Tip:
Highlight text to annotate it
X
Bago mag-umpisa ang ating klase,
kantahin muna natin ang paborito nating awit
higit na matatag ang partido ngayon
kung ihahambing noong siya ay umusbong
ilang katao lamang ang muling nagbangon
sumuong sa panganib at hirap
ang ilan ay libu-libo na ngayon...
Ngayong araw, itutuloy namin
ang aming klase sa literacy/numeracy
at nakaprograma talaga ito sa platun, tuwing Myerkules at Sabado
Siyam lahat ang aming estudyante.
Ngayon araw ang aming pag-aaralan ay 'pyudalismo'.
Dahil ito ang hindi pa lumalabas sa mga pinag-aralan na naming mga letra
Kasamang Argee, tama ba ang kanyang sagot?
Tama ka, kasama.
Ang nabanggit ni Darwin na pyudalismo, isulat natin
Tumingin kayo rito, ang inyong mata rito ha...
Ang antas nitong mga nag-aaral ngayon, level 1.
Meron kasing level 0, may level 1, tapos level 2.
Ang level 0, di pa nakakakilala sa porma ng mga letra
ang level 1, nakakapagbasa na ng mga pares na kataga, halimbawa, "mama," "papa"
ang level 2, yan na ang level ng "mastery."
Kung baga, ang kailangan na lang ay pagpapabilis na ng pagbabasa
Karamihan sa kanila, kapag simula pa lang ng klase, tahimik pa.
pero dahil sa mga exercise [na ginagawa natin dito -- delete?], natututo ang mga kasama at masigla na silang nag-aaral
Karaniwan ng mga estudyante, Lumad.
At isa sa mga kahirapan, madali silang magsawa, at saka madaling sumakit ang ulo.
Pero nagsisikap talaga sila.
Minsan nakakatulog sila sa mesa o sa upuan, pero bumabalik din sa pakikinig at pag-aaral.
Sa pagsusulat, minsan may problema, bali-baliktad ang mga letra.
Pero ang kainaman, masisipag at bukas sa pag-aaral ang mga kasama.
Ang literacy at numeracy ay programa ng platun
para matulungan ang mga kasamang magbasa, magsulat at magkwenta.
Magagamit ito ng mga kasama sa mga pang-araw-araw na gawain.
Makakatulong din ito sa kanilang pagpupunyagi
dahil dito lang sila may napakinabangang mapagpalayang edukasyon.
Ano ang natutunan ko sa literacy?
Nakatulong ito sa akin
at ikinagalak kong nakakabasa na ako at nakakasulat.
Nakapagpasigla ito sa akin
at makapagpupursigi ako sa pagrerebolusyon dahil sa naabot kong literacy.
narindi na ang mamamayang Pilipino sa tatlong taon na mga...
ilang katao lamang ang muling nagbangon
sumuong sa panganib at hirap
ang ilan ay libu-libo na ngayon