Tip:
Highlight text to annotate it
X
Karagdagan po ito sa nakaraang dalawang video na atin nang sinuri...
Ang pagsusuri tungkol sa paksa ng refugees
ay napakahalaga upang lalong maunawaan ang Israeli-Palestinian conflict.
Sino nga po ba ang mga refugee?
Bakit nga po ba sa makalipas na 60 taon, ay nananatili ito na isang problema?
Suriin po natin ang mga tunay na pangyayari...
"Ang Katotohanan Tungkol Sa Mga Refugee"
Samakatuwid...saan po ang lahat na ito nagsimula?
Noong Mayo 1948, ang mga nakatirang Arabo sa Israel ay sinamahan ng 7 bansang Arabo
sa pagtangkang wasakin ang bagong-buo na bansa ng mga Judio.
Sa panguudyok ng mga lider Arabo, na nangako na sila ay pababalikin bilang mga mananagumpay,
ngunit sa kasawiang-palad ay nabigo sa digmaan...at nagresulta ng
may humigit-kumulang na 500,000 na mga Arabo ang nagsilikas patungo sa mga kalapit-bansang Arabo.
Ngunit, bukod dito, ano pa po ba ang nangyari?
Suriin po nating mabuti ang mga kuha ng mga refugee sa mga larawang ito.
Madami po ang nag-aakala na sila ay mga Arabong refugee...na umaalis sa Israel.
Ngunit ang buong katotohanan po ay...sila'y mga inosenteng Judio na naging refugee...
sa kadahilanan na pinalayas sila mula sa mga bansang Arabo!
Ang mapang ITO ang magpapakita ng BUONG pangyayari:
HIGIT na mas madami po ang naging refugee na Judio kaysa sa mga refugee na Arabo.
Humigit 850,000 na mga Judio, na matagal nang nakatira sa matatandang komunidad ng mga Judio
-matanda pa sa panahon ng Islam at sa pamumuno ng mga Arabo sa Gitnang Silangan -
ang dahasang pinlayas sa kanilang mga tirahan.
Ang mga Judiong ito ay tinanggalan ng citizenship ng maraming bansang Arabo,
at kinumpiska ang kanilang mga ari-***.
Sa kabaliktaran naman po, 160,000 mga Arabo ang PUMAYAG sa alok ng Israel na MANATILI sa loob ng Israel,
kaya po ngayon ay mayroong higit sa isang milyong mga Arabo-Israeli na may buong karapatan bilang citizen sa loob ng Israel.
Ngayon, ito po ang katanungan:
Mayroon po ba kayong narinig na mga refugee camp para sa mga Judio?
...Wala po siguro.
Kaagad tinanggap ng Israel ang mga Judiong refugee,
at gayon din nang ibang mga bansa.
Kung magka-gayon, sa loob ng 60 taon, ay bakit ang mga Arab-Palestinian-refugee ay HINDI tinanggap at hindi naging citizen
ng kanilang mga kapatid-bansang mga Arabo?
At papaanong nangyari na ang bilang nila na 500,000 ay naging 4.7 milyon?
Malungkot mang sabihin, ngunit ang totoo po ay kaawa-awa po ang kinasapitan ng mga Arab refugee.
Ang lahat ng paraan upang isaayos ang kanilang katayuan ay hinadlangan ng mga discriminaory laws sa mga bansang Arabo
tulad ng: Ipinagbawal na sila ay maging citizen - maliban ng bansang Jordan.
Ang paghadlang SA PAGPASOK nila sa MADAMING uri ng trabaho
Mga hadlang sa pag-ari ng lupa
Mga kabawalan sa paglibot
at PAGKAKAIT ng edukasyon at serbisyong pangkalusugan.
Ipinaliwanag ni Sir Alexander Galloway, isang dating direktor ng UN refugee agency sa Jordan,
na ang dailan diumano ng diskriminasyon ay:
aniya: "...ayaw lutasin ng mga bansang Arabo ang Arab refugee problem.
Nais nila itong manatili na parang isang sariwang sugat...
bilang isang sandata na pang-laban sa Israel."
Ipinaliwanag ni Egyptian President Gamal Abdel Nasser na ang epekto ng "sandata" na ito
ay upang maging matinding problema ito ng Israel, na sa mahabang panahon ay natamnan ng pusok:
aniya: "Kapag bumalik ang mga refugee sa Israel, ay mawawala na ang Israel."
At ano naman ang ginawa ng United Nations? Nakalulungkot man, pero hindi rin ito gaanong nakatulong...
Bagamat ang lahat ng mga refugee sa buong mundo
ay tinutulungan ng United Nations High Commissioner for Refugees, UNHCR
...ay lumikha pa sila ng isang hiwalay na ahensiya- UNRWA- para sa mga Palestino.
Ano po ba ang pagkaka-iba at hindi po pwede ang mga Palestino sa ahensiya na tumulong sa Bosnia, Congo or Darfur?
Ang pagkaka-iba po diyan ay, ang trabajo ng UNHCR ay mag-"resettle" ng mga refugee,
at sa kabila banda naman ay ang pagpapanatili ng refugee status sa mga Palestino ng UNRWA sa pamamagitan ng kakaibang criteria.
Halimbawa po:
Ang ibang mga refugee ay hindi na tatwaging "refugee" matapos na maging citizen sa ibang bansa.
- Ngunit iba ang kaso para sa mga Palestinong refugee.
Para sa ibang refugee, ay bawal isalin sa mga anak ang refugee status.
-Pero sa mga Palestino ito ay sumasalin.
Ang ibang mga refugee ay pinapa-resettle sa ibang bansa - iniiwasan naman ito ng UNRWA
Halos 3 beses ang gastos ng United Nations sa bawat isang Palestinong refugee, kumpara sa ibang refugee,
at 30 beses ang dami ng tauhang binabayaran.
Ito po ang suma total:
Sa buong 20th century ay may mahusay na solusyon ang United Nations para sa mga milyong refugee,
ngunit ito namang UN Palestinian refugee agency ay...walang solusyon.
Maaaring sabihin ng iba na ito ay isang pagiging hipokrito.
Nais ko lamang pong magbahagi ng isang bagay na personal...
Ang pamilya po ng aking ama ay pinaalis sa Algeria...
sila, kasama ng may 600,000 na mga Judio na galing sa iba't-ibang bansang Arabo ay nag-resettle sa Israel.
Pinapatunayan ng karanasan na ang pagre-resettle at integration ay nakatulong nang malaki sa milyong mga refugee,
noong 20th century, at napaayos ang kanilang mga buhay.
Subali't...napiit ang mga Palestinong refugee sa pagitan ng mga lider Arabo na ayaw tanggapin ang kanilang mga kapatid,
at ng mga ahensiya ng UN na hindi gumagamit ng pantay-pantay at panglahatang prinsipiyo para sa lahat ng refugee.
Makatarungan po ba ito?