Tip:
Highlight text to annotate it
X
Hi people, umm
Ako si Daniel Moralles
Ginagawa ko ito dahil hinahanap ko ang aking anak
Ang pangalan niya ay Sarah Rivera
Hindi ko pa siya nakikita mula pa noong 2000
At gusto kong magkaroon ng komunikasyon sa kanya
Ang pangalan ko ay Willy at ako ay bahagi ng Under heard sa New York
Tinutulungan namin ang mga palaboy sa New York City
na ibahagi ang kanilang mga istorya sa Twitter
Isa si Danny sa mga palaboy na New Yorkers
na nakatanggap ng isang pre-paid cellphone mula sa amin
Sa una, hindi ito naging madali para sa akin dahil hindi ko alam mag-Tweet
Ito ang phone na binigay nila sa akin
Komplikado man ito sa una ngunit nasanay na rin ako
Nahiwalay si Danny sa kanyang anak sa halos 11 na taon na
at naramdaman niyang ang internet ay isang mahusay na daan upang maghanap ng mga tao
Hindi niya nga lang alam kung paano ito gawin.
Tinanong ko si Willy, "Willy, ano sa tingin mo, kung maglalagay ako ng tweet na may kasamang litrato ng aking anak
dahil noon ko pa siya hinahanap at hindi ko alam kung nasaan siya"
Nakakuha ako ng e-mail galing sa isang hindi ko kilalang babae
Sabi niya sa kanya "Makinig ka, ang iyong ama ay nasa Twitter at hinahanap ka niya"
Noong natanggap ko ang mensahe, sabi ko, hindi ito maaari
dahil matagal na akong naghahanap
Binigay niya sa akin ang kanyang Twitter account page
at isang phone number
Hello? Sarah?
Sabi niya, "Hi Daddy, ako ito"
Hindi ako makapaniwala. Nagsimula na akong umiyak
Napakarami kong sasabihin
[tumatawa]
nagplano kaming magkita kinabukasan
Nandito na siya
Hi dad
Hindi ko alam na pupunta ka kasama ang aking dalawang apo
Alam mo, isa itong sorpresa para sakin
na malaman na mayroon na pala akong dalawang apong hindi ko alam na mayroon ako
Masaya ako
na makita siya ng personal
makalipas ang matagal na panahon, yea. Masarap sa pakiramdam
sa huling pagkakataon na si Danny at Sarah ay nagkahiwalay
nawalan sila ng komunikasyon sa loob ng 11 na taon
Pero ngayon, mayroon na silang bukas na komunikasyon
Pero ngayon, mayroon na silang bukas na komunikasyon
Sa tingin ko, hindi ko mahahanap ang ama ko kung wala ang Twitter
Siguro, sinong nakakaalam? Ang tanging alam ko lamang ay salamat sa Twitter at naibalik na siya sa aking buhay.
Yan lang ang kailangan kong malaman