Tip:
Highlight text to annotate it
X
Paggamit sa Google Toolbar sa Internet Explorer
Sa abala mong buhay,
nagbibigay-daan ang Google Toolbar na masulit mo ang iyong oras sa web.
Ang Toolbar ay isang add-on sa Internet Explorer na mada-download mo o maaaring
paunang naka-install na ito sa iyo.
Lumalabas ito sa itaas ng browser at nagbibigay-daan sa iyong maghanap sa Google
saanman sa web.
Makakapaghanap ka rin ng mga partikular na site ng Google,
gaya ng Images, News at Maps. Kaya kapag tinitingnan mo ang kalendaryo ng paaralan ng
iyong mga anak
at nakitang may paparating na laro si Ethan, mabilis mong mahahanap ang lokasyon sa
Google Maps,
kunin ang iyong mga direksyon at magtungo doon.
Mayroon pang ibang mga kapaki-pakinabang at nakakatipid ng oras na tool ang Toolbar.
Madaling natutukoy ng mga tool na Paghahanap ng salita at Highlight ang iyong mga termino para sa paghahanap
at maaari kang lumaktaw sa mga may kaugnayang bahagi ng isang pahina gamit ang Quick Scroll.
Kaya kapag kailangan ni Emma ng tulong sa kanyang takdang-aralin sa sibika, mag-type lang
ng parirala mula sa bantog na talumpati ng tagapagtatag na kanyang sinasaliksik,
pumili ng resulta ng paghahanap at mapupuntahan mo kaagad ang bahaging iyon ng talumpati.
At ngayon ay makakapag-ulat na ulit si Emma nang may bagong kaalaman.
Maaari mong gamitin ang Toolbar upang mag-translate ng mga web page na nakasulat sa mga banyagang wika
sa isang pag-click ng button lang. Kaya kapag pinaplano mo ang bakasyong iyon ng pamilya
sa ibang bansa,
maaari kang makakuha ng mga detalye sa mga bagay. Dahil may Google+ sa Toolbar,
madali ka ring makakapagbahagi ng mga bagay sa mga kaibigan.
Mas pinapabilis ng mga tool na tulad ng Autofill ang mga online na pagbili.
Tiyakin lang na naka-sign in ka sa Toolbar gamit ang iyong Google
account.
Mako-customize mo rin ang Toolbar sa pamamagitan ng pagdaragdag at pag-aalis ng mga button
para sa mga tool na pinakamadalas mong gamitin o hindi mo talaga ginagamit.
At dahil naka-save ang iyong mga setting sa iyong account, dala-dala mo ang mga ito kapag
gumamit ka ng iba pang mga computer na may Internet Explorer.
Ginagawang simple, madali at kapaki-pakinabang ng Google Toolbar
ang pagba-browse.