Tip:
Highlight text to annotate it
X
Inihatid sa inyo ng PKer team @ www.viki.com
Yugto 13
Dumating ka na pala, Seung Jo-goon.
Hi, Baek Seung Jo.
Maupo ka.
Hwag ka ng masorpresa...Nasorpresa din ako ng marinig kong ikaw yung napipisil na pakakasalan ko..
Hindi ako magkakaroon ng miting para sa kasal.
Sigurado ako na imposibleng pakasalan ko ang lalaking pipiliin ng lolo ko para sa akin.
Dahil sa iyo, nagmukha tuloy akong katawa-tawa.
Kahit ako ay walang sa ideya na kilala ninyo ang isa't isa.
Opo, pareho kami ng pinapasukan na school at magkapareho din kami ng taon. Magkaibigan po kami.
Naisip ko na medyo may kakaiba kasi madali ko siyang napasama.
Ngunit mukhang may kapalaran sa inyong dalawa ni Hae Ra.
Sige, kumain muna tayo.
Ah, opo.
Hae Ra, pumili ka ng masarap na pagkain..
Opo, lolo.
Seung Jo pumili ka rin ng gusto mo.
Opo.
Oh, ayaw po ni Seung Jo ng mamantikang pagkain.
Ano sa tingin mo dito sa hinandang pagkain?Hindi ba masyadong madami rin.
Mukhang maganda 'yan.
Hay naku, mabuti na ang pagsasama ninyo para na kayong mag-asawa.
Pasensya na kung hindi ka makomportable. Maaga din akong aalis.
Anong nangyari? May iba ka pa *** gagawin?
Akala ninyo itong lolong ito ay walang pakiramdam?
Baek Seung Jo!
Hoy, Seung Jo!Mama.
Ha Ni, nasaan si Seung Jo?
Lumabas siya.
Lumabas siya?
Meron daw siyang appointment, nakapustura tapos lumabas.
Ngunit bakit?
Nasorpresa ka, di ba?
Oo.
Medyo.
Mukhang napasaya mo ang lolo ko.
Iyon ang unang nagdala sya ng larawan at pinakita sa akin kasama ang isang lalake.
Syempre sa una, hindi ko tiningnan.
Pero sabi niya na isa daw yung heredero ng isang matagumpay na kumpanya.
At nung nakita ko yung larawan, ikaw nga iyon!
Paano akong hindi pupunta kung saan ikaw yun?At magiging masaya iyon?!
Gusto kong makita ang iyong expression.
Anong masasabi mo?
Yung expression mo ay...
Anong susunod nating gagawin?
Kung gusto nating pondohan tayo ng lolo mo...
Ibig *** sabihin no'n kailangan na akong mag-asawa?
Sa iyo?
Posible din yun.
Pero ayaw mo nun, di ba?
Hindi ba dapat ikaw ang may ayaw no'n?
Hoy! Anong inaasta mo dyan na para kang bata?
Meron ka *** panyo?
Wala.
Sa kalagayan namin ngayon, ang laro ay hindi maipalalabas.
Huli na rin kami sa sahod ng mga empleyado.
Kaya nga lumabas ako ngayon.
Pero, yaman din lang na ikaw yun, nakaginhawa ako.
Ngunit hindi mo ba ito gusto? Buhat iyon sa ganung rason?
Hindi ko inakala na ang ganitong klaseng mga salita ay lalabas sa bibig ni Baek Seung Jo.
Talaga?
Sukdulan na ang mabuhay. Hindi ito biro.
Ngunit, pumunta ako dahil sa iyo.
Pumunta ka at nakahinga ng maayos dahil sa akin, pero ako...
ay dumating dahil sa iyo.
Kahit na alam ko ang dahilan bakit ka dumating.
Hoy, dahil alam ko na ang dahilan, nasaktan ang pride ko kaya sinabi ko na ayaw kong pumunta.
Pero nitong umaga, gusto kong maging maganda.
Hindi halatang gusto talaga kita?
Hwag kang mag-alala. Kahit na ang sitwasyong ito ay parang totoo, ayokong mag-isp pa ng iba.
Damhin na lang nating ang pagkakataong ito sa isa't isa.
Subukan natin.
Ok, mabuti ito.
Talaga?
Talaga?!
Ayos lang. Maging malakas ka.
Sa ngayon nakikita nila ang kanyang takot. Ngunit pagnakita nila ang kanyang tunay na kulay, maaaring umayaw sila.
Hindi siya makatao, hindi siya nakakatuwa, at hindi rin siya mabait sa mga babae.
Kumusta na po ang papa ni Seung Jo?
Bumubuti naman siya.
Nandito na ako.
Mag-usap nga tayo sandali Baek Seung Jo.
Hind po ba pupuntahan nyo si papa sa ospital?
Lumakad na po kayo. Sa susunod na tayo mag-usap.
Hay naku, tingnan mo nga iyang batang 'yan.
Sinong magkakagusto sa walang pakiaalam na iyan?
Ikaw lang siguro ang taong makakatagal sa kanyang pag-uugali.
Lakasan mo ang loob mo, ok?
Maaga kang dumating.
Oo.
Hindi maaari?
Sandali lang...
Meron kang marriage miting?
Oo.
Kumusta naman?
Narinig mo ba kung sino iyon?
Hae Ra.
Apo daw iyon ng may-ari ng Windy Media.
Oo.
Perpekto, hindi ba?
Magpapakasal...ka ba?
Magpapakasal?
Maaari.
Kasalan naman talaga ang kasunod ng marriage miting.
Ha Ni!
Oh! Ha Ni!
Ano na naman kaya ang nangyari?
Hula ko may nangyari na naman.
Ha Ni, bakit mukhang malungkot ka na naman?
Inapi ka na naman ba ni Baek Seung Jo?
Napatalsik ka ba sa kumpanya ni Seung Jo?
Sinabi ko may sakit ako at hindi ako papasok ngayon.
Talagang may sakit ka?
Dapat pumunta ka sa ospital kung may sakit ka. Bakit ka pa pumasok sa skul?
Masakit dito.
Bakit?
Dahil sa may mangyayaring kasalan.
Kasalan?
Sino?
Kanino?
Siguro...Baek Seung Jo?!
Sino yung pakakasalan?
Si Yoon Hae Ra.
Ano?
Si Yoon Hae Ra?
Bakit biglaan kay Yoon Hae Ra?
Kasi may miting para sa kasal.
Apo sya ng isa sa mga imbestor ng kumpanya.
Naku po.
Si Yoon Hae Ra ay hindi isang ordinaryong babae.
Hoy...
Kaya magpapakasal na sila?
Sabi niya gusto niya yung ideya.
Ito ang unang pagkakataon na narinig ko si Seung Jo na nagsabi ng ganun.
Hoy! Eh di mabuti yun!
Ngayon pwede mo ng kalimutan ng husto si Baek Seung Jo.
At makakahanap ka na ng mabuting lalake.
Mawalang-galang na, President.
Kumusta naman yung meeting ninyo ng apo ni chairman?
Okay lang.
Narinig ko na magkakilala na kayong dalawa.
Oo, totoo iyan.
Mukhang nagustuhan ka ni President Yoon bilang groom.
Okay ba yung ginagawa ngayong tutorial ng powerpoint?
Ah oo, ginagawa na namin ngayon.
Ah, ok. Sige, aalis muna ako.
Kahit na abalang-abala ka, wag kang lumaktaw sa pagkain. Kaya yan!.
Umaakting na parang nobya...
May text ka.
Mukhang nag leave of absence ka yata. Ibabawas ko sa sahod sa araw na'to.
Hello!
Sarap talaga...
Talaga?
Ikaw lang ba talaga ang gumawa nito?
Oo naman. Ako ang gumawa ng sabaw at ng noodles din!
Ginawa ko ng buong kaya ko ang buong mangkok na ito.
Papaano mo...
Galing mo *** Joon Gu.
Gusto ko ikaw una makatikim ng unang noodles na ginawa ko.
Bago ako magtrabaho, hinugasan ko mga kamay ko ng maigi at hinanda ng buong puso.
Ibinigay ko ang lahat ng damdamin ko dyan.
Ano ba ako at ginagawa mo lahat ng ito para sa akin?
Anong ibig mong sabihin na ano ka? Kung 'di dahil sa iyo, ni hindi ko huhugasan mukha ko.
Iyan ang totoo.
Dahil hindi ko alam kung kaylan ka pupunta, lagi akong nagbibihis ng maganda, inaayos ko yung buhok ko araw-araw at nagtratrabaho ako sa abot ng aking makakaya para matutong magluto.
Sa madaling salita Ha Ni, ikaw ang dahilan kung bakit gusto ko mamuhay.
Salamat.
Dahil sa sinasabi mo, pakiramdam ko, espesyal ako.
At ang sarap sarap nito.
Ang cool mo talaga. Magaling *** Joon Gu.
Talaga?
Kung sa iyong palagay, minsan magdate naman tayo.
Magiging mabuti kung mag date tayo.
Ok, gawin natin yan.
Mag-date tayo.
Ta...talaga?
Ta...talaga? Totoo ba yan?
Date, date.
Ha Ni, salamat!
Kelan tayo mag de-date? Kelan tayo mag de-date?
Nasaan si Ha Ni?
Makikipag-date sya.
Date?
Nag-ayos talaga siya bago siya umalis.
Pulang jacket, at pulang sapatos. Lumabas talaga siya ng naka-red.
Talaga?
Mukhang lumabas siya kasama ang isang lalaking may kakaibang gusto.
Ha Ni! Dito,dito!
Maaga ka *** dumating?
Hindi, mag 3 oras pa lang?
Ano?
Mali ba ang tingin ko sa oras?
Hindi, hindi iyon. Sa bahay kasi tingin ako ng tingin sa orasan pero sa tingin ko hindi ito gumagalaw.
So pumunta na lang ako.
Ah, ok.
Pumunta ka talaga.
Sobra akong natutuwa na pakiramdam ko mamatay na ako.
Ang ganda ni Ha Ni ngayon.
Saan na tayo pupunta ngayon?
Una, ang pinaka-basic ng pagde-date...
Manood muna tayo ng sine. Isa sa mga hiling ko ang manood ng sine kasama mo.
Ako rin...
Oh, Gusto kong panoorin yung pelikulang ito.
Tama ba iyan? Sa palagay ko rin kaya kinuha ko iyan.
Pumasok na tayo.
Gusto mo ng popcorn?
Ito yung Giant Combo.
Halika ka na!
Ang aking tumitibok na puso
ay kasing gulo ng aking kwarto
hindi ko talaga ito maayos.
Kunin mo ito.
Kamusta naman iyan?
Masarap siya.
Ano sa tingin mo?
Para sa iyong sariling kapakanan, kalimutan mo ako
Tatawagan kita, ikaw
Gusto kitang pakasalan
Gusto kitang halikan
Gusto kong nakawin ang iyong puso
-Gusto mo ba ilagay ko sa buhok mo?-Ayoko niyan.
...
Maganda ito, bakit hindi?
Gusto mo'ng magpa-picture?
-Tignan mo, tignan mo!-Hey!
Hey!
Pasensya na, pero pwede mo ba kaming picturan?
-Hey! -Dito.
- Gawin mo rin ,gawin mo rin. -Okay okay.
Ang aking tumitibok na puso
Katulad ng aking kwarto
Kasal?
Oo.
Nalaman ko na pareho silang nakapasok sa Parang University na ang ranking ay 1st o 2nd sa kanilang eskwelahan.
Nung minsan nung high school sila,
Narinig ko na nagkita sila minsan sa isang tennis tournament.
Oo.
Isa silang pares na pinagtugma ng langit, hind ba?
Kung yan ang iniisip mo, eh di ang bawat isang pares ay pinagtugma ng langit!
Para sa isang pares na pagtugmain ng ---
Pero para ito kay Seung Jo at Hae Ra. Baka pagkatapos nilang mag-aral...
Hindi ba sila pwedeng mag-aral pagkatapos nilang magpakasal?
Sa palagay ko mas maganda kung sa ibang bansa sila mag-aral.
Kung magpapakasal ang dalawang iyon, gaano kaya kagaling ang kanilang mga anak?
Pagawa ng mga business at ng kung- anuano, natutunan ko na ang mga tao ang pinakamahalaga.
Ang isang matalinong tao ay kayang gawin ang gawain ng 100 tao.
Chairman Baek, hindi ka na dapat mag-alala tungkol sa pera ngayon. Ituloy mo lang ang iyong kompanya.
Oo.
Inihahatid sa inyo ng PKer team @ www.viki.com
Baek Seung Jo! Yoon Hae Ra!
Tumawa na kayo hanggang kaya niyo pa!
Pagkatapos ng araw na ito, sasama na ang buhay niyo.
Nakakaaliw ito.
Ituloy mo.
Hay, busog na busog ako.
Ako dapat magbabayad ng hapunan eh.
Ano ba yan? Lalaki dapat ang nagbabayad sa pagkain.
Ang saya ng araw na 'to.
Yung movie ang saya din.
Nag enjoy talaga ako.
Ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko.
Ha Ni a, the best talaga pag nakikita kitang nakangiti.
Kung makikita lang kitang nakangiti araw-araw,
kahit di ako kumain lagi akong busog.
Bakit?
May dumi ba sa mukha ko?
O kaya eh masyado na kong weird?
Salamat.
Ha Ni.
Napakabuti mong tao.
Alam ko na dati pa...
pero mas damang-dama ko ngayon.
Ha Ni, nakapunta ka na ba sa ilog ng Han?
Di pa ko nakapunta dun ng gabi.
Di pa ko nakapunta dun kasi taga Busan ako.
Gusto mong pumunta dun?
Sige.
Wow! Ang ganda ng Ilog ng Han.
Oo nga.
Ang dami mo yatang iniisip nito mga nakaraang araw.
Okay lang ba yung development ng game?
Sabi ni Lolo maganda daw talaga yun idea ninyo.
Okay lang.
Gagawin ko gaya ng asul na palaka (figure of speech).
Asul na palaka?
Dahil lahat eh puro 3D ang sinasabi,
nagpaplano akong ng medyo kakaiba sa 3D.
Parang animation.
Galing naman.
Lahat eh nagkakagulo kung paano gawing mas makatotohanan yung game,
tulad ng game na animation.
Salungat 'yan.
Iyan nga eksakto! Salungat!
Aralin yung kahinaan ng game at gamitin yun upang maging strongest point.
Gusto ko sana syang gawing parang animation.
Kaya naman pala ganun na lang kainteresado si Lolo.
Talagang bilib sya sa yo.
Gusto mong pumunta sa jazz bar maya-maya?
Naku. Naku. Ha Ni, tara.
Wow, eto ba talaga ang ilog ng Han?
Ganda talaga.
Ha Ni, anong lugar yung me ilaw na yun?
Mukhang coffee shop yata.
Coffee shop?
Pasok tayo sa coffee shop.
Ano, mag-caramel macchiato tayo?
Okay...
Talaga...
Tara.
Tara.
Ang ganda naman ng coffee shop na to.
Unang beses pa lang ako nakapunta sa ganitong lugar.
Kung hindi dahil sa yo, di ako pupunta sa lugar na 'to.
Parang pang drama lang ang mga ganitong lugar eh.
Nagustuhan mo ba?
Nag-enjoy talaga ako ngayong araw na 'to.
Ha Ni, giniginaw ka ba? Dapat mas makapal damit mo.
O, Baek Seung Jo.
May date kayo?
Di mo ba nakikita?
Tingnan mo nga naman. Mukhang nag-eenjoy din kayong dalawa ah.
Oo. Enjoy kami.
Masyado *** maliit ang Seoul?
Paano ba tayo nagkatagpo dito?
Isipin mo nga naman...
A! Gusto nyo'ng sumama?
Mag ja-jazz bar kami.
Simpleng lugar lang naman.
Jazz?
Ano? Masyadong istorbo sa lahat yun.
Kayo, dapat sa lugar gaya ng arcade kayo magpunta.
Mas kumportable para sa inyo ganung lugar.
Hoy, anong ibig mong sabihin nun ha?
May tenga din dami at marunong din kaming makinig sa music, ano?
Tama nga. Alam mo ang mga hilig ko.
Lumipat na lang tayo ng lugar, Joon Gu.
Sige.
Oh Ha Ni...
Bagay kayong dalawa.
Talaga?
Mukha *** bagay kami?
Kayong dalawa, bagay na bagay din kayo! Kayo at ang masama nyong ugali, bagay... perfect!
Tara!
Alis na kami!
Ha Ni...
Ano yun?
Ah..
Wow!
Ang ganda!
Ang ganda talaga!
Salamat.
Dahil pinasyal mo ako dito.
Pakasal ka sa akin.
Ano?
Ang ibig kong sabihin...
Magpakasal na tayo.
Bakit?
Wala ka *** mga kamay?
Yun siguro ang sasabihin mo kung si Ha Ni ako.
Siguro.
Bakit ba ang sungit mo kay Ha Ni?
Ano...
Ah, medyo weird ba ko?
Ba't ba pakiramdam ko maganda rin siguro kung masungit ka din sa akin.
Hatid sa inyo ng PKer team @ viki.com
Papayag ka ba'ng...
pakasal sa akin?
*** Joon Gu.
Tinitingnan kita,
at tinitingnan mo si Baek Seung Jo.
Apat na taon na tayong ganito.
Syempre, ako...
kaya kong maghintay kahit gaano katagal.
Pero si Seung Jo...
meron na siyang iba ngayon.
Pareho tayong patuloy na naghahabol sa iba...
tama na, Ha Ni.
Ang kailangan mo lang gawin ay lumingon.
Kung lilingon ka lang ...
Nandito ako.
Joon Gu ah...
Magpakasal tayo.
Ha Ni ah.
Late sya.
Ano kayang ginagawa nya ngayon?
Jazz bar.
Masaya siguro dun.
Si Baek Seung Jo na naman ang nasa isip ko.
Nandito kayo sa bahay.
Anong oras na ngayon?!
Alas-onse po.
Ano *** pinaggagawa mo ngayon araw?
Nakipag-meeting ka ukol sa pag-aasawa ng di man lang kami sinabihan.
Nabalitaan ko nakipag-date ka na naman.
Ano *** plano mong gawin?
Ano ba ginagawa mo ha?
Sabi ng Daddy mo okay lang sya. Kaya't anong problema mo?
Di mo kelangan gawin yan. Okay na ang Daddy mo.
Hindi ko 'to ginagawa para kay Dad.
Sinungaling.
Ginagawa mo 'to para sa kumpanya ng Dad mo.
Ako?
Hindi po.
Hindi nyo talaga kilala ang anak nyo?
Kung ganun,
anong dahilan para patuloy kang makipagkita sa apo ni President Yoon?
Gusto nyo talagang malaman?
Dahil gusto ko sya.
Ano kamo?
Malabo yan.
Sapat na dahilan po yon di ba?
Ikaw... Baek Seung Jo.
Hi.
Ginabi ka.
Maaga ka.
Bagay kayo.
Oo, masaya.
Nag-enjoy ako at mabait sya.
Di tulad ng iba, hindi sya masungit sa akin.
Gusto ko yun.
Eh di mabuti.
Good luck sa inyo.
Ano? Isang proposal?
Si *** Joon Gu ay kahanga-hanga.
Kasal?
Eh, ano ang sinabi mo?
Ano ang sinabi mo?
Wala akong sinabi.
Ano ba ito?
Alam kong si Joon Gu ay isang mabuting tao,
pero talagang...
Wala akong nararamdaman para sa kanya.
Kahit na noong natanggap ko ang biglaan niyang proposal...
Nagulat ako ng bahagya.
Pero pagkaraan nito, ako ay kalmado lang.
Hoy...
saan ka pa makakakita ng taong labis ang pagmamalasakit saiyo ng tulad ni Joon Gu?
Oo nga.
Hoy, sasabihin ko sa iyo ng tapatan,
imbes na si Baek Seung Jo,
mas mukhang mas bagay ka kay *** Joon Gu.
Si Baek Seung Jo
ay ikakasal na kay Yoon He Ra.
Oo, Ha Ni.
Sa oras na ito, isipin mong mabuti si *** Joon Gu.
Sa loob ng apat na taon ay ikaw lamang ang tinitignan niya.
Alam mo marahil kung ano ang nararamdaman ni Joon Gu, higit kanino pa man.
Alam mo kung ano ang sinasabi ko, tama ba?
Okay.
Itim?
Maganda yan. Ah, Seung Jo.
Alin ang mas maganda?
Yung kulay puti.
Sa palagay ko nga rin.
Dapat ko *** ibalot na magkasama?
Pakiusap lang, gawin mong magkahiwalay.
Ako ang magbabayad nito.
Talaga?
Salamat sa iyo.
Ah! Kung ganoon, ako ang magbabayad ng hapunan.
May alam akong ilang lugar.
Ang taong mukhang mabuti sa akin
ay hindi si Baek seung Jo,
at iyon marahil ay si *** Joom Gu.
Kahit na hindi ako kinikilig, komportable ako sa kanya.
tulad ng isang pamilya.
Nakita na naman kita.
Nag-shopping ka ba?
Kakain kami ng hapunan.
Talaga?
Gusto mo *** sumama sa amin?
Oh...
Tayo na?
Oo, sama-sama na tayo.
Kung ano ang gusto mo.
Hindi naman ako nagmamakaawa na sumama ka sa amin.
Oo, tayo na.
Titignan mo na lamang ba ang mga iyan sa buong araw?
Oh, Chef! Ipagpaumanhin nyo po.
Maglinis ka na.
Opo!
Tuloy...
Tuloy kayo.
Papa.
Oh! Ha Ni!
Hello.
Pasok kayo.
Ang lugar na ito...Ha Ni, ito ba'y sa iyong...
Oo.
Oo, tama ka.
Oh, Ha Ni at *** Joon Gu...
Ito ang 60 taong tradisyon ng So Pal Bok Noodles, kung saan sina Oh Ha Ni at ***...
Ah, pero kayo'y magkaibigan?
Magkaibigan, Chef? Sila'y ikakasal na.
Ganoon ba?
Upo...maupo kayo, please.
Tinignan ko ito sa internet at napagpasyahan kong pumunta dito.
Ang restaurant niyo ay talagang maganda.
Ah, oo.
Wow, ang ganda.
Talagang maganda kaya parang sayang kung kakainin ito.
Magmula ng dumating ang tarantadong ito, ang aming chef
ay naghanda ng especial.
Siyempre.
Kung si Seung Jo at ang kanyang kaibigan, talagang sila'y VIP.
Please kumain kayo ng marami.
Oo, kakain kaming mabuti.
Ah, tignan mo ito, tumingin ka dito. Hindi mo ma lang alam kung paano ito kainin.
Itong Pyongyang Neng Myun...
lagyan mo ng suka dito mismo sa noodles.
At pagkatapos, hintayin mo sandali na malubog sa suka ang noodles...
paghiwalayin mo at saka mo kainin.
Ohhh.
Oh, ganyan pala. Hindi ko rin alam.
Talaga? Okay lang na hindi mo alam. Maraming tao and hindi rin alam ito. Kumain ka ng marami!
Nag-iba ang tingin ko sa kanya.
Masaya ka siguro, Oh Ha Ni.
Dahil ang boyfriend mo ay maraming alam.
Hindi ako masyadong marunong gumamit ng chopsticks.
Hindi mo ako maaaring pagtawanan kung kakaiba ang paggamit ko dito.
Ha Ni.
Ano ang tinitignan mo ng ganyan?
Ang mukha ni Seung Jo ay baka malaglag.
Ang Inyong Imahinasyon ay Magiging Isang Laro
Ang inyong imahinasyon ay magiging isang laro.
Kami'y napakita ng maraming masasayang bahagi para sa mga gagamit ng larong ito.
Ito'y may istilong aksyon na may pinakamagaling na visual.
Sa mga magkakaibang sistema ng misyon,
ang mga gagamit nito ay mag-eenjoy sa iba't ibang antas ng kasayahan sa kabuuan ng laro.
Dahil ang mga konsepto ng istilo ng laro ay kakaiba sa ibang mga laruan.
Maaksiyong laro...
Iyan ang focus at ang factor na mag papaiba sa aming laro.
Kung ganoon, ipapakita ko ang demo version.
Lahat kayo ay naranasan na ang mundo ng imahinasyon.
Katulad ng sinabi niya, ito'y tulad ng isang animated na pelikula.
Hindi marahil ito madali, pero natapos mo sa madaling panahon.
Ito'y dahil sa mga pagpupuyat ng mga empleyadong nagtrabaho dito.
-Nagtrabaho ka ng mabuti. -Paalam na.
Nagsumikap ka ng husto.
DApat ko *** tanungin si Hae Ra kung gusto niyang pumunta para makakain tayo sa labas?
Ikinalulungkot ko.
Ngayon ang araw ng labas ng aking ama sa hospital,
kaya kailangan kong umuwi at kumain ng hapunan sa bahay.
Ah, ganoon ba?
Kung ganoon, ang pagkakataon ay maganda!
Sasabihan ko si Hae Ra na pumunta sa inyo.
Kailangan niyang magbigay bati ngayong nakalabas na siya ng hospital.
Seung Jo, lumabas na ang mama mo.
Hello. Oo.
Bakit ka narito? Halika rito.
Nakita na po kita minsan noon.
Ako po si Yoon Hae Ra.
Oh, ganoon ba?
Pakiramdam ko ay nakita na kita noon.
pero ang hula ko ay hindi naging maganda ang impresyon mo.
Ah!
Alam mong sina Ha Ni at Seing Jo ay magkasama ng tirahan, tama ba?
Oo, siyempre.
Ay naku, bumili ka ng cake.
Bawal sa ama niya ang kumain ng kahit na anong matamis.
At si Seung Jo ay hindi mahilig sa matatamis na bagay.
Binili ko iyan, para makain mo ito.
Oh, talaga?
Ito'y mga rice cakes.
Ito'y nakahanda na para maayos kainin.
Please kainin ninyo ito agad.
Siya ay kakaiba kay Ohy Ha Ni.
Ano ang tungkol sa rice cakes?
Kahit na simple lang ito, ang rice cakes ay rice cakes pa rin.
Kakain ba ako ng cake?
Kung ganoon ay mag-usap muna kayo.
Kailangan ko nang pumasok at mahiga.
Ako rin.
Seung Jo.
Anak ko iyan,
pero si Seung Jo ay may nakakapagod na ugali.
Siya'y makasarili at suplado...
At hindi siya masaya kasama.
Hindi po iyan totoo.
Siya ay masaya kasama.
At magaling siyang kausap.
Ikaw din...
ay maaaring may style na boring.
Nangangatwiran ng husto at puro tungkol lang sa aklat ang alam pag-usapan.
Ganoon ka rin ba?
Oo, ikaw ay tama riyan.
Kami'y parehong rational at logical.
Pero kahi na ganyan ang tingin sa amin,
ito'y nakakaaliw para sa amin.
Higit pa riyan, siya'y hindi mabait sa mga babae.
Wala siyang sinasabing magandang bagay.
Siya iyong tipo ng tao na tatamain ang love letter ng isang tao at ibabalik dito.
Talaga?
Ginawa ko rin iyan noon.
Wow, talaga? Ginawa mo iyan noon?
Oo.
Kayong dalawa ay talagang pareho.
Si Baek Seung Jo ay mukhang matalino, tama ba?
Pero, siya'y tanga.
Hindi niya alam ang sarili niyang damdamin.
Kung gusto niya ang isang tao, malamig siya rito at lalo niyang sinasaktan.
At tinutulak niyang palayo. Iyan ang nakikita ko.
Ang ibig sabihin, siya'y takot. Ang damdamin ng mga tao...
ay hindi madaling nalulutas tulad ng isang math equation.
na madali niyang makukuha.
Ganyan ka rin ba?
Mama!
Para po kayong bata !
Ano? Parang bata?
Hindi ako magsasalita ng kahit ano tungkol sa pagkagusto nyo kay Oh Ha Ni.
Pero, bakit nyo pinipilit na gustohin ko din sya?.
Mali ba ang mga sinabai ko?
Anak kita.
Kilala kita.
Pero , hindi mo kilala ang sarili mo
Kahit na hindi man,
hayaan n'yong gawin ko ang mga bagay sa sarili kong paraan.
Baek Seung Joo
Sa career ko at kahit sa pakikipag relasyon ko.
Tigilan nyo na ang pakikialam nyo.
Pakikikialam?
Lagi ko namang nirerespito ang mga desisyon mo ah.
Hindi ba?
Pero, ano ito?
Halatang alam mo naman ang nararamdaman ni Oh Ha Ni, pero dinala mo parin sya bahay natin.
Ito'y problema sa paggalang sa ibang tao.
Isa ka *** tao na walang paggalang?
Mama,
OK lng po ako.
Ngayun, pakiusap...
tigilan nyo na po ito!
Baek Seung Jo..! ikaw !
Tama
Dahil lagi nyo namang nirerespeto ang desisyon ko, sana ngayon gawin nyo din.
Hatid sa inyo ng PKer Team dito sa viki.com
Akala ko talaga gusto ni Seung Jo si Ha Ni.
Dahil anak ko siya, naniwala akong magugustuhan nya rin si Ha Ni.
Hindi mo maaaring kontrolin ang mga anak mo ng ganyan.
Pero hindi ba't bagay talaga silang dalawa?
Pinupunuan nila ang pagkukulang ng isa't-isa at ibinabahagi nila ano man ang sobra
Hindi ba ganon yun?
Yan din ang nakikita ko,
Pero hindi yan ang nais patunguhan ni Seung Jo. Anong magagawa natin?
Ano na?
Pakiramdam ko may nagawa akong masama para kila Seung Jo at Ha Ni.
Gusto nya siya.
Ano?
Gusto ni Kuya si Oh Ha Ni.
Kaya huwag ka ng umiyak ma.
Eun Jo! Anong sinasabi mo?
Baek Eun Jo!
Kuya...
Pakakasalan mo ba talaga si Hae Ra?
Hindi ba maganda siya? Gusto mo ng magagandang ate diba?
Gusto mo ba yung ate na yun?
Hindi ba't magugustuhan ko din siya pag nagpatuloy kami?
Pero kahit na!
Ang gusto mo ay si...
Yung ate na yun ang talagang nababagay sa akin.
Smart siya at magaling din maglaro ng tennis.
Kuya!
Kapag nakasama mo pa siya ng marami pang beses, magugustuhan mo din siya.
Sinungaling.
Natutulog siya kahit sa ganitong lugar...
napaka-carefree niya talaga.
Tama!
Magalagay kaya ako ng insekto sa ibabaw ng kamay niya?
Oh Ha Ni, sigurado magugulat ka.
Oh!
Tapos bumalik na si kuya sa pensiyon.
Panaginip nga iyon!
H..hinalikan ni kuya si Oh Ha Ni.
Pagkatapos niyang gawin yun..
Nakita kong lahat.
Pero hindi ko ito pwede sabihin kay mama.
Sinasabi ni kuya na hindi ganon.
Pero ito ang sigurado...
Gusto ni Kuya si Oh Ha Ni.
May problema ba?
Wala po. Wala naman pong nangyayaring maganda at wala rin naman pong nangyayri mali.
Naglalaro lang po ako.
Ano to, henyong Yoon He Ra?
Gusto mo *** pabilisin na ito ni lolo?
pabillisin?
Oo, tayo na ang maglalabas ng kutsilyo.
Siya dapat ang kumilkilos, hindi tayo.
Ayoko po ng ganyan, lolo.
Ang manakot para gawin ng isang tao ang isang bagay, mas nakakasakit po ng pride yun.
Talaga?
Edi dapat *** wala lang akong gawin?
Opo, sa ngayon.
Kapag sa tingin ko po ay wala na talaga akong kayang gawin,
baka po hilingin ko na sa inyong gamitin ninyo ang inyong kutsilyo.
Yeah, huwag mo itong pigilan.
Hindi na ako aatras.
Baek Eun Jo
Ginawa ko ang pudding na gusto mo!
Heto! Kainin mo.
Masarap ba?
Mabuti naman.
Pero, Eun Jo...
Ano ba yung sinasabi mo sa akin dati,
na gusto ng kuya mo si Ha Ni.
Hindi na ako kakain.
Ah, bakit?
May tinatago ka, hindi ba? Lumapit ka dito!
Dahil marahil maaliwalas ang panahon ngayon kaya maraming bituin sa langit.
Pa.
Ano pong masasabi nyo sa pagkikipag-date ko kay Jong Gu?
Joon Gu?
Bakit? May nangyari ba?
Wala po, sinasabi po, sinasabi ko lang po "kung sakali"
Pano kung ganon ang kaso.
Kung sakali?
Opo, pano po kung ganon ang mangyari.
Sa bagay, sinong makapagsasabi?!
Hindi ko siya masyadong gusto dahil mejo magaspang ang kanyang paguugali at lahat...
Para siyang tunay na lalaki.
At kapag nagluluto siya, talagang nagpo-focus siya.
Bilang isang chef, sa tingin ko mahusay siya.
At higit sa lahat, gusto ka niya talaga.
Nag-aalala siya sayo kaya wala naman akong hindi magugustuhan.
Ganon po ba?
Sa tingin ko magpapakasal na si Seungjo?
Opo.
Yun ba yung babaeng nagtungo sa restaurant?
Sa tingin ko mali ang aking naging desisyon.
Hindi na dapat tayo bumalik dito kahit na gaano pa nila ako pinilit.
Alam mo.
Kapag manatili pa tayo dito ng matagal, magiging nakakailang na ang sitwasyon.
Magiging hindi na komportable para sa mga tao dito. Baka hindi na rin tayo makapagsalita.
Seung Jo... si Oh Ha Ni ay talagang mabuting babae
Kapag naiisip ko
isa itong magandang pagkakataon.
Oo.
Maraming bituin, tama?
Hoy Joon Gu!
Sa restaurant ?
Bakit? Hindi ba day off mo ngayon?
Anong ginagawa mo sa day off mo?
May ginagawa ako bagong menu Puede ka *** pumunta dito pagkatapos ng eskwela?
Kung sasabihin mong masarap, gusto kong opisyal na iprisinta sa chef
Pupunta ka ha?
Ang mga lukong ito...Anong ginagawa nyo?!
Bilis! Tumayo kayo dyan!
Sunbae, hindi po ba pwedeng magpahinga nang sandali?
Anong nagawa mo at pwede kang magpahinga?
Ang pagsasanay ay hindi natatapos. Kailanman ay hindi natatapos!
Dapat po ay uulan bukas ng umaga. Gagawin din po ba natin ito bukas?
Ha?
Sirang-ulong luko ka.
Bakit naman uulan sa araw na ganito? Itataya ko ang aking lahat ng ipon ko at ang kaliwa kong kamay na hindi uulan!
Dali tumayo ka at tigilan mo na ang mga bagay na walang katuturan.
Bilis!
Ganyan ka pa rin.
Naku! Yah!
Seung Jo! Pagkatagaltagal na talaga!
Nabalitaan ko ang tungkol sa iyong ama. Mabuti na ba siya ngayon?
Opo, nakaraos na po siya.
Oh! Mabuti naman!
Paanong gagawin natin dito? Dahil hindi ka pumupunta, ang mga babae hindi na rin pumupunta.
Tingnan mo ito! Puno ng mga lalaki. Aigoo talaga.
Mabuti at nakarating ka. Dahil nandito ka na rin lang, maglaro tayo.
Pumunta po ako dito ngayon para linisin ang locker ko.
Sa tingin ko po ay hindi muna ako makakapunta dito
Mayroon sigurong nangyayari sa iyo. Anong klaseng primero anyo naman ang ganyang kaakupado?
Hindi ko makita ang ball boy ngayon.
Ball boy?
Ahhh. Si Ha Ni?
Lagi siyang lumiliban ngayong mga araw na ito. Malamang okupado sya sa pakikipag-date dun sa lalaking nagtatrabaho sa kapiterya.
Ang mga lukong ito! Anong ginagawa nyo? Dali!
Ito ang palaruan ng tennis ng paaralan namin.
Ah, yung palaruan ng tennis kung saan nagdusa si Ha Ni at laging hindi pinansin?
Oo. Ito nga yun.
-Woah. Maganda, di ba?
Oo, talagang sobra sobra.
Wow, oh. Nagsasanay sila...
Oh! Baek Seung Jo!
Bakit ka nandito?
Hindi ba ako dapat ang nagtatanong niyan sa inyo?
Ah. Tama nga.
Gayon pa man, narining naming magpapakasal ka na daw.
Kay Yoon Hae Ra?
Di ba, ngayon makikipagkita si Ha Ni kay *** Joon Gu?
Yeah! Ipagluluto siya ni *** Joon Gu ng napakasasarap na pagkain.
Ang galing talaga ni *** Joon Gu!
Alam ko! Sinong mag-aakalang yayayain niyang magpakasal?
Sasagot ba siya ngayon?
Ah, tama nga! Kaya nga bihis na bihis siya.
Kung gayon, di kaya si Ha Ni ang mauunang magpakasal?
Ah tama yan!
So Pal Bok Noodles.
Kumain ka pa nito.
Ah, nabusog ako.
Paano ka naman naging busog na? Ang dami ko pang inihanda.
Sa susunod na lang.
Pero ang sasarap talaga nito.
Siguraduhin mong sabihan si Papa. Tiyak na magiging jackpot.
Ganoon ba?
Inumin mo ito. Sirwelas yan. Matutunawan ka nang maayos.
Joon Gu, ang galing mo talaga.
Mukhang mas magaling ka nang magluto kaysa sa tatay ko.
Aigoo anong sinasabi mo?
Malayo pa ang lalakbayin ko para maging katulad ni Chef.
Pero dahil pinupuri mo ako, magaan ang kalooban ko.
Kumakabog ang puso ko.
Umuulan talaga nang malakas.
Dito...
Ha Ni...
Ha?
Yung sinabi ko dati...
Hindi ko basta-bastang sinabi yun.
Napag-isipan mo na ba?
Pero...ako...
Konti pang pana...
Hindi pa rin pwede?
Ang ibig sabihin ko ay si Seung Jo.
Pumunta pa siya sa isang kasal pulong. Hindi mo pa rin kayang tigilan ang iyong nararamdaman?
Hindi, mas mahalaga dyan...
Ha Ni...
Yung malamig at masamang lalaking yun, anong gustong-gusto mo sa kanya?
Sabi ko sa iyo dati. Ako ang tahanan mo.
Kailan ka man pumunta, lagi akong nandodoon.
Pero...
kung pababayaan mo lang na walang laman nang pagkatagaltagal,
hindi mo na magagamit yun.
Joon Gu...
Ayos ka lang?
Ha Ni, ayos ka lang ba?
Ha Ni, gustong-gusto talaga kita!
Joon Gu...
Ha Ni...
Joon Gu, huwag mong gawin ito.
Joon Gu!
Huwag kang ganyan.
Hindi, huwag mong gawin.
Sabi nang huwag mong gawin ito! Joon Gu!
Siguro...
hindi pwedeng maging ako.
Patawad, Joon Gu.
Talagang hindi ako mabuti.
Matapos kong paasahin si Joon Gu,
nasaktan lang siya sa huli.
Ano ba ito? Ginawa ko ba ito upang kapag hindi si Baek Seung Jo, hindi pwedeng maging sino man?
-Anong ginagawa mo dito? -Anong ibig mong sabihin? Hindi ba halata?
Walang posibilidad na magdadala ka ng payong.
Kung ganoon, hinihintay mo ako?
Kagagaling mo lang ba sa pagkikita nyo ng lalaking yun?
Anong isinagot mo sa kanya?
Ha?
Narinig kong niyaya ka niyang magpakasal.
Bakit?
Hindi ko ba magagawa yun?
Kaya ko nga itinatanong, kung anong sagot ang ibinigay mo sa kanya.
Kung ano man ang sinabi ko sa kanya,
wala kang pakialam doon.
Tama nga.
Ako...
lilipat na ako.
Napag-usapan na namin ng papa ito.
Magiging sagabal lang ako sa iyo.
Mabuti na lang at masikap magtrabaho si Joon Gu.
Gustong gusto din siya ng papa.
Ngayon, dapat kong tulungan ang papa at ang kanyang restaurant kasama si Joon Gu.
Gusto mo ba siya?
*** Joon Gu?
Siyempre gusto ko.
Sa apat na taon, ako lang ang ginusto niya.
Kapag may nagsabi sa iyong gusto ka niya, magugustuhan mo na rin siya ng ganoon lang?
Bakit?
Hindi ko ba magagawa yun?
Pagod na akong magkagusto ngayon.
Gusto kong makasama ang isang lalaking may gusto sa akin. Gusto ko si Joon Gu.
Ikaw...
Ako ang gusto mo.
Hindi ka maaaring magkagusto sa iba maliban sa akin.
Ano ito, ganyan kalakas ang loob mo?
Hindi ba ako tama?
Oo, tama ka nga!
Ikaw lang ang gusto ko?
Anong dapat kong gawin?
Hindi mo man lang ako pinapansin. Ang isang katulad ko...
Huwag mong sabihing may ibang lalaki kang gusto.
Iyan ang pangalawa.
Pangalawang ano?
Halik.
Pangatlo ito.
Ayos lang.
Hindi na ako magbibilang.
Sige.
Handog sa inyo ng PKer team @ www.viki.com.
Mayroon din palang resulta sa pagkaka-crush ng apat na taon.
Sumakay ka.
Nagawa mo na sa wakas.
Kung ganoon paano naman si *** Joon Gu?
Mas mabilis ka sa inakala ko. Alam kong sa bukas-makalawa malalaman mo rin ang tunay mong nararamdaman.
Pero hindi ka na nahihirapan?
Hindi na.
Naging masaya.
Yoon Hae Ra, anong nangyari sa'yo?
Ginusto ko po kayong tawaging "Itay."
Ginusto ko po kayong tawaging biyanan.
Maligayang pagbati sa inyong kasal.
Patawad.