Tip:
Highlight text to annotate it
X
Kamakailan lang, nagtanim ako ng mga patatas.
Biglang paisa-isang namatay ang mga iyon.
Tiningnan ko mga aklat at wala silang sapat na nasabi sa akin.
Kaya, naghanap ako.
Mga sakit ng patatas.
Sinabi sa akin ng isa sa mga website
na maaaring mga langgam ang problema.
Sinabi nitong magkalat ng abo ng kahoy sa halaman.
Pagkalipas ng ilang araw ay nawala ang mga langgam.
Na-excite ako sa Internet.
May kaibigan ako,
gusto niya talagang palaguin ang kanyang negosyo.
Kaya sinamahan ko siya sa cyber cafe
at tiningnan namin ang ilang mga site.
Noong nagkita kami ulit, maglalagay siya ng windmill
sa lokal na paaralan.
Natuwa ako dahil
ang isang bagay na wala roon dati,
ay bigla na lang naroon.
Naisip ko di lahat kayang i-access
ang aking naa-access.
Naisip ko kailangang magka-Internet
na magagamit ng Lola ko.
Kaya naisip ko ang isang notice board.
Simpleng kahoy na notice board.
Pag nakakuha ako ng info sa telepono,
maipapaskil ko ang impormasyon
sa notice board.
Kaya para itong computer.
Ginagamit ko ang Internet para makatulong.
Sa tingin ko naghahanap ako,
ng mas magandang buhay
para sa akin at mga kapitbahay.
Para marami ang may access sa info,
ngunit walang follow up doon.
Sa tingin ko kaalaman ang follow up doon.
Kapag may kaalaman ang mga tao,
makakahanap sila ng solusyon
nang hindi tinutulungan.
Makapangyarihan ang impormasyon
pero ang paano ito gamitin ang tutukoy sa atin.