Tip:
Highlight text to annotate it
X
Hindi lang tungkol sa paggawa ng code ang pagiging developer.
Tungkol ito sa pagbuo at paggawa ng mga bagong bagay.
Kailangan mong tutukan ito,
gawing personal ito at sa tingin ko, uri ito ng sining.
Ako si Vincento Colucci, dalawampu't limang taong gulang.
at developer ako dito sa Manfredonia, Italy.
Ang pagiging developer ay nagbibigay sa iyo ng kakayahang tulad ng
sa isang imbentor, at palaging itinuturo sa akin ng tatay ko na
kung kailangan mo ng isang bagay, maaari mo itong buuin.
Ito ang sinusubukan kong gawin bilang developer ngunit gamit ang iba't ibang tool.
Minsan naisip kong maaaring maging tunay na trabaho ang pagiging developer para sa Android
noong ginawa ko ang una kong app, ang Scratch Card.
Ilang araw ang lumipas, nakita ko sa AdMob Console ko ang una kong limang dolyar.
Hindi ako makapaniwala. Parang magiging mayaman na ako!
Gamit ang kinikita ko, mababayaran ko ang pag-aaral ko
at isa itong malaking layunin para sa akin.
Pagkatapos, ginawa ko ang Smart Launcher, bagong UI para sa mga Android device.
Mayroon itong napakalinis na
home screen upang matuon ang iyong atensyon sa
pangunahing feature ng iyong telepono. At ang iba pang mga app
ay awtomatikong nakaayos sa mga kategorya
Ang tanging platform na aakma para sa akin ay ang Android dahil
Android lang ang platform kung saan magagawa mo talaga ang lahat ng gusto mo.
Maaari akong magtrabaho sa ibang lungsod, maaari akong magtrabaho sa isang cruise ship
ngunit nagpasya akong manatili rito sa Manfredonia dahil
Narito ang mga kaibigan ko
Narito ang aking pamilya at kasintahan. Makakapagtrabaho ako dito
kailangan ko lang ng laptop at koneksyon sa internet.
Noong magpa-publish na ako, sinabi ng kapatid kong si Daniele na
iyon ang magiging pinakalamalaking kabiguan mo. Nakakatuwa dahil kung makikita mo ang
bilang ngayon
palagay ko ay walang makakapagsabi noon. Ngayon mayroon akong higit sa
15 milyong download para sa libreng bersyon
at 200 libo para sa pro na bersyon.
Dina-download ang app ko sa buong mundo. Sikat talaga ito
Sikat talaga ito sa India, America at pati na rin sa Japan.
Ang Smart Launcher ang produkto ng Manfredonia na pinakamadalas i-export sa buong mundo
Ang paglaki ay isang bagay na hindi inaasahan.
Kasama ko ngayong nagtatrabaho ang ibang tao, at nakakasabik ito dahil maaari na ako ngayong mag-isip ng ibang mga produkto.
Sa tingin ko magiging napakaganda ng hinaharap.
Ang tagumpay para sa akin ay kapag nagagawa mo ang gusto mo sa buhay mo.
Para sa akin, ito ang paninirahan sa lungsod ko kasama ang mga magulang ko
at kasintahan ko, at pagiging masaya.
At magagawa ko iyon, sa pagiging isang developer.