Tip:
Highlight text to annotate it
X
Ang lahat ng mga rebolusyonaryong pwersa
rito sa rehiyon ng Far South Mindanao,
sa pamamagitan ng pamumuno sa komite ng rehiyon nito,
ay patuloy na nagsisikap na makumpleto
ang lahat ng mga rekisito para makasulong tayo
sa susunod na antas ng ating pakikidigma
mula sa estratehikong depensiba
tungo sa estratehikong pagkapatas.
Noong 2010,
mapagpasyang natukoy ng komite sa partido
rito sa rehiyon
ang mga kinakailangang gawin sa kagyat
para mabilis tayong makahakbang o makaabante
sa isinusulong nating digma.
Ang lahat ng estratehikong bahagi
ng tereyn dito sa rehiyon
ay nalatagan na sa ngayon
ng mga yunit ng New People's Army.
Dahil dito,
napipilit natin ang kaaway na sumunod
sa anumang kilos ng ating hukbo at dahil diyan,
napanghawakan ng mga rebolusyonaryong pwersa,
laluna ng ating hukbo,
ang inisyatiba laban sa kaaway.
Ang Oplan Bayanihan ng rehimeng Aquino
ay nabigo rito sa rehiyon
ngunit ang buong rebolusyonaryong pwersa
ay nakaranas din ng kahirapan sa mga atake nito.
Kaya sa loob ng ilang taon,
ang lahat ng mga larangang gerilya
rito sa rehiyon ng Far South Mindanao
ay nakaranas din ng sustenidong presyur
sa pamamagitan ng halos walang tigil
na mga operasyong militar.
Marami-rami ring mga baryong natukoy nilang saklaw
ng pagkilos ng iba't ibang platun ng BHB
ang napailalim sa RSOT.
Dito'y nagsasagawa sila ng panghaharas,
pananakot sa masa sa loob ng mga sona
at kahit sa loob ng baseng gerilya.
Ngunit ang lahat ng mga pagsubok at kahirapang ito
ay epektibong napangibabawan
dahil sa pagsisikap ng mga platun ng New People's Army
at gayundin ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa
at mga alyado at ng buong baseng masa,
epektibo na nabigo ang Oplan Bayanihan
at ang patunay nito sa kasalukuyan
ay ang patuloy na lumalawak at lumalalim na baseng masa,
ang patuloy na pagkakamit ng tagumpay
ng Bagong Hukbong Bayan
sa mga taktikal na opensiba
at patuloy ding pagsigla ng iba't ibang kampanyang masa
sa loob ng mga base at sonang gerilya.
Sa loob ng 2013,
ang ating hukbo ay lumaki nang 120%
at nakapaglunsad tayo ng mahigit 70 taktikal na opensiba
kung saan nakakumpiska ng 32 armas mula sa kaaway.
Nakapagdulot tayo ng marami-raming kaswalti,
62 kaaway ang ating napatay
at may malaki-laking bilang
ang nasugatan sa kanilang hanay.
Isa pa ang tampok
sa ating armadong pakikibaka noong 2013:
walang naranasang depensibong aksyon
ang Bagong Hukbong Bayan.
Ang pakikibaka ng mamamayan sa rehiyon
laban sa dayuhan at malakihang pagmimina
ay patuloy na sumusulong,
kapwa sa hayag na pakikibaka,
gayun din ang armadong pakikibaka.
Nitong nakaraang mga taon,
ang hayag na mga kilusang masa
ay walang tigil sa paghahayag ng kanilang pagtutol,
paglaban sa mapangwasak at dayuhang malakihang pagmimina
dito sa quadri-boundary,
partikular sa area ng *** Mal
kung saan aktwal na nagaganap
ang pagmimina ng Xstrata-SMI.
Ang armadong paglaban ay patuloy na sumusulong.
Una, ang yunit ng New People's Army
na kumikilos sa lugar na ito
ay nakapaglunsad ng sunud-sunod na mga aksyon
para parusahan ang kumpanyang ito mula 2008,
2009 hanggang 2010.
Pero ang pinakatampok na paglabang nangyari
laban sa kumpanyang ito
ay ang armadong pag-alsa ng mamamayang B'laan
sa erya ng *** Mal
at sa kanungnog na mga lugar.
Ang mamamayang Lumad ay nag-alsa
dahil gusto nilang ipagtanggol
ang kanilang lupang ninuno,
panindigan ang kanilang mga karapatan
sa kanilang lupang sinilangan at lupang ninuno
at ipagtanggol ang kalikasan.
Patuloy na ipinananawagan ng Partido Komunista sa rehiyon
na ang ginagawang armadong pakikibaka,
pag-alsa, paglaban ng mamamayang B'laan
laban sa Xstrata-SMI
ay gawin ding modelo
ng iba pang Lumad na komunidad na tinatarget
Ang pakikibaka ay hindi lamang laban sa kumpanya sa pagmimina,
kundi sa mga multinasyunal na agribisnes
at iba pang negosyo
na ang layunin ay agawin ang kanilang lupain
at wasakin ang kalikasan sa ngalan lamang
ng pagkamkam ng malaking tubo.
Sa larangan ng pagbubuo ng base,
epektibo nating napusisyunan
ang pinaka-estratehikong bahagi ng ating rehiyon
at katunayan, dahil dito
ay patuloy tayong nakapagpapalawak
sa mga erya na sinasaklaw ng pagkilos
ng Bagong Hukbong Bayan
at ang dati nang nakikilusang mga erya
ay epektibo rin nating nakokonsolida.
Sa kasalukuyan,
daan-daang mga baryo na ang naaabot ng ating pagkilos
at patuloy ang pagkokonsolida,
pagpataas ng antas ng rebolusyonaryong organisasyong masa,
gayundin ang pagtatayo ng mga organo
ng kapangyarihang pampulitika.
Sa larangan din ng pagsusulong ng rebolusyong agraryo
sa iba't ibang saklaw at antas, nakapagpatupad ito
ng minimum at maksimum na programa sa agreb.
Mayroon nang mga bahagi o mga elemento
ng maksimum na programa ng agreb
na ipinatutupad ang ilang mga larangang gerilya.
Sa susunod na dalawang taon,
ang komiteng rehiyon ay nananawagan na paramihin pa
ang mga myembro ng Partido at Bagong Hukbong Bayan
nang 100% at isulong pa ang armadong pakikibaka.
Asahan na sa loob ng dalawang taong ito
ay madodoble pa ang dami ng mga yunit ng BHB
at makapaglulunsad ng mas maraming anilihatibong banat
na ang layunin ay makakumpiska
ng mga high-powered rifles mula sa mga yunit ng kaaway
para maarmasan natin
ang mga bagong platun na ating bubuuin.
Para sa pagbubuo ng baseng masa,
target din na mabuo at maitatag
hindi lamang ang mga komiteng rebolusyonaryo sa baryo,
kundi ang marami-raming bilang
ng mga komiteng rebolusyonaryo sa antas-munisipalidad
nang sa gayo'y ang mga organo ng kapangyarihang pampulitika
ay makatupad ng kani-kanyang mga tungkulin
kabilang na ang serbisyong panlipunan
na siya talagang pangangailangan
sa iba't ibang lugar dito sa ating rehiyon,
tulad ng pagtatayo ng mga eskwelahan,
pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga residente
at gayundin, ang pagpapaunlad ng produksyon
sa mga baseng gerilya sa loob ng ating rehiyon.