Tip:
Highlight text to annotate it
X
PETER LINSLEY: Kamusta.
Ako si Peter, product manager sa Google Images.
Ngayon sasabihin ko kung paano mo idaragdag ang larawan mo sa
Google Images.
Ang Google Images ay di ang pinagmulan ng mga larawan sa
mga resulta ng paghahanap nito.
Sa halip, kino-crawl nito ang web para sa larawang isasama sa
pahina ng mga resulta ng paghahanap.
Ibig sabihin nito, di ka makakapag-upload ng
larawan nang direkta sa Google.
Ngunit maaari mo din itong i-upload
sa iba pang lugar sa web.
Kung may website ka, maa-upload mo ito doon.
Kundi, maa-upload mo ito sa isang libreng serbisyo ng Google,
gaya ng Google Blogger o Picasa.
Matapos i-upload ang larawan, tiyaking isama ang
mapaglarawang teksto malapit dito.
Tumutulong ito sa Google na maunawaan kung ano ipinapakita ng larawan at
sa kung anong paghahanap ito pinaka-may-katuturan.
Tiyakin din na ang web page na naglalaman ng larawan mo ay
naa-access ng publiko.
Halimbawa, sa Picasa tingnan ang setting ng privacy upang
tiyaking nakabahagi ang nilalaman sa publiko.
Panghuli, maging mapagpasensya.
Lumilitaw lang ang larawan sa Google kapag na-index ang mga ito,
na maaaring magtagal.
Ngunit sa pagsunod sa mga tip, malamang makita mo ang
mga larawan mo sa resulta ng paghahanap sa Google Image.
Para matuto pa, pakibisita ang aming Help Center.