Tip:
Highlight text to annotate it
X
Sa totoo lang, nagulat ako nang sinabi mong dapat magluto ako sa bahay para sa atin.
Para siyang pangatlo o pang-apat na date natin.
Oo nga. Sabi ko nga sa telepono na maraming betsin at asin sa mga kainan.
Mas masustansiya talaga ang magluto sa bahay
Oo nga. Tsaka kakaiba talaga na gusto mo akong i-date.
Ano ang nagbago? Parang hindi mo ako gusto noong nasa inyo ako noong isang araw. Anong nangyari?
Talaga? Diyos ko. Hindi!
Pumunta ako dito para malaman ko ang tungkol sa charity mo.
Kamusta ang mundo ng non-profits?
Problema sa mga donor? Mga kahirapan ng fund raising? Mga panghahabla siguro?
Kakaibang tanong iyan.
Meron kasi akong kaibigan na nagtatrabaho sa isang non-profit
at sinasabi niya sa akin parati na mahirap makakuha ng pera sa mga donors na nagtatago.
Mahirap talaga. Nakakapagod din minsan. Pero mahilig ako sa mga bata. Kailangan nila tayo.
Hindi siya parang pagsusulat ng mga true crime books o kahit na anong parang ganoon pero gusto ko talaga ang ginagawa ko.
Oo nga. Espesyal talaga ang mga bata.
Uy! Kumukulo na ang iyong pasta.
O sige. Malapit na.
Anong ginagawa mo?
Naghahanap ako ng pen. Pen?
Oo. Isang pen. Dahil gusto kitang bigyan ng cheke para sa iyong charity.
Mapagbigay ako. Wala sa akin ang aking checkbook, pero puwede kitang bigyan ng lima.
Bakit mo ginagalaw ang aking mga gamit?
O sige. Oo. Tinitingnan ko ang mga gamit mo.
Dahil naniniwala akong meron kang kinalamat sa pagpatay kay Elliot Butler.
Ano? Oo. Ganoon nga.
Alam kong nag-away kayo isang linggo bago siya namatay.
Dahil sa habla?
Diyos ko. Hindi ako makapaniwala.
Oo. Pinaplano kong idemanda si Elliot.
Sinira niya ako. Grabe talaga!
Nag-commit siya nang isang daang libo para charity.
Binase namin ang aming mga budget at mga programa sa perang iyon at nang kailangan na niyang magbayad, umatras siya!
Sinira niya ako at mga bata!
Kaya mo siya binaril!
Grabe. Iyan ang dahilan kung bakit ka nandito, ano?
Diyos ko. Tanga talaga ako.
Tanga talaga ako.
Ayaw mo akong i-date. Gusto mo akong isakdal.
Mukha naman kasi talagang kahina-hinala.
Meron kang motibo. Nandoon ka sa party.
Umalis ako sa party.
Hindi ako makapasok para makita si Elliot dahil doon sa English queen na ayaw akong palapitin sa kaniya.
Tapos itinaboy mo ako. Maraming salamat.
Tapos umalis ako nang nagkita tayo.
Nagpa-gas ako ng kotse at dumiretso ako sa bahay.
Umalis ka sa party nang maaga? Oo.
Ang dapat mong imbestigahan ay ang ex-boyfriend ni Elliot.
Masama ang pag-hiwalay nila.
Sabi ni Elliot ay inubos niya ang kaniyang pera at iyon ang isa pang dahilan kung bakit hindi siya makapag-donate sa aking charity.
Ano ang pangalan ng boypren niya?
Hindi ko maalala. Is siyang casting guy. Isang maskuladong lalaki.
Ivan? Si Ivan?
Oo. Russian. Parang Russian ang pangalan. O, Jeremy. Patawarin mo ako.
Talagang siniseryoso mo itong true crime mystery, ano?
Isa ka talagang Jessica Fletcher.
Diyos ko. Paborito ko ang palabas na iyon mula noong bata ako.
Pareho tayo ng henerasyon.
Nasaan nga pala ang banyo?
Doon pagkalagpas ng pinto.
Wood, kailangan mong tawagan si Detective Winters para tingnan kung ginamit ni Jeremy ang kaniyang credit card noong araw ng krimen
sa Arco Station sa kanto ng Beachwood at Franklin.
Wala akong pakialam kung nanood ko ng Spongebob. Basta gawin mo!
Grabe. Ayaw mo talagang tantanan, ano?
Ano iyon?
Ito ang resibo ng aking credit card para sa gasolina.
Gastos ito para sa trabaho. Tingnan mo ang petsa at ang oras.
Hindi ko kailangang tingnan iyan, Jeremy. Pinagkakatiwalaan kita.
Gusto ko lang manigurado. Parating naniniguro si Jessica Fletcher.
Kuha ko na, Detective Hatch.
Sa totoo lang, mukhang cute iyan. Medyo sexy din.
Medyo lang? Medyo lang.
Ngayon alam mo na ang lahat, siguro ayaw mo nang makipag-date, ano?
Puwede ba? Naamoy ko ang sarap ng Chicken Artichoke Pasta.
May isang bagay na kailangan mong malaman tungkol sa akin.
Hindi ko pinababayaang hindi maubos ang isang bote ng wine.