Tip:
Highlight text to annotate it
X
Bilang may-ari ng isang negosyo, nasubukan mo na siguro ang lahat ng uri ng advertising.
Mga pahayagan,
flyer,
marahil ay pati mga billboard.
O mga event sponsorship.
O mga patalastas sa radyo at TV.
Ang mga ganitong uri ng advertising ay makakatulong sa iyong maabot ang ilang potensyal na customer
ngunit may mga limitasyon ang mga ito.
Kapag naka-print na ang iyong ad,
o kapag ipinapatalastas na ito,
mahirap nang gumawa ng mga pagbabago.
Kadalasan, hindi madaling sukatin kung ilang tao ang nakakakita sa iyong ad.
O malaman kung sila ang tamang mga tao.
At kahit na makarating ang iyong ad sa tamang mga tao,
mahirap siguraduhin na naaabot mo sila sa tamang pagkakataon.
Natutugunan ng AdWords ang lahat ng limitasyong ito sa pagbibigay-daan sa iyong i-angkop ang iyong advertising
sa mga natatanging pangangailangan ng iyong negosyo.
Maaaring mag-set up at gumamit ng AdWords ang kahit sino.
Gagabayan ka ng aming mga online na tagubilin sa pagsa-sign up
at paggawa ng mga una mong ad.
At kung hindi mo na alam kung ano ang gagawin,
maaari kang humingi sa amin ng tulong anumang oras
nang libre sa pamamagitan ng pagtawag,
pagpapadala ng email,
o pakikipag-chat.
Nagbibigay sa iyo ang AdWords ng kakayahang abutin ang mga potensyal na customer
sa sandaling hinahanap nila ang iniaalok mo,
na nagbibigay-daan sa iyong i-angkop ang iyong advertising sa mga pangangailangan ng iyong negosyo
kahit na magbago ang mga pangangailangang iyon sa paglipas ng taon,
o sa loob ng parehong araw.
Sa AdWords, hindi na kailangang manghula pagdating sa advertising
dahil sinasabi nito sa iyo kung ilang tao ang nakakita at nag-click sa iyong ad.
At dahil maaari kang gumawa ng mga pagbabago sa iyong mga ad anumang oras
nang walang dagdag na gastos,
matutukoy mo kung alin mismong mga ad ang pinakakapaki-pakinabang sa iyong negosyo.
Magkano ang iyong gagastusin?
Ikaw ang bahala.
Habang nagsa-sign up, pipili ka ng average na pang-araw-araw na badyet
na kumportable kang gamitin sa pagsisimula.
At maaari mong baguhin ang badyet na iyon anumang oras.
Paano mo malalaman kung kumikita ang iyong ipinuhunan?
Sa AdWords, mapipili mong magbayad sa bawat pag-click.
Kaya sa halip na gumastos ka sa pag-asang maaabot mo ang mga bagong customer gamit ang patalastas sa TV o pahayagan,
sa AdWords, magbabayad ka lang kapag may isang taong talagang interesado
at nag-click sa iyong ad.
Huwag pag-isipan kung nakakatulong ba sa iyo ang ginagastos mo sa advertising.
Gamitin ang AdWords upang maabot ang mga tamang tao,
sa tamang pagkakataon,
sa presyong tama lang para sa iyong negosyo.