Tip:
Highlight text to annotate it
X
Uy, ito si Destin.
Ito muli ang Smarter Every Day.
Siguro narinig mo na ang kasabihang
para lang yang ng pagsakay sa isang bisikleta
Ibig sabihin ito'y napakadali at hindi mo malilimutan kung paano gawin, di ba?
Pero may sinubukan ako.
May ginawa akong nakasira sa aking kaisipan.
Nangyari ito sa lansangan ng Amsterdam
at sa totoo lang, natakot ako.
Hindi na ako makapag-bisikleta tulad niyo.
Bago ko ipakita sa inyo ang video kung anong nangyari
sasabihin ko muna ang kwento sa likod nito.
Tulad ng karamihan ng mga ibang labing anim na anyos na bata
natuto akong mag-bisikleta nung bata pa ako.
Natutunan ko ang isang bagay na mananatili sakin panghabang-buhay, at maipagmamalaki ko yun.
Nagbago yun lahat nung tinawagan ako ng kaibigan kong si Barney makalipas ang 25 taon.
Mga henyo ang mga welder kung san ako nagtatrabaho, at mahilig sila mang-alaska ng mga enhinyero.
Meron siyang hamon para sakin.
Nagbuo siya ng espesyal na bisikleta at gusto niyang subukan ko itong sakyan.
Isa lamang ang binago niya rito.
Pag inikot mo ang manibela sa kaliwa, ang gulong ay umiikot papuntang kanan.
At pag sa kanan naman ang pihit, pakaliwa naman ang gulong.
Akala ko magiging madali lang ito kaya sumakay ako sa bisikleta
para ipakita kung gaano ko ito kabilis ko magagawa itong hamon.
- At ito na siya mga binibini't ginoo,
si Ginoong Destin Sandlin.
Unang pagtatangkang sakyan ang bisikleta.
- Okey, okey.
Hindi ko magawa!
Makikita mong tumatawa ako, pero sa totoo lang bigo ako.
Sa sandaling ito, nagkaroon ako ng malalim na rebelasyon.
Ang pagiisip ko ay napawalang-bisa.
Ang bisikletang ito ay nagsiwalat ng isang napakalalim na katotohanan sa akin.
Mayroon akong kaalaman kung pano imaniobra ang bisikleta,
ngunit hindi ang pag-unawa.
Samakatuwid, ang kaalaman ay hindi pag-unawa.
Sa tingin ko alam ko ang iniisip niyo.
Siguro hindi lang talaga maibilidad si Destin bilang isang enhinyero
Pero hindi yun ang kaso.
Ang algorithm na kaugnay sa pagsakay sa isang bisikleta
ay ganun lang talaga ka-komplikado para sa utak.
Isipin mo.
Pagtulak pababa ng pedal,
pagsandal ng buong katawan,
pagtulak at paghila ng manibela
gyroscopic precession sa gulong,
bawat isang pwersa ay bahagi nitong algorithm.
At pag binago mo kahit alin dito ay maapektohan niya ang buong sistema.
Hindi ako madalas nagbibigay ng pahayag na patapos
pero sinasabi ko sa inyo,
hindi niyo kayang sakyan ang bisikletang ito.
Akala niyo kaya niyo, pero hindi.
Alam ko to dahil madalas akong naiimbitahang magsalita sa mga unibersidad at mga komperensiya
at dinadala ko tong bisikletang ito kasama ko.
Palaging pareho.
Iniisip ng mga tao na kaya nilang gamitan ito ng isang estilo o kaya't sa pamamagitan ng lakas.
Hindi gumagana.
Hindi kaya ng utak niyo ito.
Halimbawa, itong taong to.
Ibinibigay ko ang dalawang daang dolyar para lang paandarin niya ang bike ng sampung talampakan sa entablado.
Akala ng lahat kaya niya.
Hindi, hindi, hindi. Hindi mo ata naintindihan.
Papunta doon, hindi dito [tawanan ang manonood]
Okey, sige pag handa ka na.
Tandaan, parehong paa sa... [tawanan ang manonood]
[tawanan ang manonood]
Kailangan man lang gumulong ka paharap. Okey, sige.
Paa sa pedal, sige.
[tawanan ang manonood]
Paa sa pedal lang.
Sige, isa pang ulit.
Pag nabuo na ang isang pamamaraan ng pagiisip sa iyong utak
minsan hindi na siya kayang baguhin, kahit gusto mo.
Kaya ito ang ginawa ko.
Para siyang hamon sa sarili.
Nanatili ako dito sa driveway
at nagensayo ng mga limang minuto kada araw.
Pinagtawanan ako ng mga kapitbahay.
Ilang beses akong sumemplang.
Pero makalipas ang walong buwan, ito ang nangyari.
Nung isang araw hindi ako makapag bisikleta. At nung susunod na araw, kaya ko na.
Parang may nagbukas na daanan sa utak ko na nawalan ng harang.
Talagang kakaiba.
Parang may daan sa loob ng utak ko
na kung hindi ko masyadong binibigyan pansin
madaling maligaw ang utak ko sa landas na yon at mapunta sa lumang daan na mas kabisado niya.
Ano mang makakagulo, tulad ng cellphone na nagriring sa bulsa ko
ay kayang ibalik ang utak ko sa lumang algorithm at ako ay sesemblang
Pero at least nasasakyan ko siya.
Ang anak ko ang pinakamalapit sa aking lahi
at tatlong taon na siyang nagbibiskleta ng normal na bisikleta
Lampas kalahati na yun ng kaniyang buhay.
Gusto kong malaman gaano katagal para sa kanya matutong sumakay sa bisikletang baliktad ang manibela
kaya sinabi ko sa kanya na kung matutunan niyang sakyan ang bisikletang baliktad ang manibela
pwede siyang sumama sakin sa Australia at makilala ang isang tunay na astronaut
Susuko ka ba?
- Hindi.
- Sige lang
Ganito siya nagsisimula
Tignan niyo
Big time to!
Tayo, kaya mo na e.
Kita niyo nung naunawaan ng utak niya?
Sa loob ng...gaano katagal na natin to ginagawa? Dalawang linggo?
Sa loob ng dalawang linggo nagawa niya ang bagay na walong buwan kong nagawa
na nagpapakita na ang bata ay may higit na neural plasticity (kakayahan ng utak na magbago)
Tama pa ba ang sinasabi ko?
kaysa sa matanda.
Kita sa eksperimentong ito na ang utak ng mga bata ay mas may kakayahang magbago kaysa sa matanda.
Kaya nga ang pinaka-mainam na panahon para mag aral ng bagong wika ay pag ikaw ay bata pa lamang.
Ok, ang bike log ngayong araw
Kaya ko nang magbisikleta ng swabe at mabilis
Tingin ko tapos na ang eksperimento.
Ngayon nasa Amsterdam ako
isang syudad na mas marami pa ang bisikleta sa tao.
Ang tanong ay kung kaya ko *** maneho ng pangkaraniwang bisikleta?
Ginugol ko ang mahabang panahon para malimutan kung ano ang alam ko sa pagmaneho ng bisikleta
at kung subukan kong muli magmaneho ng pangkaraniwang bisikleta, kakayanin ba ng utak ko?
Kaya nag-Tweet ako ng Smart Every Day meetup
At titignan ko kung may magdadala ng bisikletang normal at susubukan kong sakyan.
Baliktad, baliktad.
Ito na siguro ang pinakanakakabigong sandali ng buhay ko.
Nagbibiskleta na ako mula anim na taong gulang
pero sa sandaling ito, hindi ko na siya magawa.
Sinubukan kong patunayan na kayo kong tanggalin sa utak ko ang cognitive bias
ngunit mukhang ang napatunayan ko lang ay gumawa ng ibang cognitive bias
Ang hindi niyo nakikita ay nagtitipon na ang mga tao dito
pinapanood ako.
Tinitignan nila ang kakaibang Amerikano
na hindi makapagbisikleta, siguro tingin nila kasi bobo ako.
Pero sa totoo lang, dalawang antas na ang aking utak.
dahil kinalimutan ko tapos inaral uli, diba.
Makalipas ang dalawampung minuto ng katatawanan
bigla nalang bumalik ang utak ko sa luma niyang algorithm
Di ko maipaliwanag, pero nangyari sa isang sandali.
[Tawanan]
Kuha ko na, kuha ko na, kuha ko na.
Nanumbalik na ako.
Nag-click. Nag-click.
Kuha ko na, kuha ko na.
Ayun na.
Yun ang sandali.
Kaya kong magbisikleta.
Sinubukan ko ipaliwanag ito sa mga nasa paligid
ngunit di nila maunawaan.
Akala nila nagpapanggap lang ako nung nakaraang dalawampung minuto
at walang maniwala sa akin
Mukha lang nagpanggap ako, no?
Kala mo nagpapanggap ako. Di ka naniniwala.
- mukhang kakaiba...
Kala mo siguro nagsisinungaling ako, no?
Hindi ako nagsisinungaling.
Ang pakiramdam ko ay ako lang ang tao sa buong mundo na nagawang makalimutan paano sumakay ng bisikleta
at hindi ko maipaliwanag kahit kanino
dahil ang pagkakaalam ng lahat ay hindi maaaring malimutan ang pagsakay ng bisikleta
Kaya may natutunan akong 3 bagay sa eksperimentong ito.
Natutunan ko na ang mga welder ay madalas mas matalino pa sa enhinyero
Natutunan kong ang kaalaman ay hindi pareho sa pagunawa
At natutunan ko ang katotohanan ay katotohanan
kahit ano pang isipin ko tungkol sa kanya
Kaya magdahan-dahan sa pagbigay-kahulugan sa mga bagay
Dahil tinitignan mo ang munda na ang utak mo ay kusang nagbibigay kahulugan (cognitive bias)
kahit na sa tingin mo hindi
Ako si Destin
at ikaw ay nagiging Smarter Every Day
Magandang araw sa inyong lahat.
Kung gusto niyong suportahan ang Smarter Every Day
Maaari kayong mag download ng libreng audiobook sa audible.com/smarter
Inirerekomenda ko ang libro ni Commander Hadfield
na An Astronomer's Guide to Life on Earth
Basahin niyo, tunay na mahusay ito.
Ako natuto akong sumakay ng kakaibang bisikleta
at ang anak ko rin
pero si Commander Hadfield ay pagmaneobra ng ibang space ship
at hindi lang yun, pati ibang klaseng space station
Nasa Mir siya at sa International Space Station rin.
Kaya kung gusto niyong suportahan ang Smarter Every Day
audible.com/smarter, An Astronaut's Guide to Life on Earth.
Ako si Destin, at ikaw ay nagiging Smarter Every Day
Magandang araw sa inyong lahat
[Hiyawan ang mga manonood]
Mali lahat...ang mga kutob ko ay mali
(Destin) Bat di mo sakyan? Binuo mo yan e
- Di ko kayang sakyan, binou ko lang
[tawanan]