Kung ihahambing ang pangungusap na ito sa buhay ni Jose Rizal, siya ay isang kulisap na naghahanap liwanag kahit ito ay mapanganib. Kaya siya ay umalis at nag-aral sa ibang bansa. Siya ay nagtungo sa Espanya, Pransiya at sa Alemanya.
Nang bumalik si Rizal sa Pilipinas mula sa Espanya, siya ay pinaratangan ng paghihimagsik. Siya ay nilitis at hinatulan ng kamatayan. Noong ika-30 ng Disyembre 1896, binaril siya sa Bagumbayan na ngayon ay Luneta.