Tip:
Highlight text to annotate it
X
"Kahit gaanong kahirap ang buhay, ikaw ang sarili mong arkitektura.
Kapag ikaw ay sumuko, walang tutulong sa iyo.
Ngunit kung gusto mong ipagpatuloy na buuin ang iyong kinabukasan,
walang maaaring pumigil sa iyo."
Pangarap Pag-asa Hangad
Ang mga bagay na ito ay madali para sa marami sa atin.
Suportado tayo ng ating mga pamilya.
Ang mga ulila ay walang ganoong suporta.
Ang kanilang mga pangarap ay malayo sa kanilang kapit.
Ayaw nilang umasa pa.
Ngunit sila ay humahangad na gumawa ng mga kahanga-hangang bagay.
Si Kim Jaejoong, ang taong kilala sa buong mundo, ay hindi naiiba.
Sa murang edad, nagdesisyon sya na gagawin nya ang lahat para ang kanyang mga pangarap ay maging realidad.
Iniwan nya ang kanyang tahanan at ang kanyang pamilya,
kumuha ng mga hindi pangkaraniwang mga trabaho, pati nagbigay ng dugo para lang mayroon syang bubong sa kanyang ulo.
Sama-sama nating tulungan ang mga ulila na maging mas malapit sa kanilang mga pangarap at ilayo sa mga paghihirap na naranasan ni Jaejoong.
Tulungan nating liwanagin ang kanilang mga hinaharap. Mag-donate na!
"Alam natin na ang ating gagawin ay wala kumpara sa isang patak sa karagatan. Ngunit kung ang patak na iyon ay wala doon, ang karagatan ay kulang ng isang bagay."
isinalin ng x_kuroii_x ng Shades of Jae'd �