Tip:
Highlight text to annotate it
X
Maligayang pagdating sa proyektong Google+. Ang unang dapat gawin ay ang mga lupon. Ang mga ito
ang nagpapaikot sa Google+. Tingnan mo ito.
Pumunta sa mga lupon, at makikita mong may nagawa na kaming ilan para sa iyo. Hanggang sa itaas,
makikita mo ang mga taong kilala mo. Madadagdag mo rin at maiimbitahan ang mga kaibigan mo mula sa iyong email.
Ngayon ang kailangan mo lang gawin ay isipin kung saang lupon sila nabibilang. At 'wag mag-alala, walang
makakakita kung saang lupon sila nakalagay.
Ngayon, gumawa ng sa iyo. Halimbawa ay ang iyong mga kaibigan sa kolehiyo. Gawan sila ng lupon.
Ang isa ay maaaring nasa lupon ng "kolehiyo" at sa lupon ng "kaibigan" -- okay rin iyon.
Ginagawang madali ng lupon na madaling ma-kontrol kung kanino na nagbabahagi -- maging ito man ay mga larawan, videos
o kung nasaan ka. Idaragdag mo lamang ang lupon na gusto mong pagbahagian.
Ito pa ang mas maganda. Sa iyong stream, makikita mo ang sinasabi ng lahat
na kakilala mo, o yung doon lamang sa mga tao na gusto mong makibalita. Ngayon
maaari mo lamang malaman kung ano ang kinakain ng pinsan mo sa almusal kung gusto mo.
Alam natin lahat na hindi kailangan makita ng ating ina ang mga larawan noong weekend. At hindi kailangang malaman ng boss
na nasa beach ka noong Martes.
Sa sandaling malikha mo ang mga lupon, marami kang bagay na pwedeng gawin. Ngayon,
bakit hindi gumawa ng ilang lupon?
I-enjoy ang proyektong Google+.