Tip:
Highlight text to annotate it
X
ANNOUNCER: May kasaysayan ng mga therapy na gumagamit ng mga magnetic force para mawala ang sakit.
At habang ang binabale-wala ito ng mga kritiko, Maraming tao ang naniniwala dito.
Ngunit ngayon may mga bagong magnetic treatment na ginagamit upang alisin ang taba, kinisin ang wrinkles
at alisin ang cellulite. Tunay ba ito? Nandito si Sally Obermeder.
[musika]
DR. JOSEPH AJAKA: Maaari kang makawala ng sentimetro sa iyong tiyan, baywang, balakang at hita.
KATHY: Ako ay lubhang nagulat sa kung gaano kadali ito.
SALLY OBERMEDER: Ito ang bagong pambihirang breakthrough treatment na bumabago sa katawan.
Mas makinis, payat at mas bata. Walang karayom, walang kutsilyo at walang sakit.
DR. AJAKA: Ito ay perpekto para sa sinuman na hindi gustong mag-Botox o liposuction o isang facelift,
na nais lamang ang isang non-invasive na paggamot upang makatulong sa proseso ng pagbata.
SALLY: Eksakto kung ano nag hinahanap nina Vanessa, Narelle at Kathy.
VANESSA: Pagkatapos ng pagkakaroon ng dalawang anak nakita ko na ang cellulite sa aking mga hita ay hindi na naalis,
at gusto kong makita ang isang mahusay na pagpapabuti sa lugar na iyon.
SALLY: Ang 34-taon gulang na si Vanessa ay wala nang inalala kung hindi ang makamit ang makinis na hita,
50-taon gulang na si Narelle ay gusto ng tulong sa lawlaw na leeg, ang kinakatakutang bat wings at crows feet.
NARELLE: Hindi ko talaga nais na magpa-Botox
dahil sa tingin ko ang Botox ay nagbibigay sa iyo ng matsura na uri ng hitsura.
Hindi ko nais magmukhang isang 21-taon gulang dahil tiyak na hindi ko edad iyon.
Gusto kong magmukha sa aking edad, ngunit kaunting mas fresh at medyo malambot sa mukha.
SALLY: Si Kathy, na 32, ay sinusubukang makuha ang kanyang tiyan bago nanganak.
KATHY: aking balat ay medyo lawlaw. Mayroon akong malaking umbok doon.
Ang saggy na balat ay hindi komportable at nag-aalala ako sa sarili kong katayuan.
SALLY: Ang iba't-ibang mga problema, na karaniwang Kumakailangan ng iba’t-ibang treatment. Ngunit hindi na ngayon.
Magnetic pulse treatment ang pinakabagong unlad sa pagkamit ng magandang katawan.
Joseph Ajaka mula sa Cosmos Clinic.
DR. AJAKA: Ang magnetic pulse treatment ay nagpapainit sa balat sa 45 degrees nang hindi nasusunog ito,
gamit ang unipormeng radyo frequency at magnetic field.
Ang magnetic field din ay nagpapabuti sa daloy ng dugo sa lugar, pagtaas ng oxygen at nutrients.
Lahat ng init na ito ay tumutulong na matunaw ang taba, higpitan ang balat, bawasan ang cellulite at bawasan ang wrinkles,
SALLY: Kaya paano ito gumagana?
DR. AJAKA: Ito ay naglalabas ng magnetic field.
Ang magnetic field ay lumilikha ng init, na pumipilit sa pagbuo ng mga bagong collagen.
At ang mga resulta nito ay mas mahigpit na balat, mas kaunting linya at cellulite na rin.
SALLY: Kaya sinasabi mo na ang init ang naging sanhi para mawala ang wrinkles?
DR. AJAKA: Sa pamamagitan ng pagbuo ng bagong collagen.
SALLY: Kaya ito ay hindi masusunog?
DR. AJAKA: Hindi, hindi ito masusunog. Ito ay isang napaka-ligtas na aparato.
Sinusukat ko lang ang temperatura dito, at nasa 42 degrees na kami.
Naabot ko ang temperatura nang mabilis, sa loob lang ng 1-2 minuto.
NARELLE: Ito ay medyo kumportable.
SALLY: Sa tingin ni Vanessa ito ay tulad ng isang mainit, nakakarelaks na masahe.
VANESSA: Hindi ako makapaniwala kung gaano kadali ito.
Ito ay nakakarelaks at kailangan ko lang umupo dito, at mawawala na ang aking cellulite.
SALLY: Lingguhang treatment para sa 6-8 na linggo ay kinakailangan,
at mga session na nagtatagal ng 15 minuto para sa mukha at 30 minuto para sa katawan.
Ang isang buong programa ng paggamot ay nagsisimula sa $1100, at ito ay hindi para sa lahat.
DR. AJAKA: Ito ay perpekto para sa sinuman na nagnanais Ng banayad na pagbabago, pagpapabuti sa kanilang mga wrinkles,
pagpapabuti sa kanilang cellulite, o ng ilang sentimetro sa kanilang mga baywang.
Ngunit kung ikaw ay naghahanap para sa biglaang pagbabago, surgery ang sagot.
SALLY: Ngunit walang kutsilyo para sa Narelle,
na nanginginig sa mga resulta ng kanyang anim na linggo ng treatment.
Nakawala siya ng 2 cm sa bawat braso, nagbawas ng lawlaw na balat sa kanyang leeg
at nabawasan ang mga malalim na linya sa paligid ng kanyang mga mata.
NARELLE: Ang reaksyon mula sa aking mga kaibigan at pamilya ay sila ay namangha.
Tinanong nila kung anong produkto ang gamit ko at kung saan nila makukuha ito.
Sinabi nila na mas fresh ako at mas batang tingnan,
at iyon naman talaga ang gusto kong mangyari.
ANNOUNCER: Ang tiyan ni Kathy ay maliit na, at 4 cm ang nabawas mula dito.
KATHY: Ako ay namangha kung gaano kadali ito.
Ito ay tulad ng pagpunta sa isang masahe sa darating na walong treatment
at pagkakaroon ng tiyan tulad ng bago ako manganak.
Mas naging malaki ang tiwala ko sa aking sarili kumpara sa kung ano ang nararamdaman ko dati.
Pakiramdam ko mas naging babae ako.
SALLY: Ito ay kahanga-hanga, ngunit tingnan kung ano ang ginawa nito para sa cellulite ni Vanessa.
Pagkatapos ng pag-iisip na ito ay panghabang-buhay, siya ngayon ay lump at bump-free, tamang-tama para sa tag-init.
VANESSA: Pakiramdam ko ito’y isang hot stone massage, at inaabangan ko ang susunod pang mga treatment.
Ako ay namangha sa resulta. Hindi ako makapaniwala na ito ay gumana.
Napansin din ng aking asawa
at kadalasan hindi ito napapansin ng mga kalalakihan.
Kaya ako ay talagang masaya.
SALLY: Marahil hindi tatlong modernong himala,
ngunit ang mga kababaihang ito ay masayang-masaya tungkol sa bagong pagpapala ng kanilang katawan.