Tip:
Highlight text to annotate it
X
Sa simula, noong nasa unibersidad pa ako
Nagbukas ako ng website na tinawag na dukan.com
may lamang maraming produkto ang website.
Isa doon ang marble mosaic.
Lebanese na kumpanya ang Mosaic marble
manu-mano ang paggawa ng marble mosaic at ini-export.
Kaya naming ipasadya ang mosaic para sa lugar
at mabago sa anumang kulay o disenyong gusto mo.
Nagsimulang gumamit ng Google AdWords ang aking asawa
at nagsimula kaming makakuha ng order mula USA.
Pero, ayokong gumastos sya ng higit sa kaya namin.
Ang aking asawa ang operating officer nito
at nadismaya siya na ang dami kong gastos sa AdWords.
Pero nung nagsimula na nyang makita ang kalidad ng client na nakuha namin
at ang bilang ng client, nasiyahan siya.
Tumakbo agad ang kampanya kahit sandali, nang isang linggo,
at nagkaresulta na agad tapos ng halos dalawang linggo.
Well, madali naman itong mabilang,
mula 3 empleyado sa kumpanya naging 200 sa wala pang 7 taon.
Nagsimula kami sa 1 showroom nang lokal
hanggang sa 9 na magkaibang showroom sa buong mundo.
Pag nag-type na ang mga tao ng mosaic sa google.com,
at nagsimula nilang makuha ang aming website at umorder.
Pag nakuha na ang order, nagugulat sila na sa Beirut Lebanon pala sila umo-order
at mula sila sa Alaska o Canada o sa malayo pang bansa.
Natugunan ng AdWords ang aming layunin at higit pa.
Hindi ko naisip na kikita ako ng malaking halaga
na mula muna sa bahay
at pagtatrabaho sa laptop ko
na di na kailangang lumabas pa para magkaroon ng bagong customer.
Kung gusto kong ilarawan ang AdWords sa aking negosyo
Ito ang makinang nagpapatakbo ng aming negosyo.