Tip:
Highlight text to annotate it
X
Maraming bagay sa buhay na nangangailangan ng karagdagang proteksyon.
Dapat ay isa sa mga ito ang iyong Google Account. Ito ang dahilan kung bakit nagbibigay sa iyo ang Google ng
maraming iba't ibang paraan upang makapaglagay ka ng
karagdagang seguridad sa iyong account.
Palitan ang iyong password. Ang iyong password ang iyong unang linya ng depensa.
Dapat mong bisitahin ang pahina ng seguridad upang regular na palitan ang iyong password.
Syempre, huwag kailanman ibahagi ang iyong password sa kahit sino.
Dagdagan o i-update ang iyong mga opsyon sa pagbawi
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga opsyon sa pagbawi na makabalik sa iyong account kung ang iyong password ay
nakalimutan o nanakaw.
Ilang minuto lang ang itatagal ng pagse-set up sa Mga Opsyon sa Pagbawi.
Ilagay lang ang numero ng iyong mobile phone at isang backup na
email address. Dagdagan o i-update ang iyong mga setting ng notification
Mahalaga ang oras kung nanakaw man ang iyong password
Babantayan ng Google ang di-karaniwang aktibidad sa iyong account
tulad ng di-inaasahang pag-sign-in mula sa ibang bansa. Kung may mapapansin kaming kakaiba
papadalhan ka namin ng email upang ipaalam sa iyo.
Maaari mo ring piliin na tanggapin ang mga notification na ito bilang mga text message sa iyong
telepono.
I-set up ang 2-Step na Pag-verify
Ang 2-Step na Pag-verify ay isa pang layer ng seguridad para sa iyong Google
Account.
Kapag ginamit mo ang 2-Step na Pag-verify, magpapadala ng maikling code sa iyong mobile phone
sa bawat pagkakataon na gusto mong mag-sign in. Gamit ang 2-Step na Pag-verify sa iyong account,
kahit na alam ng ibang tao ang iyong username at password, hindi sila makakapag-sign in kung wala ang
karagdagang code.
Suriin ang iyong nakakonektang apps at mga site
Maaari mong ikonekta ang iyong Google Account sa maraming
web site at device. Halimbawa, ang isang app na makakatulong sa iyong mag-iskedyul ng mga pagwo-workout
kasama ang mga kaibigan ay maaaring humiling ng
access sa iyong Google Contacts at Google Calendar.
Ipinapakita sa iyo ng seksyong ito kung aling mga site at app ang pinayagan mo upang i-access ang impormasyon
mula sa iyong Google Account.
Maaari mong bawiin ang access na iyon anumang oras, na maaaring magandang ideya para sa
mga site at app na hindi mo na ginagamit.
Subaybayan ang kamakailang aktibidad ng account
May mukha *** medyo kakaiba?
Mag-click sa Kamakailang Aktibidad upang makita ang mga detalye tungkol sa kung paano,
kailan, at saan ginamit sa pag-sign in ang iyong account.
Kung may aktibidad na hindi mo nakikila, palitan ang iyong password
kaagad. Bisitahin ang
pahina ng seguridad ng Google upang matuto nang higit pa tungkol sa paano mo mapapanatiling ligtas ang iyong account