Tip:
Highlight text to annotate it
X
Narinig mo na ba ang pangalang Adolf Hitler?
Hindi.
Hindi mo alam kung sino siya
Hindi
Babala: ang susunod na programa ay naglalaman ng mga larawang hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan
Babaguhin ang inyong damdamin
Ako si Ray Comfort
Ako ay Hudyo, at ako ay nababahala sa henerasyong
ito na nakakalimot sa pinakamalagim na trahedya
sa kasaysayan ng sangkatauhan
pinangunahan ni Adolf Hitler ang pagpatay
sa labing isang milyong katao,
kabilang ang anim na milyong Hudyo, na kilala sa tawag
na Holocaust.
Sa Germany, bawal ang rebulto ni Hitler
at ang pagsaludong Nazi ay iligal. At sa Austria,
kung itanggi na ang Holocaust ay nangyari,
ikaw ay makukulong
Sa Germany gusto nilang manatili sa kasaysayan ang malagim
sapilitang itinuturo ang Holocaust sa mga bata
Dahil sinasabing
ang mga nakakalimot sa kasaysayan ay nakataan na maulit itong muli.
Adolf Hitler, ano ang alam mo tunggkol sa kanya?
Siya ay a, um - ano ang tawag sa kanya?
Siya ay parang presidente.
Ano ang alam mo tungkol kay Adolf Hitler?
Wala akong alam tungko sa kanya.
Alam mo ba si Adolf Hitler?
Um, hindi.
Wala kang narinig tungkol sa kanya?
Wala.
Hindi ko matandaan tungkol sa kanya.
Sino si Adolf Hitler?
Um, siya yung lalaki sa... German ba sya?
Wala akong alam tungkol sa kanya.
Sino si Adolf Hitler?
Um....
ah, yong lalaking.... na may...
meron syang bigote.
Sino si Adolf Hitler?
Siya ay kommunista, tama, leader sya ng Germany?
Sino si Adolf Hitler?
Hindi ko alam.
Wala kang ideya tungkol sa kanya?
Wala
Uh, sya ay komunista.
Um, artista ba sya o ano?
Siya ay, tungkol sa Holocaust.
Sabihin mo sa akin kung ano ang alam mo kay Adolf Hitler.
Uh, Wala akong alam tungkol sa kanya.
May narinig ka ba tungkol sa kanya?
Hindi, wala.
Sino yung lalaking may bigote?
Um, hindi ko alam, pasensya na.
Makikilala mo si Steve.
Kung makikita mo, si Steve ay isang neo-Nazi
mahal niya si Adolf Hitler, kinasusuklaman niya ang mga Hudyo at mga taong may itim na balat.
mga puting tao ay nandito,
pagkatapos may ______ at Hudyo.
ang mga puting tao ang pinaka-impotanteng tao.
Ano ang dahilan ng pagkalalang ng tao?
Upang magpakalango sa alak at magkaroon ng asul na Mohawk.
Sino si Hesu Kristo
Tagapagligtas ng sanlibutan
Hindi, siya ay isang [#@!*%] Hudyo!
At ano ang ginawa ng mga Hudyo?
Mga sinungaling!
ang pagiging Kristyano ay paglilinlang nga mga Hudyo, pero hindi pa nila ako malinlang.
Dahil ako ay Griyego at mas matalino ako kumpara sa kanila.
***-Spell mo ang salitang 'shop'
Shop? s-h-o-p.
Anong gagawin mo kapag berde ang ilaw?
Hinto.
Berdeng ilaw.
Oh. Go.
Tingnan mo, kung kaya mong magkamali
katulad ng mga simpleng bagay na katulad ng....
tingnan mo na lang na pwedi kang magkamali
sa pilosopiyang ito
Hindi. Ikaw ang nagkakamali!
Hindi ko kinasusuklaman ang mga itim na tao dahil sa kanilang kulay.
Kinasusuklaman ko sila dahil sila ay [#@!*%],
dahil sinisira nila ang bawat [#@!*%] kapaligiran
kung saan sila galing, dahil gumagawa sila ng mga masasamang bagay
sa aking mga kalahi dahil sa kulay ng aming balat
Itong bansang ito ay [#@!*%], kinasusuklaman ko ang Amerika.
ang Amerika ay pinangungunahan ng mga mahihinang [#@!*%] Hudyo
na para ***, hindi natin kayang tumayo sa ating sarili,
kaya gumawa sila ng pekeng diyos upang protektahan sila,
dahil sila ay mahinang lahi,
si Hesus ay Hudyo,
at kung nasa Auschwitz, bibigyan ko siya ng tatu.
si Adolf Hitler ay hindi masama.
Kung gayon, ano ang dapat mong gawin upang masabing masama ka?
Pumatay siya ng anim na milyong Hudyo, Itim at mga gypsies,
at mga bading.
Hindi ako naniniwala; iyon ay mga kasinungalingan.
Hindi siya pumatay ng ganong karaming tao.
Mahal ko si Hitler.
Bakit?
Dahil gusto niyang linisin ang sanlibutan sa mga hindi puting lahi.
Si Adolf Hitler ay....
ang pinaka sikat na kriminal sa sanlibutan.
Palagay mo hindi siya masama?
Masama? Hindi, Hindi.
Sino si Adolf Hitler?
Siya ang Leader ng mga Nazis.
Siya ang nagpatakbo ng pasistang gobyerno ng World War II, tama?
Mabait na tao, masamang tao?
Matalino siya, pero.... ang mga ginawa niya ay mali.
Alam mo ba ang tungkol kay Adolf Hitler.
Oo. oo.
Ano ang ginawa niya?
Pumatay siya ng maraming tao at sinubukan na pangunahan ang buong mundo.
Mabuting tao o masamang tao?
Masama!
Meron akong tanong sayo.
Hindi ito racist na tanong,
German ka ba?
Bin ein Deutschlander. (oo German ako.)
Maari ba akong magtanong sayo? Nabasa mo na ba ang 'Mein Kampf'?
Oo.
Ano ang palagay mo tungkol duon?
Mahalagang libro. Best seller. Hanggang ngayon.
Hinahangaan mo ba si Adolf Hitler?
Oo naman.
Masama ba siya?
Hindi!
Masama ba siya kung pumatay siya ng mga Hudyo?
Hindi niya ginawa iyon.
Sino ang gumawa noon?
Hindi nangyari iyon.
Hindi iyon nangyari? Ang Holacaust ay hindi nangyari?
Tama.
Sino ang mga mamamatay?
Ang mga Hudyo. Hindi mo ba alam na ang mga Hudyo ang nagpapalakad sa Amerika?
Hindi mo ba naiintindihan yon?
Hindi mo ba naiintindiyan iyon? Hindi mo ba alam yon?
Anong mali doon?
Anong mali doon? Ang hari namin ang nagsabi kung ano ang mali doon.
Impyerno and dala noon sa mundo at nangyari nga.
Tingnan mo na lang ang buong kapaligiran at ang resulta ng Judaismo...
Sira ka ba? Baliw ka ba? Galit ka? Galit ka?
Kinasusuklaman mo. Kinasusuklaman mo. Kinasusuklaman mo ang masama...
Tumigil ka. Tumigil kang magsalita na parang Hudyo!
At alam mo ba ang sabi ni Hitler, sya ba ang nagsabi na ang Kristyano
ay mabuting relihiyon, pero patayin natin.
Inilagay niya ang mga Hudyo sa mga concentration camps.
at binrainwashed nya ang buong sibilisasyong Germanya.
sa paniniwalang ang mga Hudyo ay masasama,
at dapat na patayin sila.
Sinimulan niya ang World War II.
Sa taong 1939, may mga matataas ng kalibreng baril,
at nakikita mo si Adolf Hitler.
babarilin mo ba siya.
Oo naman.
Okay, kung gayon wala kang pag-aalinlangan.
Babarilin mo ba siya?
oo.
Okay, halimbawa mga 30 taon bago sa kasalukuyan
Si Mrs. Hitler ay buntis kay Adolf.
iaabort mo ba sya?
Kung alam ko kung ano ang gagawin nya?
oo.
Babarilin mo ba siya?
Oo.
Oo. Oo babarilin ko sya.
ng pinong-pino
kung halimbawa babalik ka ng 30 taon,
at ang nanay ni Adolf Hitler ay buntis kay Adolf,
at mayroon kang mataas na kalibreng baril,
at meron kang pagkakataon na bumaril, babarilin mo ba siya?
babarilin mo ba sya, para mamatay sya?
Oo naman.
Oo. Babarilin ko sya, para mamatay sya
at papatayin ko lahat ng lahi nya, lahat ng pamilya ni Hitler's.
Pumatay ba sya ng maraming Russians?
Oo, pero hindi personal na sya,
kung hindi ang mga German army.
Milyon-milyon
30 milyong kataong Russia ang namatay sa Second World war.
at winasak niya ang German army
at karamihan ng European at ng Soviet Union.
May nasawi ka *** kamag-anak?
Oo, namatay ang tatay ko,
ang lola ko
at ang auntie, at nanay....
Kinasusuklaman ni Adolf Hitler ang mga Kristyano.
sakit ang tawag niya sa kanila ang sabi nya minsan,
ang pinakamalakas na atake sa sangkatauhan
sa mga Kristyano,
idagdag pa doon ang mga Hudyo.
Pumatay siya at ikinulong ang mga pastors
at pinalitan nga kanyang sariling Nazi pastor.
Pinalitan rin niya ang Krus ng Swastika,
100,000 kopya at baluktot na bibliya
pinalitan ang sampung utos,
at gumawa ng kanyang sariling ***, anti-semitic, hindi Hudyong Hesus.
Pero ang pinaka-importante, ang katotohanan ay lumitaw
ginawa ni Hitler ang sarili na diyos.
idolater ang tawag sa bibliya.
meron siyang ibang diyos maliban sa Diyos ng Bibliya.
Katulad ni Judas Iscariot, tinawag niya ang kanyang sarili na tagasunod
ni Hesus ng Nazareth, pero iba ang motibo niya
ang kanyang masamang balak, at malinaw ang balak niya.
ang sabi niya "Kung sino ang may ari ng kabataan ay pakinabang ng kinabukasan."
Nilinlang ni Adolf Hitler ang kabataan ng Germany.
Nilinlang niya ang simbahan.
at sa kalahatan,
nilinlang niya ang milyong German na naniwala sa kanyang kasinungalingan
tungkol sa paghahari ng lahing German.
Ang mga Hudyo ay lahi, hindi mga tao. Hindi sila tao na kawangis ng diyos....
Adolf Hitler – May 1923 speech, Munich
Ayon sa kasaysayan, kung sino ang nasa kasalukuyan
ng pumatay ang mga Nazis ng 1,600 Hudyo noong April 6, 1942.
Saksi siya sa pagbaril at paglilibing sa mga buhay pang tao.
Nakita ko sila kung papaano nila patayin ang mga tao.
At sa ika 5 ng hapon, nag-utos siya,
"punuin ang mga hukay."
Sigaw at panaghoy ang maririnig sa nga hukay.
Nakita ko si Ruderman na aking kapitbahay
bumangon siya mula sa lupa.
nagdudugo ang kanyang mga mata, at sumisigaw siya
"Tapusin nyo na ako!"
May isang patay na babae malapit sa paa ko.
Isang, limang taong bata ang gumapang sa ilalim ng babae
at sumisigaw, "Mommy!"
Iyon na lang ang nakita ko dahil nawalan ako ng malay.
1943, isang German officer
ang nagtutok ng baril sayo at sabihin sayo
sumakay ka sa bulldozer at paandarin mo.
Tumingin ka sa harap mo. Mayroong malaking hukay.
Daang Hudyong pamilya ang patay na nakahandusay,
at nasa hukay sila.
Marami sa kanila ang patay na, at ilan sa kanila ay buhay pa.
Ang sabi nya sayo na ilibing mo kami ng buhay.
Alam mo ba na kung sabihin mo na hindi, ang sasabihin nya sayo okay,
at babarilin ka nya sa kanyang machine gun.
Naku po.
Okay, kung gayon ibang tao ang gagawa.
Siya ang gagawa.
Gagawin mo ba ang sasabihin nya?
Hindi ko alam.
Wow, palagay ko matinding tanong yon.
At kung gagawin mo ang sinabi nya, hahayaan ka niyang mabuhay.
Papaandarin mo ba ang bulldozer?
Hindi.
Bakit hindi?
Mamamatay din lang naman sila.
Dahil mas gusto ko na mamatay na hindi ko ginawa ang pinagagawa niya,
alam ko na ako ang dahilan.
Papaandarin mo ba ang bulldozer?
Hindi.
Palagay ko gagawin ko lang iyon dahil sa takot
sa sarili ko at takot na wala akong ibang pagpipilian.
Gagawin mo ba ang pinagagawa niya?
OO.
Hindi. 259 00:11:13,333 --> 00:11:14,256 Ikaw?
papaandarin mo ba?
Hindi, hahayaan ko na lang na barilin ako.
gagawin mo ba ang sinabi niya?
Oo.
Ililibing mo ang mga Hudyo?
Oo, kung ako, kung ang buhay ko,
Gagayin ko iyon, oo.
Oo, gagawin ko.
Okay, halimbawa sabi ng sundalo sayo,
"Ayaw ko na ilibing ang mga taong ito na buhay pa.
Bibigyan kita ng baril.
at barilin mo silang lahat.
Barilin mo sila."
Gagawin mo ba iyon?
Hindi, mahirap gawin iyon.
Oo, kung halimbawa....
Mas nakakaawa
na barilin sila kaysa ilibing ng buhay pa, palagay mo?
Oh, palagay ko, oo.
Kung ganon, babarilin mo sila, pero ililibing mo sila?
Oo.
Ano ang pagkakaiba?
Dahil palagay ko karamihan sa kanila ay patay na.
At iyon ang....
Pero ilan sa kanila ay buhay pa.
Oo, palagay ko hindi ko na lang iisipin iyon.
Gagawin mo ba ang sinabi niya?
Hindi.
Hahayaan ko na lang na barilin nya ako.
Kung sabihin nya, "Hawakan mo ang baril ko.
Dosenang opisyal ang nakatutok ang baril sayo.
Gusto kong barilin mo ang mga Hudyo."
Hindi, Hindi, Hindi
Hindi mo sila babarilin?
Hindi, Ayaw ko...
Pero ililibing mo sila?
Kung...
Kung ganon, palagay ko gagawin ko para lang iligtas ang buhay ko
at ang pamilya ko.
Kung halimbawa sabihin nya sayo, "kunin mo ang machine gun
tapusin mo ang mga Hudyo," gagawin mo ba iyon?
Hindi, Hindi ako papatay ng tao.
Hindi ko kayang gawin iyon.
Pero ililibing mo sila ng buhay,
ano ang mas mahirap ang barilin.
Pinahihirapan mo naman ako.
Matinding disisyon iyan.
Gagawin mo ba ang pinagagawa niya?
Oo.
Paandarin mo ba?
Hindi ka magdadalawang isip?
Hindi.
Paandarin mo ba?
Hindi.
Hindi, Hindi ko.
Gagawin mo ba ang gusto niya?
Hindi.
Bakit hindi?
Una, Hindi tamang gawin iyon.
Ano ang pwedeng gawin ng isang tao, kung ang taon iyon
ay lumabas sa bulldozer?
Alam mo ba ang ibig kong sabihin?
Halimbawa, tapos din ang buhay nila.
Iyon ba ang kailangang gawin,magrebelde laban sa kanya
at palagay ko ganon ang pakiramdam ng karamihan....
saan sa mundo
nasaan ang mga tao?
maaring bawat indibidual ay magsasabing ang karamihan na,
"Hindi ko kayang ilibing ang taon buhay pa.
mamamatay muna ako bago ko gawin iyon."
Pinapahalagahan mo ba ang buhay?
Oo naman.
Kung gayon, hindi ka kikitil ng buhay?
Pinapahalagahan mo ba ang buhay?
Oo.
Ano ang palagay mo sa abortion?
Mmm, depende.
Mahirap na tanong iyan.
Parang pinapahalagahan mo ang buhay.
Pinapahalagahan ko ang buhay.
Alicia, ano ang masasabi mo sa abortion?
Uh....
Palagay ko, nasa babae ang may karapatang pumili,
at ang bawat sitwasyon ay iba-iba.
Kung sa abortion.
Alam mo, mahirap na sitwasyon iyan.
Ako ay para sa buhay, pero alam mo ba na kung.... madaling
sinasabi ko na gagawin ko ito
at oo gagawin ko,
pero kung nasa sitwasyon ka na,
ano ang gagawin mo.
palagay ko, sa katotohanan....
Kung pinapahalagahan mo ang buhay, alam mo ba na bata ang nasa sinapupunan?
Oo, naman.
Kailan siya nagiging buhay?
Ang alam ko mula sa umpisa,
pero hindi hanggang sa ikatlong buwan.
Ito ay aktwal na sanggol sa sinapupunan
sa ika-anim na linggo, anim na araw.
Makikita mo ang mata, kamay, ang pintig ng puso ng sanggol,
Iyan ang fetus, hindi sanggol.
Palagay mo hindi sanggol iyan?
Hindi pa, hindi hanggang sa ika-tatlong buwan.
Palagay mo sanggol na ang nasa sinapupunan?
Oo.
Okay, tapusin mo ang pangungusap, okay?
'Kailan pwedeng patayin ang sanggol sa sinapupunan...'
Hindi ko alam.
Palagay mo sanggol na ang nasa sinapupunan?
Oo.
Okay, tapusin mo ang pangungusap:
'Kailan pwedeng patayin ang sanggol sa sinapupunan...'
Kung bunga ng pangyayaring hindi dapat mangyari.
Kailan nagiging buhay?
Naku, napakahirap naman n'yan.
Ok may tanong ako sa iyo kung nagdududa ka.
Halimbawa ako ay nagtatrabaho sa isang konstruksyon.
at ay gusali, at ang sabi ko sa yo,
"sa isang minuto, pasasabugin ko ang gusali.
May posibilidad na may isang tao na nasa gusali.
Hindi ko alam, pero pasasabugin ko pa rin."
Ano ang sasabihin mo sa akin?
Hindi ko alam na may buhay sa gusaling iyon o wala,
pero pasasabugin ko pa rin.
Narinig mo na ba ang tungkol sa abortion?
Oo, narinig ko.
Kasalanan ba iyon?
Hindi.
kailan nagiging tama ang abortion?
Kung hindi mo kayang suportahin paglabas nya.
Palagay ko mas maganda ang may plano.
Palagay ko, kung may gagawin ka,
kailangang isipin mo ng mabuti.
Isang bagay na hindi kailangang gawin, sabihin mo lang,
"Ok, gawin na lang natin."
alam mo ba?
Alam mo ba na parang sinabi mong, "tingnan mo,
bago mo ilibing ang mga Hudyo na buhay pa,
isipin mo lang at pagkatapos ilibing sila ng buhay"?
Ah.
Nakikita mo ba ang...
Oo, alam ko kung ano ang ibig mong sabihin.
Palagay ko pwedi mong sabihin na parang ganond din.
Heto si, Frank.
Ibibigay mo ba ang buhay mo sa mga Hudyo na
mamamatay lang din naman, pero hindi ka magsasabi ng laban sa
pagpatay sa sanggol sa sinapupunan.
gusto kong sabihin mo na 'hindi tama iyon,
na patayin ang sanggol sa sinapupunan.'
Ang pinaka ligtas na lugar para sa bata ay sa sinapupunan ng ina
at ang pag-abort at pagsira ng buhay.
Bakit?
Sa makasariling dahilan.
Palagay ko depende, tama?
Depende kung ano ang dahilan.
Ok sabihin mo kung kailan pwedeng patayin ag sanggol sa sinapupunan.
ang ibig kong sabihin, Kapag na-***
parang ganon ba, alam mo ba ang ibig kong sabihin?
alam ko na mahirap na desisyon iyon, pero nasa pagiisip iyon....
Bakit mahirap?
Bakit mo papatayin ang bata dahil sa kasalanan ng ama?
Ano ang mas masama ang pagpatay o ang panggagahasa?
Pagpatay ng bata, pagkitil ng buhay
dahil sa kasalanan ng ama.
Sino ang may alam kung kailan nag-uumpisa ang buhay?
Hindi ko alam iyon.
Palagay mo alam ng Diyos kung kailang nag-uumpisa ang buhay?
Palagay ko, oo.
Alam mo ba ang pang-anim na utos?
Hindi, hindi.
Ang sabi, "Huwag kang papatay."
Ang dapat mong sabihin hindi kailan man naging tama ang pagpatay ng bata
sa sinapupunan. At ang sabi ni Hitler na ang mga Hudyo ay hindi tao.
at iyon ang ginagawa mo pag sinasabi mong,
"Hindi pa sanggol hanggang sa ikatlong buwan.
Iyon ang palagay ko."
Iyon ay pansarili.
At kung hindi ka sigurado, ibes na ilalagay sa peligro
ang isang buhay.
Isipin mo na lang na kung nasa sinapupunan ka pa
tatlong buwang gulang, at nagdesisyon na patayin ka
dahil sa makasariling dahilan
Hindi ko gustong husgahan ako ng ibang tao,
hindi ko gustong gawin iyon sa ibang tao.
Kung ano man ang kanilang desisyon, alam mo ba,
sa pagitan na lang ng Diyos at sa tao
Anak nila iyon.
Anong anak?
Sa nanay.
Mayrong karapatan sya na patayin ang bata?
Kung hindi...kung hindi nya kayang suportahin ang bata...
Iyon ang pamantayan.
'Hindi ko kayang alagaan ito.
Hadlang sa buhay ko ito.
Papatayin ko na lang.'
Oo.
Wow.
May pagpapahalaga ka ba sa buhay?
Oo.
Kristyano ka ba?
Um, palagay ko
May buong paniniwala ako sa Diyos.
Ano ang pang-anim na utos?
Hindi ko alam.
"Huwag kang papatay."
Bakit mo susuportahin ang pagkitil ng buhay
na nasa sinapupunan, kung may paniniwala ka sa Diyos,
"Huwag kang papatay"?
Dapat ay laban ka sa pagkitil ng buhay ng sanggol
sa sinapupunan
Iyon ang pinakaligtas na lugar, sa sinapupunan ng ina.
Bakit mo sasabihin na ok ang pagpatay ng sanggol sa sinapupunan?
Walang paraan na magbabago ang akin opinyon.
tungkol dito, dahil naniniwala ako na nasa ina ang desisyon.
kung ako hindi ko gagawin iyon,
pero naniniwala ako na nasa kagustuhan ng tao.
Alam mo ba na mayroong ibat-ibang klaseng medical problems.
Mayroong ibat-ibang klaseng depekto pagkapanganak
na ang buhay ay
nasa pagpipigil ng 9 x 9 hospital room
Sa ganon ang ibig mong sabihin...
Palagay mo ba na tama ang mamuhay ng ganon...
Ang ibig kong sabihin, anong klaseng buhay ang ganon?
Ang mga Nazis ay nasa harapan mo.
Papatayin nila ang mga batang may Down Syndrome.
Papatayin nila silang layat
Ginawa nila iyon.
Palagay mo tama iyon?
Hindi. Hindi.
Hindi tamang gawin iyon.
Hindi.
At sino ang magsasabi na hindi maganda ang buhay nila?
Hindi posible na ang bata ay
magkakaroon ng ganong klaseng buhay, bakit mo bubuhayin ang bata kung ganon?
Paano ka magpapasya kung ang bata ay hindi pa ipinanganak?
Um...
Pwedi kong sabihin iyon sa kahit sinong bata.
Maaaring hindi magkaroon ng hindi magandang buhay.
Palagay ko papatayin ko siya.
Ikaw ano ang palagay mo?
'Kailan pwedeng patayin ang sanggol sa sinapupunan...'
Kung magulo ang buhay mo,
at kung galit ka sa bato o ano man.
Pinag-uusapan natin tungkong sa holocaust sa America.
sa bansang ito pinahihintulutan ng gobyerno.
Palagay mo pwedeng patayin ang bata sa sinapupunan?
Palagay ko hindi tama iyon.
Hindi ko sangayon duon...
Pero hindi ba parang ganon ang ginawa ng mga Nazi sa Germany?
Na kung ano ang ginawa ni Hitler ay hindi tama.
Palagay ko desisyon niya iyon.
Palagay ko hindi tama iyon, pero ginawa pa rin niya,
at desisyon niya iyon,
at may pahintulot siya sa mga tao sa German, dahil
pinahintulutan nila. At ok lang iyon, pero kahit na,
alam mo ba, hindi ako sang-ayon doon."
Alam mo ba na pareho ang sitwasyon?
Palagay ko kung ganon ang iisipin mo,
halos pareho ang sitwasyon, oo.
Halos pareho ang sitwasyon... at kung sasabihin ko na ok lang
na nasa tao ang desisyon ay pareho din kung sabihin ko na
tama rin na kung si Hitler ang may desisyon.
Kung gayon babaguhim mo ang paniniwala mo?
Oo.
Oo, magdadalawang isip ako, oo.
Gusto kong madama mo ang pangyayari sa Germany,
nang patayin ang lahat ng mga Hudyo sa paligid.
Matatakot ka.
At dito sa Amerika mayroon ding holocaust na kung saan ang mga sanggol
ay pinapatay dahil sa desisyon ng ina,
at legal iyon.
Parang ganon din sa Nazi sa Germany.
Legal ang ginawa niya.
Wala siyang ginawang illegal.
Pero, palagay ko sa ibang sitwasyon, maari.
Palagay ko...
Palagay mo sanggol na ba iyon sa sinapupunan?
Oo.
Kung ganon tapusin mo ang pangungusap.
'Kailan pwedeng patayin ang sanggol sa sinapupunan...'
Oh, ayon na naman.
Hindi
Brittany, napansin ko na tinawag mo yong bata.
Tapusin mo ang pangungusap.
'Kailan pwedeng patayin ang sanggol sa sinapupunan...'
Kung ganon.
Ok siguro na pa-adopt na lang
para hindi ingatan, dahil kung hindi pa handa para dito...
Kung gayon binabago mo ang desisyon mo
tungkol sa abortion?
Oo, oo, oo.
Palagay ko ganon na nga.
Iboboto mo ba ang tao na
sumusoporta sa pag-patay ng sanggol sa sinapupunan?
Hindi.
Kahanga-hanga iyon.
Kung gayon nagbago ang isip mo tungkol sa abortion?
Oo, isang bagay na hindi ko gaanong iniisip,
pero naisip ko na hindi isang sitwasyon na
i-abort para lang pangalagaan ko ang aking sarili.
Pero hindi ko inisip na ganon, palagay ko.
Mas mabuti na ipa-adopt na lang kaysa sa i-abort
kaysa patayin?
Oo.
Magandang desisyon iyon, adoption.
At parang ganon ding ang pakiramdam mo tungkol sa buhay ng mga Hudyo,
at dapat na sabihin natin ang hindi natin pagsang-yon,
palagay mo dapat nating gawin iyon
pagdating sa abortion?
Palagay ko maganda ang punto mo doon.
Hindi ko inisip ang ganon.
Ang Holocaust at ang abortion?
Oo, oo.
Palagay ko dapat na pahintulutan dahil nasa desisyon iyon,
pero kung ako hindi ko gagawin iyon.
parang...
Kung gayon hindi mo papatayin ang mga Hudyo,
pero ok lang na kung ibang tao ang papatauy sa kanila?
Oo.
Kung ganon ano ang sasabihin mo sa isang tao sa Germany na katulad mo
na ang sabi, "hindi, kailanman tama na patayin ang mga Hudyo,
pero palagay ko nasa tao ang desisyon kung tama iyon."
Hindi ko alam...
Dahil ganon ang sabi mo.
Oo, iyon ang sabi ko,
huh? Okay.
Kung gayon nag-ibang desisyon ka tungkol sa abortion?
Oo, nag-ibang desisyon ako tungkol sa abortion.
Kung gayon babaguhin mo ang boto mo tungkol dito sa daraang eleksyon?
Oo.
Sigurado ka?
Oo.
Kung gayon nag-ibang desisyon ka tungkol sa abortion?
Oo, nag-bago ang desisyon ko.
Hindi kailanman tama ang pagpatay ng sanggol sa sinapupunan.
Kung gayon nag-ibang desisyon ka tungkol sa abortion?
Oo.
Babaguhin mo ang boto mo sa susunod ne eleksyon?
Oo, hindi ako sang-ayon sa abotion.
'kailan tama ba na patayin ang sanggol sa sinapupunan...'
sa palagay ko, hinding-hindi kahit kailan.
Kung gayon nag-iba ang desisyon mo tungkol sa abortion?
Oo.
Palagay mo bata na ba iyon sa sinapupunan?
Oo.
Kailan nagiging tama na patayin
ang sanggol sa sinapupunan?
Meron ka *** naisip?
Ang pagpatay ng sanggol sa sinapupunan...
Palagay ko iba-iba ang sitwasyon...
Bigyan mo ako ng sitwasyon kung kailan,
Oo, makatarungan iyon.
Pwedi kang pumatay ng sanggkol kung...'
um...
Alam mo ba?
Wala akong maisip.
Sa nakaraang 37 taon mayroong American Hologost na pumatay ng sanggol sa sinapupunan na 53,310,843, pagkatapos ng taong Roe vs. Wade
Kinasusuklaman ni Adolf Hitler ang Sampung Utos
at gusto niyang makalaya ang mga tao dito.
Tinawag niyang sumpa ng Mount Sinai ang Sampung Utos
at sinabing malupit ang Diyos ng Bilya.
na nag-uutos sa mga bagay na ayaw nating gawin.
Malinaw, na ayaw nit Hitler ang utos na
"Huwag kang Papatay,"
dahil hindi ito ayon sa kanyang puno ng pagkasuklam sa mundo.
Bagamat sukdulan ang kanyang pananaw, ito ay pangkaraniwan
na magkaroon ng mababang moral upang makalaya
mula sa Sampung Utos o kung tayo ay walang pang-unawa
kung ano ang tutoong kahulugan.
Nagbibigay pagasa na malaman na ang tao
ay handang bagong mag-ibang isip tungkol sa abortion.
kung nakikita ng mga tao ang mga bagay sa ibang pananaw
handa silang makinig at karamihan handang magdisisyon
ng mabuti at matalinong desisyon.
Habang sinasabi ko sa mga tao ang tungkol sa abortion,
ang pinag-uusapan namin ay kadalasan nagiging isyung moral,
kung saan nanggagaling ang moral,
at sa huli ay sa usapan sa kabilang buhay.
Anonng palagay mo ang nangyayari sa tao pagkamatay niya?
Palagay mo pupunta siya sa langgit?
Syempre naman, tayo ay pupunta sa langgit.
Oo, sir.
Hindi, palagay ko iyan ay,
na ang langit at impyerno ag gawa-gawa lang.
Takot ka *** mamatay?
Hindi, Hindi ako takot na mamatay.
Saan ka pupunta pagkatapos mong mamatay?
Sa kasalukuyan, sa impyerno.
Steven, anong palagay mong mangyayari pagkamatay ng tao?
Palagay mo ba may kabilang buhay?
Uh, hindi ko alam, palagay ko wala.
Palagay ko wala?
Kung gawon, ito na ang lahat?
Palagay ko, oo.
Naniniwala ka ba na may Diyos?
Palagay ko, Hindi.
Kung may langit, palagay mo makakapunta ka doon?
Mabuti ka *** tao?
Oh, oo naman.
Hindi nagagalit ang Diyos sa akin.
Mabuti akong tao at may magandang moralidad
Oo, mabuti akong tao
Palagay ko
Oo, Sir.
Naniniwala ako sa Diyos.
Naniniwala ako na may mabuti
Hindi ako gumagawa ng masama sa iba.
Kung mayroong langit
palagay mo ba na tama na maging mabuti para makapunta doon?
Mabuti ka *** tao?
Oo, palagay ko mabuti akong tao.
Pupunta ka ba sa impyerno?
Dahil sa uri ng pamumuhay ko.
Walang impyerno.
Hindi ako naniniwala na may paghuhukom.
Hindi ka naniniwala?
Hindi, Hindi ako naniniwala diyan.
Kung gayon ano ang mangyayari kay Hitler sa Araw ng Paghuhukom?
Nasa impyerno siya.
Ilang kasinungalingan ang sinabi mo sa iyong buhay?
Oh, hindi ko alam.
Palagay ko libo.
kasinungalingan, Kasinungalingan?
Napakarami para bilangin.
Oh, hindi ko mabilang.
Anong tawag mo sa taong nagsisinungaling?
Sinungaling?
May ninakaw ka ba?
Sa buong buhay ko?
Oo naman, oo.
Uh, oo.
Oo.
Anong tawag mo sa taong may ninakaw?
Magnanakaw.
Kung gayon ano ka?
Sinungaling at magnanakaw
Ginamit mo na ba ang pangalan ng Diyos sa walang katuturan?
Oo
Oo naman.
Oo, [#@!*%].
Ginamit mo na ba ang pangalan ng Diyos sa walang katuturan?
Oo.
Narinig ko pa lang na ginamit mo ang Kanyang pangalan.
kanina lang ng pinag-uusapan natin tungkol sa pagsisinungaling.
Hindi mo ba naisip na paglalapastangan iyon
Ang pangalan ng Diyos sa pagmumura?
Siryoso iyon
Oo, palagay ko. Oo.
Ang sabi ni Hesus, "kung sino man ang tumingin sa babae ng may pagnanais
ay nagkasala sa kanyang puso."
Nagawa mo na ba iyon, tumingin sa babae ng may pagnanasa?
Barilin mo na ako ngayon.
Oo, Sir.
Oo.
Gusto kong nangangalunya.
Magandang libangan.
Oo, well, maaring gusto mong manggahasa at magnakaw.
Gusto mong ibangan iyon, pero tama ba ito.
Tumingin ka na ba sa isang lalaki ng may pagnanasa?
Hindi, bakla ako.
Nangangalunya ako bawat dalawang minuto, siguro.
Tumingin ka na ba ng may pagnanasa?
Oo
Kung gayon Alicia, sa iyong sariling pag-amin ikay ay sinungaling
naglalapastangan sa Diyos, nangangalunya sa puso, at haharap ka sa Diyos sa
Araw ng Paghuhukom, at apag pa lang iyon sa Sampung Utos.
Ay, naku po!
Nakipag-sex ka na ba maliban sa asawa mo?
Oo.
Kung gayon, makinig ka David.
Ito ang dahilan kung bakit hindi ka naniniwala sa Diyos.
Inaamin mo na sinungaling ka, magnanakaw, nilapastangan ang ngalan ng Diyos at nangangalunya,
fornicato...
Uh-huh
at haharap ka sa Diyos sa Araw ng Paghuhukom. At naniniwala na
ang pagiging masunurin sa Kanya ay kasuklam-suklam sa yo,
kaya hindi ka naniniwala sa Kanya.
Naiintindihan mo ba iyon?
Oo, naiintindihan ko na.
Kung gayon John, nangangambala ka sa Araw ng Paghuhukom
Sa iyong sariling pag-amin ikaw ay sinungaling, magnanakaw, naglalapastangan sa pangalan ng Diyos
mangangalunya sa puso at Fornicator.
Wow, napakarami naman niyan.
Kung gayon, pupunta ka ba sa langit o impyerno?
Sa iyong sinabi sa impyerno.
Nababahala ka ba doon?
Oo naman.
Hindi, hindi, hindi, hindi
Lahat niyan ay hindi tama.
Guilty.
Pupunta ka ba sa langit o impyerno?
Impyerno
Nababahala ka ba doon?
Oo!
Mababahala ka ba kung mamamatay ka ngayon
at sabi ng Diyos sa Araw ng Paghuhukom na sa impyerno ka pupunta?
Hindi, Hindi.
Well, huwag mong subukan na palitan ang isip ko.
Ganito na ako, Hindi ako naniniwala sa [#@!*%].
Guilty ka sa paglabag sa Sampung Utos.
Nababahala ka ba doon kung ikaw ay mamamatay ngayon.
Sa impyerno ang punta mo?
Oo.
Kung gayon iisipin mo ang tungkol sa kabilang buhay
at kung ano kahalaga iyon?
Oo.
Nababahala ka ba kung mamamatay ka ngayon
at maghuhukom ang Diyos at sa impyerno ka pupunta?
Palagay ko ang Diyos ay puno ng pagmamahal,
at palagay ko makikita niya ang puso ko.
Oo, nakikita niya ang puso mo, at nakikita niya ang mga sinungaling, ang mga naglalapastangan sa pangalan Niya.
at ang mga nangangalunya sa puso.
At kung ikaw ay magsisisi
meron kang magagawa,
dahil sa kabutihan ng Diyos, ninais niya na patawarin ka sa iyong mga sala.
May ideya ka ba kung ano ang ginawa ng Diyos sa mga makasalanan?
Ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak na si Hesu Kristo,
sa lupa, um, namatay sa krus para sa mga makasalanan.
Kung ibabatay ng Diyos ang paghuhukom sa Sampung Utos
sa Araw ng Paghuhukom, palagay mo innocent ka ba o guilty?
Guilty.
Langit o impyerno?
Impyerno.
Nababahala ka ba doon?
Oo, naman, ng konti
Alam mo ba na binigyan ka ng Diyos ng konsensya
upang malaman ang tama sa mali
alam mo na mali ang magsinungaling, magnakaw, magfornicate,
ang maglapastangan.
nakasulat iyon sa iyong puso.
Tama
Nauunawaan mo ba ang kahulugan ng kanyang ginawa?
Ang Diyos ay Hukom.
Sa mata ng Diyos, ikaw ay nagkasala, dahil nilabag mo ang kanyang mga utos,
ang Sampung Utos.
Patutungo ka sa impyerno, ang Kulungan ng mga nagkasala.
walang kondisyon, ngunit ibinigay ng Diyos si Hesus.
at siya ang kabayaran sa krus.
Ang ibig sabihin pinawalang bisa ang iyong mga kasalanan,
dahil binayad ni Hesus ang iyong kasalanan
Hindi ko alam, at hindi mo ba naisip na
ang mabuting taong tulad ko ay ilalagay ng Diyos sa impyerno?
Maaring sabihin ng kriminal sa judge na, pero judge
gagawin mo ba iyon sa isang mabuting tao.
kung siya ay nanggahasa at pumatay,
itatapon lang niya ang libro sa kanya.
Nilabag mo ang Utos ng Diyos
At kahit na mabuti kang tao, inamin mo na ikaw ay
nagsinungaling, magnanakaw, naglalapastangan, nangangalunya sa puso
maghuhukom ang Diyos, at ayaw niya
na ang sinuman ay mapuksa
Binigyan ka niya ng bagay na nagsasabing "Ayaw kong mamata."
Makinig ka, man.
Merong krus sa pagitan ng iyong mga mata.
Isipin mo si Hesus at ang ginawa niya sa krus.
Isipin mo ang ginawa ng Diyos para sa mga makasalanan,
na ginawa niya iyon.
at ang sabi ng Bibya
"Gayon na lang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan
at ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak,
at ang sinumang nanampalataya sa Kanya
ay hindi mamamtay kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan."
Siya at nabuhay namag-uli
at ang dapat mo lang gawin ay manumbalik sa Kanya
talikuran mo ang iyong mga sala at manampalataya sa Diyos.
bibigyan ka ng Diyos ng buhay na walang hanggan.
Pinatawad Niya ang iyong mga sala.
Naniniwala ka ba doon?
Oo, Sir.
At ang magliligtas sa iyo ay ang kabutihan ng Diyos,
si Hesus, na tagapagligtas
Para siyang isang Parachute.
Hindi ka ililigtas ng parachute,
kung hindi pag isuot mo ito
at sa sandaling manampalataya ka kay Hesu Kristo,
sa sandaling magtiwala ka sa Kanya, Alicia,
Patatawarin ng Diyos ang iyong mga sala,
at bibigyan ka niya ng buhay ng walang hanggan.
Patatawaran ka ng Diyos, kabilang ang aborition,
at bibigyan ka ng buhay na walang hanggan.
naiintindihan mo ba iyon>
Oo.
Mayroon ka *** Biblya sa bahay?
Oo.
Pag-iisipan mo ba ang tungkol dito?
Oo
Kung gayon, kung mamamatay ka ngayon ang Diyos ang iyong hukom,
sa impyerno ang patutunguhan mo.
May dalawang bagay na dapat mong gawin upang maligtas.
Ikaw ay dapat na tumalikod sa iyong mga sala at magtapat na ikaw ay nagkasala
dapat na talikuran mo ang iyong mga sala at magtiwala kay Hesu Kristo
Palagay mo, kailan mo gagawin iyon?
Palagay ko sa madaling panahon.
Palagay mo lahat ba?
Mayroon kang biblya sa bahay?
Oo, may biblya ako sa bahay.
Kung gayon, maari mo *** isipin ang tungkol dito?
Oo naman.
Bakit hindi?
Sa sandaling matapos ang digmaan, ang American military
ang mga naninirahan sa malapit sa concentration camps
tinganan mo sila.
Gusto nila na malaman kung ano ang naging sanhi
ng usok mula sa mga chimneys sa kampo
at ang pagsaksi sa mga leader na
pumayag sa kapangyarihan sa pangyayari.
Pansinin na wala silang ginawa habang
pumapasok sa bawat kampo, kapansin pansin na walang katakutan
sa mga pangyayari sa likuran
at tingnan ang kanilang mukha at ang pagbabago ng ekspresoyon na malaman
kung ano ang mga pagyayari sa kapaligiran.
Walang pagdududa na ang abortion ay nangyayari sa mga clinic malapit sa inyo.
maaring magbayat upang pahintulutan na bisitahin mo sila
at masaksi, kung ano ang mga nangyayari
una, ano ang mga nangyayari sa inyong sariling kapaligiran.
Mahigit na 50 milyong katao ang pinapatay
sa America's holocaust, sa kapahintulutan ng mga leader sa politika
na may kapangyarihan sa mga Amerikano
Pakiusap na huwag iboto ang sinumang politician
na tumataguyod sa pagpatay sa sanggol sa sinapupunan.
kung gayon, iba ang iyong iboboto at iisip
ng iba tungkol dito?
Oo, palagay ko.
Tama ka, palagay ko oo,
Sabi ko palang tungkol sa Holocaust:
nasaan ang mundo?
kung ang lahat ay magkakaisa
malaking pagbabago....
Wala akong mas magandang masasabi, sa sinabi ni Alicia.
Kung nangangailangan ka ng tulong tungkol sa abortion,
pumunta lang sa HeartChanger.com para sa detalye.
Nais namin na makuha ang "180" sa bawat bahay
sa bawat tao sa America at sa buong mundo.
Kung palagay mong tamang gawin iyon, kailangan namin ang iyong tulong.
bisitahin ang Hearthcanger.com para sa mga detalye.
Salamat po.
Batay sa 'Hitler, God and the Bible'
Para sa mga katanungan, kommento, please visit: HeartChanger.com
Hindi kami ayon sa bayolenteng pagprotesta sa abortion.
Isaalang-alang ang pagtangkilik sa videong ito in bulk at ipamigay sa iba. �