Tip:
Highlight text to annotate it
X
Translator: Kenneth Andres Reviewer: Schubert Malbas
Maraming salamat Chris. Ito'y isang malaking karangalan
na binigyan ako ng pagkakataon na pumunta dito upang tumayo sa inyong harapan. Labis akong nalulugod.
Ako'y humahanga sa pagtitipong ito, at gusto ko kayong pasalamatan sa maraming
magagandang komentaryo tungkol sa tinalakay ko noong isang gabi.
At totoo ang mga sinabi ko, dahil -- (mangiyak-ngiyak) -- kailangan ko talaga 'yon! (Tawanan)
Ilagay n'yo ang inyong sarili sa aking kinalalagyan!
Ako'y isang piloto ng Air Force Two sa loob ng walong taon.
Ngayon kailangan ko nang tanggalin ang aking sapatos at bota para sumakay ng eroplano!
(Tawanan) (Palakpakan)
Kukwentuhan ko kayo kung ano na ang nangyayari sa buhay ko.
Ito'y totoong kwento -- lahat ng laman nito ay totoo.
Pagkatapos namin iwanan ni Tipper ang --(hindi tunay na pag-iyak) -- White House -- (Tawanan) --
nagmamaneho kami galing sa aming bahay sa Nashville patungo sa aming maliit na bukid
50 milya sa silangan ng Nashville --
kami-kami lang ang nagmamaneho.
Alam kong mababaw lang ito para sa inyo, pero -- (Tawanan) --
Nang tumingin ako sa rearview mirror at bigla, napagtanto ko.
Walang motorcade sa likod namin.
Nakarinig na ba kayo ng kumukulong tiyan? (Tawanan)
Ito'y inupahan lang na Ford Taurus. Maghahapunan na,
at nagsimula na kaming maghanap ng makakainan.
Nandoon kami sa I-40. Narating namin ang Exit 238, Lebanon, Tennessee.
Lumabas kami sa exit, at naghanap -- natagpuan namin ang isang Shoney's restaurant.
Mura at pampamilyang restaurant, para sa mga hindi nakaka-alam.
Pumasok kami sa loob tapos umupo, at may weytres na lumapit sa amin,
gumawa ng isang malaking gulo kay Tipper. (Tawanan)
Kinuha n'ya ang order namin, tapos bumalik sa mag-asawang katabi namin,
at sa mahinang boses, dahil halos hindi ko na marinig,
sabi niya "Opo, yan ang dating Bise Presidente Al Gore at ang kanyang asawang si Tipper."
At ang sabi ng lalaki, "Malayo na talaga ang kanyang narating ano?" (Tawanan)
May mga sumunod pang sorpresa.
Noong sumunod na araw, sa pagpapatuloy ng aking totoong kwento,
sumakay ako ng G-5 at lumipad patungong Aprika upang magtalumpati sa Nigeria,
sa lungsod ng Lagos, tungkol sa enerhiya.
Sinimulan ko ang talumpati gamit ang kuwento na nangyari
noong isang araw sa Nashville.
At sinabi ko 'yon gaya ng pagkakasabi ko sa inyo ngayon.
Kami ni Tipper, nagmamaneho, sa Shoney's, mura at pampamilyang restawran,
ang sabi ng tao -- tumawa sila.
Binigay ko ang talumpati, at bumalik agad sa paliparan pauwi.
Nakatulog ako sa eroplano, hanggang hating-gabi,
lumapag kami sa Azores Islands upang magpagasolina.
Nagising ako, binuksan nila ang pintuan ng eroplano, lumabas ako para lumanghap ng sariwang hangin,
at nakita kong may isang tao na tumatakbo sa kabilang dako ng tarmak.
Kumakaway siya hawak ang piraso ng papel, at sumisigaw,
"Tawagan mo ang Washington! Tawagan mo ang Washington!"
At napag-isipan ko, sa gitna ng gabi, sa gitna ng Karagatang Atlantiko,
ano kaya ang problema sa Washington?
Tapos naalala ko na maaring kahit ano pala.
(Tawanan)
Ang totoo, nabahala ang aking mga tauhan dahil
sa kwentong isinulat ng isang wire service sa Nigeria tungkol sa aking talumpati.
At nailimbag na ito sa mga lungsod sa buong lupalop ng Estados Unidos
-- iyon ay nalimbag sa Monterey. At ganito ang nakasulat,
"Dating bise-presidente Al Gore inanunsyo sa Nigeria kahapon,
'Kami ng aking asawa, si Tipper ay nagbukas ng mura at pampamilyang restaurant, ang pangalan ay Shoney's,
at kami mismo ang nagpapatakbo nito.'" (Tawanan)
Bago ako makabalik sa Estados Unidos,
naging tampulan ito ng biro nila David Letterman at Jay Leno
-- isa sa kanila nilagyan ang larawan ko ng malaking puting toque na pang-chef,
At sabi ni Tipper sa larawan, "Isa pang burger, may kasamang fries!"
Nakalipas ang tatlong araw, nakatanggap ako ng mahabang liham galing sa aking kaibigan
at kasamang si Bill Clinton na nagsasabing, "Al, binabati kita sa inyong bagong restawran!"
(Tawanan)
Gusto naming ipagdiwang ang mga tagumpay sa buhay.
Gusto ko sanang pag-uusapan ang information ecology.
Pero napag-isip-isip ko na kung babalik lang ako dito sa TED,
pag-usapan nalang natin 'yon sa susunod na panahon. (Palakpakan)
Chris Anderson: Sige!
Al Gore: Gusto kong tukuyin ang paksa na marami sa inyo ay humiling ng ibayong paliwanag.
Ano ang inyong magagawa tungkol sa krisis sa klima? Gusto kong magsimula sa --
May mga bagong imahe akong ipapakita, at uulitin ko lang ang apat o lima.
Ngayon, ang slideshow. Laging bago ang aking mga slideshow.
Naglalagay ako ng bago upang may natututunan akong bago.
Gaya ng paghahanap sa tabing dagat. Bawat pag-urong at pagsulong ng tubig
nakakahanap ka ng mga bagong kabibe.
Sa nakalipas na dalawang araw, noong Enero naabot natin ang bagong rekord sa temperatura.
Ito ay sa Estados Unidos lamang. Ang pamantayan sa kasaysayan para sa
buwan ng Enero ay 31 °F. Ang nakalipas na buwan ay umabot ng 39.5 °F.
Gusto n'yo sigurong makarinig ng mas maraming masamang balita
-- biro lang -- pero ito'y inulit ko lamang,
at pagkatapos lilipat na ako sa bagong slides tungkol sa mga bagay na maari ninyong gawin.
Gusto ko munang ipaliwanag ang sumusunod.
Una sa lahat, ito ang inaasahan na patutunguhan ng Estados Unidos sa kontribusyon nito sa pag-init ng planeta,
ayon sa datos ng paggamit natin ngayon. Maayos na paggamit ng kuryente at enerhiya
ang siyang pinakamadaling maabot. Maayos at matipid:
hindi ito gastusin kundi benepisyo. Mali ang nakasulat.
Hindi negatibo, kundi positibo. Ito ay puhunang kumikita ng kusa.
Ngunit mabisa din silang manlinlang.
Mga sasakyan at trak -- Pinag-usapan ko 'yan sa slideshow,
pero gustong kong ilagay 'yan sa perspektibo.
Dapat nating silang alalahanin, at marapat lang,
ngunit mas malaki ang kontribusyon ng mga gusali sa pag-init ng planeta
kumpara sa mga sasakyan at trak.
Ang mga sasakyan at trak ay importante, at napakaluwag ng batas natin sa ganitong bagay,
kaya't dapat punahin natin 'yon. Ngunit bahagi lamang 'yan ng malaking suliranin.
Ang maayos na sistema ng transportasyon ay kasing-halaga din ng mga sasakyan!
Ang mga renewables ayon antas ng teknolohiya natin sa ngayon,
malaki ang nagagawang tulong nila, at ang ginagawa nila Vinod, at John Doerr, at iba pa,
marami sa inyo dito -- maraming tao pa ang kasama nito
-- pabibilisin pa nito ang ating paglago kaysa sa inaasahan.
Ang Carbon Capture and Sequestration -- CSS kung tawagin
-- ay magiging killer app
na hihimukin tayong gumamit ng fossil fuels sa paraang ligtas.
Wala pa tayo d'yan.
Ok. Ngayon, ano ang inyong magagawa? Bawasan ang inyong paggamit ng karbon sa inyong bahay.
Karamihan ng mga gastusing ito ay kapaki-pakinabang din.
Ang paglagay ng insulation, mas mahusay na disenyo, mas malinis na kuryente kung maaari.
Nabanggit ko ang mga sasakyan -- bumili kayo ng hybrid. Sumakay sa tren o LRT.
Mag-isip ng mga opsyon na makakabuti lalo. Mahalaga 'yon.
Maging mahusay na mamimili. Meron kang mapagpipilian sa mga bilihin,
kung ang produkto ba ay may masamang epekto o kaunti lang
sa pandaigdigang krisis sa klima.
Isaalang-alang ninyo ito. Magpasya kayong maging carbon-neutral habambuhay.
Kayong magagaling sa marketing,
ibig kong kunin ang inyong payo at tulong
kung paano ito sabihin sa paraang maiintindihan ng karamihan.
Madali lang ito kaysa sa inaakala n'yo. Totoo 'yon.
Karamihan sa atin dito ay nakapagpasya na, at naging madali lang.
Ibig sabihin: bawasan ang carbon dioxide emissions ayon sa kayang mong magawa,
at bumili o gumawa ng pambawi sa mga hindi mo
nabawasang lubos. Mas malinaw ang paliwanag sa climatecrisis.net.
Merong calculator ng karbon. Dahil sa Participant Productions,
kalakip ang aking paglahok, nagsama-sama ang mga nagsusulat ng software
na sangkot sa agham ng pagbibilang ng karbon upang gumawa ng
consumer-friendly carbon calculator.
Gamit ito, madali nang tiyakin ang iyong CO2 emissions,
at bibigyan kayo nito ng mga opsyon upang paliitin ito.
At sa oras na lalabas ang pelikula ngayong Mayo, ito ay na-update na sa 2.0
at magkakaroon na tayo ng mga bilihing click-through na pang-offset.
Sunod, gawing carbon neutral ang inyong negosyo. Ilan sa atin ay nagawa na ito,
at hindi ito kasinghirap ng inyong iniisip. Ipasok ang mga solusyon sa klima sa lahat ng bagong likha,
ikaw man ay mula sa industriya ng teknolohiya, aliwan,
o disenyo at arkitektura.
Mamuhunan ng pangmatagalan. Binanggit na ito ni Majora.
Makinig kayo, kung babayaran niyo ang mga managers ayon
sa kanilang taunang ulat, wala kayong karapatang
magreklamo tungkol sa quarterly CEO management reports.
Nagtatrabaho ang tao ayon sa binabayad. At kung iisipin nila ang halaga
ng kikitain nila batay sa iyong ipinuhunan,
batay sa mga panandaliang kita, panandalian din ang kanilang pagpapasya.
Marami pang masasabi ukol diyan.
Maging instrumento ng pagbabago. Turuan ang iba; alamin ito; pag-usapan ito.
Paglabas ng pelikula -- ang pelikula ay isang bersyon ng slideshow na
ibinahagi ko noong isang gabi, subalit mas nakalilibang 'yon. At lalabas ito sa Mayo.
Marami sa inyo dito ay may pagkakataong makatiyak na marami ang manonood nito.
Maari kayong magpadala ng tao sa Nashville. Mamili ng mabuti.
At personal kong sasanayin ang mga taong ito tungkol sa slideshow, lahat bago,
may ilan sa mga kuwento ko na papalitan ng mas generic na diskarte,
at -- hindi lang ang mga slides, pati na rin ang diwa nito. Kung paano nila ito pagdudugtungin.
Magsasagawa ako ng isang kurso sa nalalapit na tag-init
kasama ang mga tao na pinili ng mga komunidad na lumahok dito, at sila mismo
sa maramihan, ang magbabahagi sa mga komunidad sa bawat sulok ng bansa,
at maglalagay tayo ng ilang bago sa slideshow bawat linggo
upang panatilihin itong makabago.
Kasama si Larry Lessig, may ilalagay kaming
kasangkapan at limited-use copyrights,
upang malayang magawa ng mga kabataan ang nais nila.
(Palakpakan)
Saan ba nakukuha ang ideya na dapat dumikit sa pulitika?
Hindi ibig sabihin na kung ikaw ay isang Republican, kinukumbinse kitang maging
Democrat. Kailangan din natin ng Republicans. Ito ay isyu ng dalawang partido,
at alam kong totoo ito sa grupong ito. Maging aktibo sa pulitika.
Paganahin natin ang ating demokrasya.
Suportahan n'yo ang paglalagay ng cap sa CO2 emmissions, polusyon sa global warming,
at sa pangangalakal nito. Bakit? Dahil hangga't bahagi ang Estados Unidos sa bukas na sistema ng mundo,
hindi ito saradong sistema.
Kapag ito'y naging saradong sistema, dahil na rin sa partisipasyon ng mga taga-U.S.,
lahat ng mga nakaupo sa lupon ng mga direktor
-- ilan ba dito ang miyembro ng lupon ng mga direktor sa isang kompanya?
Kapag ito'y naging saradong sistema, may pananagutan ka kung hindi mo sinabihan ang CEO
na pagbutihan ang pagbawas at pangangalakal ng carbon emissions
na maaaring iwasan. Malulutas ito ng merkado kung magagawa natin ito.
Tumulong tayo sa kampanyang sisimulan ngayong darating na tagsibol.
Kailangan nating baguhin ang pag-iisip ng mga taga-Amerika. Sa kasalukuyan
walang pahintulot ang mga pulitiko na gawin ang mga kailangang tapusin.
Sa ating modernong bansa, hindi na kabilang sa logic at reason
ang pagbalanse ng yaman at kapangyarihan na gaya ng dati.
Ngayon, ito'y tungkol sa paulit-ulit at maiikling 30-segundong, 28-segundong patalastas sa telebisyon.
Kailangan naming bumili ng maraming patalastas.
Ibahin natin ang pagkakakilanlan sa global warming, gaya ng iminumungkahi ng karamihan sa inyo.
Mas gusto ko ang "krisis sa klima" kaysa sa "pagbagsak ng klima,"
pero 'yon nga, sa magagaling sa marketing, kailangan ko ang tulong niyo.
May nagsabi na ang pagsubok na hinaharap natin ngayon, ayon sa isang dalubhasa,
ay kung ang pinagsamang hinlalaki
at neocortex ay isang magandang kombinasyon.
Totoo. Sinabi ko noong isang gabi, uulitin ko ngayon; hindi ito isyung pulitika.
Muli, sa mga Republicans na nandito, hindi ito ayon sa partido.
Mas malaki ang inyong impluwensya kaysa sa aming Democrats.
Ito ay pagkakataon. Hindi lamang ito, ngunit kaugnay sa ibang ideya ngayon,
makakabuo tayo ng pag-unawa.
Tayo ay iisa.
Maraming salamat sa inyo, Ikinalulugod ko ito.
(Palakpakan)