Tip:
Highlight text to annotate it
X
Sa Hangouts On Air, madaling mag-broadcast ng iyong Hangouts nang live sa mundo at i-record
ang mga ito bilang mga video sa YouTube.
Upang magsimula, i-click ang “Simulan ang Hangout”.
Imbitahan ang mga tao na sumali sa iyong Hangout.
Pangalanan ang iyong Hangout at i-click ang “Paganahin ang Hangouts On Air”.
Suriin at sumang-ayon sa mga legal na tuntunin upang magpatuloy. Gagawin lamang ito nang isang beses.
Sa unang beses na magsimula ka ng isang Hangout On Air, hihilingin namin sa iyong i-link ang iyong YouTube account
upang ma-record namin ang iyong Hangouts sa iyong YouTube channel.
I-click ang “Hangout.” Magsisimula ang iyong Hangout, ngunit 'wag mag-alala, hindi ka pa magbo-broadcast
o magre-record.
Kapag nasa Hangout na, i-adjust ang iyong ilaw at anggulo ng camera upang magmukhang mas maganda.
Upang live na i-stream ang iyong Hangout sa ibang website, i-copy at paste lamang ang link upang i-embed ang iyong Hangout.
Kapag handa ka na, i-click ang “Simulan ang broadcast”. Sa puntong ito, live na nagbo-broadcast na ang
iyong Hangout sa iyong Google+ profile, sa iyong YouTube account at anumang website kung saan mo ito na-embed.
Habang nagbo-broadcast, makikita ng iyong mga tagapanood lahat ng nakikita mo sa Hangout
maliban sa iyong mga pakikipag-usap sa chat
at kung ilang tao ang nanunood sa iyong broadcast.
Maaari mong i-mute ang mga tao sa iyong Hangout kung maingay ang kanilang background.
O mag-click sa video ng tao upang manatili ang main screen sa tao na iyon.
Kapag tapos ka na, pampublikong mapo-post ang recording ng iyong Hangout, sa gayon maaari ring
makisaya ang sinumang hindi nakadalo sa iyong live na Hangout.
Kaya sige lang. Simulan ang iyong unang Hangout On Air ngayon at i-broadcast ang iyong pag-uusap sa mundo.