Tip:
Highlight text to annotate it
X
Translator: Polimar Balatbat Reviewer: Schubert Malbas
Hindi ito pangkaraniwang ginagawa sa TED,
pero simulan natin ang hapong ito
sa isang mensahe
mula sa isang misteryosong isponsor.
Anonymous: Minamahal kong Fox News,
dumating sa aming hindi kanais-nais na atensyon
na parehong ang pangalan at likas na katangian ng Anonymous
ay napinsala na.
Kami ang lahat. Kami ang kawalan.
Kami ang anonymous. Kami ang legion.
Hindi kami marunong magpatawad. Hindi kami marunong lumimot.
Kami ang puno't dulo ng ganap na kaguluhan.
Misha Glenny: Anonymous, mga binibini at ginoo --
isang sopistikadong grupo
ng mga hackers na may pulitikal na layunin
na nagpakilala ngayong 2011.
At sila'y talagang nakakatakot.
Hindi mo alam kung kailan sila susunod na aatake,
sino o ano ang magiging kahihinatnan.
Ngunit ang nakakatuwa,
sila ay may sense of humor naman.
Hinack nila ang Twitter account ng Fox News
upang ibalita ang tangkang pagpatay kay Pangulong Obama.
Ngayon maiisip mo ang takot na maaaring nalikha
sa loob ng Fox newsroom.
"Ano ang gagawin natin ngayon?
Magsuot ng itim na gasa, or magbukas nalang ng champagne?"
(Tawanan)
Siyempre, sino ang hindi matatawa sa kabalintunaan
ng miyembro ng Rupert Murdoch's News Corp.
na naging biktima ng hacking.
(Tawanan)
(Palakpakan)
Kung minsan tinitingnan mo ang mga balita
at sinasabing, "Meron pa *** pwedeng i-hack?"
Sony Playstation Network -- tapos na,
ang gobyerno ng Turkey -- tsek,
Britain's Serious Organized Crime Agency -- sobrang dali,
the CIA -- naibagsak na.
Sa katunayan, sinabi ng kaibigan ko mula sa larangan ng security
noong isang araw
na may dalawang uri ng kumpanya sa mundo:
iyong alam na sila'y na-hack, at iyong hindi.
Ang ibig kong sabihin, tatlong kumpanya
na nagseserbisyo ng cybersecurity sa FBI
ay na-hack na.
Wala nang sinasanto ngayon, tama?
Gayunpaman, itong misteryosong grupo na Anonymous --
at ito mismo ang pagsasalarawan nila sa sarili --
ay nagseserbisyo publiko
sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagka-inutil ng mga kumpanya
sa pangangalaga ng ating datos.
Ngunit may seryosong aspeto ang Anonymous --
kung saan ideyolohiya ang umiiral.
Sinasabing sila'y nakikipaglaban
sa tusong pagsasabwatan.
Sinasabing ang gobyerno ay nagbabalak
kontrolin ang Internet,
at sila, ang Anonymous,
ay ang totoong boses ng pagtutol --
sa paglaban sa diktadura ng Gitnang Silangan,
sa mga pang-daigdigang korporasyon sa larangan ng media,
o kaya'y sa mga intelligence agencies,
o maging sino pa man.
At ang mga ideyang pulitikal nila ay hindi lubos na kanais-nais.
Okay, medyo malabo na.
Maamoy mo ang
kawalang pamamahala sa pangkat nila.
Ngunit isang bagay ang totoo:
tayo ay nasa simula
ng matinding pakikibaka
para sa kontrol ng Internet.
Lahat ay pinagdudugtong ng Web,
at di lalaon
ito ang mamagitan sa halos lahat ng ating gawain.
Dahil ang Internet ay may
bago at komplikadong kapaligiran
para sa matandang suliranin
na ibalanse ang pagnanais ng seguridad
at pagnanasa ng kalayaan.
Ngayon ito'y napakakomplikadong laban.
Sa kasamaang-palad, para sa mga mortal na gaya natin,
marahil hindi natin ito maiintindihang mabuti.
Gayunpaman,
sa biglang yabang ko
dalawang taon na ang nakalipas,
nagpasiya akong subukan at gawin iyon.
At parang nakukuha ko na.
Ito ang mga samu't saring bagay na aking tinitingnan
habang sinusubukan kong maunawaan iyon.
Ngunit para masubukan at maipaliwanag ang buong bagay,
kailangan ko ng 18 minuto para magawa ito,
at sana'y magtiwala lang kayo sa akin ngayon,
at sinisiguro ko sa inyo na lahat ng ito
ay may kinalaman sa cybersecurity at pagkontrol ng Internet
sa isang paraan o iba pa,
ngunit sa pagkakaayos
na kahit si Stephen Hawking ay mahihirapang
maintindihan.
Kaya heto ka.
At kung nakikita mo, sa gitna,
ay ang ating dakilang kaibigan, ang hacker.
Ang hacker ay ganap na gitna
sa karamihan ng isyung pulitikal, panlipunan
at pang-ekonomiya na nakakaapekto sa Net.
At naisip ko sa sarili ko,
"Buweno, sila ang mga taong gusto kong makausap."
At ano pa nga ba,
wala palang nakikipag-usap sa mga hackers.
Sila'y lubos na anonymous, tulad nito.
Kaya sa kabila ng mga balitang
bilyun-bilyon ang binububuhos,
daan-daang bilyong dolyares,
sa cybersecurity --
upang gumawa ng mga pambihirang solusyong teknikal --
walang gustong makipag-usap
sa mga taong ito, sa mga hacker,
na nasa gitna ng lahat.
Sa halip, mas gusto nating bilhin ang mga pambihirang teknolohiya,
at gumastos ng napakalaking halaga.
At kaya walang pumupunta sa mga hacker.
Gayunpaman,
may isang maliit na pangkat ng mananaliksik
sa Turin, Italy
na tinatawag na Hackers Profiling Project.
At gumagawa sila ng nakakatuwang pananaliksik
sa mga katangian,
abilidad
at pagsasapanlipunan ng mga hacker.
Ngunit dahil sila'y operasyon ng U.N.,
hindi pinapansin ng mga gobyerno at korporasyon
ang kanilang impormasyon.
Dahil ito'y operasyon ng U.N.,
siyempre, wala itong pondo.
Ngunit sa tingin ko mahalaga ang kanilang trabaho.
Dahil kung saan mayroong kalabisan ng teknolohiya
sa larangan ng cybersecurity,
tayo ay may tiyak na kakulangan --
tawagin mo akong makaluma --
sa intelligence reports.
Nabanggit ko na
na ang grupong Anonymous
ay may layuning pulitikal.
Siyempre, sa sistema ng hustisyang pang-krimen
sila ay mga pangkaraniwang kriminal.
Ngunit,
hindi ginagamit ng Anonymous ang na-hack na datos
upang yumaman.
Papaano naman ang mga totoong cybercriminals?
Ang organisadong krimen sa Internet
ay nagsimula noong 10 taon ang nakalipas
kung saan ilang Ukrainian hackers
ay gumawa ng website,
at tuluyang pinalawig ang larangan
ng cybercrime.
Maligayang pagdating sa pinaglumaang kaharian ng CarderPlanet.
Ganito ang pagsasalarawan nila sa sarili sa Net
noon isang dekada ang nakalipas.
Talaga namang nakakaaliw ang CarderPlanet.
Pupunta ang mga cybercriminals doon
upang bumili at ibenta ang mga nanakaw na credit card info,
para makipagpalitan ng impormasyon
tungkol sa mga bagong malware.
At alalahanin, ito yung mga panahon
kung saan bagong-bago pa
ang mga off-the-shelf malware.
Ito yung mga madaling gamitin, mga out-of-the-box,
na maaring gamitin
kahit hindi gaanong sanay ang isang hacker.
Kaya't naging isang malaking pamilihan ang CarderPlanet
para sa mga cybercriminals.
At ang lumikha nito
ay napakatalino at mala-negosyante,
dahil sila'y nahaharap noon
sa isang hamon bilang mga cybercriminals.
At ang hamon na iyon:
Paano magtatagumpay ang negosyong ito,
at paano mo pagkakatiwalaan
ang isang kliyente sa Web na nais makipag-negosyo
kung sila'y isang kriminal?
(Tawanan)
Kaakibat na siguro ang pagkatuso,
na maaring kang dayain ng iyong kliyente.
Kaya nakaisip ang pamilya, na siyang tawag sa bumubuo ng CarderPlanet,
ang isang napakahusay na ideya
na tinawag na sistemang escrow.
Nagtalaga sila ng opisyal
na mamamagitan sa nagbebenta at mamimili.
Halimbawa, bitbit ng nagbebenta ang nanakaw na credit card info;
gusto ng mamimili na makuha ang mga ito.
Ang mamimili ay magpapadala sa opisyal
ng ilang dolyares sa paraang digital,
at ibibigay ng nagbebenta ang mga detalye.
Susubukan muna ng opisyal
kung gumagana ang nakaw na credit card.
Kapag gumagana nga,
ibibigay na niya ang pera sa nagbebenta
at ang credit card info sa mamimili.
Ang sistemang ito mismo
ang ganap na nagpabago sa cybercrime sa Web.
Pagkatapos noon, lalo na itong lumaganap.
Nagkaroon ng tinatawag na dekadang champagne
ang mga tauhan ng Carders.
Nakipag-usap ako sa isa sa mga Carders
na tatawagin nating RedBrigade --
kahit na hindi iyon ang kanyang totoong palayaw --
dahil naipangako kong hindi ko siya ibubunyag.
At ipinaliwanag niya sa akin na noong 2003 at 2004
pupunta lang siya sa New York,
kukuha ng $10,000 sa isang ATM dito,
$30,000 sa isang ATM doon,
gamit ang mga cloned credit cards.
Sa isang linggo, humigit-kumulang
$150,000 --
na walang tax!
At sabi niya
sa sobrang dami ng pera
na nakatago sa kanyang apartment sa upper-East side
ay dumating ang pagkakataong wala na siyang pagkakagastusan
at dumaan sa matinding pagkalungkot.
Ngunit ibang kwento na iyon,
at hindi ko muna ikukwento sa inyo.
Ang totoo niyan, si RedBrigade
ay hindi naman ang pinakamagaling na hacker.
Naiintindihan niya ang teknolohiya,
at batid na mahalaga ang paniniguro
kung ikaw magiging isang Carder,
ngunit hindi niya ginugol ang bawat araw at gabi
sa harap ng kompyuter, kumakain ng pizza,
umiinom ng coke, at iba pa.
Ang totoo, madalas siyang lumabas
at nagsasaya sa tinuturing niyang rurok ng tagumpay.
Ito ay dahil
ang mga hacker ay isang elemento lamang
sa negosyong cybercrime.
Madalas, sila ang pinakamarupok na elemento sa lahat.
Gusto kong ipaliwanag ito
gamit ang anim na tauhan
na nakilala ko
habang nananaliksik pa ako.
Dimitry Golubov, alyas SCRIPT --
ipinanganak sa Odessa, Ukraine noong 1982.
Natuto siya sa mga isyung panlipunan at moral
sa daungan ng Black Sea noong 1990s.
Iyon ay isang malupit na kapaligiran
at ang paglahok sa kriminal na gawain
ay hindi maiiwasan
kung gusto mong mabuhay ng matagal.
Bilang mahusay sa paggamit ng kompyuter,
ginaya ni Dimitry
ang kapitalismo ng gangster ng kanyang bayan
at pinagpatuloy sa Worldwide Web.
At napakahusay niya dito.
Alalahanin mong
pagsapit ng kanyang ika-9 na kaarawan,
ang tanging lipunan na alam niya
ay gangsterism.
Para sa kanya, walang ibang paraan
upang mabuhay at magkapera.
Andyan si Renukanth Subramaniam,
alyas JiLsi --
tagapagtatag ng DarkMarket,
ipinanganak sa Colombo, Sri Lanka.
Noong walong taong gulang siya,
lumisan ang kanyang mga magulang mula sa Colombo
dahil sa mga Singhalese na nagkalat sa siyudad,
at hinahanap ang mga Tamil gaya ni Renu upang patayin.
Sa edad na 11, siya ay siniyasat ng mga kawal ng Sri Lanka,
inakusahan ng pagiging terorista,
kaya't pinadala siya ng kanyang mga magulang sa Britanya
bilang isang refugee na naghahanap ng political asylum.
Sa edad na 13,
at dahil kaunti lamang ang alam sa wikang Ingles at inaapi pa sa paaralan,
naging kanlungan niya ang mundo ng kompyuter
at nagpalamas ng husay at abilidad,
ngunit di kalaunan siya ay naakit
ng mga masasamang tao sa Internet.
Siya ay nahatulan ng pagsasangla at pandaraya ng credit cards,
at makakalaya na siya mula Wormwood Scrubs jail sa London
sa 2012.
Matrix001,
na isang tagapamahala sa DarkMarket.
Ipinanganak sa katimugang Alemanya
sa isang respetadong pamilyang middle-class,
at ang pagkahumaling sa gaming noong siya'y binata pa
ay humantong sa hacking.
Di nagtagal, hawak na niya ang malalaking servers sa iba't ibang panig ng mundo
na naglalaman ng mga laro
na kanyang na-crack at pinirata.
Ang pagkalulong sa krimen
ay lumala.
Ngunit noong nagising siya sa katotohanan
at lubos nang naintindihan ang mga bagay-bagay,
naging huli na ang lahat.
Max Vision, alyas ICEMAN --
ang utak ng cardersMarket.
Ipinanganak sa Meridian, Idaho.
Isa si Max Vision sa mga pinakamagaling na penetration tester
na nagtratrabaho sa Santa Clara, California
noong 90s para sa mga pribadong kumpanya
at nag-volunteer sa FBI.
Noong pagtatapos ng 1990s,
nadiskubre niya ang isang butas
sa mga network ng pamahalaan ng U.S.,
at inayos niya ito agad --
dahil sakop nito ang mga kagamitang nuclear --
at naiwasan ng gobyerno ng Amerika
ang isang malaking kahihiyan.
Ngunit, dahil sa kanyang ugaling hacker,
nag-iwan siya ng digital wormhole
na siya lamang ang makakalusot.
Sa kasamaang palad, natuklasan ito ng isang imbestigador,
at siya ay nahatulan ng pagkakakulong.
Sa kanyang pagkakabilanggo,
siya ay nilapitan ng mga nais mandaya,
at hinimok siya ng mga financial fraudsters
na makipag-ugnayan
kapag lumaya na siya.
Kaya't ang taong ito, kahit na sobrang talino,
ay nakakulong ngayon sa sentensiyang 13-taon
sa California.
Adewale Taiwo, alyas FeddyBB --
master bank account cracker
mula sa Abuja sa Nigeria.
Itinatag niya ang walang pasakalyeng newsgroup,
bankfrauds@yahoo.co.uk
bago dumating sa Britanya
noong 2005
upang kumuha ng Masters sa chemical engineering
sa Pamantasaan ng Manchester.
Pinahanga niya ang pribadong sektor,
lumikha ng mga teknolohiyang pangkemikal para sa industriya ng langis
habang pinapatakbo
ang pandaigdigang operasyon ng bank at credit card fraud na nagkakahalaga ng milyon-milyon
hanggang siya'y maaresto noong 2008.
At si Cagatay Evyapan,
alyas Cha0 --
isa sa mga pinakakahanga-hangang hacker,
mula sa Ankara sa Turkey.
Abilidad niya ang pinagsamang geek
at swabeng pakikipag-ugnayan na tatak ng
isang master criminal.
Isa siya sa mga pinakamatalinong taong nakilala ko.
Nilikha din niya ang pinaka-epektibong
virtual private network security arrangement
ayon sa mga pulis, kung ikukumpara
sa lahat ng mga cybercriminals.
Ang mahalagang bagay
tungkol sa mga taong ito
ay ang iilang katangiang bitbit nila
kahit na sila'y nagmula sa iba't-ibang karanasan.
Natuto silang mag-hack noong
kabataan nila.
Sila ay may
pambihirang abilidad
sa matematika at agham.
Mapapansing naging mahusay sila sa hacking
noong hindi pa ganap ang kanilang paninindigang moral.
At karamihan sa kanila, except kay SCRIPT at Cha0,
ay walang ganap na kakayahang
makihalubilo sa tunay na mundo --
tanging sa Web lamang.
At kapansin-pansin na
ang mga katangian ng hackers ay
mga katangian ng mga taong may
Asperger's syndrome.
Itinanong ko ito
kay Propesor Simon Baron-Cohen
na dalubhasa sa developmental psychopathology sa Cambridge.
Ginawa niya ang ilang panibagong pag-aaral sa autism
at pinatunayan
na si Gary McKinnon --
na pinaghahanap ng Estado Unidos
dahil sa pag-hack sa Pentagon --
ay may Asperger's
at nakakaranas ng
ng matinding kalungkutan.
Ipinaliwanag ni Baron-Cohen
na ang kanilang kapansanan
ay pinupunan ng husay sa hacking at paggamit ng kompyuter
bilang kapalit,
at hindi makatarugan na agad nating ipakulong
ang mga taong ito na may kakaibang kapansanan at kakayahan
dahil wala silang kakayahang makihalubilo
o di kaya'y nadaya lang.
Tingin ko'y isang malaking oportunidad ito,
dahil tingin ko hindi bagay sa kulungan ang mga taong gaya ni Max Vision.
At magiging pranka ako.
Sa Tsina, sa Russia at iba pang bansa
na nagpapayabong ng kakayahang cyber-offensive,
ito ang kanilang ginagawa.
Kinukuha na nila agad ang mga hacker
bago pa man o pagkatapos nilang masangkot
sa gawaing kriminal at espionage --
at pinapakilos
sa ikakabuti ng estado.
Kailangan nating kumasundo
at magbigay patnubay
sa mga kabataang ito,
dahil sila'y katangi-tangi.
At kung tayo ay aasa, tulad ngayon,
sa sistema ng criminal justice
at mga malalambot na parusa,
maaring lumaki pa ang halimaw at mahirap nang mapaamo.
Maraming salamat sa pakikinig.
(Palakpakan)
Chris Anderson: Ang ideya mo
ay ang bigyang trabaho ang mga hackers.
Hindi ba't andun ang pangamba
na ang mga kukunin nating hackers
ay maglalagay din ng wormhole?
MG: Sa tingin ko,
kailangan nating unawain
na ugali na ng mga hackers ang ganyan.
Wala silang sinasanto at obsessed
sa kanilang ginagawa.
Ngunit ayon sa mga taong kinausap ko
na nagkasala sa batas,
ang sabi nila, "Pakiusap, bigyan niyo kami ng pagkakataon
na makapagtrabaho sa isang legal na industriya.
Hindi nga lang namin alam kung papaano.
Gusto naming makipagtrabaho sa inyo."
Chris Anderson: Kung sabagay tama ka. Maraming salamat Misha.
(Palakpakan)