Tip:
Highlight text to annotate it
X
Ipinapakilala: Photo Filters
Ahh, San Francisco: lupain ng milyon-milyong litrato sa bakasyon.
At heto si Phil!
Pinuno ni Phil ng mga litrato ang kanyang phone at ginagamit niya ang photo editor ng Twitter para i-tweet ang mga ito. Alamin natin kung papaano.
Habang lumilikha ng Tweet, tinapik ni Phil ang Camera icon at saka pumunta sa litratong nais niyang gamitin.
Iyan iyon!
At ngayon ay handa na siyang mag-edit!
Sa iyong napapansin, may tatlong icon sa ibaba.
Ang una ay awtomatikong inaayos ang iyong imahe para sa isang quick fix.
Ang icon sa kanan ay ginagamit upang mai-crop ang imahe,
Galawin mo at i-scale ang iyong litrato at piliin ang orihinal o parisukat.
Sa wakas, sa pagtapik sa gitnang option ay maaari ka nang pumili ng filter para sa iyong litrato.
Tapikin ang isa sa mga filter para makita ito nang malapitan o i-swipe ang imahe upang subukan ang iba pa.
O, ayan na!
Tapos na si Phil kaya pinindot niya ang "Done". At handa na siyang ipadala ang kanyang Tweet at ibahagi ang litrato.
Lahat ng kanyang magagandang litratong nai-filter ay nasa kanyang home timeline na
Magagandang alaala mula sa lungsod sa tabi ng Bay.
Inaasahan namin dito sa Twitter na ikasisiya mo itong mga bagong tampok namin, at gaya ng lagi, "Maligayang pagti-tweet!"