Tip:
Highlight text to annotate it
X
Tayo ay dating mga mangangaso
Ang hangganan ay nasa lahat ng sulok
Tayo ay napapaligiran lang ng Mundo, ng karagatan, at ng kalawakan
Ang mga lantad na daraanan ay tahimik na nag-a-anyaya
Ang ating mundong halong tubig at lupa ay pugad ng daan-daan, libu-libo, at milyun-milyon pang mundo
Tayo, na hindi man lamang maisa-ayos ang mundo na s'ya ring ating tahanan
Winawasak ng pagkakawatak-watak at pagkaka-galit-galit
Handa na ba tayong manirahan sa malayong kalawakan?
Sa pagdating ng panahon na tayo'y handa nang tumira kahit sa pinakamalapit na planeta
Malamang tayo'y nag-iba na
Tayo'y babaguhin ng simpleng pagkakasalin-salin ng maraming henerasyon
Ang ating mga pangangailangan ang magpapa-bago sa atin
Tayo'y uri ng nilalang na marunong maki-bagay
Hindi man ang tulad natin ang may-kakayahang makapunta sa "Alpha Centauri" at iba pang mga malalapit na bituin
Malamang ito'y mga nilalang na kagaya rin natin
Nguni't may kagalingang mas marami kaysa sa atin
at may mga kahinaang kakaunti kaysa sa atin
mas may tiwala sa sarili, mas handa, may kakayahan, at mas maingat
Sa lahat ng ating kabiguan, sa kabila ng ating kakulangan at pagkakamali
Tayong mga tao ay may kakayanan na maging dakila
Ano pang mga bagong kaalaman, na hindi pa natutuklas,
ang ating maibabahagi sa mga susunod na salinlahi?
at susunod pa?
Gaano pa kalayo ang mararating ng ating lahi sa darating na isandaang taon?
at susunod pang isanlibong taon?
Ang ating 'malalayong' ninuno, na tahimik na naninirahan sa iba't ibang pang mundo sa Solar System at karatig nito
ay magkakaisa
sa ngalan ng iisang pinagmulan, at pagkilala sa pinanggalingang tahanang-planeta
at kahit na meron pang buhay na matatagpuan sa ibang planeta... ang 'sangkatauhan'...
ay matatagpuan lamang sa planetang Mundo
Sila ay titingala at sisikaping mahanap ang asul na tuldok sa kalangitan
Sila'y mama-mangha sa maselang katangian ng ating dating kalagayan
Kung gaano kadelikado ang sitwasyon noong una
Ang simple nating pinagmulan
Kung gaano karaming ilog ang ating kailangang tahakin bago natin marating ang ating kinalalagyan.