Tip:
Highlight text to annotate it
X
Isang bagay na natanggap ko last year mula sa taong nakakita sa amin,
sa Google AdWords, at lumiham para sa payo
at nagkakaproblema sila sa relasyon nila
at nagsimula ang e-mail sa, "Ito ay isang kakaibang e-mail",
at naisip ko, 'Nakakakuha kami ng kakaibang mga e-mail'. Nakalagay doon,
"Naghahanap kami online sa Google, at naghanap ng isang tao na maaaring
magpayo sa aming relasyon, girlfriend ko at ako".
"At tinugma kami sa isang mahusay na 'Elder' na nagbigay ng mahusay na payo at
lumiham kami sa iyo upang pasalamatan ka dahil nasa honeymoon kami sa Hawaii ngayon".
Ako si Doug Meckelson at ako ang nagtatag ng 'Elder Wisdom Circle'.
Ang 'Elder Wisdom Circle' ay non-profit na samahan at napakasuwerte namin dahil bahagi kami ng
Google grants program na nagbibigay sa amin ng AdWords advertising.
Maagang nagsisimula ang routine ko sa 'Elder Wisdom Circle'.
Pagkatapos ko magkape Tinatawag ko ang aking mga alaga at
pumupunta kami sa basement, na nagsisilbi din na tanggapan ng 'Elder Wisdom Circle'.
Tinutugma namin ang mga Senior na may mga edad na 60 hanggang 100
na may ibabahaging payo at kaalaman sa mas batang henerasyon na may
mga problema sa buhay at naghahanap ng pag-unawa at pangangalagang payo.
Nakikita ang 'Eldering' na sinusubukang magbahagi ng pananaw, paglalarawan at mga karanasan.
Ang AdWords campaign na aming pinapatakbo ang bumubuhay sa 'Elder Wisdom Circle'.
Nagsulat ako ng halos 400 liham, halos 400 pagtugon kaya,
Natuwa ako, Tiningnan at binilang ko ang mga ito dahil wala akong ideya.
Ang pinakamatagumpay naming payo ay simple, 'advice',
'libreng payo' o 'payo sa relasyon'.
Kaya naramdaman ng mga tao na may mabuting relasyon si lolo at lola at
nagawang manatiling kasal sa lahat ng taong iyon, maaaring may mga lihim na maibabahagi sila.
Sana nakakagawa kami ng mabuti.
Alam mo Andy,isang beses ito na di-sigurado kung ayon ako sa iyo.
Okay dear.
Sa tingin ko ay nakakagawa ng mabuti ang aming liham dahil
Hindi ako makapaniwala sa dami ng mail na nagmumula sa Internet.
Sa tingin ko ay napakaganda nito at masaya akong maging maliit na cog sa computer.
Nalulungkot ako kung di ako makapunta at makatulong.
Walang advice directory ang Google. Sa loob ng kategorya ng payo
sa kategorya ng 'e-mail advice', niranggo namin ang pinakakilala at
ipinagmamalaki ko iyon at sa tingin ko ay dapat pasalamatan ang lahat
sa loob ng samahan, ang mahusay na payong ibinibigay ng mga 'Elder' at
kung walang AdWords siguradong di-malalaman ng mga tao ang serbisyong ito upang ibahagi.