X
Create
Sign in

  • Movies
  • TV Shows
  • Music
  • Speeches
  • Gaming
  • Education
  • Beauty
  • Sports
  • Technology
  • Science
  • Health
  • Travel
  • Transportation
  • Career & Work
  • Hobbies
  • Animals
  • Home & Garden
  • Holidays
  • Relationships
  • Parenting
  • Food
  • Culture
  • Finance
  • Business
  • Legal
  • Arts

Ang Kwento ng Gamu Gamo ni Jose Rizal

Ang Kwento ng Gamu Gamo, ay kwentong binasa ng ina ni Jose Rizal habang sila ay nag-aaral ng kanyang mga aralin noong siya ay bata pa lamang.
#Culture & Society #Legends & Folklore #Jose Rizal #Ang Kwento ng Gamu Gamo
Edit
301 views
1 editor
edited 1+ month ago
Home Annotations Editors
  • Images
  • Bookmarks
Share on facebook Share on twitter Share on Google+
Tip: Highlight text to annotate itX
Ang ina ni Rizal ang unang nagturo sa kanya ng pagbasa. Kung sila ay inaabot ng gabi at si Rizal ay pagod na sa pag- aaral ng pagbasa, si Ginang Rizal naman ang bumabasa at ang anak ang nakikinig. Isang gabi silang dalawa na lamang ang naiwang gising sa kanilang bahay. Sa kanilang pagbasa ay wala nang ilaw na may sindi maliban sa osang tinghoy. Si Rizal ay nag-aantok at pagod na sa pagbasa ng librong kangyang pinag-aaralan. Kaya ang Ina naman ang bumasa at si Rizal ay naking nalamang.  Hindi rin nagtagal at ang bata ay napagod sa pakikinig. Siya ay nalibang ng mabuti sa mga gamugamo na naglalaro sa ilaw. Minsan, si Rizal ay naghikab at napansin ng ina na hindi na ito nakikinig. Huminto ito ng pagbasa at saka nagwika. "Ngayon ay babasahin ko sa iyo  ang isang marikit na kwento. Makinig kang mabuti". Nang marinig ni Rizal ang salitang "kwento," nadilat ang kanyang mga mata at tumingin sa Ina. Dagling nawala ang kanyang antok. Pinagmasdan niya ang kanyang ina habang binubuksang isa'isa ang mga dahon ng libro sa paghanap ng kwentong babasahin. Mayamaya'y nagsimula ang Ina ng pagbasa.  Mayroon daw dalawang ga gamugamo, isang matanda at isang bata. Maibigin silang maglaro sa tabi ng ilaw na kandila. Isang gabi ang batang gamugamo ay lumipad nang lubhang malapit sa ningas ng kandila. "Mag-ingat ka!" ang tawag ng matandang gamugamo. "Baka masunog ang pakpak mo ay hindi ka na makalipad." "Hindi ako natatakot," ang mayabang na sagot ng batang gamugamo. At nagpatuloy siya ng palipad sa paligid-ligid ng magandang ningas. Minsan, sa kanyang paglipad ay nadikit sa ningas ang kanyang pakpak at siya ay nalaglag sa mesa.  "Sinabi ko na nga ba sa iyo," ang sabi ng matandang gamugamo. "Ngayon ay hindi ka na makalilipad na muli. Samantalang nakikinig si Rizal sa kwento nalilibang naman siya sa maliliit na gamugamong naglalaro sa kanilang ilaw. Napansin nya ang malaking hangad ng maliliit na kulisap na makalapit sa ilaw sa paghanap ng liwanag kahit mapanganib. At nang masunog ang pakpak at malaglag sa mesa ang batang gamugamo sa kwento ay siya ring pagkasunog ng pakpak at pagkalaglag ng isang tunay na gamugamo sa langis ng tinghoy. Dahil sa pagkalibang sa mga gamugamo hindi na niya napansing tapos na sa pagbasa ang kanyang ina. Isa mahalagang bagay ang kanyang natutuhan. Isang dakilang aral ang kanyang nakuha sa mga gamugamo. Ang maliit na kulisap pala ay marunong ding magbigay ng pangaral na tulad ng kanyang ina. At ang mga gamugamo pala ay hindi natatakot mamatay sa paghanap ng liwanag. Nang sila ay matutulog na nang gabing iyan, sinabi ni Rizal sa kanyang ina, "Huwag mong paparisan ang ginawa ng batang gamugamo. Makikinig ka sa pangaral upang ikaw ay hindi mapahamak." Ang pangyayaring ito at namalagi sa alaala ni Rizal hanggang siya ay tumanda. At sa wakas ay nakita nating siya ay nagpakamatay sa paghanap ng ilaw at liwanag para sa kanyang bayan. Pinagmulan: Online Health Wellness
Activity
  • Activity
  • Annotations
  • Notes
  • Edits
Sort
  • Newest
  • Best
Marjz annotated1+ month ago

Ningas ng kandila, and ibig sabihin ay sindi o ilaw ng kandila. ...

Permalink Edit Editors
Share

Share this annotation:

Marjz annotated1+ month ago

Marikit, ang ibang ibig sabihin ay maganda at kapupulutan ng aral. ...

Permalink Edit Editors
Share

Share this annotation:

Marjz annotated1+ month ago

Ang Kwento ng Gamu Gamo, ay kwentong binasa ng ina ni Jose Rizal habang sila ay nag-aaral ng kanyang mga aralin noong siya ay bata pa lamang. ...

#Culture & Society #Legends & Folklore #Jose Rizal #Ang Kwento ng Gamu Gamo
-1
Permalink Edit Editors
Share

Share this annotation:

Marjz annotated1+ month ago

Kung ihahambing ang pangungusap na ito sa buhay ni Jose Rizal, siya ay isang kulisap na naghahanap liwanag kahit ito ay mapanganib. Kaya siya ay umalis at nag-aral sa ibang bansa. Siya ay nagtungo sa Espanya, Pransiya at sa Alemanya. ...

-1
Permalink Edit Editors
Share

Share this annotation:

Marjz annotated1+ month ago

Ang mga gamugamo at si Jose Rizal

Mga Kwentong Sinauna, Ating Sariwaing Muli: Ang Mga Gamugamo at Si Jose Rizal

onlinehealthwellness.blogspot.com

Permalink Edit Editors
Share

Share this annotation:

Marjz annotated1+ month ago

Nang bumalik si Rizal sa Pilipinas mula sa Espanya, siya ay pinaratangan ng paghihimagsik. Siya ay nilitis at hinatulan ng kamatayan. Noong ika-30 ng Disyembre 1896, binaril siya sa Bagumbayan na ngayon ay Luneta. ...

Permalink Edit Editors
Share

Share this annotation:

Marjz created this page1+ month ago

Hello world. It's a new page!

Marjz edited1+ month ago

Ang Kwento ng Gamu Gamo ni Jose Rizal

English Worldwide About Copyright Privacy Terms
© 2023 Readable
Photos Media Bookmark
X Annotate