Tip:
Highlight text to annotate it
X
Inihahandog sa inyo ng PKer team @www.viki.com
Ika-15 na Yugto
Lahat makinig!
Opo?
Mayroon din akong sasabihin.
Sa susunod na Miyerkules, ilibre ninyo ang iskedyul ninyo.
Maglalaro kami ni Mr. Yoon ng golf sa araw na iyon pero...
Ako rin. may pupuntahan ako kasama ng mga nagtratrabaho sa shop sa araw na iyon.
Hindi rin ako puede. Naimbitahan ako sa isang birthday party.
Ako rin.
Okay. Ikansela ninyong lahat.
Bakit?Bakit?
Anong mangyayari sa araw na iyon?
Kasal mo.
Kasal?
Ah, *** tigil nyo naman po ang pagkontrola sa ninyo sa amin sa anumang paraang ibigin ninyo.
Omo! Sinong nagpasya?
~Sabi mo gusto mong magpakasal. ~Sabi ko pagkatapos ko.
Kailan pa mangyayari yan? Kailangan mo pang maging intern, tapos resident, at kailangan mo pang gampanan ang military service mo.
Bakit pa patatagalin mas mabuti na yung habang bata pa kayo at maganda
Pero...
~ Yung birthday party... ~Hinto!
Huwag ka kayong magsalita ng kahit ano mula ngayon!
Alam nyo ba kung gaanong kahirap magreserba ng wedding hall?
Sa araw na yun, ibakante ninyo ang inyong palatakdaan at kailangan ninyong tulungan ang isa't-isa, ha?
Hindi ka pa natutulog?
Ah...O...Oo.
Bakit?
Sumobra ba ako sa paggawa ng kahit anong gusto ko?
Ah, hindi naman ganyan.
Namumuhay naman tayo nang sama sama.
Naisip ko lang mas mabuti na yung kasal sila, at nang hindi masamang tingnan sa mga mata ng ibang tao.
Oh, ganoon. Sa totoo lang medyo nababahala din ako nito.
Salamat sa lahat.
Pero...Bakit ka ganito? Ang ekspresyon mo ay hindi mabuit.
Hindi maayos lang ako. Kaya lang hindi ko alam kung anong una kong ihanda.
Ano namang kailangang ihanda? Magkakasama na tayong naninirahan, kaya wala nang kailangang bilhin, at naireserba na ang wedding hall.
Kailangan lang natin ng damit at singsing, magiging ayos na ang lahat.
Ganoon pa man...
Sa susunod na Miyerkules?
Oo.
Seryoso talaga ang pagganyak ng nanay ni Seung Jo.
Tama ka,
Hey, may ginawa ba kayong dalawang aksidente?
Hoy! Hindi naman ganyan.
Ah oo.
Alam na ba ni *** Joon Gu?
Oo, sinabi na ng tatay ko sa kanya.
Kaya naman pala mukha siyang matamlay. Hindi man lang niya kami napansin na dumating.
Hoy, napili mo na ba ang damit mo?
Kailangan mo rin bumili ng singsing.
Kailangang mag umpisa na kami ngayon. Marami akong gagawin.
Tuloy..
Sir!
Bilis at kausapin mo ako.
Hoy, kain na tayo!
Kain ng mabuti!
Sir, sir! May dayuhan na dumating! Nandoon siya, isang dayuhan!
Oh.
Dali, dali, dali!
Dali!
Kumusta.
Kumusta.
Salamat.
Ha Ni, dalian mo at kunin mo ang kanyang order.
Ako?
Hindi ako marunong mag Ingles.
Pero, isa kang kolehiyala. Bilisan mo!
Kumusta.
Kumusta.
Kumusta ka?
Ako...gusto kong kumain ng pansit. *** bigyan mo naman ako ng tinadtad na pansit.
Ang galing niyang magsalita ng Korean.
Ano po ito?
Kabute yan. Kabute ng pino.
Ah, kabuteng pino.
Ang amoy.....Ang sarap ng amoy!
Sabi niya kabuteng pino.
Ang kyut ng punto nya!
Mabuti rin ito para sa iyong kalusugan.
Ang tawag dito ay oyster.
Ah oo, oyster. Hindi ako malimit kumain nito.
Ang sarap nito.
Paano ka nakapagsasalita ng Koreano nang magaling?
Koreano ang nanay ko, pero Ingles ang tatay ko.
Pumunta ako sa Korea para makita ang pinanggalingan ng nanay ko.
Kailangan kong umuwi sa 10 araw.
Ah...sige.
Ang sarap. Sobrang sarap.
Stuffed cucumber kimchi iyan.
Ginawa ito ng lalaking iyon.
Ang sarap nito! Killer talaga!
Galing siya sa Busan, kaya medyo bihira siyang magsalita.
Ah...oo....
Anong tingin mo doon sa nakita natin kanina?
Masyadong nakakaagaw-pansin.
Talaga?
Eh, itong isang ito? Maganda ito.
Hindi ko gusto. Masyadong makinang.
Kung ganon, ikaw ang mamili.
Kailangan ba nating bumili ng singsing?
Anong sinasabi mo? Simbolo ito ng pag-ibig.
Simbulo ng pag ibig?
Hey! Paano naman magiging simbolo ng pag-ibig ang isang materyalistik na bagay?
Hindi ko gagawin ito!
Hindi! Kailangan mong gawin ito!
Kailangan mayroong simbolo na isa kang lalaking may asawa.
Di hindi talaga simbolo ng pag-ibig pero mas parang kadena ito.
Kalimutan mo na ito! Anong kailangang bilhin kung isusuot mo lang sa isang araw na iyon.
May amerikana na ako.
Kahit na! Pumasok tayo! Maghahanap ako ng damit.
Di pumasok ka at bilihin mo tapos bumalik ka. May iba akong pupuntahan at hihintayin kita doon .
Ok! Di, pumunta tayo sa estudyo.
Estudyo? Bakit?
Bakit? Para magpalitrato para sa album.
Magpalitrato para sa album?
Hoy! Hindi ko gagawin iyan!
Sir tingin po kayo dito, Ma'am tumawa pa po kayo ng kaunti...
Gusto mong gawin ko ang walang katuturang bagay na iyan?
Hindi kailanman.
Madaya ito. Ayaw mo ng magkaparehong singsing. Ayaw mong magpalitrato para sa album.
Bakit ka lumabas kasama ko kung magiging ganito ka lang?
Sa tingin mo ba lumabas ako dahil gusto ko?
Lumabas ako dahil gusto nilang lumabas ako.
Kahit na, lumabas ka. Hindi ba pwedeng sumangayon ka na lang at tumulong?
Naiinis ka lang at nagsasabing ayaw mo nito at niyan!
Hoy. Bakit ka nagsasalita ng ganyan dito sa kalye.
Nakakahiya.
Nakakahiya? Ako rin nahihiya!
Ano sa tingin mo ang iniisip ng mga tao sa bilihan ng singsing tungkol sa atin?
Bakit ko kailangang magaptuloy na sundin ang mga gusto at kailangan mo?
Di huwag.
Kung hindi....Paano kung hindi rin ako magpigil?!
Ngayon nakikita ko na kung bakit naghihiwalay ang mga magkasuyo bago pa sila ikasal.
Ano?
Sinasabi ko na sa iyo. Kahit matapos kitang pakasalan, hindi ko makakayang ikaw lang tingnan.
Hindi ko kayang magbago para sa iyo.
Kailan mo ba ginawa yun?
Talaga...
Ano ba ito? Dahil ito ng nanay ko.
Hindi ito dahil sa inay.
Kung ganito, bakit mo sinabing pakakasalan mo ako?
Oo, pinagsisisihan ko na ang sinabi ko.
Sa palagay ko kailangan nating pag isipan ito muli.
Talaga?
Di hindi ka pa nakakabili ng damit?
Hindi nga niya ako kinakausap sa bahay.
Nagkikita kami at iniiwasan niya ako.
Ano? Hindi na maraming araw ang natitira...
Sabi niya pinanghihinayangan niya akong yayaing pakasalan siya,
at kailangan naming pag isipan ito muli.
Hindi, alam mo namang ganyang kalamig talaga si Baek Seung Jo.
Kahit na sabihin niya yan, hindi naman ganyan ang ibig sabihin niya.
Ang oras ng trabaho ay tapos na.
Oh, Seung Jo!
Pasok ka!
Upo ka
Nagbabasa po kayo ng libro?
Mula sa tatay para sa anak...
Gusto kong kausapin sya tungkol dito
Anong dahilan at nagpunta ka dito ng ganitong oras?
May gusto po sana akong sabihin sa inyo.
Maganda ito di ba?
Ito masarap uminom ng kape gamit ang mga tasang ito.
Oo nga po, mukhang maganda
Bakit naman mukhang malungkot ang hitsura ng ikakasal?
Si Seung Jo ba ay nagiging pasakit?
Hindi po.
Wow, napakaganda.
O, papa.
Ha Ni, anong ginagawa mo?
Oh, ganon ba?
Kung gano'n pumunta ka muna dito sandali.
Ngayon na po?
Bakit po, me nangyari po ba?
Date?
Naiintindihan ko po. Pupunta na po ako dyan.
Papa.
Oh Ha NI.
Sa'n tayo pupunta?
Saan ba talaga tayo pupunta?
Pagdating natin doon saka mo malalaman.
Inihahandog sa inyo ng grupong PKer @ www.viki.com
Gusto ni Seung Jo'ng batiin ang lola't mama mo.
Busy ako kaya nakalimutan ko.
Ikinagagalak ko po kayong makilala, Mama...
Lola...
Ang inyong manugang ay nandirito.
Gusto nyo po ba?
Nag-aalala po kasi ako dahil ngayon pa lang po ay hindi na nakikinig sa akin si Oh Ha Ni.
Pero wala po kayong dapat ipag-alala.
Aalagaan ko po siya.
Nayayamot ako sa'yo.
Nayayamot?
Gusto ko.
Salamat
Ma...
Lola...
Magpapakasal na po ako.
Kyung Soo sunbae ay gaganap bilang host.
Mangangasiwa sa kasal. Huwag na tayo'ng kumuha ng mangangasiwa.
Paano naman ang ating honeymoon?
Saan tayo pupunta sa ating honeymoon?
Kailangan pa ba nating pumunta? Wala na tayong madaing oras.
Ayan ka na naman!
Okay, okay.
Saan? May lugar ka *** gustong puntahan?
Meron! Italy? O Kaya Rome!
ROme?
Rome? Sa panaginip mo.
Nagbibiro lang ako. Kahit hindi sana masyadong malayo gusto ko sanang magpunta tayo sa Isla.
Isla. Sige okay lang.
Ano kaya sa Yeo Eui Do?
Yeo Eui Do?
Bakit?
Ang Yeo Eui Do ay dati ring Isla noon.
O kaya... Isla ng Bam?
Tama!... Isla ng Ddook!
Isla ng Ddook?
Nakakainis.
Sige.
Pagpasiyahan natin gamit ito.
Kapag tatlong magkaparehong litrato ang lalabas pagkatapos kong alugin...
Pupunta tayo sa lugar na nais mo.
Okay.
Pero di ba kaunti lang ang posibilidad?
Hindi.
Isla ng Jeju, Isla ng Jeju, Isla ng Jeju.
Yeo Eui Do...
Isla ng Jeju! Isla ng Jeju!
Isla ng Jeju!. Wow!! Yehey!!
Oo, Jeju Island!
Yay!
Yehey!
Ano ang pakiramdam? Bukas na.
Hindi ko alam. Hindi pa rin ako na pupunta sa pakiramdam na yon.
Naimpake mo naba ang bagahe mo?
Oo, ang pangunahing kailangan ko pa lang.
Dyarann!
Ano ito?
Buksan mo.
Naku po!
Punitin mo na lang para mabukas ng ganito.
Ok.
Ano ba 'yan?
Ano'ng "Ano ba yan!!"?
Naghanap kami sa internet.
Ang sabi nila na pinaka importanteng bagay sa honeymoon ay damit na panloob at pansuot panggabi.
At halimuyak.
Tingnan, Mauuna kang maligo.
Seung Jo oppa!
Tapos susuotin mo itong damit na pangloob lahat ay sexy, parang ganito.
At ikaw ay magpapahid ng halimuyak.
Maglagay ka rin ng konting make-up.
Pag naligo ka, merong isang importanteng punto.
Ano ito?
Wag na wag kailanman humaginit.
Bakit ganun?
Mga lalaki ay natatakot pag ikaw ay sobrang malakas.
Naiintindihan ko.
Hoy, si Baek Sueng Jo ba ay magaling humalik?
Hey!
-Sabihin mo sa akin-Magaling ba s'yang humalik?
Hey!
Magaling ba sya?! Magaling ba sya?!
Paano nyang ginawa?!
Tigil!
Eto...
Ano 'yan?
Ito ay isang kubyertos na pilak at china set lang naman.
Hey! Bakit mo ito binili?
Narinig ko kahit na wala kang ginawa, ito ay isang bagay na kailangan mong gawin.
At bumuli din ako ng isang pakeng kumot.
Ito's nasa kwarto, pero hindi ko alam kung magugustohan mo.
Naku naman!
Balae, tratohin mo kami ng mabuti.
Syempre.
***-usap din, tratohin mo rin ako ng mabuti, balae.
Ano magawa?
Hyung/Kuya,
Tulog ka na ba?
Hindi.
Tuluyang ka na talagang makakasal kay Oh Ha Ni.
Parang gano'n na nga.
Bakit, hindi mo gusto?
Syempre naman.
Oh Ha Ni ay hindi matalino at sya ay malamya.
Higit sa lahat, siya ay tanga.
Hindi man lang alam kung paano lumangoy pero sinubukan akong sagipin.
Kahit na ikaw ay masama sa kanya, sya ay ngumingitin dahil gusto kanya.
Ako ay magpapakasal sa babaeng mas matalino at maganda kaysa kay Oh Ha Ni.
Sige.
Pero, ako ay para kay Hyun at Oh Ha ni kasalan,
Gustong gusto kita,
Pero sa totoo lang,totoo naman talaga na ang ugali mo ay may ilang mga isyu.
At kaya, sa tingin ko dapat mong pakasalan ang taong tulad ni Oh Ha Ni.
Ginagawa mo ay tama, binabati kita.
Ha Ni,
Ako ay sobrang masaya ngayon,
Sapagkat ikaw ay marahil sobrang masaya ngayon.
Pag ikaw ay masaya,
Ako ay masaya din.
Binabati kita, Oh Ha Ni.
Magkaroon ka ng magandang panaginip.
At makikita kita bukas.
Ano?
Sila ang may gustong magpuyat at magkwentuhan tapos tulog na sila....
Inihandog sa inyo ng PKer team @ www.viki.com
Papa.
Oh bakit di ka pa natutulog?
Hindi po kasi ako makatulog.
Eh kayo po?
Ganun din.
Papa.
Bakit?
Salamat
sa pagpapalaki mo sa akin ng maayos.
Ohh...
Wag kang umiyak.
Kapag namaga ang mga mata mo,
sasabihin ng mga tao bukas na hindi maganda ang bride.
Ohh?
Sabi ko wag kang umiyak.
Bakit ka umiiyak, samantalang masaya naman ang araw na ito?
Ngi-ngiti din ako.
Ikaw din, ngumiti ka bukas, ha?
Ang kaisa-isang anak ng byudong ama.
Kapag umiyak ka sa araw ng kasal, ang buhay mo ay magiging maulan.
Ok po.
Magiging masaya na po ako.
Oo.
Papa...
Ano yun?
Gusto mo mag-ensayo ng paglalakad natin para bukas?
Ohh?
Sige.
Sh...sss...
Handa, simula.
Aigoo...
Mailgayang araw.
Masayang-masaya siguro kayo sa mapapang-asawa ng inyong anak.
Oho.. Ito ang aking anak.
Congrats.
Narinig ko ho may inaasikaso kayong bagong proyekto.
-Oh Sir andito na kayo!-Congrats!
-Kailangan kong pumuna kahit abala ako!-Ohh maraming salamat sa pagpunta!
Isa, dalawa, tatlo!
Ako din!
-Min Ah, Min Ah halika dito!-Tumayo ka sa tabi ni u Ri.
Ohh di makukumpara ako kay Min Ah, kapag ganoon.
Kukunan ko na kayo ng litrato!
Guro!
Guro!
Hello!
Congrats, Ha Ni!
Congrats.
Buntis po kayo?
Ano pong nangyari sa'yo?!!
Nakakahiya naman!
Ha Ni, congrats!
Ang pagpapakasal kay Seung Jo, hindi kapani-paniwala!! Napakagaling mo!!!
Nagtagumpay ka!
Nagawa mo na!
Ha Ni, kita tayo mamaya.
Salamat po sa pagpunta.
Ang ganda ganda mo!
Ha Ni, congrats!
Sobrang ganda mo talaga!
Ang pagpapakasal ng ating guro ay hindi din kapani-paniwala!
Nakita mo iyon? Balang araw mabubuntis ka din.Hindi ba?
Ang ganda mo naman Ha Ni.
Ikaw din.
Masya ako dahil ikaw.
Ano?
Masaya ako na ikaw ang pinili ni Baek Seung Jo, at hindi ako.
Oo. Kaya gusto ko siya dahil dito.
Iyon ang iniisip ko.
Mahirap nga lang.
Anong mahirap?
Maganda naman ang tipo na babae ni Baek Seung Jo.
Iyon ang ibig sabihin ko.
Hae Ra.
Maging masaya ka,
para mainggit ako, tapos magpakasal na din ako agad.
Sige, susubukan ko maigi.
Wag mong subukan maigi.
Kinabahan ako nung sinabi mo na susubukan mong maigi.
Ang pasensya at determinasyon ni Oh Ha Ni.....
Kapag may pagsubok ng maigi pa ni Oh Ha Ni...
Lahat na ay patay...
Sige na nga.
Congrats.
Salamat.
Kita tayo mamaya.
Dumating ka?
Oo, mukhang masaya ka. Nakangiti ka ng malawak.
Ang bibig mo ay parang mapupunit na sa sobrang lawak.
Presentable ka atah ngaun.
Oo naman.
Mag-ingat ka, baka pag nakita ako ni Ha Ni magbago ang kanyang isip.
Pwede akong tumakas kasama niya.
Mga binibini at ginoo.
Maya-maya, magsisimula na ang kasalan ni Baek Seung Jo at Oh Ha Ni.
Ano ang gagawin ko, Eun Jo?
Magsisimula na.
Kinakabahan ka ba?
Wag ka ng magkamali ulit,
baka mahulog mo pa ang singsing at matapakan mo ang iyong damit, tapos madulas ka pa.
Hoy!
Wag mong sabihin ang mga ganyang bagay.
Gusto mo
bigyan kita ng regalo sa iyong kasal?
Regalo?
Sige. Ano iyon?
Halika, ilapit mo ang iyong tainga.
Ano?!!
Ahh, nakikita niyo naman na walang taga-kasal,
kaya sila na lamang dalawa ang magkakasal sa kanilang sarili sa pamamagitan ng panunumpa.
Simulan na.
Ako, Baek Seung Jo,
ay rerespetuhin at mamahalin ang aking asawa na, si Oh Ha NI, sa kahit anong bagay,
rerespetuhin ang matatanda,
magiging maayos na asawa sa kanya,
Ako ay nangangako.
Ako, Oh Ha Ni,
kay Baek Seung JO na aking asawa,
na mamahalin at rerespetuhin kailanman sa kahit na anong bagay.
Nangangako ako na rerespetuhin ko ang matatanda, at magiging maayos na asawa sa kanya.
Ang tatay ng bride ay napakatagal ko ng malapit na kaibigan.
Simula noong 3rd year haiskul parang doon na ako nakatira sa bahay nila.
Marami na siyang nagawa para sa akin.
Katulad ng dati, ngayon ganito din nang nagkita ulit kami.
Wala na akong nakilala pa na napakabait na tao na kagaya niya.
Ang taong ito ay naging balae ko na.
Aking kaibigan,
salamat na pumayag ka na ipapakasal sa aking anak ang napakabait mong anak na si Oh Ha Ni.
Pagkatapos kung isipin kung anong dapat kong sabihin,
Naalala ko yung maikling panahon ng aking buhay may asawa.
Sa araw ng kasal namin, umulan ng yelo ng husto.
At noong Noche Buena,habang kami`y kumakain ng mga natirang pansit,
binati namin ng "Maligayang Pasko"
ang isat-isa.
Pagkatapos ng 100 araw, dumating si Ha Ni at ang asawa ko nama`y nawala.
Karga ko si Ha Ni habang ako`y umiiyak.
Naalala ko yon lahat.
Mukha naman itong hindi malaking bagay,pero napakasaya ko.
Siguro dahil sa marami na kaming pagsubok na pinagdaanan.
Katulad ng biyenan ko na kung tawagin sya`y suso ni Noah.
Alam nya kung anong daan ang tatahakin nya,at sya ay isang bata na laging nakangiti sa daang tinahak nya.
Ako`y laging malungkot at naaawa sa kanya dahil sa kanyang pag-iisa.
Mula ngayon, dahil sa kanyang kabiyak na mapag-alaga at cool na makakasama nya,
ang aking puso ay matiwasay at wala ng pangamba.
Salamat, Seung Jo.
Magsama kayo ni Ha Ni hanggang sa wakas.
Oras na para sa palitan ng singsing.
Groom and Bride,pakiusap magpalitan na kayo ng singsing.
Anong gagawin ko?
Eto na!
Salamat.
Engot.
Huwag mo kong asarin,Baek Seung Jo,
kung ang katotohanan pala ay gusto mo na rin ako,
mula pa noong matagal na panahon.
Ano?
Anong ibig mong sabihin?
Yung pangalawang halik.Hindi yun nung umuulan, kundi doon sa Pension hindi ba?
Nung natutulog ako,parang bata.
Pagkatapos mong gawin yun,parang walang anuman.
Ano ito?
Sa inyong lahat,yung bride natin ay kakaiba!
Tignan mo ngayon ikaw.
Lahat kayo bigyan natin ng masigabong palakpakan ang bagong kasal!
Wow! Talagang cool!
Pwede ba tayong lumabas,para tignan ang karagatan at tapos alis na tayo?
Tignan na natin at saka tayo umalis,ha?Tignan muna natin ang dagat at saka tayo umalis!
Napakaganda talaga!
Tignan mo ang kulay ng karagatan.
Maganda naman talaga,diba?
Pakiramdam ko nagpunta ako sa South Pacific.
Paanong ganyan kaasul ang kulay ng dagat?
Ano?
Galit ka pa rin ba?
Kung tapos ka ng magmasid,umalis na tayo.
Ang paglaki ng ating dalawang lovebirds,ang bride at ang groom,
ay naipaghanda sa pamamagitan ng video.
Pakiusap ipagpatuloy nyo lang ang inyong pagkain,at tangkilikin natin itong lahat.
Mula sa kanyang pagkabata,ang kanyang kagandahan ay talagang kakaiba sa lahat
Etong batong ito,ay lumaking isang lalaki yun nandun sa bandang yun.
Si hyung ba yon?!
Tama.
Si hyung yan.
Magaan na ang aking pakiramdam.Mula ngayon,hindi ko na kaya pang magtago ng sikreto.
Seung Jo,mamuhay ka rin ng magaan mula ngayon.
Malaya!
Ang biyenan kong babae,talaga.Sumobra na.
Kahit alam nya naman ang magiging reaksyon mo.
Hoy! Saan ka pupunta?!
Hoy! Huminto ka! Hoy Baek Seung Jo!!
Gaano katagal mo ba akong susundan?
Ah,tungkol dyan...
Hae Ra!
Hindo ka ba nagugutom?
Napansin ko kanina na hindi ka masyadong nakakain.
Gusto mo *** ibili kita ng makakain?
Inhahandog sa inyo ng PKer team @ www.viki.com
Kaiba ito sa hotel na naisip ko. Pero talagang maganda.
Dun tayo.
Oh,paanong nakakaasar!
Anong klaseng lalaki ba ang walang kalakas-lakas?
Paumanhin.
Oh,ano ba ito? Dito rin kayo mag stay?
Hindi nyo ba natatandaan?
Magkatabi tayo sa upuan sa eroplano.
Ah,oo.
Ay,mag check-in.Check in!
Oh okay.
Hindi man lang makita kung saan ang gate ng hotel.Tuloy nagdaan kami sa likod.
Ah,Ako`y talagang maloloka.
Hindi ko napansin kanina habang tayo`y magkatabi sa upuan, pero talagang pogi ka...
Pwede kang maging artista!
Ah,mauuna na kami sa`yo.
Tara na.
Oh,excuse me!
Mahilig ka ba talaga sa hot dogs.
Hindi ka ba mahilig sa hot dogs?
Gusto mo *** kumain tayo ng iba?
Hindi,ok na ito.
Kain na.
Gusto mo *** kwentuhan kita ng isang nakakatawa?
Muta sa mata.
Ano?
Ano ito?
Ano ito?kumpetisyon sa pagkain ng hotdog
Pag nakakain ka ng 30 sa loob ng 10 minuto,makakasali ka sa kompetisyon sa New York.
Pwede silang pumunta ng New York.
Mula sa edad na 20 at 40.
Pwede ako dito,21 na ako.Tama,tama?
Hoy ito...
Hae Ra,Hae Ra!
Kung 30 hot dogs sa 10 minuto,ibig sabihin 1hot dog sa loob ng 20 sekundo.
Pwede kaya yun? Sa tingin ko pwede.
Gagawin mo talaga ito?
Kailangan kong gawin ang mga bagay na ganyan.
Makakain na ako ng maraming hot dogs,Makakapunta pa sa New York,at pag nanalo pa,ang premyo ay tiyak na malaki.
Pag nanalo ako at makuha yung premyo,Ibibili kita ng masasarap na pagkain.
Mag-ensayo tayo.
Kakainin ko ito.
Magbilang ka mula 1 hanggang sa 20 okay.
1...2...
Tumawa ka.
Hindi ka ba nagkasakit nung araw na yun?
Nag-ensayo ka talaga ng tennis sa napakahabang oras.
Hindi ako magkakasakit ng dahil lang sa ganung bagay.
Anong ibig mong sabihin sa ganung bagay lang?Nag-ensayo ka sa loob ng apat na oras.
Nandoon ka sa loob ng apat na oras,sunbae?
Kain na tayo...hotdog.
Inihandog sa inyo ng PKer team @ www.viki.com
Ang ganda naman dito.
At ang dagat ay nasa harapan lang natin.
Sobrang ganda talaga!
Ui...
Susubukan ko talagang maigi.
Alam ko hindi ako magaling sa lahat ng bagay,
pero susubukan ko!
Magiging mahusay akong asawa.
Oh, ano ang gagawin ko?!!
Ang paligid ay sobrang ganda.
Oh!!!
Ahh, diyan pala ang kwarto ninyo.
Ang kwarto namin ay doon ohh.
Talaga nga namang tadhana!
Ano itong "Candle Light Event" (pagdiriwang)?
Ito ang pinakapopyular na programa para sa mga bagong kasal para sa kanilang honeymoon.
Masisiyahan talaga kayo kahit ang handaan(pagkain) lamang mismo.
Ang mga fidbak(mga reaksyon/komento na dumalo sa event) ay magaganda talaga.
Inihaw na baboy, igat(eel), at minarinade na ulang(lobster).
Caesar salad, meroon ding live na tugtugan at, ,pikturan(photo booth).
Subukan kaya natin ito?
Ngayong araw, meroon ding libreng wine.
Talaga?
Isang candle light na hapunan at libreng wine din?!!
Ang saya naman nun.
Ano sa tingin mo?
Sige, kukunin namin ito para sa aming hapunan ngayong gabi.
Sige, naintindihan ko.
Tatawagan namin kayo sa inyong kwarto kapag handa na ang lahat.
Ang kailangan niyo lang gawin ay pumunta sa restauran na katabi ng lawa.
Okay.
Meroon din palang isang mag-asawa na nagrequest nito. Siguro mas magiging komportable kayo dahil kaunti lang kayo.
Meroon pang isang mag-asawa?
Anu ba iyan!
Narinig ko meroong pagtitipon na gagawin ang hotel para sa mga bagong kasal.
Akala ko magiging walang kwenta lang ito.
Hindi ba sobrang romantiko?!!
Talagang kapalaran nating magkita, sa tingin mo?
Dapat sabay na lamang tayo pumunta dito galing sa paliparan(airport).
Nahirapan talaga kaming hanapin itong lugar.
Hindi kasi ako magaling sa mga lugar.
Ayun lang ba lahat?!!
Pero mukha pa kayong mga bata.
Oo, 21 pa lang kami.
Oh, makasing-edad pala tayo!
Kapalaran talaga!
Pero ang aga mo namang nagpakasal.
Oo kasi...
Biglaang kasal?
Kami 11 na taon ang aming pagitan, hindi ba halata?
-Ito, inom pa ho kayo. - Oo.
Kahit pagsalin ng wine(alak) ang galing mo din.
Tutal magkasing-edad lang tayo, mag-usap nalang tayo ng impormal?
Sige, naisin mo ang gusto mo.
Iinom ka din ba?!
Wala ako masyadong alam sa pag-inom ng alak.
Ah, dahan!Dahan!
Sa tingin ko, para akong masusuka.
Bakit ka kasi uminom ng madami?
Ayos ka lang ba?
Oo.
Ito na ang pork chopped noodles mo.
Ahh!
Pakikuha naman ako ng tinidor!
Tinidor?
Tingin mo spaghetti yan?
Meroong paraan para kainin ang iba't ibang pagkain. Ang noodles na ganito,
ginagamitan ng chopsticks at hinihigop ng hinihigop.
Kailangan ganun ang pagkain mo para malasahan mo maigi!
Ito.
Pero hindi ako marunong gumamit ng chopsticks.
Hindi ba sabi mo Koreana ang nanay mo?
Hindi mo man lang natutunan gumamit ng chopsticks?
Tignan mo!
Chopsticks...
Kailangan mo munang malaman ang mga simpleng paraan, ok?
Alam mo ba ang simpleng mga paraan?
Ano?
Ilagay mo ang chopstick ng ganito at dito mo lang lagyan ng presyur at doon.
At yung isang daliri dito mo ilagay.
At galawin mo lang ng ganito.
Saan ka ba tumitingin habang ako ay nagpapaliwanag sa'yo?
Ganito, hindi ganyan, dito ohh.
-Dito, dito!-Dito nga ee!
Tama.
Wow., ang ganda naman nitong gusali(building) pagmasdan..
Ginawa nila ito katulad ng Great Mosque of Djenné.
Djenné ano yun?
Iyon ay Islamic moske(mosque) sa western Africa.
Iyon ang pinakamalaking adobeng(gawa sa unburned brick of clay o straw) gusali(building) sa buong mundo.
Oh adobe(gawa sa unburned brick of clay o straw).
Wow!!
Paano naman sila nakagawa ng ganitong kalaki na gawa sa unburned brick of clay o straw?
Isang beses sa isang taon pinipintahan nila ito ng adobe.
Nakikita mo iyan?
Oo.
Tinatapakan nila yan para makaakyat sila---
Ahh.., naiintindihan ko na.
Paano mo nalalaman ang lahat ng ito, Seung Jo?
Dahil ba isa kang estudyante sa medisina? Mas masaya kung magkasama tayong mamasyal.
Susundan kita na parang baliw.
Ah! Ayos ka lang ba?
Alam mo ba na dalawang bote ng alak ang naubos mo kagabi?
Ahh!! Talaga?
Nakakawili iyon no?
Tignan mo ito. Ang ganda.
Tama ba?
Patawad!
Doon, doon ohh!
Bilisan mo!
Ang saya naman dito!
Doon! Pumunta kaya tayo doon ohh?
Tignan mo!
Oo!
Kung ikaw ang asawa, dapat bantayan mo ang iyong asawa!
Dahil sa asawa mo kaya ganito ang nangyayari sa akin!
Patawad, Binibinig Ha Ni!
Sa totooo lang, nag-aalala din ako.
Baka si Seung Jo ay may gusto din sa asawa ko.
Ano?
Si Seung Jo?
Si Seung Jo ay hindi nagkakagusto sa ganyang babae. Lalo na pagpinupwersa siya katulad niyang asawa mo.
Babaeng ganyan?!
Pinupwersa ang sarili?! Ang Hyun Ah ko ay mapalakaibigan at sobrang sweet.
Siya ay madalas na inaakusahan ng mali, pero isa talaga siyang tunay na mabait na babae.
Masyado siyang perpekto para sa akin!
Omo!
Yung dalawa ay bagay na bagay pala.
Pagkatapos natin dito gusto mong pumunta sa ibang museyo?
Sabi nila maganda din daw doon.
Halika puntahan natin!
Halika na!
-Oh, Patawad!Ano ba ito?
Wow! Ang kyut naman nito!
Bilhan kaya natin si Eun Jo?
Tingin ko hindi natin siya kailangan bilhan. Ibaba mo na iyan.
Nakita mo *** nakatingin ako sa'yo?!!
Ahh, talaga!!
Andito na ko!
O di dapat nagsuot ka ng mas maganda! Ano ba naman itong suot mo?!!
Andami nating napuntahan lugar ngayong araw na ito.
Hindi ko na alam kung ilang museyo ang napuntahan natin.
Hindi ka ba napagod?
Nagmaneho ka pa din.
Gusto mo ikaw na ang mauna na maligo?
Ohh!
Ako nalang?
Anong gagawin ko!
Dumating na ang oras na ito.
Anong gagawin ko?
Sino iyan??
Ako ito. Buksan mo na ang pinto, pakiusap.
Ano ba iyon?
Uminom tayo ng champagne. Masarap ito.
Inihahandog sa inyo ng Pker team @ www.viki.com
Hello!
Nahuli na kayo ng kaunti. Gusto niyo po ba ng wine?
Okay lang po.
Magandang araw po.
Ito na ang huling araw natin.
Ano ba naman ito?
Hindi pa tayo nakakuha ng kahit isang larawan lang.
Wag mo na yang intindinhin.
Ha?
Bakit?
Hindi pa tayo nagkasama,ng tayong dalawa lang.
Kaya, mamasyal tayo ng tayo lang dalawa sa araw na ito,okay?
Sige!
Totoo?
Ang ganda ko!
Kaya ako pinakasalan niya!
Seung Jo-ssi! Seung Jo-ssi!
Sino na naman yan?
Iwan ko.
Seung Jo-ssi. Tulungan mo naman ako.
Ang sakit. Ang sakit.
Saan ang masakit?
Iwan ko. Masakit lahat.
Hyun Ah...
Tiisin mo muna.
Dito?
Hindi. Sa tingin ko hindi diyan.
Dito?
Dito?
Hindi, wag mo siyang hawakan.
Tigilan mo yan.
Dito banda?
Dito, Ito ang masakit.
Tigilan mo yan!
Wag mong hawakan ng ganyan ang babaeng yan!
Oh Ha Ni. Ano ang ginagawa mo?
Hindi ko yan gusto.
kapag hawakan mo ang katawan ng isang babae.
Hindi yan gusto.
Oh Ha Ni. Ang asawa mo ay magiging Doktor balang araw.
Bakit ka nagseselos sa taong may sakit?
Dahil sa hinawakan ko siya?!
Hindi ka ba nahihiya?
Kung ayaw mo ng ganito,hindi tayo pwede magsama.
Naintindihan mo?
Ha Ni-ssi!
Dali at sundan mo.
Hay nako!
Ha Ni-ssi!
Sa wakas, tayong dalawa nalang.
Seung Jo-ssi, hindi mo gusto si Ha Ni 'di ba?
Ayaw mo din siyang hawakan, di ba?
Napakamalas naman. Sana nakilala mo ako bago kay Ha Ni.
Kung yan ang nangyari,
Kung yan ang nangyari, Ano?
Marahil hIndi kita papansinin.
Ano?
Wala lang akong magawa kasi magkasama tayo dito.
Wag kang maglakas loob na ikumpara ang isang katulad mo kay Ha Ni.
Hindi ko siya naabutan.
Akala ko gusto mong magkasama tayo na tayo lang dalawa? Bakit umalis kang mag isa..
Galit ka pa rin ba?
Kung ikaw kaya sa kalagayan ko.
Di ka ba magagalit.
Pero mas maganda ka kung nakangiti.
Kapag nakangiti ka naging magaan na ang pakiramdam ko.
Nakikiliti ako!
Tumigil ka nga!
Wag!
Wag nga!
patawad!
Patawarin mo ako.
na ganun ang naging reaksyon ko parang tanga.
Nagseselos sa mga walang kwentang bagay.
Ungas.
Ikaw ay cute.
paminsan-minsan.
May mga araw din na maganda ka.
paminsan-minsan.
Pero...
Bakit ba gusto kita?
Hindi ka naman masyadong maganda, cute lang.
Bakit palagi kitang na mimiss?
Ikaw...
Ano ang ginawa mo sa akin?
Hey..
Sandali lang...
Mayroon pa akong ihahanda..
Ihahanda na ano?
ah..
yong ihahanda ng babae na....
Wag na yon.
Hindi na ako makapaghintay.
Magandang umaga!
Bakit?Sana natutulog ka pa.
Pagod ka pa.
Patawad po.
Anong nangyari? 5am palang nag alarm ang orasan.
Excited pa naman ako kung ano ang tutuluin mo sa agahan.
Kuya pwede mo pang pag isipan.
Ha Ni-ah umupo ka na.
Gusto mong maghugas muna bago kumain?
Opo!
Patawad po.
Okay lang!
Pupunta ka sa library, diba? Bibilisan ko at sabay na tayo.
Mag aaral ka para makapasok sa nursing program?
Opo.
Ang Anak ko ay magiging Doktor at ang manugang na babae ay magiging nars naman. Ang galing!
Hindi pa ako makakuha ng certification kung hindi ako makapasok sa program.
Kapag hindi, hindi ako makapag take.
Ganun ba?!
Dahil sa kumuha siya nyan ibig sabihin na makapasa siya.
Mas mabuti pa hindi siya makapasa.
Baek Eun Joo manahimik ka!
Hipag mo na siya ngayon.
Oh tama! Kailangan niyo ng i register ang Kasal nyo!
Ganun
Anong klaseng sagot yan?
Alam ko busy ka pero mayroon ka ng mga prioridad ngayon!
Han Ni-ah mamaya samahan mo si Seung Jo at...
Pag isipan ko muna yan.
Ano? Anong pag isipan?
Ang isama siya sa ating family register.
Kailangan kung maghintay.
Yan ba ang dapat sabihin sa taong galing sa honeymoon?
Ikaw naman ang pumulit sa amin niyan Ma.
Baek Seung Jo ano ba ang ibig sabihin nito?
Salamat naman wala ang papa ni Ha Ni dito!
Ano naman yan na kailangan mo pang pag isipan?
Well...
Hindi ko alam pero isang bagay na parang hindi tama.
Parang minadali natin lahat.
Dito hindi mo din yan gusto?
Ganun ba...
So ano ang gagawin natin ngayon?
Ahh..pagpalit ng kurso sa nursing.
Papasa ka muna bago natin i register ang kasal natin.
Anong kaugnayan niya sa marriage registration?!
Hindi yan maari!
Bakit? Hindi ka na confident?
Madalling mong napag isipan na mag nunursing ito na?
Hindi naman sa ganyan. Baka hindi ako makapasa!
Sigurado ako na mangyari yon, balang araw.
Ano?
Hindi mo ako isali sa inyong pamilya kung hindi ako makapasa?!
Pwede naman gawin agad!
Family register.
Gusto kita Mr. ***!
Ano?!
Nagustuhan ko siya sa unang tingin ko pa lang!
Pro sabi niya may gusto daw siyang iba.
Totoo ba yan?
Gusto mo yan. Isang matandang babae na i iskandalo.
Nag seselos ka ba? Nag seselos ka, tama?!
Sabi ng hindi! Nagseselos!
Mula pa ng araw na yon hindi ko na nakita si Chris dito.
Anong nangyari sayo *** Joon Gu? Bakit ka Andito?!
Nababaliw na ba ako?
Mag apply ako para para palitan ang kurso ko!
Kapag makapasa ako mag date tayo sa christmas.
Hey ano ang ginagawa mo?
Halika dito. Kuya!
O! O, Eun Jo-ah!
Hay mababaliw ako kasi makipag date ako ni Og Ha Ni!
Late na ako!