Tip:
Highlight text to annotate it
X
Ang Photo Sphere ay isang tampok ng Android camera na kumukuha ng 360 degree
na tulad ng Street View na mga panorama.
Upang makapagsimula, ang pinakamahalagang tandaan ay hawakan ang iyong telepono nang malapit sa iyong katawan sa buong proseso
ng pagkuha ng photo sphere na ito. Makakatulong ding hawakan mo nang patayo at
pantay sa mata ang iyong telepono.
Hawakan ang camera na nasa gitna ang asul na tuldok sa loob ng donut. Ngayon dahan-dahang mag-rotate sa
isang bilog, mag-pause habang kinukuha mo ang bawat frame upang maihanay sa asul na tuldok.
Tandaang panatilihing malapit sa iyong katawan ang iyong telepono kahit na nagro-rotate ka!
Upang makuha ang buong 360 effect, kumpletuhin ang apat pang pag-rotate sa pamamagitan ng pag-tilt
sa iyong camera sa iba't ibang mga anggulo. Inirerekomenda namin ang dalawang pag-ikot
na naka-tilt paitaas ang iyong camera,
Ngayong mayroon ka nang photo sphere, madali ang pag-save! Pindutin ang button ng stop, at
awtomatikong magse-save.
Upang hangaan ang iyong bagong likha ng sining, pindutin ang icon ng Photo Sphere at panoorin itong
awtomatikong mag-pan, o mag-scroll dito sa sarili mong bilis!
Upang ibahagi ang iyong photo sphere, isumite ito sa Google Maps! Siguraduhin lamang na isa itong buong
360 degree na view at naka-tag sa isang tiyak na lokasyon.
Ngayon, lumabas, magsaya, at i-enjoy ang iyong mga photosphere!
Matuto nang higit pa sa sa g.co/photosphere