Tip:
Highlight text to annotate it
X
[MUSIC PLAYING]
Hi, ako si Kousha, isang community manager sa Google.
Nakakatanggap kami ng maraming mga katanungan tungkol sa Google doodles, tulad ng,
sinong gumagawa ng mga ito, o kung paano napipili ang mga tema.
Masaya ang mga Doodles at kamangha-manghang mga pagbabago ang ginawa sa
logo ng Google upang ipagdiwang ang mga holiday, anibersaryo, at
buhay ng mga sikat na artist, innovator, at scientist.
Isang koponan ng mga designer ang nagtitipon upang pag-isipan at
magpasya kung aling mga kaganapan ang ipagdiriwang kasama ng isang doodle.
Pumipili sila ng kawili-wiling mga kaganapan at anibersaryong nagpapakita ng
personalidad ng Google at ng aming pagmamahal para sa innovation.
Nagmumula ang mga ideya para sa mga doodle sa maraming mga mapagkukunan,
kabilang ang mga Googler at user ng Google na tulad mo.
May ilang mga mahusay na ideya para sa mga doodle?
Bisitahin ang aming doodle site sa URL sa ibaba nito at ibahagi ang iyong
mga ideya sa amin.
Maaari mong ring tingnan ang aming nakaraang
mga doodle doon.
Nakakatanggap kami ng daan-daang mga kahilingan araw-araw.
Kaya sa kasamaang-palad, hindi kami makagawa ng
mga doodle para sa kanilang lahat.
Ngunit nais naming makarinig mula sa iyo.