Tip:
Highlight text to annotate it
X
Hello, ako si Hagar.
Isa akong psychodrama therapist, at ito ang aking clinic.
Si Hagar ay isang emotion therapist para sa mga bata at tinedyer.
Ginagamit niya ang psychodrama method na may kasanib na sining.
Natatangi ang psychodrama method dahil sangkot dito ang pag-arte.
Ang mga bagay ay di lamang tinatalakay ng bata, isinasabuhay pa.
May mga papel, pagganap ng mga tauhan.
"Ako ay isang napakasayang bata".
Kung iyon ay totoo, humakbang pasulong.
Kung iyon ay hindi totoo, humakbang paatras.
Okey.
Ang negosyo ay binubuo ni Hagar at ng aking sarili.
Nagtatrabaho ako bilang therapist. At lahat ng ibang gawain...
Trabaho ko ang pangangasiwa at marketing.
Nagsimula ang aming negosyo sa iisang pasyente
at nag-isip kami ng mga paraan upang palawakin ito.
Nalaman ng tao ang tungkol sa amin sa kwento, pero mabagal iyon.
Pagkatapos iminungkahi niya na magtayo kami ng internet site.
Tutol na tutol ako doon.
Hindi ko maunawaan na may taong maghahanap ng emotional therapy
sa internet.
Isang taon bago ko sya nakumbinse kung gaano ito kahalaga
at pagkatapos ay lumipas pa ang 6 buwan bago maitayo ang site.
At hindi pa rin ito nagpasok ng mga customer.
Napakaganda ng site...
Ngunit walang sumilip dito, maliban sa amin.
Sinubukan kong pag-aralan kung paano mag-market ng internet site,
paano mag-advertise sa internet at nalaman ko ang Google AdWords.
Makailang araw matapos naming i-post ang aming unang ad campaign
ay sinimulan kaming tawagan ng mga tao.
Noong una ay nagulat ako sa bilis ng mga pangyayari.
Magpapasok si Ariel ng search word, kinabukasa'y may pangkat na.
Para *** salamangka.
Ako ang namamahala ng mga ad campaign.
Lalapit si Hagar at magsasabing:
"Kailangan ko ng pangkat na ganito ang edad."
Magbubukas daw siya ng pangkat ng mga pasyente na ganoon ang edad
at pamamahalan ko ang ad campaign alinsunod doon.
Sasabihin ni Hagar ang kailangan niya sa sarili niyang mga salita
at isasalin ko ito sa Google AdWords.
Ang susi sa mahusay na negosyo dapat, mahal mo ang ginagawa mo
at dapat, ikaw ay propesyonal at may kumpyansa.
Kailangan mong i-market sa iba ang iyong alok na galing.
Ang ikinagugulat ko ay kadalasan ay may taong maghahanap ng
napaka-eksaktong mga salita at makakarating siya sa aming site,
at ang tanging binayaran namin para dito ay 9 cents.
Ang taong naghanap ay hindi nagsulat ng "Hagar",
may ibang salita siyang isinulat at ako pa din ang lumabas.
Parang salamangka.