Tip:
Highlight text to annotate it
X
ANDERSON COOPER: Maligayang pagdating sa pahina sa Google+ ng AC 360.
Idagdag mo kami sa lupon mo para makuha mo ang pinakabagong update at
behind the scenes ng palabas.
BOB SCHIEFFER: Magsasagawa kami ng hangouts sa Google,
paminsan-minsan, para ikonekta ang mga tao sa bawat sulok ng
bansa para pag-usapan ang mga paksang tungkol sa kampanya sa 2012.
Sarah, tagapag-ulat ka sa madlang ito, anong nangyayari
sa relihiyon sa mga panahong ito ng yugto ng internet?
SARAH: Pinag-uusapan natin kung paano nakakasunod ang relihiyon
sa bagong yugtong ito.
At masasabi kong talagang lumalago ito.
MARIA BATRIROMO: Ako si Maria Bartiromo ng New York
Stock Exchange.
Malaking shout out sa lahat ng kaibigan ko sa Google+.
DOUG GOTTLIEB: Kapag inaalala mo ang nakaraang Sabado, ang semifinals,
anong pumapasok sa isip mo?
LALAKING TAGAPAGSALITA: Hindi patas na laro.
LALAKING TAGAPAGSALITA: Lalo na ang Kentucky Louisville game.
Wala itong dating.
DOUG GOTTLIEB: Para sa akin, talagang nakakaaliw ang
unang laro.
Mga loko talaga kayo.
BABAENG TAGAPAGSALITA: Si George Kiriyama ng NBC Bay Area ay
live sa SFO, at live natin siya ngayon kasama sa Google+,
dahil masyadong delikadong gamitin ang ating live truck sa
kaguluhan doon, kaya nakikipag-usap siya sa atin
nang live sa internet.
George, anong masasabi mo sa amin?
GEORGE KIRIYAMA: Kinansela ang 61 flight namin.
SARAH HILL: Gusto naming magpasalamat sa lahat ng nasa
aming cyber count ngayong araw.
Ma-enjoy niyo sana ang inyong weekend.
ANGIE BAILEY: Magandang gabi, ako si Angie Bailey.
SARAH HILL: At ako si Sarah Hill.
Salamat sa pagsama sa amin.
Ginawa ni Kristin James ng KOMU ang balitang iyon tungkol kay Brian Rankins.
JAKE TAPPER: Ako si Jake Tapper, ako ang senior correspondent
sa White House para sa ABC News.
Maligayang pagdating sa panimulang Google+ hang out sa linggong ito para sa
isang talakayan tungkol sa pulitika sa taon ng halalan.
Emily, sa tingin ko ikaw ang susunod.
At ang tanong mo ay tungkol sa US Supreme Court.
EMILY: Kung mapagpasyahan ng Supreme Court na ang lahat o isang bahagi ng
Obamacare ay labag sa konstitusyon, may posibilidad ba na
malusutan ni Pangulong Obama ang pasyang iyon?
LALAKING TAGAPAGSALITA: Sa tingin ko, anuman ang mangyari, malamang na hindi
nito matitiyak ang resulta sa halalang ito.
Pero sa tingin ko, makikinabang si Pangulong Obama kung
mangyayari iyon.
CHRISTINA BELLANTONI: Magagamit ito ng sinumang may Google+.
Para itong isang watch party sa bahay kung saan
manonood ka ng talumpati sa iyong sofa maliban sa
gagamitin mo ito sa laptop mo.
Talagang dahil sa galing ng teknolohiya kung
bakit ito nangyari.
Kung madadala mo ang mga tao para mapag-usapan ang
mga isyung nakakaapekto sa araw.
BOB SCHIEFFER: Sa tingin ko, magiging maganda ito.
[NAGPE-PLAY NA MUSIKA]