Tip:
Highlight text to annotate it
X
Filipino Captions by Zero Mella MD
[Intro Music - Jazz]
Magandang umaga, magandang umaga
Kamusta na kayong lahat ngayon?
Mabuti na lamang at maaga nating nalaman na may malaria ang inyong anak
Kundi nalagay sa peligro ang buhay nya
[Instrumental]
[Narrated] Nakamamatay ang Malaria
Alam nyo ba na ang malaria ay pangunahing sakit na nakamamatay sa buong mundo
Ito ay kumikitil sa higit isang milyong buhay sa buong mundo bawat taon
Ang malaria ay isa sa pangunahing sakit sa papaunlad na bansa tulad ng Pilipinas
Karaniwang na-aapektuhan nito ang mga lalawigan at liblib na nayon
kung saan ang kondisyong ay ka-aaya-aya sa pagpaparami ng lamuk
Kabilang sa mga dahilan na nakatutulong sa pagkalat ng malaria ay kahirapan
Kawalan ng edukasyon at kaalaman
Maraming maling paniniwala ang umiiral ukol sa pagkakaroon ng malaria
Kabilang dito ay ang paniniwala na dulot ito ng pabagu-bagong panahon at maruming kapaligiran
O 'di kaya nalilipat ang sakit sa pag-inum ng katas ng niyog o tubig mula sa ilog
Gayun din ang pagkain ng kasoy at iba pang pagkain
Marami ring naniniwala na ang sanhi ng malaria ay dahil sa kulam
Kinulam ang aking anak, kaya sya nagkasakit ng malaria
Huwag kayo maniwala duon misis.
Ang malaria ay nakukuha sa pamamagitan ng kagat ng lamok.
[Narrated] Ito ang tutoo
Ang malaria ay naililipat lamang sa kagat ng babaeng lamok na "Anopheles"
na may taglay na parasite na kung tawagin ay "Plasmodium"
Nangangagat ang lamok sa gabi simula sa paglubog ng araw hanggang sa pagsikat nito
Ito'y nasa pagitan ng ika-sampu ng gabi hanggang sa ika-dalawa ng madaling araw.
Tulad ng maraming insekto nagdadaan ang lamok sa life cycle
upang magbagong-anyo bago sumapit sa hustong gulang o maging adult
Nangingitlog ang babaeng lamok na Anopheles sa "breeding places"
o mga lugar kung saan sila nagpaparami
tulad ng malilim at mabagal ang daloy ng tubig na bagong sapa
Maliliit lamang ang itlog ng lamok at lumulutang sa ibabaw ng tubig.
Ang itlog ay magiging "larva" na kilala din bilang "wiggler" o "kiti-kiti"
Kalaunan, magbabago ito ng anyo at magiging "pupa," "tumbler" o parang uod.
Ang huling yugto sa life cycle ng lamok ay ang pagiging adult mosquito na kilala sa pagkakaroon ng malalaking mata
Kung ang lalaking adult na lamok ay kumakain ng nectar ng mga bulaklak.
Ang babaeng adult na Anopheles naman ay nabubuhay sa dugo ng tao
May kakayahan itong lumipad sa layong isa't kalahati hanggang dalawang kilometro
Mula sa kanilang breeding sites patungo sa tirahan ng mga tao
[Loud noise]
Kung ganoon, lamok ang dahilan ng pagkakaroon ng malaria ng aking anak
[muffled sounds]
Isang tao lamang ang kailangan para maimpeksyon ng malaria para maikalat ang sakit na ito
Malaki ang panganib na maikalat
ng babaeng lamok na Anopheles
ang malaria sa ibang tao
kapag nakakagat ito ng tao na apektado ng naturang sakit
Ganito ang nangyayari sa tinatawag na "malaria cycle"
Una, kakagatin ng hindi apektadong lamok ang isang taong may malaria
Sa pamamagitan nito, makakakuha ang lamok ng parasite
Ikalawa, kakagatin ng lamok ang isang taong malusog
Kung saan malilipat naman ang taglay nitong parasites
Sa anyo ng "sporozoites" na papasok sa dugo ng biktima
Ang sporozoites ay dinadala ng dugo sa atay
Pumapasok ito sa liver cells
na tinatawag na "hepatocytes" at nagpaparami
Hindi nagtatagal at puputok ang liver cells
Na magpapalabas naman ng milyong parasites sa anyo ng "merozoites"
sa daluyan ng dugo o blood stream
Sisirain ng parasites na nasa dugo ang red-blood cells
Ang mga parasites naman ay magiging baby parasites na tinatawag na "gametocytes"
at mananatili sa blood stream at naghihintay na masisip ng ibang lamok sa pamamagitan ng kagat
Sa ganitong paraan, muling magsisimula ang panibagong cycle.
na naguumpisa sa unang kagat na nakakahawa.
Ang isang taong may malaria ay maaring magpakita ng iba't ibang simtomas.
Kabilang dito ang pabalik-balik na lagnat
may kasamang panginginig at matinding pagpapawis.
na maaring may kasama ding pagdugo, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan
at panghihina, pagsusuka, at pagdadaing.
Ang pagkasira ng red blood cells ay nagiging sanhi ng anemia
O kakulangan sa dugo
Ang matinding uri ng malaria ay may karagdagang simtomas
tulad ng hallucinations, pagkahilo, mabilis at mahirap na paghinga
pagbabago ng kulay ng ihi, naninilaw na mga mata
convulsion at comatose
Ayaw ko mangyari yon sa aking anak
Para nyo nang awa, gawin nyo na ang lahat upang gumaling sya
Mabuti at nagpasya kayong dalhin s'ya kaagad sa amin
Maaring magamot ang malaria kung maaga matutuklasan
Sa sandaling magkaroon ng simtomas ng malaria ang isang tao
Dapat kaagad siyang dalhin sa pinakamalapit na hospital o health center
O 'di kaya sa isang baranggay health worker
Tiyaking masusuri kung may parasite ang dugo ng pasyente
Sa pamamagitan ng smear microscopy
na maaaring ipagawa sa pinakamalapit na health center
Bibigyan ng gamot ang pasyente upang gumaling ang kanyang sakit
Gayunman, pinakamabisang paraan sa pagsugpo sa pagkalat ng malaria
ay ang pag-iwas dito
Maraming paraan upang maiwasan ang malaria
Gumamit ng chemically treated na kulambo
Kumonsulta sa health worker para dito
Maglagay o magpahid ng insect repellent tuwing gabi
Magsuot ng damit pang-itaas na may mahabang manggas at pantalon tuwing gabi
Matulog sa chemically treated na kulambo.
Maari ding pangunahan ng inyong komunidad
ang pagiwas sa pagkakaroon ng sakit na malaria
Linisin ang ilog at sapa
Upang mapabilis ang daloy nito.
Nangangahulugan ito ng pagbunot sa ligaw na damu at pagputol sa sanga ng mga puno
Sa pamamagitan nito, mahahadlangan ang pangingitlog ng lamok sa ilog.
Sunugin ang mga tuyong damo at iba pang organic na basura
na s'yang lilikha ng usok na magtataboy sa mga lamok
Ilagay ang mga alagang hayop
Lalu na ang kalabaw sa layong bente kilometro
mula sa bahay, upang maiwasan ang pagpasok ng mga lamok
sa luob ng inyong tahanan
Kaagad na i-report sa lokal na health center
ang anumang pagtaas o pagdami ng bilang
ng taong may pabalik balik na lagnat
sa inyong komunidad
Maging aktibo din sa kampanya
sa pagbibigay impormasyon
at pangkalusugang edukasyon
sa inyong pamayanan
Maraming salamat po doktor
sa pagliligtas n'yo sa buhay ng aking anak
Maaring iwasan at gamutin ang sakit na malaria
Ngunit maari din itong makamatay
Kung 'di kaagad malalaman at malalapatan ng karapatang lunas
Salamat po.
[Instrumental...End Credits] Iwasan ang kagat, Iwasan ang malaria