Tip:
Highlight text to annotate it
X
Hindi sikreto na ang Google Services ay suportado ng advertising ngunit minsan ang pag-personalize namin
ng mga ad ay tila misteryoso. Nagsusumikap kaming pakitaan ka ng mga ad na nauugnay
sa hinahanap mo. Mas marami kaming impormasyon, mas mahusay ang pag-personalize
namin ng mga ad sa iyo. Halimbawa, kung alam naming naghanap ka ng hotel at restaurant
sa tukoy na lungsod, mapapakitaan ka namin ng ad na nauugnay sa lungsod na iyon kahit
hindi ito binanggit ng paghahanap mo. Kung nauunawaan namin ang gusto mo,
mapapakitaan ka namin ng mas kaunting ad, na pinapadaling maghanap mga produkto at serbisyong
gusto mo. Alam naming ang paggamit ng info mo ng ganito, ay nangangailangan na pagkatiwalaan mo kaming gamitin
ito nang tama. Kaya naniniwala kami sa pagbibigay ng transparency at pagpipilian sa pag-personalize
namin ng ad mo. Kung nagtataka ka bakit ka may ad, malalaman at makikita mo ang impormasyong
ginamit sa pag-personalize ng ad na nakuha mo. Kung makakita ka ng di mo gustong ad, maba-block
mo ang advertiser sa hinaharap na resulta ng ad. Ibig sabihin di ka makakakuha ng ad sa paghahanap sa Google at
Gmail na tumuturo sa parehong site. Kung magbago ang isip mo, maa-unblock mo ang
advertiser. Sa pag-personalize ng ad at transparency at pagpipilian sa paggamit namin ng info mo,
umaasa kami sa patuloy mong pagtitiwala at mabigyan ka ng pinakamahusay na karanasan sa paghahanap na maaari.