Tip:
Highlight text to annotate it
X
Kalokohan talaga ito, Nelson. Sinong maniniwalang diyanitor ako?
Sinabi ko naman sa iyo na sikat na ako!
Labindalawang taon na ang nakalipas nang in-interview ka para sa isang blog sa Fargo, North Dakota
hindi ka ganoon kasika, Reggie.
Eh paano naman ako? Sikat akong model.
Pasensiya ka na, Wood, pero sa Gay-A-R-P ka na lang puwedeng maging cover model.
Ako ay isang artista. Ako ang bahala dito.
Anong maitutulong ko sa inyo?
Kamusta ka? Kami ang galing sa Acme Janitorial.
Nandito kami para linisin ang opisina.
Teka. Tuwing Martes kayo kung dumating ha.
Oo, pero nalaman namin na maduming-madumi doon, diba mga pare?
Kailangang linisin namin ang opisina ngayong gabi.
Ano ba ito? Good Fellas?
Hindi ko alam na dapat nating ibahin ang mga boses natin. Nandito kami para linisin ang sahig!
Bakit pambabae ang boses mo? Hindi ko alam.
Hindi ko kayo puwedeng papasukin.
Naiintindihan namin. Kailangan maingat parati.
Siya nga pala, puwede mo akong kapkapan nang maiigi kung gusto mo.
Ano nga pala pangalan mo? Charlie
Charlie, meron akong atraksyon sa mga lalaking naka-uniporme.
Eh paano yan? Gusto pa namang maghubad.
Pasensiya na kayo. Hindi ko kayo puwedeng patuluyin.
Tarantado ka pala. Makinig ka. Kailangan papabayaan mo kaming linisin ang opisina
at kung hindi, ikaw ang masisisante, hindi kami.
Ikaw ang magsisisi.
Sige na nga. Tumuloy na kayo.
Mabuti naman. Tara, mga pare.
Anong ginagawa mo? Ang trabaho ko.
Nandito para maghanap ng pruweba. Bitiwan mo iyang panlampaso. Oo nga.
Nagulat ako na marunong ka palang maglampaso. Kapag kailangan maglinis sa bahay, wala kang silbi.
Eh umupa ako ng katulong pero hindi ka komportable.
Hubad siya kung maglinis ng bahay.
Parte iyon ng serbisyo niya. Nagbayad ako nang extra para doon.
Eh nakakadiring tingnan ang longganisa niya habang kinakain ko ang aking longganisa kapag nag-almusal ako.
Miss ko na siya. Alam mo dati, iniipon ko ang mga alikabok at inilalagay ko sa ilalim ng aking kama.
Tapos tatawagin ko siya para gapangin at linisin iyon
at makikita ko ang ganda ng hugis ng kaniyang---
Diyos ko po, Wood! Tumigil ka nga! Kuha ko na.
Huy! Heto ang kay Danny Pendleton. Tulungan niyo ako.
Naka-lock ba? Oo, naka-lock.
Hilahin natin. Hihilahin ko kamay mo, ha.
Isa, dalawa, tatlo...
Hoy! Anong ginagawa niyo?
Nagyo-yoga kami, diba mga pare? Oo.
Kaya kami nasa sahig. Namaste!
Gawin mo ang downward dog!
Woof! Woof! Gawin mo yung Warrior Princess!
Warrior Princess? Diba nakaka-relax, Charlie?
Sarap talaga. Oo, tama maganda yan.
Subukan mo ang yoga, Charlie. Magandang pang-alis ng stress. Diba mga pare?
O sige, tapos na ang yoga. Balik sa trabaho.
Ay ganon! Parating bitin.
Oo, alam ko pero pampalusog siya. Pang-alis ng stress.
O sige, naniwala siya. Kailangan nating maghiwalay at maghanap ng clues.
Teka! Teka! Ikaw doon! Ikaw doon! Ako doon!
Nahanap ko na ang opisina ni Danny Pendleton. Tara!
Heto. Sinulat dito ni Danny kung saan nakatira si Turbo.
Bakit niya kaya kailangan malamang kung saan nakatira ang kaniyang personal trainer maliban kung meron silang relasyon?
Eh hindi naman pruweba iyan na...
Eh hindi naman pruweba iyan na nagtatalik silang dalawa.
Kailangan nilang gawin iyon sa ibang lugar. Hindi nila puwedeng gawin sa bahay niya
Alam niya naman sigurong hindi siya dapat makipagsapalaran na mahanap ni Mary Ashley ang isang resibo sa hotel.
Wood, kunan mo ng litrato. O sige.
Hindi kami! Itong libro, tanga!
Hindi ka naman nagwo-work out para mangailangan ng personal trainer.
Hindi niya kailangan ng personal trainer.
Kailangan mo kunan ng litrato yung address
para maibigay sa mga pulis para tawagan nila at imbistigahan siya, tanga!
Oo nga. Oo nga pala. Gagamitin ko na lang ang aking photogenic mind para tandaan.
Bakit hindi mo na lang kunan ng litrato para sigurado tayo, ha?
Sige na nga. Pero sayang ang panahon, pero okay lang sa akin.
Tumahimik ka!
Alam mo, hula ko puwede nilang pilitin si Turbo
para umamin siya na kinumbinsi siya ni Danny na pumatay siya para sa kaniya.
Meron siyang kahadeyero!
Huy! Hindi mo mabubuksan iyan.
Bukod sa meron akong photogenic mind, kaya ko ding bumukas ng kahadeyero!
Hindi tayo nandito para bumukas ng mga kahadeyero. Kailangan nating umalis na dito.
at... hayan!
O Diyos ko.
Tara!
Magsitigil kayo!
Hindi ako makatigil.