Tip:
Highlight text to annotate it
X
Ako si Destin at ito muli ang Smarter Every Day. Sa ngayon, marami akong natututunan tungkol sa mga baril kapag sa ilalim ng tubig,
at nakakatuwa ito. Sa naunang palabas natutunan ko ang mga pangyayari dito sa likod na parte ng baril
na ang action. Pero, dahil sa mga limitasyon ng gamit ko hindi ko nakita
ang mga pangyayari kapag nakalabas na ang bala at dumaan ito sa tubig. Ngayon, gusto ko talaga makita iyon,
pinag isipan ko muna sya at pagkatapos nagkaroon ako ng ideya. Kaysa gumawa ako ng tanke
na kinalalagyan ng tubig kasama sa baril, gumawa ako nito, para hindi makapasok ang tubig.
Kaso, may problema pa ako, kahit binuo ko na ang mga magagandang bagay na ito at nakakuha na din ako sa isa sa mga
pinakamagandang high speed camera na pwedeng mabili, hindi ko kayang patakbuhin ito lahat ng mag-isa.
Kaya nangimbita ako ng mga kaibigan para tumulong.
Gagana ito. - Talaga? - Talaga. - Ubod ng galing.
(Destin) Gusto ko sanang makakuha
ng pinakamalapad na angulo na posible, na pwede nating makuha mula sa salamin.
- Kailangan natin lumapit ng todo sa salamin gamit ang malawak na lente, kung hindi, baka makikita natin yung gamit. - Sa tingin ko.
(Destin) Anong klaseng lente ang sa tingin mo kailangan gamitin? - Lente...
Sa gitna ka pupwesto. - Kelangan natin gumamit ng lente, diba? [tawa] - Kelangan natin ng lente. [tawa]
- Ang problema ng paggamit ng AK sa ilalim ng tubig ay
Hindi ko mapapagana ang camera, kaya andito ang Slow Mo Guys para tumulong sa akin.
Ano ang gagamitin mo? - Gagamitin ang ko ngayon ang Phantom v1610 na kaya hanggang
18,000 frames bawat segundo sa 720p.
- Hindi ko kaya bumilang ng ganoon karami. - Siguradong mas marami kaysa... sa bilang ng mga daliri mo.
- Pwede mong isara? - Maliban kung taga Alabama ka. - Para makita nyo kung gaano kalamig
ngayon habang ginagawa namin ito, mga 40 degrees. (approx. 4.5 deg. C)
Ubod ng lamiiiig. Yung camera ay nakatutok sa taas na salamin, tatalbog ito pababa
at magiging parang periscope ito sa ilalim ng tubig. Andito yung baril...
Kita sya doon, gamit ang phantom.
[pagkasa ng baril]
[pagputok ng baril]
[pagputok ng baril] [bula]
[pagayos ng baril]
[mabagal na pagputok ng baril]
[maramihang pagputok ng baril]
Halos pantay pantay sila. Nakakakuha tayo ng
5-6 feet na layo ng lipad ng bala.
[pagputok ng baril]
[mabagal na pagputok ng baril]
[mabagal na pagputok ng baril]
[maramihang pagputok ng baril]
[pagayos ng baril] OK. Ano natutunan natin?
Kita na may hangin na lumalabas mula dito. Maliit na bula ng hangin sya.
At nangyayari iyon dahil.. naglalabas yung piston kapag
lumalampas ito sa... [tawa] Hindi ako makasalita, giniginaw ako. Kapag dumaan ang bala
sa barrel linalampasan nya itong harang ng hangin at tumutulak ang hangin sa piston.
Ngayon nakikita natin na nagsisimulang gumalaw yung bolt, pero tingnan nyo ang mangyayari.
Dito, nabubuksan nya itong maliit na daanan. Ito ang dahilan kaya may bula
sa pagputok. Kapag tinangal natin ito, makikita natin na ang piston
ay naglalabas ng hangin kapag nakagalaw na ito ng mga 1/4 inch pabalik. Kapag pinagisipan natin ito
ubod ng galing ito dahil sa maigsing oras ng pagtulak na ito, kaya nya labanan lahat ng springs
at friction sa loob ng baril at ikasa ito, dahil lamang sa pagtulak na ito.
[pagputok ng baril]
[pagputok ng baril] [pagtilansik ng tubig]
Grabe.. ang lamig. [tawanan]
Ngayon, kuha mula sa ibabaw ng balikat?
- Oo. Mula sa ibabaw ng balikat. - Oo.
(Destin) Libre para kumasa ng bala? - Libre para kumasa ng bala.
- Libre para magpaputok?
- Libre para magpaputok. - 3.. 2.. 2.. [pagputok ng baril]
(Destin) Libre na ang baril.
- Uy.
- Nakuha mo? - Kuha ko. Titingnan ko na.
[mabagal na pagputok ng baril]
[maramihang pagputok ng baril]
[mabagal na pagputok ng baril]
[musika]
[mabagal na pagputok ng baril]
[maraming pagputok ng baril]
[pagputok ng baril sa ilalim ng tubig]
Alam kong magaling sya, pero hindi ko akalaing ganoon kaganda. Subukan kong ipaliwanag kung ano sa tingin ko nangyayari dito.
Mayroon tayong oscillation (paglaki at pagliit) na makikita pagkatapos ng pagputok sa mga bula. Ang galing nya.
Hindi ko alam kung bakit lumalaki uli yung bula pagkatapos nyang lumiit. Pero ito ang nangyayari.
Merong pormula na ang tawag ay Rayleigh-Plesset Equation na naglalarawan ng mga pangyayari sa bula sa ilalim ng tubig
Mahirap ito solusyonan na kamay lamang kaya kelangan gumamit ng kompyuter para dito pero ganito ang nangyayari dito.
Sa simula peron kang malakas na pagtulak mula sa loob ng bula at nagsisimula nitong
pagalawin palabas ang tubig sa paligid nito kaya lumalaki sya. Pagdating sa panahon
na ang pagtulak ng hangin sa loob palabas ay katumbas sa lakas ng pagtulak ng tubig mula sa labas paloob ng bula at tuluyan
pa rin syang lumalaki hanggang mapahinto ito ng tubig. Ngayon, meron kang maliit na lakas ng pagtulak
sa loob ng bula at malaking lakas ng pagtulak sa labas kaya magsisimulang lumiit ang bula, at dahil sa galaw ng tubig
lalampas uli sya sa lugar kung saan magkatumbas ang lakas sa labas at loob at tuluyan pa rin syang lumiit.
At lumalaki uli ang lakas ng pagtulak mula sa loob at boom, isa pang paggalaw uli
at paulit ulit ito. Uulit ulit ang galaw na ito hanggang maisaboy
ang lahat ng enerhiya sa sistemang ito. Ngayon, sa panahon na ito
kung saan pinakamaliit ang bula, meron tayong pinakamalakas na puwersa. Sa panahon na ito minsan
may pangyayaring tawag ay Sonoluminescence. Ang Sonoluminescence ay pangyayari na meron ilaw
kapag gumuguho ang isang bula. Kahit gusto ko sanang paniwalaan na ito
ay sonoluminescence, nakakasigurado lang ako na pagtalbog lang ito ng ilaw mula sa araw sa ibabaw ng tubig.
Pero naakainteresado ito na nangyayari sya sa punto ng pagguho. Bakit kaya
nangyayari ito. Meron pa tayong kailangan pag usapan. Eto ang paboritong kuha ko.
Sa simula akala ko na ang unang hangin mula sa baril ay mula sa paglabas ng bala
at ang ibang hangin na pumalibot sa bala ay mula sa kartutso, pero tingnan natin uli.
Kita nyo yung itim na bagay na sumusunod sa haba ng bula? Yun ang sunog na pulbura na lumalabas
mula sa baril sa likod ng bala. Pag sinundan natin yung linya pulbura sa bula, dapat
kasing linya ito ng bala. Yun na nga. Kaya, ano yung nauunang puting bagay?
Kapag mayroon kang umaagos na tubig at pinabilis mo ito, bumababa ang puwersa nito.
Mukhang baliktad ito mula sa dapat na pangyayari, pero ito talaga ang nangyayari. Ang tawag dito ay
ang Bernoulli principle, kung saan ang galaw ay malakas at ang puwersa ay mahina. Tingnan natin itong
phase diagram para sa tubig. Ang tubig kung nasaan tayo ay nasa may 4 degrees celcius at
nasa halos 1 atmosphere. Kapag binabaan natin ang puwersa sa tubig lampas sa isang punto
nagiging hangin yung tubig. Ang loob ng baril ay puno ng tubig bago natin sya
ibinaril diba? At tinulak ng bala palabas ang tubig sa matulin na paraan. Kaya kung saan
matulin ang paggalaw, mababa ang puwersa. Cavitation ay nangyayari sa loob ng baril sa
harap ng bala. Sinusubukan ko kpa intindihin eto pero eto talaga ang pangyayari.
Pwede mo sya makita sa video. Kapag lumabas na yung bala mula sa bula meron iba pang
nangyayari. Makikita na yung bula sa kanan ay mukhang ulap at yung bula sa
kaliwa ay mas parang salamin. Kumuha si Andrew Davidhazy ng mga magagaling
na shatter graph ng mga bala habang lumilipad na nagpapakita ng shock wave sa harap ng bala. Sa likod
ng shock wave ay may mas mababang puwersa. Nagiging hangin ito. Dahil
ang lugar na ito na may mababang puwersa ay mayroong mas makinis na hangganan ng puwersa, mas mukhang salamin ito
kaysa sa malikot na ulap na dahil sa malikot na paggalaw na lumalabas sa baril. Iyon na nga.
Hindi ka lamang bumabaril ng bala mula sa baril, bumanaril ka ng tatlong magkakaibang bagay.
Ngayon na naiintindihan na natin ang pisika ng pagbulang ito, malinaw na makikita natin ang epekto ng tatlong
bagay na ito sa high speed video. Oo nga pala, naiintindihan na din natin yung pagtalbog ng bula.
Malaking pasalamat kay Gavin at Dan the man mula sa Slow Mo Guys. Nanggaling pa sila
sa malayo patungo dito sa Alabama para kumuha ng video. Malaking bagay iyon. Kaya gumawa uli
kami ng video para sa channel nila, isang video na ginawa ko dati, pistol sa ilalim ng tubig, pero ngayon gumamit kami ng v1610.
Maganda ito. Panoorin nyo sa channel nila, hindi ito sayang sa oras.
Sa channel ko, ang gusto ko ay gumawa ng magandang video na ikakatuwa ninyo habang may natututunan kayo, at
sana makuha ang subscription nyo. Kaya, kung sa tingin nyo natupad namin iyon, mayroon kaming kimikang nangyayari,
panoorin nyo ang pangatlong bahagi ng video na ito, baril ng mga Russian frogmen. Oo, meron talaga nun.
Nakakuha ako nun. Nasa akin pa yung ninja scope 300 o kung ano man itatawag natin sa kanya.
Nakikita nyo naman kung saan patungo ito. Ako si Destin, at kayo ay nagiging Smarter Every Day,
magandang araw. May rason kaya pinili namin ang pool na ito.
Nakatira si Jimmy Neutron sa gitna ng kawalan, kaya kapag nakatakas ang isang bala, ligtas ang maga tao.
Magpakatino kayo, wag nyo itong gayahin. Tingnan nyo kung pano nya putulin ang salamin.
[nagkakamot] Ano?
[naputol] (Destin)Ano? Ano ginawa nya?!
[tumatawa] (Destin) Umalis ka dyan, umalis ka dyan!
Nakuha natin ang mga bala. Walang nasira pero
kita mo yung mga uka mula sa rifling ng baril