Tip:
Highlight text to annotate it
X
Hindi isang tiyak at walang katapusang konsepto
ng pangkalahatang kapayapaan at magandang hangarin
ang tinutukoy ko, na pinapangarap ng ilang mga pantasya at panatiko.
Sa halip, pagtuunan natin ang mas praktikal, mas abot-kamay na kapayapaan.
Mangangailangan ito ng panibagong pagsisikap
isang bagong konteksto para sa mga pandaigdigang talakayan.
Mangangailangan ito ng mas lubos na pag-uunawa.
At mangangailangan ang mas lubos na pag-uunawa ng mas madalas na pakikisalamuha.
Kaya huwag nating hayaang maging bulag tayo sa ating mga pagkakaiba
ngunit magtuon rin tayo ng atensyon sa ating magkakatulad na interes.
Ang pinakapangunahing nag-uugnay sa atin
ay na nakatira tayong lahat sa maliit na planetang ito.
Pareho ang hanging nilalanghap natin.
Pinahahalagahan nating lahat ang hinaharap ng ating mga anak.
At lahat tayo ay mortal.