Tip:
Highlight text to annotate it
X
Ipagpalagay natin na nastranded ka sa isang isla nang walang internet, walang aklat, at isang evil genius
na palalayain ka lang kung masabi mo sa kanya ang timbang ng isang milyong dolyar. Suwerte,
isa kang physicist. Kaya mong timbangin ang milyong dolyar gamit ang iyong isipan!
Ganito: tatansyahin natin. Hindi natin alam kung gaano kabigat ang isang dolyar, pero alam natin
kung ganito ito kalaki… humigit-kumulang. Ang isang dolyar ay mga 15 cm ang haba at 5 cm ang lapad… ngayon gaano
ito kakapal? Hindi rin natin alam iyan, pero gawa sa papel ang pera, at alam natin
na ang mga aklat ng 'Harry Potter' ay nasa 800 pahina, o 400 dahon ng papel. At
sa tingin ko nasa 5 cm ang kapal… kaya't mayroong 80 dahon kada cm.
Ngayon kaya na nating malaman ang volume ng isang dolyar: 15 cm na haba times 5cm na lapad times 1/80 ng isang
cm na taas ay 0.9 cubic centimeters.
Subalit, hindi pa rin natin alam kung gaano kabigat ang papel. Ngunit alam natin na ang isang cubic centimeter
ng tubig ay may timbang na isang gramo. At liquid asset ang pera, diba? Kaya sabihin natin na ang cubic centimeter
ng dolyar ay may timbang na isang gramo. I-multiply ang 0.9 sa isang milyon at iyon na! Ang isang milyong dolyar
ay may timbang na 900 kilogram, o dalawang libong pound.
Ngayon, bakit mahalaga ang pagtatansya sa physics? Hindi mo naman nanaising magkalkula nang dalawang buwan
nang walang ballpark estimate ng kung ano ang balak mong kalkulahin. At minsan ang mga tansya
tulad ng sa atin ay pwedeng maging accurate: halimbawa na lamang, ayon sa US treasury, ang isang milyong
dolyar ay isang tonelada ng pera. Literal.