaliwanagan
sa iyong damdamin at iyong kaisipan.
Upang makawala sa mga hadlang ay tulad din upang lagpasan ang galit,
sama ng loob at hangaring paghihiganti.
Upang makawala sa mga hadlang ay linangin ang pakikipagnasa sa pakikipagkasundo
sa iba at sa sarili.
Ang pagnanais irekonsila sa iba
at sa sarili.
Upang makawala sa mga hadlang ay magpatawad
at baguhin ng ikalawang ulit
ang bawat mali na ginawa mo sa iba.
Ito ay nararapat na ugali sa paglilinang,
kaya sa paghintay ng paglipas ng panahon,
ay maunawaan mo na ang pinaka importante ay makamit mo ang buhay na may pagkaka-isa sa kalooban,
ito’y magbubunga na kung saan ang iyung iniisip,
nararamdaman at ginagawa ay patungo sa iisang direksyon,
lalago ang buhay ng may pagpapasalamat sa pagkaka-isaisa
at sa pagbuwag nito sa mga kontradiksyon.
Kapag nangyari ito, ano man ang iyong gawin ay hindi mananatili sa iyo,
at umaabot din sa iba.
Samakatuwid, kapag tumulong ka sa iba
upang malagpasan nila ang kanilang pasakit at pagdurusa, ginagawa mong lumago ang iyong buhay at namamahagi ka sa mundo.
Sa kabaligtaran, kapag pinalala mo ang pagdurusa ng iba,
ay nilalagay mo ang buhay mo sa pagbuwag at nilalason mo ang mundo.
At sino ang tutulungan mo?
Ang una sa lahat ay ang mga taong malapit sa iyo
ngunit ang iyong pagkilos ay hindi lamang para sa kanila.
Ang kaalaman ay hindi magtatapos sa ganitong nilalaman (resipe),
hindi sa panimula nito.
nilalamang ito ay nagsasabi na
mag-usisa ka?
Depende sa iyong paniniwala,
depende sa iyong paniniwala,
at bawat isa may karapatan paniwalaan ang nais niya;
maaaring ito’y
ang iyong kaloobang diyos
o ang iyong gabay
o inspirasyon at umaanyong imahen.
At sa wakas, kung wala kang mapagtatanungan ay wala karing mapagbibigyan,
kaya ang aking handog (regalo) ay hindi mahalaga sa iyong pagtanggap.
Maya-maya ay maliliwanagan mo kung ano ang ibig sabihin ng Mensahe sa Librong ito sa Daang ito at sa Karanasang nito.
At ikay makakapag bilang sa taong makakasama kung kanino ka makakasimula
ng bagong buhay.
Sa ganitong simpleng katanungan ay isa ring pagmumuni na nagbibigay direksyon sa buhay ng isang tao.
At sa katanungang ito, sa pag muni-muning ito ay kumakalap ng pwersa
upang makapagbago ng sitwasyon sa pang araw araw na pamumuhay.
Sa pag sulong sa ganitong paraan maaring isang araw
ay mauunawaan mo isang senyales.
Isang senyales na minsan ay nagpapakita na may kamalian
at kung minsan ay tama.
Isang senyales na nagpaparinig ng suwabe,
ngunit sa madalang sandali sa buhay ng isang tao
ay sumasabog gaya ng sagradong apoy
na nagbibigay lugar sa pagkakabuyo ng damdamin ng mga nagmamahal,
inspirasyon sa mga artista
at kaligayahan ng mga mistiko.
Ito ay kinakailangan sabihin
na ang relihiyon
katulad ng mga gawain pang sining
at matinding inspirasyon sa buhay,
lahat ay nagsisimula dito.
galing dito.
Lahat sila’y iba iba sa pagsalin ng iisang senyales
ngunit walang dahilan na paniwalaan
na ang pagsaling ito ay tunay na nagpapakita sa mundo ng kanilang pag salin.
Ang senyales sa iyong kaalaman ay pag salin sa imaheng ito na wala namang imahen.
Ito ay kasunduan na may malalim na kaisipang pang tao,
di maarok na kaloob-looban kung saan ang lugar ay walang limitasyon
at ang oras ay walang hanganan.
Sa ibang sandali ng kasaysayan ang kaingayan ay lumalabas;
ang mga masasakit na katanungan mula sa indibidwal at mula sa lipunan,
mula sa malalim na senyales ay dumarating.
Sana ang senyales na ito
ay maisalin sa kabutihan
sa mga oras na tumatakbo,
nawa’y masalin ito upang malagpasan ang pasakit at pagdurusa
dahil sa likod ng mensahe na ito ay may ihip ng hangin na matinding nakapagbabago.
Sa mga taon na lumipas
binabalita naming ang pagbagsak ng isang sistema.
Kung saan marami ang nangungutya kung ano, para sa kanila, ay imposible.
Halos kalahati sa ating lipunan na nasa sistemang pang gigipit ay hindi nagtagumpay.
Ngunit ang mundong nabigo
Paano kaya ang pagbagsak ng ibang kalahati ng mundo?
at pinakita ang kabutian sa mga tao.
Bukod pa riyan, bago nawala ang mundong iyon ay maayos na naihanda mula sa mga walang sandata
ang tunay na gawain para sa kapayapaan ay nagsimula.
At walang Apokalipsis.
Sa kalahati ng mundo ang sistema ay bumagsak
at bukod sa pag hihirap ng ekonomiya at ang pagdurusa ng mga tao sa pag buo ng grupo
ay walang kapahamakan, walang paghihirap
Paano kaya ang pagbagsak ng ibang kalahati ng mundo?
Nawa’y ang kasagutan sa sigaw ng mga tao ay maisalin sa kabutihan,
nawa’y maisalin sa dereksyon upang malagpasan ang pasakit at pag durusa.
Bilang tao hindi tayo hiwala’y sa paroroonan ng mundo.
Turuan natin ang ating buhay patungo sa kaloobang pag-kakaisa,
turuan natin ang ating buhay patungo sa dereksyon upang malagpasan ang kontradiksyon,
at turuan natin ang ating buhay patungo sa paglutas ng pasakit at pag-durusa ng ating sarili,
sa ating tagasunod, saan man tayo maaring kumilos.
Nawa’y ang ating buhay ay lumago upang malagpasan ang pasakit at pagdurusa.
Nawa’y sumulong ang ating buhay sa pagkilos sa pag-sulong ng iba.
Sa araw ng pagdiriwa na ito
nais kung bigyan ng mainam na pagbati ang mga naririto
at sa mga taong malayo dito,
nahanap nila ang kanilang sarili sa pagkukuminikasyon sa atin.