Tip:
Highlight text to annotate it
X
Tatlong tip sa pagtukoy ng malware
Tatlong tip sa pagtukoy ng malware
Nagbukas ba ang iyong computer nang... hindi masyadong maayos?
Maaaring may na-click kang link na nag-install ng hindi kanais-nais na program sa iyong
computer.
Iba't iba ang tawag ng mga tao sa mga program na ito tulad ng spyware,
adware, o mga virus. Naaapektuhan ng mga program na ito ang karamihan sa mga uri ng computer at Internet
browsers
at maaari nilang gawin ang mga bagay tulad ng nakawin ang iyong mga account number at password,
i-redirect ka sa iba't ibang mga website,
o magpakita sa iyo ng mga ad na may hindi naaangkop na nilalaman.
Narito ang ilang senyales na dapat mong obserbahan:
Mga kakaibang ad at popup.
Mag-ingat sa mga ad na lalabas ilang segundo pagkatapos ma-load ng iyong buong pahina.
Ang mga ad na ito ay maaaring magpakita ng mga hindi naaangkop na larawan,
lumitaw sa matitingkad na kulay, o inisin ka sa pamamagitan ng pag-block sa page na sinusubukan mong tingnan.
Mga hindi kanais-nais na pagbabago sa iyong browser.
Maaaring mag-iba nang kaunti ang hitsura ng iyong homepage o maaari kang dalhin sa isang bagong page.
Maaaring hindi mo na rin maitakda ang iyong homepage o search engine sa site
na gusto mo.
Mas mabagal na computer.
Mapapabagal ng ilang program ang iyong computer o i-crash ito. Mapapabagal din nito ang pag-load ng iyong browser ng mga web page
o hindi na ito paganahin. Ang web
ay isang mainam na lugar upang humanap ng impormasyon, ngunit tiyaking mananatili kang ligtas habang
nagba-browse.
Kung mukhang pamilyar ang mga sintomas na ito bisitahin ang link na ito upang matuto nang higit pa,
at ibahagi ang video na ito sa iyong mga kaibigan at pamilya upang ipamalita
ang tungkol sa ligtas na pagba-browse.