Tip:
Highlight text to annotate it
X
PINIPRISENTA NG VINCENT LEBBE KOMITI
Pagtingin sa Tsina sa kalayuan…
..maganda, kakaiba, mahiwaga...
Ang Tsina ay mapayapa, relihiyoso, at paladasal
..iginagalang ang mga ninuno...
..pino at mahinahon,
..mahilig sa kagandahan
..iginagalang ang kagandahan sa sining
..at sa pang-araw-araw na buhay…
Ang Tsina sa probinsya at ang mga tagabukid sa Tsina,
isang bilyong mga kalalakihan at kababaihan na paulit-ulit
...ang parehong mga galaw muli at muli sa 5000 taon.
Ang masipag na Tsina,
gumagalaw kasabay ng panahon,
…pini-preserba ang kanyang pagkakakilanlan sa mahaba
..nitong kasaysayan at naghahanda para sa hinaharap!
Ang Modernong Tsina...
...masigasig sa paggalang sa kanyang nakaraan,
..tulad dito sa Taiwan sa Memoryal nang mga Martir!
Ang mga Bayani sa Digmaan ng Tsina at Hapon ay pinararangalan sa templo na ito.
Isang totoong panteon
..isang silungan para sa isang malaking altar
..natatakpan ng mga kahoy na nakalilok ang mga pangalan ng mga bayani.
Araw-araw, ang ilang daan sa mga ito ay pinararangalan ng bansa.
Tanging nag-iisang puting tao sa kanila, isang Belgian, si Vincent Lebbe,
..kilala dito na LEI MING YUAN, ang kanyang pangalang Intsik.
Dumadagundong ang kulog sa kalayuan
Ang unang tatlong karakter mula sa itaas ay yaong kay LEI MING YUAN,
dumadagundong ang kulog sa kalayuan.
Ang ikaapat at ikalimang karakter ay paggugunita sa kanyang kabayanihan.
Ang ibig sabihin ng huling tatlong karakter ay :
kung nasaan ang kanyang kaluluwa.
Ang buong inskripsyon
kung basahin mula sa ibaba paitaas ay nangangahulugan :
« Ito ay para pagpupulong sa ispiritu ni LEI MING YUAN ang bayani ».
Si Profesor Chiang Fu Tsung ay naging direktor ng Pambansang Aklatan
..at ang konserbator ng pambansang museo mula noong 1937.
Siya ay nirerespeto ng lahat bilang malaking tauhan
..sa mundo ng kultura ng Tsina.
Upang maunawaan ang tadhana ni Lebbe, kailangan nating bumalik sa huling siglo.
Ang Tsina ay tinatawag na « Gitnang Kaharian »
..at tiningala ang sarili bilang sentro ng mundo.
Isang mundo na nakahihigit sa angking kayamanan
at sa katagalan ng kanyang kultura.
Isang halimbawa sa marami :
Noong 1844, ang pinuno sa serbisyo ng diplomatikong Intsik
..sumulat sa Emperador ng mga sumusunod :
« Pagkatapos mang-akit ng mga Barbarong Ingles,
Ang mga Barbarong Pranses at Amerikano ay sumulpot uli nitong taon na ito.
Pinakisamahan ko sila para mapanatili ang kanilang kaligayahan.
Lumaki sa lupang dayuhan,
itong mga Barbarong ito ay hindi maunawaan ang kalakalan sa Gitnang Kaharian ».
Ito ay mahirap maunawaan, ngunit mabuti na rin na matutunan.
Ang kalapit-bansang Hapon ay sinakop ang Korea at Taiwan.
Ang Inglatera ay nagpadala ng mga barkong pandigma
upang ipatupad ang pangangalakal ng opyum.
Ang mga bansang Kanluran ay nanalo ng konsesyon
sa mga pangunahing lungsod at mga daungan.
Napilitang lumuhod sa harap ng mga banyagang kanyon,
ang Tsina ay naging isang merkado lang sakop ng mga May Kapangyarihan.
Ang riles ng mga Puti ay tiyak na senyal nitong kolonisasyon.
1900: Rebelyon.
Sinisimbolo ng kamaong nakatikom,ang kamao ng Hustisya,
..na nagbibigay ng pangalan ng Pag-aalsa : ang Rebelyon ng Boxer.
Tinugis ang mga Puti at ang mga Kristiyanong Intsik ay pinarusahan :
..30,000 ang minasaker.
Nagtago sa mga embahada sa Beijing ang mga kristiyano, misyonaryo at sundalo,
..at nakatagal sa paglusob ng 40 araw.
Napalaya sila sa pamamagitan ng sugo ng lakas ng 7 bansang Kanluran.
Ang mga Kristiyano ay totoong nasa isang malabong posisyon.
Bilang dagdag sa iba't ibang teritoryo, komersyal at iba pang konsesyon,
..hinugot mula sa Tsina ang kapangyarihan ng Kanluran sa nakaraang 50 taon,
..Inangkin ng Pransya ang karapatan na protektahan
..ang mga misyonaryo ng bawat nasyonalidad.
Sa kanilang pagdating,
Napailalim ang mga misyonaryo sa Tagapagtanggol na mga Pranses.
Ang Simbahan ay umaasa sa Pransya,
..kahit na sa Pransya, ang pamahalaan ay kontra sa relihiyon.
Kaya sa mga asunto tungkol sa lupa,
..tauhan,
..o sa mga bagay ukol sa seguridad,
.. ang mga misyonaryo
..ay maaaring umapila sa embahador na Pranses.
Pinoprotektahan niya sila at namamagitan sa mga ministrong Intsik para sa kanila.
Ito ay hindi lang para sa mga misyonaryong Pranses,
..ngunit sa lahat ng mga nasyonalidad,
..kahit na sa sandaling panahon, sumubok ang Alemanya at Italya
..na umalis sa ganitong pagtatanggol para magsikap ng kanilang sarili.
Ang resulta,
..at ito ay maiintindihan sa kontekstong politikal sa mga panahong iyon,
..ang Manananggol na Pranses ay halos naging kailangang-kailangan.
Ngunit sa palagay ko ay humantong ito sa pang-aabuso...
Maraming misyonaryo ang umabuso nito
…sa hindi pagtanto na hindi dapat nila kolonisahan ang Tsina
..sa pamamagitan ng pagpapasok ng mga elemento mula sa kulturang Pranses,
..ngunit sa halip, dapat nilang sinubukang unawain ang kulturang Intsik,
..igalang ito at, bilang resulta, hubugin ang Simbahang Katoliko
..ayon sa kaugalian at kultura ng Tsina hangga't maaari.
Ito ang totoong pakiramdam ni Padre Lebbe.
« Ako ay naglalakad kasabay ang ilang misyonaryo sa Coal Hill,
..na bahagi ng lugar ng Imperial Palace.
Mula sa magandang imperyal na gusali sa itaas,
..mayroon kang tanawin ng buong lungsod ng Pekin.
Kahanga-hanga itong tingnan.
Mga tore, templo, bubong na nakaturo sa taas sa lahat ng dako,
..ngunit sa gitna nitong engkantadong mundo ng Silangan,
..merong malaking bagay na pangit sa mata, hindi maganda :
..ito ay ang Petang, ang seksyong Kanluran.
Ang estilo at ang kulay ng mga bahay,
..lalo na ang katedral, ang lahat ng bagay ay sadyang hindi Intsik. »
Ito ang mga salita ni Vincent Lebbe.
Dumating siya sa Tsina noong simula ng 1901
..at nasaktan kung gaano ka dayuhan ang simbahan.
Mula sa umpisa, pinanigan niya ang mga Intsik.
Pinakamatanda Si Lebbe sa pitong anak ng isang taimtim na pamilyang Katoliko,
na nagtakda ng positibong ekspektasyon sa pamamagitan ng katapatan.
Sa panahon ng kanyang pag-aaral siya’y nasangkot sa mga kilusan at nagsulat :
« Ako ay para sa mga mapanuri at mga demokratiko.
Ang siglo natin ay may dalawang dakilang kinahihiligan :
katarungan at katotohanan. »
Mahalagang ituro,
..ang kanyang mga internasyonal na pinagmulan.
Ipinanganak sa Ghent noong 1877
..sapagkat ang kanyang mga magulang ay nasa Ghent noon, na bagong kasal.
Nakatira sa Ypres ang kanyang pamilya.
Ang kanyang ama ay ipinanganak sa Poperinge,
..at ang lolo ni Vincent ay Flemish,
..ngunit ang kanyang lola ay Pranses.
Ang kanyang ina, si Louise Barrier,
..ay may hawak ng nasyonalidad na Briton, subalit mula sa Pransya.
Kaya mula sa umpisa ay napaka-internasyonal ang kanyang pinagmulan.
At totoo na siya ay lubusang naugnay,
..at lubos na bukas sa kultura na Pranses na lagi niyang mamahalin.
Sinabi niyang pupunta sa Tsina
..para tumulong sa mga taong ibigin ang Diyos at ang Pransya.
kadadating lang niya nang isinulat niya ang tungkol sa Digmaan ng Boxer :
« 99% ng mga mali ay galing sa mga dayuhan.
Minamaliit natin ang sangkatauhan dahil ang kulay ng kanilang balat ay iba sa atin.
Ang ating hukbo ay nag-iwan ng mahabang bakas ng dugo at dumi. »
Noong 1900, ang Simbahang Katoliko
..ay umabot sa bilang na 750,000 na tapat na nininiwala, 900 misyonaryo,
..40 puting obispo at 470 paring Intsik.
Ang huli ay bihira na nasa posisyon na may responsibilidad.
Si Lebbe ay gustong maging isang Intsik.
Nagbibihis siya tulad ng Intsik,
..at gumawa siya ng isang tirintas sa buhok
..na ipinadala ng kanyang bunsong kapatid na babae.
« Dito tayo ay nasa realidad at kaisipan ng isang banyagang katawan.
Ang ating mga simbahan ay parang mga kolonya
Nasa labas tayo ng sangkatauhan at hindi tayo maaring makisama.
Tayo ay tulad ng barnis sa isang piraso ng muwebles
..at hindi parang lebadura sa masa. »
Ito si Lebbe sa kabukiran.
Ang mga parokya ay malawak na kumalat at siya ay palaging nasa daan,
..masayang makisama sa mga ordinaryong tao.
Siya ay lalo na masaya na makita silang mag-convert.
Masasabi na ang tubig ng pagbibinyag ay dumadaloy sa malakas na agos.
Ang mabilis na pag-unlad sa pag-aaral
..ng wika ay tumutulong sa pakikipag-ugnayan.
Nagtuturo siya.
Siya ang pampublikong tagapagsalita na,
..sa kalaunan, ay nagpapagalaw sa masa.
Ang kanyang kaibigan, si Anthony Cotta, ay dumating at sumapi noong 1906.
Nagkakilala sila magmula sa seminaryo.
Si Cotta ay likas na matalinong-matalino.
Ang kanyang ama ay Egyptian at ang kanyang ina ay Austrian.
Siya ay ilang taon na mas matanda kay Lebbe.
Si Padre Lebbe ay naging kaibigan ng lahat :
..ang mga probinsyano, mahihirap, ang mga manggagawa,
..mga mag-aaral, ang mga matatalino...
Sa kanyang pakikipagkaibigan at sa kanyang mga gawi,
..nakuha niya ang puso ng mga Intsik.
Kapag naramdaman ng isang Intsik ang paggalang nirerespeto niya ang iba.
At, upang ipakita ang kanyang pasasalamat,
..tinatanggap niya ang anumang mayroon ka para ibigay.
Si Padre Lebbe ay mayroong Ebanghelyo, ang Magandang Balita, si Jesu- Kristo.
1906: si Lebbe ay itinalagang dekano ng distrito ng Tianjin.
Ang Tianjin ay isang lungsod na may unibersidad at daungan.
Mayroong higit na isang milyong naninirahan,
..ngunit 6,000 lang ang mga Katoliko .
Si Lebbe, gayunpaman, ay masyadong abala mula sa umpisa.
Kaya, sa pagdating niya sa Tianjin,
..nakipag-ugnayan siya sa mga awtoridad na Intsik ng bayan.
Iyon ay hindi kailanman nagawa dati.
Siya ay nagsimula nang mag-aral ng mga klasiko ng Tsino.
Muli, ang mga pangyayari ang magbigay-daan sa kanyang gumawa ng inisyatiba,
..lalo na sa pag-imprinta sa mga pahayagan…
at mas malawak sa mga kontak na ginawa niya. Marahil iyon ang pinaka-mahalaga
..sa kung ano ang tinatawag na « Paraang Tianjin » :
ang kanyang pagnanais na makibahagi sa mga Intsik sa serbisyong makatao
... kahit hindi nila inisip na maging Katoliko.
Sa mga lokal na piling- tao.
Nang walang anumang lihim na intensyon,
..lalo na sa konteksto ng Red Cross,
..pagtulong sa mga tao na apektado ng pagbaha, atbp ...
Ito ay ang konbersion ni Padre Lebbe :
Sa halip na tradisyonal na pagtingin ng mga misyonaryo patungkol sa mga Intsik,
..sinimulan niya ang pagtrato sa isang Intsik bilang siya.
Ngayon ay may isang kabalintunaan sa kanyang buhay :
Sa isang banda, ang kanyang pag-alala para sa mahihirap,
..at sa kabilang banda, ang kanyang pag-alala para sa mga tanyag na tao.
Ang konbersyon ng tanyag na tao ay isang kalagayan
..para sa konbersyon ng lahat ng tao.
1911: Natalo ni Sun Yat Sen ang dinastiyang Qing at ipinroklama ang Republika.
Nagising ang Tsina.
Si Padre Lebbe ay sumali sa kilusan.
Binuksan niya ang isang silid para sa panayam,na naging dalawa, at naging walo.
Ang mga talakayan ukol sa hinaharap ng bansa, at ukol sa relihiyon ay naganap.
Ano ang magiging hinaharap ng Tsina?
Ang mga tao ay ipinagdiriwang ang Republika.
Si Sun Yat Sen ay ipinroklama na Presidente.
Ngunit wala siyang sapat na suporta.
Kaya pinagbigyan niya ang pinakamakapangyarihang tao sa Peking,
..si Heneral Yuan *** Kai.
Nahati ang bansa.
Kaya si Padre Lebbe ay nagsimulang mangampanya.
Sinabi niya sa mga Katoliko :
« Mahalin ang inyong bansa, iyon ang kung papaano maging Kristyano. »
Sinabi niya sa hindi Katoliko :
« Mahal ng Diyos ang Tsina. »
Sa ibang salita, ang relihiyon ang magliligtas ng bansa.
Ito ay isang bagong bagay na umantig sa mga Intsik.
Ang mga tala ng panayam na ito ay inilathala : higit sa 30,000 kopya.
Ang ibang tao ay dumating para sumapi para magsalita sa mga tao.
Isang malawak na kilusan ay nagsimula at pinamunuan ng mga karaniwang tao.
At, binuo rin niya ang Catholic Action,
karaniwang tao na tumanggap ng responsibilidad para sa Iglesia.
Iyon ay bago.
Ito ay pangyayari sa Tsina.
Sa Europa, bahagya lang itong sinimulan.
Nagsimula ang Catholic Action sa mga paaralan.
Sa Belgium ito ay ACJB, Belgian Catholic Youth Action.
Sa Pransya, ang ACJF ay nagsimula sa huling ika-19 na siglo.
1914: Ang unang Kongreso ng Catholic Action ay ginanap sa Tianjin.
Dumating ang mga tao mula sa iba´t ibang dako ng mundo.
Nagsulat si Lebbe sa mga pahayagan sa Europa tungkol dito.
Minahal niya ang Tsina at gusto niya na ibigin ng lahat ang Tsina.
Nagustuhan niya ang pakikipag-usap sa mga tao at nais makipag-usap pa sa kanila.
Sa dulo ng 1915 itinatag niya ang isang arawang pahayagan, ang Yi *** Bao,
ibig sabihin, Sa Kabutihan ng Publiko.
Kaagad, siya ay nagpiprinta na ng 20,000 kopya.
Nagtatag rin siya ng lingguhang publikasyon para sa kababaihan.
Iniwanan niya ang pagmamay-ari ng pahayan
..sa mga Intsik at hindi sa Simbahan.
Naging mga patnugot ang mga karaniwang tao, Kristiyano at marami pa.
Agad nagka-reputasyon ang pahayagan sa malayang paninindigan nito.
Nakipaglaban siya para sa Tsina’t katarungan.
Salamat sa pahayagan, maraming tao ang nakakita na ang banyagang relihiyon
..ay unti - unting nagiging Intsik.
Hinikayat ni Padre Lebbe ang isang Kristiyano, sa pangalan na Mr. Lou,
..na patakbuhin ang isang pahayagan, ang Yi *** Bao.
Iyon ay isang Katolikong pahayagan,
..na itinakda para sa inisyatiba ni Padre Lebbe lamang.
Ang pahayagan na ito ay naging ang pangunahing pahayagan sa Hilagang Tsina.
Sa Timog nagkaroon din ng isang pangunahing pahayagan na tinatawag na Qing Bao.
Sa kalaunan, nagkaroon din ng isang edition ng Yi *** Bao para sa Timog.
Ang kulturang tsino ay masyado nang matanda.
Gaya ng iyong pagkakaalam, sa 5000 taon, nag-iisa at parehas lang
..ang aming pagsusulat bagama't ang wika ay sinasalita nang paiba-iba.
Ito ay nangangailangan ng maraming pagsisikap
..para malaman ang pagsulat ng Intsik at kulturang Intsik.
Sa pagdating niya, Lebbe ay nag-aral ng mga tanyag na mga klasikong Intsik.
Alam niya kung paano sumulat ng Intsik sa pamamagitan ng brutsa.
Ang kanyang kaligrapya ay kilalang-kilala.
Dahil dito, nakuha ni Padre Lebbe ang puso ng mga Intsik.
Totoo siya ay naging Tsino.
Siya ay palaging gumagalaw, isang tao na ma- aksyon.
Paano niya nahanap ang pasensya para sumulat tulad ng isang Intsik ?
Ang kanyang pagsusulat sa Pranses ay kalat-kalat.
Kahit si Lebbe ay laging abala,
..naglaan siya ng oras upang gumawa ng maraming mga sulat.
Sa kabilang banda, ang panulat niya sa Intsik ay perpekto, klasiko, maingat...
Si Lebbe ay nagpakita ng kanyang paggalang sa kultura ng kanyang bansa.
1916: Si Vincent Lebbe ay sampung taon nang nasa Tianjin.
Ang bagong Republika ay nahihirapan.
Ang Tsina ay hindi nagkaisa
…at pinagsamalantalahan ng lakas ng Kanluran ang kaguluhan.
Pinagpatuloy ni Lebbe ang laban niya sa isang Tsina na bumagsak at nagkahiwalay.
Sinakop ng Inglatera ang Tibet, kinuha ng Rusya ang Mongolia.
Mas masahol pa, ang Hapon ay nakaapak na sa Shantung.
Hindi kalayuan, sa Tianjin ay medyo tahimik.
Ang bayan ng Tsina na ito ay nasasakop sa 14 km2.
14 km2 din ang lawak ng bayang Kanluran,
..ang mga lugar na iyon ay bumigay sa Rusya, Britanya,
..Alemanya, Hapon, Belgium, Austria, Estados Unidos...at Pransya.
Sa Timog, naroroon ang Intsik na si Lao Si Kai.
Ang obispo ng Tianjin ay bumili ng mga lupa doon at nagtayo ng isang katedral...
..sa tabi lang ng konsesyon ng Pranses.
Napasailalim ng mga konsensyong ito ang Tsina sa kapangyarihan ng dayuhan.
Magmula nang buksan ang mga daungan, ang una ay sa Inglatera,
..pagkatapos sa Pransya at sa Estados Unidos
..pagkatapos ng Digmaan ng Opyum noong 1840,
..hindi lamang sa adwana ng Intsik namalakad ang mga dayuhan
..at sa lahat ng kalakalan sa kanilang mga kamay,
..kundi pati na rin, mula 1895, ang industriya ng Europa
…ang may karapatan na maitaguyod ang sarili sa Tsina
...sa lahat nga mga konsesyon sa sunod-sunod na ipinagkaloob.
Kaya nagkaroon ng isang buong alon ng industriyalisasyon na lumaban
..at sa wakas tinapos ang tradisyonal na sining ng Tsino sa pagyari sa kamay.
Sa Lao Si Kai,
..Ang mga negosyanteng Intsik ay nagsimulang magtayo
..ng negosyo sa paligid ng katedral.
Ang konsul ng Pranses ay naghangad na palawakin ang koneksyon sa Pranses.
Ginamit niyang dahilan ang pagprotekta sa misyon
..para magbukas ng daan patungo sa katedral.
Gumawa siya ng mga maliliit na tatak ...
..na inalis ng mga Tsino.
Pagkatapos ng mga ilang pangyayari,
…inaresto ng pulis-Pranses ang pinuno ng sandatahang pulis ng mga Intsik
..at binilango siya sa bilangguan ng konsesyon.
Ang agarang reaksyon : isang lagay ng mga Intsik,
...nakasulat sa Pranses, ay ipinamamahagi sa buong bayan.
Ipinahayag ng mga Intsik ang kanilang galit
at ikinumpara ang ginawa ng mga Pranses
..sa pagsakop ng Alemanya sa Belgium dalawang
..taon na ang nakalipas, noong 1914.
Nagkaroon ng demonstrasyon sa kalye,
..pagkatapos, nagkaroon ng pangkalahatang pag-aaklas
..ang mga empleyadong Intsik sa konsesyon
…at, ayon sa kwento, kasama pati ang mga kasambahay.
Natural na pumanig ang Yi *** Bao sa mga Intsik.
Pinilit ng Konsulado ang Obispo na patahimikin si Padre Lebbe.
Ang Foreign Ministry ng Pranses sa Padres ay pinilit din
..ang kanilang mga nakatataas.
Inatasan siya ng Obispo ng Tianjin na manatiling neutral.
Tinugunan ito ni Lebbe sa pamamagitan ng isang sulat :
« Dahil lamang sa ating nasyonalidad,
..ang opinyon ng publiko sa Tsina ay madaling pinapalagay
..na sinusuportahan natin ang ating kapwa mamamayan.
Subalit ang Pranses ay mali...
Sa halip na tumahimik,
..hayaan ang Simbahan, ang huling kublihan para sa kung ano ang tama
..kung saan hindi takot sabihin ang salitang makatarungan.
Imposibleng panatilihin ang neutralidad na iminungkahi mo.
Mangyaring huwag mo akong pilitin na piliin
..sa pagitan ng pagsuway
..at pagsunod,
..ang kumilos laban sa aking budhi ».
Hiniling niya na ipadala siya sa malayo mula sa Tianjin.
Ipinadala kaagad siya sa kabilang dulo ng diyosesis, at saka sa gitnang Tsina.
Ang mga kapwa niyang pari na sumuporta sa kanya ay ikinalat.
Si Anthony Cotta ay ipinadala sa ibang bansa.
Siya ay isang tao na alam kung ano ang kanyang nais.
At kapag gusto niya ang isang bagay,
..gumawa siya ng inisyatiba at pinapatuloy ang kanyang gawain.
Ngunit lagi niyang ginagalang ang nakatataas at palaging naaayon sa batas.
Iyon ang kapuna-puna sa kanya.
Kapag sinabi ng nakatataas na hindi, ay hindi rin para sa kanya.
Siyempre, hindi tumigil si Lebbe na magsimula muli,
..na hindi sinasabi sa kanila.
Sa ngayon,
..naghirap siya sa pagiging isang desterado sa isang rehiyon
..na hindi niya alam ang wika
Sa Tianjin siya ay kilala sa lahat. Dito siya ay naging isang estranghero.
Siya ay dapat na magsimula sa umpisa.
Paunti-unti, siya ay naglakas-loob na sumulat sa Roma,
..sa tao na lagi niyang kaibigan, si Mgr Vanneufville, isang Pranses na pari,
..na nagsulat para sa pahayagang La Croix, at may ilang kontak sa Vatican.
Ang nanatiling isang misteryo,
..ay ang kanyang pagsunod.
Mayroong magaling na nagsabi minsan na
..siya ay hindi kailanman sumuway
..at hindi kailanman masunurin.
Palagi niyang nagawa kung ano man ang kanyang nais
..sa pagsusumamo sa mga nakatataas na sumang-ayon sa kanyang pag-iisip.
Kaya,...
..siya ay hindi masunurin sa isang pasibong kahulugan.
Siya ang palaging nag-umpisa
..at isang krus para sa kanyang agarang nakatataas.
Kilala siya sa pagiging laging handa na tumugon sa mga kaganapan.
At sa katunayan, ang kanya ay isang pagsunod
…sa mga kaganapan at hindi sa mga patakaran.
Narito si Cotta muli.
Oo, dito pa rin.
Si Cotta ay hindi sumunod at tumangging umalis.
Habang si Lebbe ay aktibo sa trabahong parokya,
..Si Cotta ay patuloy sa pagsusulat ng mga ulat sa Roma,
..tungkol sa kanilang mga personal na problema
..at tungkol sa mga problema ng misyon.
Nakita ni Cotta ang problema base sa intelektual na perspektibo.
Kay Padre Lebbe, ito ay isang bagay sa damdamin
..at intuwisyon.
Kaya si Cotta ay mas mahusay sa paggawa ng tapat
..na pag-aanalisa, isang mabuting pag-iisip.
Dapat sabihin na siya ay isang mandirigma sa ilang mga paraan.
Siya ay mas agresibo.
Kumilos si Lebbe na mas inaalagaan ang paggalang sa ibang tao kaysa kay Cotta.
Kaya nawalan si Padre Lebbe ng suporta ng kanyang mga nakatataas.
Nilapitan niya ang mga awtoridad sa Roma.
Ano ang ginawa ng Roma ? Ano ang sinabi ng Roma ?
Sa Roma ay si William Van Rossum,
ang responsableng Kardinal para sa mga misyon.
Si Pope Benedict XV ay nandoon din.
Sa mundong kolonyal ng 1919, pareho silang nagnais ng obispong Intsik.
Subalit ang Roma ay tahimik...
Si Cotta ang unang nag-aral at nag-usisa nang malalim tungkol sa mga Obispo,
..at nagtanong kung bakit walang mga obispong Intsik.
Siya ay nagulat sa kaibahan sa Roma, na mula noong ika-17 na siglo,
..ay hiniling na ang mga lokal na tao ay maging benditadong Obispo,
..at ang saloobin sa mga misyon sa Tsina.
Nakinig ang Roma, nanatiling tahimik. Ngunit hindi nagtagal.
Ang obispong Pranses ng Paris Foreign Missions, si Mgr. De Guébriant,
..ay ipinadala sa Tsina upang mag-imbestiga tungkol sa sitwasyon.
Subalit ang Roma ay nais kumilos nang mas mabilis.
Isa itong totoong bomba na sumabog.
Kahit bago pa makabalik sa Roma si Mgr. De Guébriant,
.. Si Pope Benedict XV ay naglabas ng isang Sulat na Encyclica,
..Si Maximum Illud, ay nagpahayag para sa mga misyon.
« Nakakahinayang isipin na ang mga bansa na may matataas
..na antas ng sibilisasyon
..ay wala pang produktong sariling obispo na mamahala sa kanila. »
Upang makalma ang mga bagay,
..hiniling ni Mgr. De Guébriant kay Padre Lebbe na lisanin ang Tsina.
Makalipas ang dalawampung taon sa Tsina, umalis si Lebbe para Europa.
Doon niya matutuklasan ang ibang Tsina,
..ang Tsina para sa mga manggagawang Intsik
..na nagtrabaho sa mga industriyang pandigmaan.
Pati na rin sa mga estudyanteng Intsik.
Ito ay isang mundo ng kahirapan, nasyonalismo at antiklerikong paghihirap.
Napansin niya agad na maraming nakataya.
May kilusan noong Mayo 4, 1919 sa Peking, Tsina.
..kung saan sa unang pagkakataon,
..ang opinyong makabayan ay tungkol sa konsesyon
..na dapat ibigay ng Tsina sa Japan sa Komperensya
..para sa Katahimikan sa Versailles.
Nabuo ang Partido Komunista sa Tsina noong 1921.
Sa mga panahong iyon,
..maraming estudyanteng Intsik ang umalis pa-ibang bansa,
..una, sa Britanya at Estados Unidos, at, mula 1906, sa Pransya.
Sila ay tinanggap ng mga radikal.
.. mga sosyalista at mga antikleriko.
Nabatid ni Padre Lebbe na mayroong isang totoong lahi sa,
..kung ang mga piling-Intsik o ilan man sa kanila, ay magiging mga Kristiyano.
Yaong mga mag-aaral ay mahalaga sa kanya. Ganap na mahalaga !
Maya’t-maya, kapag may isang malaking pangyayari, siya ay dadaan sa Brussels
..kung saan ako nakatira at kung saan ang aking ama,
..tulad ng isang hihip ng hangin.
Kaya minsan alam namin... Hindi, sa katunayan wala kaming kaalam-alam.
Alam lamang namin dahil tumawag ang mga estudyanteng Intsik,
..dalawa, tatlo, apat, lima sa kanila ...
Pagkatapos namin sinabi :
« Kung tumatawag ang mga estudyanteng Intsik, ibig sabihin parating si Tio Freddy.
Maghihintay kami sa kanya ».
Siya ay may espesyal na paraan ng pagtunog ng timbre.
Siya ay palaging tumatawag :
« Isang Diyos sa Tatlong Persona ».
Ding... ding, ding, ding.
At pagkatapos kaming mga bata,
..ay magmamadaling tingnan kung sino
..ang unang magbubukas ng pintuan sa kanya.
Dumating siya – siya ay medyo pandak, pandak at maliit -
..na may isang malaking sombrero ng paring Pranses
..mga sapatos na masyadong malaki para sa kanya
..at isang malaking bag sa kanyang balikat.
Dalawa sa amin ang kailangan magbuhat ng sako na may kanyang papeles,
..ito ay napakabigat.
Pagkatapos tinulungan namin siya na magtanggal ng kanyang pangginaw
..at ang aking unang tungkulin ay ihanda ang kanyang pipang Intsik.
Ang unang mga estudyanteng natipon ni Lebbe ay nagbuo ng isang samahan.
Gumawa sila ng sariling bandera.
At pagkatapos, gaya ng estilo ni Lebbe,
..isang pahayagan na lahat ay sulat-kamay.
At, gayon din sa paraan ni Lebbe, ay isang pahayagan tulad ng Yi *** Bao,
..Kristiyano at pampulitika.
Ibinunyag nito ang mga pangunahing kaganapan sa Tsina.
Pagkatapos ay nagkaroon ng buwanang pahayagan
..na nakalimbag sa Padres at Louvain.
Ang lungsod ng Verviers ay interesado din kay Padre Lebbe.
Inanyayahan ni Padre Purnal ang isang misyonero para magsermon
..sa unang unibersal na araw na panalangin para sa mga misyon.
Si Padre Lebbe ang napili para magsermon dito sa Ste Julienne.
Ito ay noong Hulyo 9, 1922.
Ito ay para sa lahat ng mga parokya ng Verviers.
May isang nakakatawang pangyayari tungkol dito :
Ikinuwento ni Padre Lebbe sa pari ng parokya :
..na siya ay darating sa alas-3 ng umaga lulan ng tren express mula sa Padres,
..ngunit walang sinuman ang pupunta para sunduin siya.
Siya ay magdadala ng trabaho sa estasyon para maging abala
..hanggang ang simbahan ay magbukas para sa unang misa.
Sinabi ni Padre Boland sa pari ng parokya:
« Pinadalhan tayo ng isang sira-sira.
Hindi niya alam kung paano kumilos tulad ng iba,
..dumating sa mas makatwirang oras ».
Makatwiran ? Si Padre Lebbe ay hindi kailanman makatwiran.
Hindi rin si Padre Boland.
Estilo ng gitnang-uri mula sa labas
ang kanyang bahay ngunit hindi nakasara ang pinto
..at kinupkop niya ang mga kabataan araw at gabi.
Dati silang tinawag na maliliit « na mga diyablo », dahil kay Padre Boland
malakas ang loob nila na gawin lahat, at magagawa nila ang halos anumang bagay.
Iilan sa mga batang ito ang sasama kalaunan ke Lebbe sa Tsina.
Si Padre Boland ay nagbukas ng isang seminaryo para sa kanila.
Siya ay talagang kahanga-hanga din. Siya ay masayahin. Siya ay...
Anuman ang kanyang sabihin ay nakatutuwa
..at alam niya kung paano mapapasaya ang mga tao.
Masaya na nakasama namin siya.
Hindi lahat ay nagustuhan siya.
Maraming mga tao ang hindi nagtiwala sa kanya.
Hindi siya sapat na relihiyoso, sapat na matimpi...
Siya ay nanigarilyo tulad ng isang Turko.
Lahat ng mga batang katulong na pari ay binuhay ang mga kabataan.
Sila ay dumating sa digmaan
at puwedeng sabihin na lasing sila sa tagumpay...
..pati na rin sa relihiyon :
« Gagawin nating Kristiyanong muli ang mga kapatid.
Isusumpa natin ito, kay Jesu-Kristo. »
Kung ano ang kinanta ng mga Young Christian Workers, kinanta din namin
Iyon ang kondisyon ng panahon.
At saka, ang unang dinala ni Padre Lebbe ay ang sabihin :
« Huwag manatiling nakakulong sa sariling maliit na grupo, ngunit tulungan kami.
Kayo’y bahagi ng Simbahan, kayo’y katoliko, kayo’y unibersal.
At higit sa lahat huwag kalilimutan ang kontinente ng Tsina,
kayong nakatira sa maliit ng grupo ng Belgians ».
Huwag kalimutan ang dakilang kontinente ng Tsina.
Iyon nga ang mensahe ni Lebbe sa mga sumuporta sa kanyang trabaho
..para sa mga mag-aaral sa lahat ng dako: sa Padres, Lyons, Lille
..pati na rin sa Alemanya, Switzerland, Netherlands, at Britanya.
Kinailangan ni Lebbe na magbigay ng tirahan,
..pag-aaral at pagkain sa bawat mag-aaral.
Marami sa kanila ang naging makapangyarihang tao,
..pagbalik nila sa Tsina.
Sa Belgium uli tayo, sa Kumbentong Norbertine ng Averbode,
na mahalagang lugar sa kombersyon ng mga estudyanteng Intsik sa Kristiyanismo.
Nagbigay si Lebbe ng maraming banal na pagsasanay.
Hindi lahat ng mag-aaral ay hiniling mabautismuhan,
..ngunit natuklasan o natuklasang muli ng lahat ang tinubuang-bayan kay Lebbe.
Sa Averbode at sa iba pang mga lugar,
..tatlong daan sa mga ito ay nabaustismuhan sa loob ng pitong taon
.. na si Lebbe ay nagtrabaho para sa kanila sa abot ng kanyang kaya.
Si Kardinal Mercier ay isang aktibong tagataguyod ng trabaho ni Lebbe.
Sila ay nag-usap tungkol sa pag-ordina ng obispong Intsik.
Babalik tayo dito sa isang sandali.
Ang Kardinal ay interesado din sa bagong kilusang Chinese Catholic Action,
..dito sa Kongreso ng Averbode noong 1924.
Ang kumbento ng Lophen malapit sa Bruges.
Sumuporta din ito sa Asosasyon.
Dito ang unang embahador ng Tsina sa Vatican
..dumating noong siya ay retirado upang maging isang mongheng Benediktino.
Si Claire Lin, isang alagad ni Padre Lebbe,
ay nakipagtagpo kay Padre Mao para sa amin.
Siya ay dating mag-aaral sa Lyons.
Si Padre Lebbe ay nasa puso ng mga Intsik.
Walang isa man sa mga Intsik ay maaring balewalain
..siya dahil mahal talaga niya ang mga Intsik.
Minahal niya ang Tsina higit sa maraming Intsik na minahal ang kanilang mga sarili.
Siyempre, ang buhay ni Lebbe ay nakatutok lamang sa kanyang estudyante.
Ngunit inisip din niya ang Roma.
Doon lamang maaring magpasya sa kanyang pagbalik sa Tsina sa hinaharap.
Bukod sa lahat, doon maayos ang isyu tungkol sa mga obispong Intsik.
Tayo ay bumalik sa 1920.
Ipinaliwanag ni Lebbe sa mga awtoridad sa Roma ang kanyang mga palagay.
« Ang taglamig, ang mahabang taglamig ng aming mga misyon sa Tsina ay tapos na.
Dumating na ang oras para magtayo ng buhay
..na pambansang Simbahan, ng isang laman sa mga tao ».
Sumulat din siya kay Kardinal Mercier,
..na humihiling na suportahan siya sa Roma.
Talagang pinagkatiwalaan ni Lebbe ang Kardinal, at minsan na niyang sinabi :
« Siya ay isang tao na kayang makialam sa mga bagay na wala siyang pakialam ».
At ang Kardinal ay talagang maghahanap ng paraan upang makarating siya sa Roma.
..sabi ni Cardinal Suenens sa amin.
Ang aking natandaan ay ang panlilinglang
..na ginamit upang makarating si Lebbe sa Roma.
Inanyayahan daw siya ni Kardinal Mercier na pumunta para sa isang konsultasyon.
Sa ganitong paraan, maari niyang sabihan ang mga nakatataas :
« Kailangan ko na pumunta sa Roma - ipinagbabawal sa kanya na pumunta doon -
..Si Kardinal Mercier ay humiling sa akin para sa isang konsultasyon ».
Ito ang paraan kung paano siya nagtagumpay na dumating sa Roma.
Pagkatapos, ipinakilala siya ni Mercier kay Van Rossum
..at lahat ay sumunod na galing doon.
Iyon ay mga maliliit na bagay subalit mayroong mahalagang kinahinatnan.
At kaya si Lebbe ay nasa Roma na lingid sa kaalaman ng kanyang mga nakatataas.
Nagsusulat siya sa talaarawan araw-araw.
Disyembre 20, 1920: isang mainit na pagsalubong mula kay Kardinal Mercier.
Pagkagabi siya ay nakipagkita kay Kardinal Van Rossum, na sinabi sa kanya :
« Nagpapasalamat ako sa iyo, galing sa kaibuturan ng aking puso,
..sa lahat ng bagay na ginawa mo,
..para sa lahat na iyong pinagdudusahan dahil sa iyong pagsunod sa relihiyon.
Naisalba nito ang lahat. »
Pagkatapos ay tinalakay ni Padre Lebbe ang tungkol sa mga obispong Intsik
…at sinabi ng Kardinal sa kanya :
« Mayroon ka *** lapis? Bigyan mo ako ng ilang mga pangalan. »
At si Padre Lebbe ay nagsulat ng mga pangalan ng ilang mga paring Intsik
..na itinuring niyang karapat-dapat maging obispo.
Walong araw ang nakaraan at nakipagkita si Pope Benedict XV kay Padre Lebbe.
Nang siya ay lumabas nagkataon na nakilala ko siya sa kalye.
Tumigil kami at biglang sinabi niya sa akin – hindi ko ito malilimutan - :
« Hindi na ako naniniwala sa Banal na Espiritu ! »
Ako ay bahagyang nagulat.
Sabi ko sa aking sarili :« Marahil mayroong ilang mga paliwanag. »
« Hindi na ako naniniwala. Nakita ko Siya ! »
At sinabi niya sa akin : «May mahalagang bagay na sinisimulan ».
Palagay ko nangyayari na sa mga oras na iyon - ngunit kailangan niyang manahimik,
..dahil sa oras na iyon, lahat ay nasa ilalim pa ng lihim ng Banal na Opisina.
..ngunit mahuhulaan mo na ang Papa ay nagbigay sa kanya ng pagkakataon
..na pangalanan ang unang limang obispong Intsik.
Ang Roma, gayunpaman, ay isang institusyon
..at ang lahat ng mga institusyon ay konserbatibo sa isang malaking sakop.
Ang institusyon ay interesado tungkol sa pangmatagalan na panahon.
..habang si Lebbe ay gumagawa ng maraming bagay sa udyok ng sandali.
Siya ay laging nag-iimbento ng mga bagay.
Kaya, sa Roma,
..mayroong ilang mga pakiramdam tungkol sa pangangailangan
..sa pagbabago ng misyonaryo
..dahil ang Roma ay masyadong malayo sa mga sentimentong nasyonalismo
..kaysa sa mga misyonaryo sa bansa.
Subalit ang Roma ay masyadong mahinahon.
Ang pagkamahinahon ng Roma ay ang nagpapahaba ng oras.
Ilang mga taon ang lumipas.
Nais bumalik ni Vincent Lebbe sa Tsina. Imposible !
At wala pa ring obispong Intsik sa paningin.
Nagkaroon ng pag-asa nang ipinadala ng Papa
..si Mgr. Costantini sa Tsina noong 1922
..upang ihanda ang daan para sa mga importanteng desisyon,
..na matagal nang inasam ni Vincent Lebbe.
Maingat na pinili ng delegado ng Papa ang mga obispo sa hinaharap.
Pumalit si Pius XI sa pwesto ni Benedict XV.
Noong 1926, ito ay ipinasya: ang Papa ay mag-oordina ng anim na obispo.
At gagawin niya ito sa Roma sa ika-28 ng Oktubre.
Tanggapin kaya ito ng mundo ng misyonaryo ?
Ang mundo ng mga diplomatiko ay hindi nagustuhan ang mga pangyayari.
Europa pa rin ang manatiling hari ng mundo sa loob ng ilan pang mga taon.
Si Padre Lebbe ay nandoon.
Ito ay ang ikaw-25 anibersaryo ng kanyang ordinasyon sa pagkapari.
Ito rin ang ika-25 anibersaryo ng pag-ordina ng Papa bilang isang obispo.
ngunit higit sa lahat,
ito ay isang mahalagang araw para sa sanlibutang Simbahan.
Gaya ng sabi, ang sandaling ito ay halos kasing-halaga
..kagaya ng paghiwalay ng Simbahang Kristyano sa komunidad ng Hudyo.
Dahil sa sandaling iyon,
..kahit na papaano sa pananaw ng relihiyoso,
..ang mundo ng Mediterranean ay naiwan.
Hanggang sa araw na iyon, ay walang hindi puting obispo sa Simbahang Katoliko.
Ang kanyang panaginip ay nagka-totoo.
Si Vincent Lebbe ay bumalik sa Tsina, magpakailanman,
..kinupkop ng isa sa anim na mga obispo, si Mgr Suen.
Nang siya ay maging siyang tunay na Intsik,
..si Lei Ming Yuan ay bumalik sa kabukiran ng Tsina.
Ako ay nandoon noong siya ay umalis.
Hindi ko malilimutan ang kanyang paglisan ...
Ang kanyang huling pag-alis.
Sinabi niya sa akin,
..na ang pag-alis bilang isang misyonaryo sa pangalawang pagkakataon
..ay mas mahigit pa sa parusang krus,
..mas mapait pa kaysa sa unang pagkakataon.
Ang unang pag-alis – natural na ito ay nakakasakit ng damdamin, -
..ngunit lumisan ka na puno ng sigasig, na may lakas ng kabataan.
Lahat ng iyong proyekto ay nasa isip at hindi mo alam kung ano ang mangyayari...
Sa pangalawa, alam mo ng kaunti kung ano ang aasahan...
Sa nakaugalian, hindi kami makalapit sa kanya
..dahil ang mga Intsik ay nandoon
..-natural ang kanyang mga mag-aaral ay nandoon
..at kami ay laging sa ikatlong lugar -.
At hinalikan niya ang bawat isa sa amin at pumasok sa ilalim ng kompartamento,
..sa pinaka-ibaba, malayo mula sa lahat at wala siyang sinabi.
Mararamdaman mong, naantig ang kanyang damdamin sa pag-alis...
May 13 taon na lamang siya para mabuhay.
Siya ay 50 at isang Intsik na mamamayan. Siya ay masaya
..hindi inisip na isang araw siya ay paparangalan
..ng isang Heneral na Pinuno ng Bansa.
Ang sitwasyon sa bansa ay nakakaantig. Si Sun Yat Sen ay namatay.
Kinuha ni General Ghian K'ai-sheck ang kapangyarihan.
Nais niyang magsama-sama uli at baguhin ang Tsina.
Ngunit ang mga komunista sa ilalim ni Mao Zedong
..at General Zhu De ay kabaligtaran.
Nasa malayo sa loob ng pitong taon, si Lebbe ay hindi interesado sa pulitika.
Ang mga kapatagan ng Hilaga ay napakalawak. Ang mga tao ay mahirap.
Nararamdaman ni Lebbe na tinatawag siya upang ilaan ang sarili sa mga tagabukid.
Nag-imbento siya ng paraan ng paglalagay ng Simbahan sa mga tao,
ang lebadura sa masa.
Noong 1928, itinatag niya ang kongregasyon ng mga monghe.
Pero hindi anumang monghe. Sila ay ang mga tagabukid na monghe.
Mahihirap kagaya ng mga tagabukid, gumugugol ng ilang oras sa monasteryo
..at mga ilang oras sa mga tao.
Ang layon ay ipahayag si Jesu-Kristo sa mga baryo
..at para tulungan ang mga paring Intsik.
Itinatag niya ang kongregasyon ng mga kababaihan, ang Little Sisters ng Ste Therese.
Sumali kay Padre Lebbe si Sister Saint Luc mula Pransya noong 1931 nang siya’y 22.
Noong ang mga obispo ay nagpunta sa Tsina,
..binigyan sila ng mga lugar, lahat-lahat.
..ay halos walang mga Katoliko at walang mga pari.
Kaya sila nagkaroon ng maraming mga problema at walang pera.
Tinulungan ni Padre Lebbe ang obispo ng Ankwo sa mga pinansyal na bagay
..dahil wala kami.
May mga ilang mga paring Intsik ngunit napaka-konti.
Sa mga panahon na iyon,
..itinuturing na hindi katanggap-tanggap para sa mga dayuhan,
..para sa mga taga-Europa,
na sumailalim sa mga obispong Intsik, kaya lahat sila ay umalis
..at dinala ang lahat na makukuha.
Kaya naiwan sa mga Obispo ang mga bahay na walang laman.
Sa Taiwan, nakilala din namin si Bro Alexander Zhao.
Pumasok siya sa monasteryo ni Padre Lebbe noong siya ay 16.
Ang mga monasteryo ay nagsimula nang ganoon :
Iilang mga katekista sa Baryo ay nais na maging mga Trappist,
..ngunit ang kumbento ay isinara.
Talagang gusto nilang maging monghe.
Para kay Padre Lebbe, gusto rin niyang sila ay maging tunay na mga misyonaryo
..at maging mahirap kagaya ng mga tagabukid at ng mga sundalo,
..parehong monghe at asno, at maglingkod sa mga tao.
At kaya kinailangan naming maging katulad ng mga tao sa lahat ng bagay.
Kami ay dapat mamuhay sa kahirapan katulad ng mga masa.
Nilikha niya ang Kongregasyon ng ‘Little Brothers’
..upang maikalat ang pananampalataya. Paano ?
Upang makatulong sa mga paring Intsik sa lahat ng kanilang gawain.
Hindi nilatag ni Padre Lebbe ang mga gawain.
Ito ay hindi isang bagay na kailangang alamin kung ano ang pormula
..o kung ano ang paraan para magsilbi sa mga tao.
Ang tanong ay kung paano ka mamuhay kasama ng mga tao.
Sinasabi palagi ni Padre Lebbe sa amin :
« Anuman ang trabahong gawin mo, gawin mo ito sa espiritu ng Ebanghelyo
..at ikaw ay kabilang sa mga tagabukid tulad ng lebadura sa masa ».
Tulad ng lebadura sa masa.
Inaasahan niya na ang Tsina ay mapabagong-loob
..ng mga ‘Little Brothers’ at ‘Little Sisters’.
Ito ay isang dakilang pangarap.
At sinimulan namin na magbukas ng mga klinika sa mata.
At kami ay nagkaroon ng maraming mga pasyente
..dahil mayroong malaking bilang ng mga tao na may trakoma at maraming bulag,
..maraming mga tao na nahihirapang makakita, maraming mga taong bulag.
Napakarami kaya ang mga klinika ay napakaimportante.
Kung mamumuhay ka kasama ng mga mahihirap,
..kagaya kunwari ng mga ginagawa ng mga theologian ng liberasyon ngayon,
..kung maninirahan ka kasama ng mga mahihirap,
..ikaw ay makatutuklas ng mga bagay-bagay
..na hindi mo makikita sa pinakamahusay na paaralan.
Ang buhay, samakatuwid,
..ay mas makapangyarihan ang itinuturo kaysa sa teksto at pag-aaral.
At sa palagay ko si Lebbe ay namuhay kasama ng mga buhay.
Kaya, bilang resulta, nakakita siya ng maraming bagay na hindi nakikita ng iba.
Kinailangan naming gumawa ng sarili naming mga damit, sapatos, lahat ng bagay.
Alam mo, noong panahon na iyon, ang buhay ng mga Intsik ay napakahirap.
Kailangan mong anihin ang sarili mong bulak,
..gawin mo itong sa sinulid at gawing tela at pagkatapos
..ay gawin mong mga damit, lahat gawin mo nang sarili.
At kaya may maraming gawain.
Ilang paring Belgian ang dumating para magtrabaho kasama si Padre Lebbe.
..dahil noong 1930, siya at si Padre Boland,
ay nagtatag ng Kapisanan ng mga Misyonaryo
para sa serbisyo ng mga obispong Intsik.
Si Padre Lebbe ay pwede nang magpahinga ngayon.
Pinaghandaan na niya nang mabuti ang hinaharap.
At pagkatapos ang lahat ng bagay ay nagbago muli.
1933 : ang Hapon ay nagsimulang umatake sa hilagang Tsina.
1936 : nagkaroon ng pangkalahatang digmaan.
Si Lei Ming Yuan ay pumunta sa labanan
..at ibinigay ang kanyang buhay para sa kanyang mga tao.
1933: Sinakop ng Hapon ang isang lalawigan ng Tsina.
Noong taong iyon iniwan ni Vincent Lebbe ang kanyang kongregasyon
..para sumapi sa ‘Brothers of St.John the Baptist’.
Dalawang taon bago sinakop ng Hapon ang Manchuria.
Tumanggap ng sulat-protesta ang Liga ng mga Bansa mula sa 16 na obispong Intsik,
..Isinulat ni Vincent Lebbe.
Ang Liga ng mga Bansa, ang UN sa mga araw na iyon,
..ay walang magawa at ang mga bansa ay nanatiling walang malasakit.
Nag-iisa ang Tsina.
Nilagay ni Lebbe ang 20 ng kanyang mga monghe sa harapan,
..240 na taga-baryo at ilang mga madre, na mga nars.
Sila ay ang magiging mga taga dala ng kamilya, nag-aalaga sa mga nasugatan.
Sa una, ang hukbo ay bahagyang nag-aatubili
..ang mga tao ay nagtatanong : « Ano ang gusto ng dayuhang pari na ito ? »
Subalit nung nakita na nila siya sa trabaho,
..na ibinibigay nito ang kanyang sarili sa mga nasugatan,
..kumakain ng parehong pagkain ng mga sundalo,
…napahanga talaga ang mga tao.
Sa harap ng gyera, kapag walang labanang nangyayari,
..nagkikita kaming lahat sa isang templo o sa isang bakanteng bahay
…at pinapatuloy ang pamumuhay bilang ‘Little Brothers’ at ‘Little Sisters’.
Hulyo 7, 1937 : Ang Hapon ay umatake sa buong Tsina.
Sa larawan na ito makikita si Vincent Lebbe.
Sa kaliwa ay si Brother Alexander at ilang mga Brothers at sundalo.
Tatlong taon siya sa harap ng digmaan at hindi bumalik sa kanyang diyosesis.
Mula sa labanan sinulat ang testamentong espirituwal para sa mga monasteryo.
Sa kanyang Brothers isinulat niya :
« Ito ay ang pinakamalalim na pagnanais ng mga Little Brothers
..na pag-isahin ang pagkamakabayan at ang relihiyong Katoliko.
Ang ninanais ng ating bansa ay hindi kalayuan sa sinasabi ng Ebanghelyo.
Ang misyon ng Little Brothers,
..ay maging tagaytay sa unang alon ng mga malalaki’t malalakas na alon. »
At ganoon ang ginawa nila. Higit sa 20,000 sugatang tao ang natulungan.
Naging bayani si Lebbe sa ika-3 hukbong pulutong.
..at tinawagan siya ni Mariskal Chiang K'ai-shek.
Pinagkakatiwalaan niya si Lebbe
..sa gawain ng paglikha ng isang espesyal na seksyon sa 12th division.
Itinalaga siyang tinyente, pagkatapos koronel.
Si Lebbe ay binigyan ng misyon na gisingin ang lakas
.. laban sa mga pang-unang linya ng Hapones.
Kasabay niyon,
..nakilala niya ang mga Komunista na lumaban sa mga Hapon katulad niya.
Sa larawang ito suot niya ang tanda ng dibisyon
ng makabayan na kanyang pinamunuan.
Gayunpaman, siya ay nagdusa dahil ang Simbahan ay tahimik.
Sa katunayan ang Delegadong Apostoliko, si Mgr. Zanin
..ay nagrekumenda sa mga misyonaryo na obserbahan ang neutralidad.
Bukod dito, ito ay ang panahon ng axis ng Tokyo-Roma-Berlin.
Ilang mga Italyanong misyonaryo ay kumampi sa mga Hapon.
Ang mga misyonaryo ng Europa ay nagkaroon ng masakit na neutralidad.
Bakit ninyo nasabing masakit ?
Dahil halos nais nilang
…pumayag na sakupin ng Hapon ang buong Tsina.
Ito ang kanilang ninais kung kaya ang iba ay talagang
..nagkaroon ng saloobin na ganap na laban sa opinyon ng mga Intsik.
Ang apostolikong delegado, si Mgr. Zanin, ay Italyano.
Kaya siya ay may saloobing neutral din.
At sinubukan niyang makuha ang lahat ng mga misyonaryo na sundan siya.
Siyempre, hindi ito nagustuhan ng mga awtoridad ng Intsik, na natural lang...
Ngunit ito ay isang napakaselang bagay...
Para kay Zanin ..., nung sinabihan siya na :
« Maninindigan ka para sa Tsina o para sa Hapon ! »
« Oh, sabi niya, ako ay ni kaliwa o kanan. Ang Simbahan ay higit sa lahat ng iyon. »
Na-iskandalosong tao.
Ikaw ay dapat na magkatawang-tao. Kailangan mong makibaka para sa katotohanan.
Ang katotohanan ay ang Tsina ay umiikot sa ilalim ng mga suntok.
Ang katotohanan ay isa ring kinatatakutan.
Ngayon ay alam natin kung ano ang nangyari pagkatapos kunin ang Nanjing.
Ilang 150,000 na mga karaniwang tao ay minasaker ng mga sundalong Hapones.
Binayoneta, inilibing na buhay, binaril, ginahasa.
Paano maaaring si Lebbe ay Lebbe at isang Kristiyano,
..o simpleng Lebbe, na may pusong apoy kung saan nakilala namin siya,
..nang hindi umiiyak sa kaalibadbaran, sa pagtanggi na maging neutral ?
« Panginoon, pinipili kong mamatay,
maligayang mamamatay kaysa mabuhay sa kahihiyan, neutral.
.. na hindi magawang tawagin ang mabuti at masama sa totoong pangalan
..ni hindi kayang itapon lahat ng aking dugo sa kapakanan ng mga naapi.
Dapat kong ipakita, kahit ako na lang ang nag-iisa sa mundo,
..ang galit ng isang Kristiyano sa mundo ng imperyalismo.
Hindi, hindi ako magiging isang tahimik na aso na hindi tumatahol. »
Sa katapusan ng apostolikong delegado, si Mgr. Zanin,
..ay sumuporta kay Padre Lebbe at minahal niya ang Little Brothers.
Siya ang nagbayad ng aking pag-aaral para ako ay maging isang pari.
Ang digmaan ay nagpatuloy.
Ang Hapones ay inokupahan ang mga pangunahing ruta ng sasakyan.
Sa pagitan nila ay may libreng lugar na nais ma-kontrol ng mga Komunista
..at tinanggihan nila ang akses ng mga Nasyonalista.
At ito ang lugar kung saan si Lebbe at ang mga kolaborador ay nagtatrabaho.
Dalawang beses silang nagkita ni General Zhu De.
Kilala din niya si Zhou Enlai.
Subalit ibinilanggo pa rin siya ng mga Komunista.
Sa loob ng 40 araw, sinulatan niya ang talaarawan.
..at nagsalita siya tungkol sa kanyang kalusugan na palala nang palala.
Siya ay 63. Siya ay pagod na.
Ang kanyang puso ay wasak
..dahil napagtanto niya na ang mga Komunista
ay nais sakupin ang kapangyarihan para lamang sa kanilang sarili.
Nagsulat siya ng ilang mga liham,
..isa sa heneral na umaresto sa kanya, isa kay Zhu De.
Walang sagot.
Salamat sa pamamagitan ni Marshal Chiang K'ai-shek siya ay nailabas.
Bumalik sa kapital sa panahon ng digmaan sa pamamagitan ng eroplano,
..siya ay namatay noong Hunyo 24, 1940, sa Araw ni San Juan Bautista.
Para sa akin, si Padre Lebbe,
..siya ay isang mahusay na apostol, isang mahusay na misyonero, at dakilang Intsi.
Isang napakaliit na tao ... Talagang, isang napakaliit na tao.