Tip:
Highlight text to annotate it
X
"Nagsimula ang Google bilang isang research project noong 1996."
"Isa itong pagsilip sa kung paano nag-evolve ang paghahanap."
Gomes: Layunin naming mapabuti ang Paghahanap
upang tugunan ang pangangailangan ng user.
Dalhin sila sa kasagutan nang mas mabilis.
Upang magkaroon ng tuluy-tuloy na ugnayan ng
kanilang mga pananaw at pangangailangan
at mga resulta ng paghahanap na kanilang nakikita.
Singhal: Nagsimula ang Google sa mga algorithm
na binuo nina Larry at Sergey sa Stanford
na tinatawag na algorithm ng PageRank.
At ginamit nila iyon upang gumawa
ng isang naiibang paraan ng paghahanap sa web.
Gomes: Ang nangyayari sa panahong iyon ay
ang malaking bugso ng nilalaman sa web,
isang mas malaking bugso ng impormasyon
kaysa sa nangyari noon.
At nagiging mas mahirap na mahanap
ang nilalaman na iyong gusto.
"Adwords"
Mayer: Sa simula,
wala tayong anumang mga advertisement.
At habang nagdaragdag kami ng mga adverstisement,
mahalaga sa amin na may-katuturan ang mga ito
sa paghahanap gaya ng mga resulta ng paghahanap.
Mahalaga rin sa amin na naiiba ang mga ito
sa mga resulta ng paghahanap.
Gomes: Nagkaroon ng malinaw na paghihiwalay sa pagitan ng mga ad
at Paghahanap mula sa mga unang panahon.
Nagkaroon lamang ng isang layunin ang Paghahanap,
ang ibigay ang pinakamay-katuturang impormasyon sa user
sa pinakamabilis na panahong posible.
"Universal Results"
Mayer: Noong 1999 at 2000, nagkaroon kami ng search engine
na gumana nang mahusay,
at gumana ito nang mahusay para sa mga web page.
Isa sa aming mga nakita ay,
habang humuhusay ang Google,
umasa ang mga user nang higit pa mula rito.
Hindi lamang mga web page ang gusto nila.
Gusto nila ang pinakamahusay na impormasyong available,
maging larawan man iyon o aklat.
Kaya nagsimula kaming mag-isip kung paano maghanap ng bago
at iba pang uri ng nilalaman.
At ang Image Search ang pinakauna sa mga ito
dahil alam namin na katumbas ng 1,000 salita ang isang larawan,
at maraming mga pagkakataong sinabi ng mga tao,
ano ang turquoise?
Nakakuha kami ng paghahanap, "ano ang turquoise?"
At hindi masasagot ang tanong na iyon
nang walang larawan.
Singhal: Noong naganap ang Setyembre 11,
nabigo namin bilang Google ang aming mga user.
Hinahanap ng mga user ang "New York Twin Towers,"
at walang katuturan ang aming mga resulta,
walang kaugnayan sa malungkot na kaganapan noon
dahil na-crawl ang aming index sa nakaraang buwan,
at siyempre, walang mga balita sa index na iyon.
Kaya naglagay kami ng mga link sa mga samahan ng balita gaya ng CNN
sa aming front page mismo na nagsasabing bisitahin ang mga site
upang makakuha ng balita,
dahil binibigo ka ng aming paghahanap.
Nasa pulong kami ng aking kaibigang si Krishna
noon, at nag-isip na siya tungkol sa problema,
at sinabing, "Kung mabilis tayong makakapag-crawl ng balita,
"at makapagbibigay tayo ng maraming pananaw
"tungkol sa parehong kuwento sa ating mga user,
mahusay iyon, hindi ba?"
Iyon ang simula ng Google News
espesyal na serbisyo ng paghahanap.
Mayer: Noong 2002, isa sa mga trend na nakita namin
ay mas naging masagana ang web.
Higit pang larawan, video, iba't-ibang uri ng nilalaman.
At naisip naming inaasahan ng mga user sa Google
na mahahanap nito ng isang bagay kung umiiral ito sa web.
Hindi mahalaga sa kanila kung ito ay teksto o web page o balita,
gusto nila ito sa iisang lugar.
Kaya naisip namin ang Universal na Paghahanap,
ang ideya na pupunta ka lang sa Google,
at anuman ang uri ng nilalaman,
mahahanap namin ito.
Isa sa mga hamong hinarap ng Universal na Paghahanap ay
inihahambing namin ang mga mansanas sa mga orange.
Sighal: Maiisip mo na ang mga mansanas ay mga web page,
at maiisip mo na ang isang orange ay isang larawan.
Kapag kami ay nagra-ranggo ng mga larawan,
alam namin kung ano ang aspect ratio ng larawan,
gaano kalaki ang larawan, ilang pixel ang bumubuo sa larawan.
Ito ba ay black and white na larawan or isang larawang may kulay?
Ang mga senyales na ito ay may-katuturan lang sa larawan,
ngunit walang katuturan sa mga web page.
Kaya ang Universal na Paghahanap ay naging mahirap
noong ginawa namin ito, dahil ang agham ay hindi pa nabubuo.
Mayer: Natapos kami na inilalagay ang mga bagay
sa tuktok man ng pahina, sa ibaba ng pahina,
o saanman sa gitna
dahil wala kaming mas mahusay na paraan
ng pagtingin sa kaugnayan,
lalo na sa ibat'-ibang uri ng media.
Singhal: At sa paglipas ng mga taon,
mahusay naming binuo ang aming agham,
at ngayon nagsisimula kaming maglagay
ng iba't-ibang uri ng impormasyon sa maraming lugar
sa aming pahina ng resulta
habang humuhusay ang aming algorithm.
"Mabilisang Mga Sagot"
Gomes: Layunin naming gawin ito upang ang magawa namin
ay ang iyong gusto
at umakma ito sa daloy
ng iyong hinahanap
na halos hindi mo napansing nangyari ito.
At sa pagbabalik-tanaw dito, tila iyon ang dapat na
kinalabasan nito mula pa noong una.
Menzel: Kapag kailangan mo ng partikular na impormasyon,
susubukang ibigay ito sa iyo ng Google
sa Mabilisang Mga Sagot.
Halimbawa, ang puntos sa sports.
Gusto mong malaman kung ano ang puntos sa ngayon.
Gusto mong malaman kung gaano kataas ang Empire State Building?
Wright: Gusto naming pumunta ang mga user sa Google
at makuha ang impormasyon nila nang mabilis hangga't maaari.
At gamit ang Instant, hindi mo na kailangang i-type
ang lahat ng iyong iniisip.
Hindi mo kailangang pindutin ang enter.
Maaari kang mag-type ng "bike h,"
at ipapakita namin sa iyo ang mga resulta doon mismo
bago mo pa matapos ang iyong mga naiisip.
"Ang Kinabukasan ng Paghahanap"
Menzel: Lubos naming pinapabuti
kung paano ka nakikipag-ugnayan
sa search engine mismo.
Sa Paghahanap ayon sa Larawan, magagamit mo ang larawang iyon
bilang input sa paghahanap.
Singhal: Ang totoo ay kailangan ng mga user ng
higit pang kumplikadong sagot.
Pangarap kong mabuo ang computer na "Star Trek."
At sa aking modelong mundo,
Magagawa kong pumunta sa computer at sabihing,
"Ano ang pinakamainam na panahon para mag-ani sa India,
gayong maaga ang tag-ulan ngayong taon?"
At kapag masasagot na namin ang tanong na iyon,
na hindi namin magawa ngayon,
ang mga tao ay maghahanap ng sagot
sa mas kumplikadong mga tanong.
Ang lahat ay mga tunay na pangangailangan ng impormasyon.
Mga tunay na tanong na kung masasagot namin, ng Google,
mas magiging maalam ang aming mga user,
at mas masisiyahan sila sa paghahanap nila ng kaalaman.