Tip:
Highlight text to annotate it
X
Alam ko na nandito ang aking pangkalawakang kapamilya. Ikaw,alam mo?
Hello, Ako si Graham Dewyea,
Tagapamahala ng Inlight Radio
at host ng programa sa radyo Ang Ating Pangkalawakang Pamilya.
sa pagkaalam ng karamihan ngayon,
hindi tayo nag iisa sa sansinukub
Alam ko na nandito ang aking pangkalawakang kapamilya.
sa ating himpapawid habang kausap kita ngayon,
na magsasalaysay ng kanilang mga kwento
sa katotohanan, na tayong lahat ay nanggaling sa iisang pangkalawakang pamilya lamang
ikaw, ako, ang ating pamilya, mga kaibigan, kapitbahay at kasamahan,
at iyong mga nagpapakita sa ating himpapawid.
ang ating mga kapatid sa kalawakan
na kasama sama na natin mula pa sa umpisa ng panahon,
at sila ang dumadalaw sa atin
araw araw.
nakikita natin sila sa himpapawid
naririnig natin ang mga kwento nuong mga nakakakita sa kanila,
kami mismo ay nakakita na sa kanila.
baka nakita mo rin sila,
na hindi mo lang namalayan.
kung hindi ka man nakakita,
siguro kagaya ka ng karamihang tao sa buong mundo
na naniniwala na nandidito sila at hindi tayo nag iisa.
Alam ko na karamihan sa kanila ay kahawig at kawangis natin,
at nandidito sila para tayo ay tulungan, at dala nila ay kapayapaan.
Meron silang pagkalinga sa ating mundo
at sa atin, at sa lahat ng nilalang.
Paano ko alam ito?
Kung hindi kapayapaan ang hangad nila,
hindi sana sila nagpapakita sa himpapawid
ng mahabang panahon at walang ginagawang masama sa atin, di ba?
Sila ay mga mapayapa, at lubhang espiritual na mga nilalang
at nais nilang ipamahagi ang kanilang karunungan at teknolohiya
para matulungan tayong maayos ang ating mundo at lahat ng nilalang ay mamuhay ng masagana.
At kailangan natin ang kanilang tulong.
Tuwing nakikita ko sila sa himpapawid at ako ay nagtatanong,
bakit ang ating gobyerno at mga namumuno
ay hindi umaamin sa kanilang presiencia?
Ano ang tinatago nila?
Una sa lahat ay mawawalan sila ng kontrol sa atin,
pati na ang mga relihiyon at mga namumuno sa simbahan.
Hindi nila pinamahagi o sinasabi ang katotohanan.
Ako ngayon nagsasabi,
Hindi ko kailangan maghintay sa gobyerno o relihiyon
para i-anunsyo o pagsisiwalat ng kahit na ano pa man.
Ang pagsisiwalat ay upang ipaalam ang katotohanan
ng ating mga kapatid sa kalawakan
ako ay gumagawa ng sarili kong pagsisiwalat ngayon,
dito ngayon.
Napapanood ko ang mga video na galing pa sa iba't ibang lugar sa buong mundo.
Nakita ko ang mga litrato.
Nakita ko ang mga starships,lightships, mga sasakyang pangkalawakan
at kung ano pa man ang tawag mo sa kanila,
sa himpapawid mismo.
At ako'y natutuwa na makaniig sila sa personal
at sama sama tayo sa pagtulong sa ating planetang ito,
at sa ating mga sarili, para magkaroon ng mabuti at masaganang buhay at kinabukasan.
Alam ko na nandidito ang aking pangkalawakang kapamilya,
at alam din ng mga taong inyong maririnig kasunod nito
kaya sumali na kayo at ipaalam natin sa buong mundo
ang Pagsisiwalat sa ating mga pangkalawakang kapamilya.
Alam ko na nandidito ang aking pangkalawakang kapamilya. Ikaw, alam mo? Inna Lobanova-Heasley (Russian)
Alam ko na nandidito ang aking pangkalawakang kapamilya. Ikaw, alam mo? - Ian Lee (Cantonese)
Hi. Ako si Steve Beckow.
Ako ay dating miembro
ng Immigration and Refugee Board of Canada.
Alam ko na nandidito ang ating pangkalawakang kapamilya.
at alam kong nandito sila para tulungan tayong makamit ang isang kahangahangang kinabukasan
Kamukha natin sila, mga tao din silang katulad natin.
Sa katunayan, sila'y mga tao- Oo, sinasabi ko sila'y mga tao-
na nagbinhi ng sangkatauhan sa pag umpisa ng mundo.
Tayo ay nagmula sa populasyon ng mga tao na galing pa sa malayong-malayong planeta.
Naparito sila upang tayo ay maipagtanggol.
Dinadalaw na nila ang Mundo panahon pa ng ating mga ninuno.
Pero pinipili nilang manatili na nakatago
para hindi makikialam sa ating malayang kalooban.
at nanddidito silang magmuli ngayon para tulungan tayong
makamit ang global na pag-angat ng Kamalayan
na darating sa o bago mag December 21, 2012.
Marami ang nagsasabi na katapusan na ng mundo.
hindi matatapos ang mundo.
Hindi magkakaroon ng Armageddon sa planetang ito.
Walang maninilang uri ng hayop ang sasalakay sa atin.
Kung ang ating mga kapatid sa kalawakan
ay nagnanais sumakop sa planetang ito,
ginawa na nila ito, noon pa.
Sa halip ay, ang maaasahan natin sa kanila,
ay ang kapayapaan at kasaganaan sa buong mundo,
at pagkakaisa ng mga tao sa isang bagong panahon ng sangkatauhan.
Tinatanggap ko ang ganyang uri na planeta.
Alam ko naririto na ang ang ating mga kapatid sa kalawakan.
at alam ko na nandidito sila para tulungang makamtan natin ang kahangahangang kinabukasan.
Alam ko na nandidito ang aking pangkalawakang kapamilya. Ikaw, alam mo? - Özge Simsek (Turkish)
Alam ko na nandidito ang aking pangkalawakang kapamilya. Ikaw, alam mo? - Edgar Alan Elango (Filipino)
Hi. Ako si Dave Schmidt.
Ako ay dating senador sa Washington State,
20 taon ako nagsilbi bilang politiko
at ang huling 12 taon sa Legislatura sa Washington.
Pero bago pa yan nagsilbi din ako sa simbahan ng 13 taon.
Meron akong bachelor's degree sa relihion.
at master's degree sa pag aaral sa Biblia.
At base sa aking kredentials,
Ako ay may kakayahang magsalita tungkol sa isyu ng impluyensa
ng relihiyon at gobyerno sa buhay natin.
Ang tanong sa sarili natin ay, bakit?
bakit hindi tayo binigyan ng impormasyon
mula sa ating mga pinuno sa relihiyon at gobyerno tungkol sa ating pangkalawakang kapamilya?
bakit tayo ay pinanatiling walang alam?
Sa apat na sulok ng mundo ay mga taong maimpluensya
na nagpakasasa sa kapangyarihan.
Hawak nila ang kapangyarihan at kontrol
sa bilyon bilyon katao sa bawat bansa sa buong mundo.
Kaya, ang pinakamalaking impluwensya sa ating buhay
ay nangagaling doon sa mga nagimpluwensya sa ating mga paniniwala,
yung mga may impluwensya sa ating perception kung ano ang katotohanan.
at ang kalubus-lubusan sa kanila ay nanggaling sa gobyerno.
at ang ating mga pangulo sa relihiyon.
Ibinigay natin ang tiwala na patnubayan tayo sa pang araw-araw na buhay,
subalit sinusubukan nilang panatilihin tayong matakot
at ignorante at nasa kadiliman.
Ang Pagsisiwalat sa katotohanan ng ating pangkalawang kapamilya
ay pagtatapos ng pagkamalihim na nagumpisa pa noong 1947,
kung hindi mas maaga pa,
Ang pagtatago sa katotohanan ng mga UFO's
ay naging patakaran ng mga gobyerno dahil sa iba't ibang dahilan.
Merong kapuri-puri,
pero ang totoo, karamihan ay hindi,
Kagaya mo, Ako ay tinuruan ng maling systema ng paniniwala
na nanggaling sa ating mga pangulo sa simbahan at gobyerno.
at sa kagustuhan nilang mapanatili tayong mangmang sa katotohanan.
At kung malantad na hindi tayo nag iisa sa sansinukob
at ang ating pangkalawakang kapamilya ay tunay
na mapagmahal at mapagkalingang mga nilalang
ang lahat ng ating mga pangulo ay mawawalan ng kapangyarihan.
Malalantad silang mga kriminal at mga sinungaling,
at mawawalan sila ng kredibilidad.
Kaya para sa kanilang pansariling interes
ang panatilihin tayo sa kadiliman.
Pero, alam mo ba?
Lahat ng iyan ay magbabago.
Tignan mo ang lahat ng tao sa mundo
na naguumpisang tumayo sa sariling paa
at magpahayag ng nalalaman nilang katotohanan.
Ang ating kapamilya sa kalawakan ay naghihintay lamang sa atin
to stand up and become our own leaders, na tumayo sa sariling mga paa at maging pangulo
magising at ipahayag ang ating kalayaan,
at angkinin ang kasarinlan bilang kasapi ng sangkatauhan,
at sama samang ipahayag na tayo ay malaya
mula sa dekadekadang panlilinlang.
hindi na tayo papayag na manatili sa kadiliman.
Panahon na para ipahayag ang ating kalayaan,
ipaalam sa lahat na
hindi tayo nag-iisa, dito sa napakalawak,at kahangahangang sansinukob.
Panahon na tumayo tayo at sabihing,
alam namin na nandito na ang aming kapamilya sa kalawakan.
Alam ko na nandito na ang aking kapamilya sa kalawakan. Ikaw, alam mo? - Anita Camera (German)
Alam ko na nandito na ang aking kapamilya sa kalawakan. Ikaw, alam mo?- Amit Jain (Hindi)
Pagbati at Bendisyon,
Ako si Geoffrey West.
Ipanapakita ng mga pangulong global ang kanilang pinili ngayon,
na hindi sila interesado sa kalusugan ng ating planeta,
ni sa sangkatauhan.
Sa katunayan, ang gusto nila ay kabaligtaran.
Subalit, isang pagkakataon para sa tunay na kapayapaan,
kalusugan at kasaganaan ay nasasa atin.
Ang kapayapaan ay dumadaloy mula sa may malay, mapagmahal na relasyon
sa lahat ng bagay pisikal man o hindi,
nakikita man o hindi,
dahil scientifically, energetically at spiritually,
tayong lahat ay iisa lamang.
Ang mga mabubuting pangkalawakang kapamilya natin
ay may kakayahang tanggalin ang mga pangulo at mga militar sa mundo,
pero kung gawin nila ito
ay violasyon sa kanilang batas at pamantayan ng pangangasiwa.
Sa katunayan na hindi nila ipinataw ang kanilang kalooban sa mga tao
ay isang dahilan kung bakit umabot sa ganito katagal
para sa pagsisiwalat na ito.
subalit, isa pang dahilan
ay dahil sa ang sangkatauhan ay pinabayaang magpasakop
habang pinabayaan din ang planeta na may karamdaman
may lakas, at buhay na entity.
Ito ngayon ang pagpipilian ng lahat ng tao sa mundo
para malaman kung paano tayo kumilos pasulong.
bilang isang bagong galaktikong bansang pangkalakawan,
buksan ang pintuan para sa ating mga nakalimutan at nahiwalay na kapatid sa kalawakan
Cosmic Vision News
ay sa ngayon, ang nag iisang news program nanagsasagawa ng opisyal na pagsisiwalat,
nagdadala ng mga balita tungkol sa pagsisiwalat
para sa mga tao sa buong mundo
Ito ay magpapatuloy hanggang
ang prinsipal na journalismo ay maglingkod sa sangkatauhan
at sa ating planeta ng isang mas etikal
at mapagmahal na tapang
na hinihingi natin sa kanila ngayon.
na may kagalakan, may pagsasalamat, at may pag-ibig,
Sinasabi ko,
Opisyal na sinasabi ko,
maligayang pagdating, sa ating pangkalawakang kapamilya,
at sama sama tayong maglingkod sa sangkatauhan at sa ating mundo,
Alam ko nandidito ang aking pangkalawakang kapamilya. Ikaw, alam mo? - Jimena Yantorno (Spanish)
Alam ko nandidito ang aking pangkalawakang kapamilya. Ikaw, alam mo? - Armine Zargerian (Armenian)
Kumusta sa inyo,
Ako si Linda Dillon,
at alam ko ang katotohanan ng ating kapamilya sa kalawakan sa buong buhay ko.
Dapat ko lang malaman,
dahil ako'y naglalagi ng mahabang panahon sa kanilang spaceship,
o lightships na siyang tawag nila dito.
Isa ako sa mapalad.
Kilala ko ang ating kapamilya sa kalawakan.
Kilala ko silang mababait,
matalino. mapagbigay at mapayapa.
Karamihan sa mga tao ay di alam ang pambihirang kontribusyon
na kanilang naibigay sa ating planeta.
Malalaking pagsulong sa teknolohiya, kasangkapan at aparato.
na kasalukuyang ginagamit natin ay regalo sa pamamagitan ng "back-engineering"
ng ating mga pangkalawakang kapamilya.
Mga Teknolohiya na tumulong
sa ating kagalingan at sa pag angat ng kumonidad,
at sa paglunas kay Gaia.
Ilan sa mga regalo nila ay makikita sa lahat ng sulok ng lipunan
ang silicon chip para sa computer; ang internet,
na base naman sa "universal internet"
green building technology para sa konstruksyon;
fiber optics; Teflon; Kevlar - ang listahan ay mahaba.
at habang nandito tayo,
hindi natin kalimutan ang aparato para sa libreng enerhiya.
nandito sila para tulungan tayo sa ating ebolusyon
at regaluhan tayo ng teknolohiya
na nagamit nila sa kanilang sariling ebolusyon.
Minsan minsan pinagtatanggol nila tayo,
kamakailan lamang,
ang mga kaibigang galaktiko ay tumulong kay Gaia
para tanggalin ang mga gamit na uranium
at ibang uri ng radioactivity sa hangin,
pinagaang ang epekto ng mga sakuna
gaya ng lindol at tsunami sa Japan
Napakarami ng video sa youtube tungkol dito,
panoorin niyo lang.
Tinutulongan din tayong linisin ang ating maruruming katubigan.
Ang ating kapamilyang pangkalawakan ay mapayapa
at mapagmahal, tumutulong kung may pahintulot,
hindi nakikialam sa ating malayang kalooban.
Iyan ang dahilan kaya hindi nila pinilit ang pagsisiwalat
bagkus ay tahimik na naghintay na tayong lahat ay maging handa sa kanila.
tanggapin natin na di tayo nag iisa.
Ang mga kapatid sa kalawakan ay puno ng pagmamahal at kapayapaang tutulong
sa ating "planetary Ascension"
Ganito ang pagka alam ko na nandito ang kapamilya ko sa kalawakan,
ngayon, at nandito sila para tulungan tayong lahat.
Alam ko nandidito ang aking pangkalawakang kapamilya. Ikaw, alam mo? - Claire Mastri (French)
Alam ko nandidito ang aking pangkalawakang kapamilya. Ikaw, alam mo? - Marco Missinato (Italian)
Hello.
Ako si Sierra Neblina,
ako ay isang braided walk-in.
Ibig sabihin nito ay nandito ako upang tumulong
bilang tao at isang galactic being.
Ako'y unang dumating sa planetang ito galing sa mas mataas na dimensyon
para tumulong sa mga tao nitong kritikal na yugto ng kasaysayan.
Noong 2007, Ako'y dumanas ng matinding stroke,
kung saan ako'y namatay, at dinala sa spaceship
at binigyan ng pagkakataon na makatrabaho ang isang galatic being
para mapagaling ang aking katawan at tulungan ako sa aking misyon.
Gumugol ako ng mga taon nagtrabaho sa sasakyang himpapawid
kasama ang kapamilyang pangkalawakan sa pag asang maibigay
itong simple subalit malalim na mensahe sa inyo:
Ang ating pangkalawakang kapamilya ay naririto
at inimbita tayong sumali na sa pangkalawakang yugto.
patuloy na dadami ang kanilang pagpapakita sa buong mundo.
at iyan ang paraan nila para ihanda tayo sa unang kontak.
Pinapakita nila na sila ay naparito dala ang kapayapaan.
sa pag iwas gumawa ng mga kilos maliban sa pagpapakita lamang.
Parami ng parami ang nakakakita ng magagandang display sa himpapawid
na kanilang pinapakita.
upang ipaalam sa atin,
hello, nandidito kami, at nais naming makilala kayo.
Hanggang maging maliwanag sa kanila
na tayo'y handa ng tumanggap sa kanila,
susulong na ang mga bagay bagay dahil hinihintay lang nila na tayo ay maging handa.
subalit para mangyari yan,
ay umangat tayo sa kultura na naka base sa takot.
malampasan natin ang naka kondisyon na reaksyon na dala ng pagkatakot
at umasa sa isang maliwanag at bagong kinabukasan na naghihintay sa ating lahat.
sa lalong madaling panahon, isang makabagong systema pinansyal
- na sa ngayon, ay binubuo -
ay malapit ng ipatupad.
magbigay sa atin ng kasaganaan, karangyaan,
isang buhay na madali, kalayaan mula sa kahirapan,
mga sakit, pagkagutom, walang tirahan at marami pa.
Mga Gobyerno at sistemang pinansyal
na nakabaon sa katiwalian
ay di makayanan ang pagdagdag ng kamalayan ng sankatauhan.
na patuloy ang pag angat
sa nalalabing mga buwan nitong taong ito.
lahat ng bakas ng kasamaan, mga katiwalian,
sa huli ay mawawala sa planetang ito.
Para mapahalagaan natin ang mapapasaatin,
marami sa ating mga paniniwala ngayon ay kailangang lumawak,
Sama-sama, tayo ay susulong sa panahon na lahat tayo
ay tratuhin ang bawat isa ng pantay pantay at iisa ang buong planeta.
susulong tayo sa isang kinabukasan
na puno ng pagmamahal, pantay, at may potensyal na lumikha,
na di hamak ay higit na nakakapagpatupad
kaysa sa ating mga nararanasan ngayon.
Ang Pagsisiwalat ay magbubukas ng pintuan nitong bago,
at kahanga-hangang kinabukasan.
Mas maraming tao ang may alam sa pagsisiwalat,
at mapagtanto ang mga benepisyo,
mas madali ang pagbabago
mula sa planetary society patungo sa galactic society.
kaya, masasabi ko sa iyo mula sa aking karanasan:
Alam ko nandito ang aking pangkalawakang kapamilya. Ikaw, alam mo?
Alam ko nandito ang aking pangkalawakang kapamilya. Ikaw, alam mo?-Daisy Chu (Cantonese)
Alam ko nandito ang aking pangkalawakang kapamilya. Ikaw, alam mo?-Mounir (Arabic)
At sa wakas, Ako si Stephen Cook.
Alam ko ang pagkakaroon ng ating kapamilya sa kalawakan
simula pa noong maliit na bata pa ako.
nakakita ako ng dose dosenang spaceships
at lightships naglalakbay sa ating kalangitan
sa buong buhay ko,
at naging maswerte pa ako na
magkaroon ng dalawang beses na malapitang enkwentro.
dito mismo sa Australia.
sa katunayan, bago ko maumpisahan ang video na ito,
nasa likuran ako ng bahay ko dito sa Sydney,
at nakita ko ang pinaka magandang
puting liwanag na starship sa ibabaw ng aking bahay.
At aking napagtanto ora mismo,
Alam ko nandito ang aking kapamilya sa kalawakan.
Alam ko naririto sila,
at naririto sila, dala ang pagmamahal at kapayapaan.
At nais ko na makiisa sila sa atin,
sa iyo at sa akin, sa ating mga kaibigan, sa ating pamilya,
sa ating mga kapitbahay,
at sama-samang gumawa ng isang mundong mapayapa,
isang mundo na nararapat sa atin.
Sa buong buhay ko,
Ako'y nagtatrabaho sa media.
Isa akong journalist,
at naging isang public relations manager
at media advisor para sa Sydney Olympic Games.
At dahil sa ganoon alam ko kung paano gumalaw ang media .
Alam ko kung gaano kakontrolado ang mainstream media.
At, nakakalungkot,
nagmumula sa nakapikit na media na ito,
nitong napaka- kontroladong media,
ang media na ikaw at ako
ay nagsasabi sa ating pagtiwalaan natin habang buhay,
na sana'y makapagsabi sa atin ng katotohanan tungkol sa ating kalawang kapamilya.
subalit hindi nila sinasabi ang katotohanan.
bagkus ay sinasabi sa ating sila ay mga aliens,
na naparito sila upang tayo ay sakupin.
Alam mo, TV, newspapers, radio
- lahat nagsasabi ng iisang bagay,
at pinagtatawanan pa ang mga taong katulad natin,
na alam na nandito ang ating kapamilya sa kalawakan.
Isipin mo na lang
- gosh! -
yung mga palabas na umaatake ang mga aliens,
iyong mga sumubok takutin tayo
sa kanilang mga kwento
na sasakupin tayong lahat!
sasabihin ko sa inyo ngayon,
kung naparito sila upang sakupin tayo,
wala na ako dito,
wala ka na rin dito.
Sa katunayan, lahat tayo ay mawawala na dito!
tayo ang may-ari ng ating media!
meron tayong YouTube at Facebook at Twitter at Vimeo
at Pinterest,
at buong hanay ng ibang social media outlets
na ating magagamit para mailabas ang katotohanan sa ating mga kaibigan,
ating pamilya, ating kapitbahay, ating mga katrabaho
At sa pamamagitan ng ating social media
na atin ngayong ibahagi ang balita
na ang ating kapamilya sa kalawakan ay nandito na.
kaya, ngayon,
hinihingi namin sa inyo na samahan kami sa InLight Radio
na gumawa ng sarili ninyong, personal na pagsisiwalat -
ang ibig kong sabihin ay isiwalat ninyo sa inyong mga kaibigan,
inyong pamilya, inyong kapitbahay, inyong mga katrabaho
na alam mo nandito na ang ating kapamilya sa kalawakan.
at iyan ang dahilan kung bakit ginawa namin itong video.
Ito ay libre.
Ito ay para ipamahagi mo.
kaya sungaban mo na at ipadala mo sa mga kaibigan mo,
via email, o sa Facebook page mo.
ilagay mo sa Twitter. ilagay mo sa iyong website.
Ipadala mo sa buong mundo!
At habang ginagawa mo ito, Ihingi ko sa iyo na hingin sa kanila,
at isiwalat nating lahat -
Alam ko, alam namin,
nandito ang aming kapamilya sa kalawakan.
ikaw, alam mo?
sinulat ni Steve Beckow at Stephen Cook
Directed and Edited by Graham Dewyea
Produced by InLight Radio
Graphics Anthony Morrison
Music Marco Missinato marcomissinato.com
Special Thanks To Allen Atkinson
Andrew Eardley
Alice Cull
Anthony Morrison
sage
The Family of Light Tanslator Group